You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


Taguig City

Pangalan: Pena, Cevastian Daniel C. Kurso: BSED-ENG 2-1


Student #: 2020-00216-TG-0 Subject Course: Panitikang Filipino

KABANATA 3
Basahin at unawain ang maikling kuwentong “Kapayaan sa madaling araw” ni Rogelio Ordoñez.
Mga gabay na tanong para sa pag-unawa sa pagbabasa:

1. Sa anong sector nabibilang pangunahing tauhan o mga pangunahing tauhan.


Ang mga pangunahing tauhan na sina Andong at Totoy ay nabibilang sa pinaka mababang sektor ng
lipunan. Umaasa lamang si Andong sa kakaunting barya na ibinibigay sakanya ng mga tao upang
makakain ang anak ng pansit at pandesal.
2. Ano ang mga nagtutulak sa pangunahing tauhan sa kaniyang mga desisyon at aksyon?
Nagtulak sa kanya upang umabot sa ganoong desisyon ay ang kawalan ng pag-asa sa kanyang buhay.
Nagkasakit sya at di magkatrabaho at iniwan siya ng kaniyang asawa na si Tasya. Nanlilimos sya at
umaasa na lamang sa barya na maibibigay ng mgatao. Patuloy na ipinapakita sa maikling kwento ang
paghihirap ni Adong, ang pagka walang pag-asa na tila’y ayaw niya nang masubaybayan ang pag-sikat ng
araw.
3. Anong bahagi ng realidad ng lipunan ang sinasalamin ng akda?

Hindi lahat ay may kakayanang


kumain ng tatlong beses sa
isang araw, hindi lahat
ay may trabaho, hindi lahat ay
kumpleto ang pamilya, hindi
lahat ay di pinoproblema ang
mga kaganapan sa susunod na
mga araw, hindi lahat walang
sakit, hindi lahat may mga
taong susmusuporta, at ang
pinakamasaklap sa lahat ay
ang ‘hindi lahat’ na ito ay
nagsasaama-sama at marami na
ang nabibiktima sa mga
mahihirap na sektor ng lipunan.
Ang mga nakakaangat sa itaas ay mas maraming pribelehiyo kaysa sa mga nasa ibaba. Ipanapakita
lamang sa kwento na ito na ang estado mo sa buhay ay nakakaapekto sa mga opurtunidad na maaari
mong makuha. Hindi lahat ay nabibiyaan ng pagkakataon na magkaroon ng magandang buhay at iyon
ang realidad.
4. Ano ang kahalagahan sa lipunan ng akda?
Ang lipunan para sa mata ng may akda ay hindi pantay-pantay. Sa dami ng mga taong ganid sa
kapangyarihan at karangyaan, ay naapektuhan ang mga taong nasa pinaka laylayan ng ating
lipunan. Ipinapakita niya na hindi lahat ay maidadaan sa diskarte at sipag lalo na kung nasa
sitwasyon ka ng mga pangunahing tauhan, hindi sa lahat ng oras ay isisisi sa mga tao ang
kanilang kalagayan kundi sa bulok na sistema na mayroon tayo sa pamamalakad sa ating mga
mamamayan.

You might also like