You are on page 1of 9

1

I. Layunin
Sa loob ng 40 minuto, inaasahang lahat ng mag-aaral ay masusuri ang
kaibahan ng kakapusan at kakulangan, nakikilala ang mga dahilan nito at
nakapagmumungkahi ng mga paraaan para malabanan ito ng may hindi
bababa sa 75 bahagdan ng pagkatuto.

A. Natutukoy ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng kakapusan.


B. Naisusulat ang kaibahan ng kakapusan at kakulangan sa pamamagitan
ng Venn Diagram.
C. Nakapagmumungkahi ng mga paraaang makatutulong upang malabanan
ang kakapusan.

II. Nilalaman
A. Paksa:
KAKAPUSAN AT KAKULANGAN
B. Sanggunian
Ekonomiks: Kayamanan IV, pp. 22 23
Pana-Panahon IV: Worktext para sa Araling Panlipunan Ikaapat na Taon
Ekonomiks, pp.105 109
Unawain Natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino, pp. 12 13
K to 12 Gabay Pangkurikulum: Araling Panlipunan Baitang 1 10, pp. 85
C. Mga Kagamitan
Venn Diagram
Larawan
Yeso
Pisara
D. Estratehiya
Concept Mapping Buzz Session
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga!
Magandang umaga rin po.

2. Pagsasaayos ng Silid
Bago natin simulan ang ating klase paki-
ayos muna ang inyong mga upuan. (Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang
mga upuan.)

3. Pagtala ng Lumiban
Mayroon bang lumiban sa klase ngayon?
Wala po.
Magaling. Simulan na natin 1ng ating
aralin.
2

3. Balik Aral
Bago tayo dumako sa ating aralin ay
magkakaroon muna tayo ng balik aral.
Tinalakay natin noong nakaraan nating
pagkikita ang mga likas na yaman. Ano ba
ang mga likas na yaman? Ito po ay tumutukoy sa mga bagay na likha
ng kalikasan bukod sa tao.

Magaling. Magbigay nga ng tatlong uri


nito. Yamang-lupa, yamang-gubat at yamang-
tubig po.

Mahusay.

4. Pagganyak
Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong
aralin. Pero bago ang lahat nais ko
munang tingnan ninyo ang larawan na ito.
Ano ang makikita ninyo?
(Magpapakita ng isang larawan. Kalakip
1.) Sir, may lalaki po na maraming
katanungan.
Magaling. At ano naman ang mga
nakapaligid sa kanya?
Pagkatao, pangkabuhayan, panlipunan at
pampulitika.
Tama. Sa tingin ninyo bakit kaya marami
siyang katanungan sa mga bagay na ito?
Sir, kulang po kasi ang kaniyang kaalaman
Magaling. Siya ay may kakulangan o ukol sa mga bagay na ito.
kakapusan sa kaalaman ukol sa mga
bagay-bagay. Ang kakulangang ito at
kakapusan ay hindi lamang dito
nangyayari bagkus maging sa ating
ekonomiya.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay
tungkol sa kakapusan at kakulangan. Ang
mga bagay na ito ay may malaking ambag
sa pang-ekonomikong aspeto. Sa tingin
ninyo bakit kaya nagkakaroon ng
kakapusan?
Nagkakaroon po ng kakapusan dahil po
3

sa: (1) walang hanggang pangangailangan


at hilig ng tao, at (2) limitadong
pinagkukunang yaman.
Magaling.

2. Pangkatang Gawain
Ngayon naman upang mas maintindihan
ninyo ang ibig sabihin ng kakapusan ay
ating ihahambing ito sa kakulangan sa
pamamagitan ng isang Venn Diagram.
Hahatiin ko ang klase sa apat (4) na grupo
at bibigyan ng limang (5) minuto upang
mag-brainstorm. Matapos ito ay pipili ng
isang mag-uulat sa harap.
(*Magbibigay ang guro ng kartolina na
may Venn Diagram at babasahin. Kalakip
3. Babasahin)
(Iu-ulat ng lider ng grupo ang
napagkasunduang sagot sa loob ng (2)
dalawang minuto.)
C. Pagtalakay
Ngayon naman ay tingnan ninyo ang Data
Information sa harapan. Pupunan natin
ang diagram na ito. Ating paghahambingin
ang Kakapusan at Kakulungan. Titingnan
natin kung ano ba ang pagkakaiba nila sa
tagal, problema sa ekonomiya at
limitasyon. Susuriin natin mamaya ang
inyong mga sagot kung tama ba ito.

(Ilalagay ng guro ang Data Information


Chart sa pisara. Sa bawat katanungan ay
isusulat ng mag-aaral ang kanyang sagot
sa ispesipikong lugar. )

Ano ba ang kakapusan?


Ang kakapusan po ay pangunahing
katangian ng mga pangkalahatang
pinagkukunang- yaman dahil marami itong
mapaggagamitan sa harap ng limitadong
dami.
Tama. Sa kabilang banda ano naman
kaya ang kakulangan?
Ang kakulangan po ay ang ispesipikong
kalagayan kung saan ang suplay ng isang
bagay ay hindi sapat upang tugunan and
4

demand nito.
Kung itutuon natin ang ating sarili sa Data
Information Chart. Ano gaano kaya
tumatagal ang kakapusan? Ang
kakulangan?
Sir, ang kakapusan po ay tumatagal ng
pang-matagalan. Samantala, ang
kakulangan po ay tumatagal
pansamantala.
Magaling. Ano naman kaya ang problema
o dahilan kung bakit may kakapusan at
kakulangan?
Nagkakaroon po ng kakapusan dahil po sa
problema sa pwersang pang-kalikasan.
Samantala, nagkakaroon naman po ng
kakulangan dahil sa problema sa
alokasyon.
Mahusay! Ngayong alam na natin ang
mga problema kung bakit nagkakaroon ng
kakulangan at kakapusan, ano naman
kaya ang nagiging limitado dahil dito?
Dahil po sa kakapusan ay nagiging
limitado ang pinagkukunang-yaman.
Samantala, sa kakulangan naman po
nagiging limitado ang ispesipikong dami
ng suplay.
Magaling. Nakita niyo na ang pagkaka-iba
ng dalawa sa Data Information Chart.
Ngayon ano naman kaya ang pagkaka-
pareho ng dalawa?
Kapwa po silang naglalahad ng hindi
pagiging sapat ng panustos sa ating mga
pangangailangan.
Tama. Ngayon naman ay mag-bigay nga
kayo ng halimbawa ng sitwasyong pang-
ekonomiko kung saan nahaharap tayo sa
kakapusan?
. Nahaharap po tayo sa kakapusan sa
langis. (*Maaaring magbago ang sagot
batay sa ideya ng mag-aaral.)
Mahusay. Magbigay naman kayo ng
halimbawa ng sitwasyong pang-
ekonomiko kung saan nahaharap tayo sa
kakulangan?
Nahaharap po tayo sa kakulangan sa
bawang at bigas. (*Maaring magbago ang
5

Tama. Dahil kalimitang nangyayari ang sagot batay sa ideya ng mag-aaral.)


hoarding o pagtatago ng suplay. Ang mga
madalas na gumagawa nito ay ang mga
miyembro ng cartel.

Ano naman kaya ang cartel?


Ang cartel po ay pangkat ng tao na
kumokontrol at nagmamanipula ng
pamamahagi, pagbili at pagpepresyo ng
mga produkto.
D. Paglalahat
Balikan muli natin ang ating pinag-aralan.
Ano ang dalawang dahilan ng kakapusan?
Sir, dahil po (1) walang hanggang
pangangailangan at hilig ng tao, at (2)
limitadong pinagkukunang yaman.
Magaling. At ano ang pagkaka-iba ng
kakapusan sa kakulangan?
Ang kakapusan po ay pangunahing
katangian ng mga pangkalahatang
pinagkukunang- yaman dahil marami itong
mapaggagamitan sa harap ng limitadong
dami. Samantalang, ang kakulangan po ay
ang ispesipikong kalagayan kung saan
ang suplay ng isang bagay ay hindi sapat
upang tugunan and demand nito.
Mahusay!
E. Paglalapat
Bilang mag-aaral ano kaya ang inyong
magagawa upang sa ganoon ay
malabanan natin ang kakapusan?

Inaasahang sagot:
Magtitipid po ng papel.
Bibilhin lamang po ang dapat na
gamitin.
Matututong patayin ang ilaw at
gripo kapag hindi ginagamit.
Magre-recycle po.
(Ang sagot ng mag-aaral ay maaring
magbago ayon sa kanilang ideya.)
Magaling. Ang lahat ng inyong sinabi ay
totoong makatutulong upang maibsan ang
kakapusan at tumagal an gating paggamit
ng mga likas na yaman. Ang tawag dito ay
pangmatagalang paggamit o (sustainable
6

use).

IV. Pagtataya

Ngayon ay lubos na ninyong naunawaan ang ating aralin. (Bibigyan ng


sagutang papel ang mga mag-aaral.)

I. Maramihang Pili. Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ito ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng produkto sa pamilihan.
a. Kakulangan b. Kakapusan c. Produksyon d. Pagkonsumo
2. Ito ay tumutukoy sa limitadong dami ng pangkalahatang pinagkukunang-
yaman.
a. Kakulangan b. Kakapusan c. Produksyon d. Pagkonsumo
3. Ito ay tumutukoy sa pang-matagalang gamit ng likas na yaman.
a. recycling b. reducing c. reusing d. sustainable use
4. Ano ang problemang pinagmumulan ng kakapusan at kakulangan?
a. alokasyon at likas na yaman c. pagkonsumo at alokasyon
b. pagkonsumo at produksyon d. likas na yaman at produksyon

II. MB o MS. Tukuyin kung ang pahayag ay makabubuti o makasasama sa


ekonomiya.

__1. Pagkahilig ng tao sa mga produkto na hindi kailangan ng bansa.


__2. Pansariling interes ng mga negosyante ang inuuna.
__3. Paggamit muli ng notebook na wala pa namang gaanong sulat.
__4. Pagbili lamang ng bagay na kailangan.
__5. Pag-aaksaya sa mga likas na yaman ng bansa.
__6. Pinapatay ang ilaw at gripo kung hindi ginagamit.

V. Takdang Aralin
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
1. Pangangailangan
2. Kagustuhan
3. Pagkonsumo
4. Produksyon
7

Kalakip 1. Larawan sa Pagganyak


8

Kalakip 2.1 Venn Diagram


Inihahambing ang pagkaka-pareho at pagkaka-iba ng Kakulangan at Kakapusan

KAKULANGAN
KAKAPUSAN
-limitado ang dami ng
-limitadong dami ng
suplay ng isang
pangkalahatang
ispesipikong bagay at
pinagkukunang-yaman
hindi matugunan ang
-problema sa pwersang demand nito
pangkalikasan
9

Kapwa naglalahad ang mga ito ng hindi pagiging sapat ng panustos sa ating
mga pangangailangan

Kalakip 2.2 Data Information Chart

KAKAPUSAN KAKULANGAN
TAGAL Pang-matagalan Pansamantala
PROBLEMA Pwersang Pangkalikasan Alokasyon
LIMITASYON Pinagkukunang-yaman Suplay

You might also like