You are on page 1of 4

I.

Layunin: Pagkatapos ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nasusuri ang konsepto at palatandaan ng Implasyon -AP9MAKIIId-8
b. Nasusuri ang iba’t ibang dahilan at epekto ng implasyon -AP9MAKIIIe-10
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-Iimpok at Pagkonsumo
B. Sangguniang Aklat: EKONOMIKS: Araling Panlipunan Modyul para sa mag-aaral,
Pahina: 271-282
Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks pahina 208-215
C. Mga Materyales: Mga tulong biswal (Visual Aids)
Laptop
telebisyon
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo na ang lahat, ating simulan ang umaga na ito (Magsisitayo ang mga mag-aaral at umpisahan ang
ng isang panalangin. panalangin)

(Magtatalaga ng isang mag-aaral)

2.Pagbati
Magandang umaga Magandang umaga rin po mam.

Magsiupo na ang lahat (Magsisiupo ang mag-aaral)

3. Pagtatala ng Liban
May lumiban ba? Wala po!

Bigyan ang bawat isa ng “Aling Dionisia Clap” 1 2 3! 1 2 3! Birigud Birigud!

B. Pagganyak
Ano ang ipinapakita ng nasa larawan klas? Mam ipinapakita ng larawan ang pagkakaiba ng dami ng
nabibili ng halagang 1000 na kung saan mas marami
ang nabibiling produkto noon kumpara ngayon mam.
Mam ito po ay usapin tungkol sa pagtaas ng presyo.
Kung gagawan ninyo ng caption ang larawang ito, ano
ito? (Iba-iba ang sagot)

Ano ang ipinapakita ng larawan? Mam, implasyon po.


Mahusay!

Ano ang iyong nagiging reaksiyon sa implasyon na ating


nararanasan dito sa bansa?
Maaari mo bang ibahagi ang iyong karanasan?

C. Paglinang ng Aralin
Upang lubos na maunawaan ang aralin dadako na tayo
ngayon sa ating pangkatang gawain.
Pangkat 1- Magsasagawa ng isang tula/ awit upang
ipakita ang kahulugan o konsepto ng implasyon.
Pangkat 2 - Magpapakita ng scenario na naglalarawan
kung paano tumataas ang mga presyo ng mga bilihin.
Pangkat 3- Gumuhit ng poster na nagpapakita ng epekto
ng implasyon.
Pangkat 4- Magsasagawa ng skit / role play na
nagpapakita ng solusyon ng implasyon.

(Ang bawat pangkat ay binigyan 20 minutong


paghahanda para sa kani-kanilang presentasyon.)

Ngayon ay tinatawagan na ang pangkat 1 upang ipakita


ang kanilang presentasyon. (Ilalahad ng miyembro)

Magaling Group 1! Bigyan nga ng “Pasabog Clap” ang


Group 1

Ano ang napansin niyo na ginawa ng pangkat1? (Magkakaiba ang sagot)

Ngayon naman ay dadako tayo sa Ikalawang Pangkat. (Ilalahad ng miyembro)

Magaling Pangkat 2! Bigyan nga din sila ng “Pasabog


Clap”

Ano ang napansin nyo na ginawa ng Group 2? (Magkakaiba ang sagot)

Ngayon namang panoorin natin ang ikatlong grupo sa (Ilalahad ng miyembro)


kanilang inihandang presentasyon.

Magaling bigyan naman natin sila ng “Malupet Clap”

Ano kaya ang ginawa ng ikatlong pangkat?

At ang panghuling grupo. (Ilalahad ng miyembro)

Magaling bigyan natin sila ng “Malupet Clap”

D. Paglalahat
Magtatawag ng apat na mag-aaral para ilahad ang
kanyang natutunan.
1 mag-aaral – konsepto ng implasyon
1 mag-aaral- dahilan ng implasyon
1 mag-aaral-epekto ng implasyon
1 mag-aaral- solusyon ng implasyon

Mahuasy!

IV. Pagtataya
1. Kung ikaw ang pangulo ng bansang Pilipinas, ano ang iyong gagawin upang malutas o masolusyunan ang patuloy na pagtaas ng
presyo ng mga bilihin ng bansa para sa ikakabuti ng mamamayang Pilipino? 10 pts.
V. Takdang –Aralin
Manaliksik at magbasa ng mga balitang may kaugnay sa implasyon ng Pilipinas. Ito ay ilalagay sa short bond paper.
Pagkatapos, sa ibaba ng balita ibigay ang iyong reaksiyon patungkol dito. 20 points.

You might also like