You are on page 1of 2

TECH REPORTING SCRIPT

#1

“Muli, isang mapagpalang umaga sa ating lahat. Ako si Jio Pamintuan at narito ako
upang ibahagi sa inyo ang aking paksa na tungkol sa mga isyung kinahaharap ng ating
bansa sa aspeto ng Agham at Teknolohiya or Science and Technology.

At iyon ay ang Persistent Poverty and Increasing Inequality”

#2

“Simulan natin ang ating talakayan sa isang maikling quotation mula kay Mr. George
Packer na isang American journalist, novelist, at playwright.
Ang sabi nya, “ …. “

Dinidivide ng inequality ang ating lipunan sa iba’t ibang social classes, nariyan ang mga
bourgeoisie (bourjuwasie) ang mga capitalistic people ng ating bansa o ang tinatawag
na ruling class, middle class at working class.”

#3-4

“Isang mahusay na halimbawa nito ang movie na PARASITE no, for those have
watched it I hope na may nakuha kayong mga knowledge about it. It really exposes how
the poor and the rich differ. Napakalaki ng pagkakaiba, yung ULAN para sa mga
mayayaman “Blessing” daw kasi naki cleanse ang paligid. Habang para sa mga
mahihirap at maralita naman ay isang “Curse” dahil kitang kita naman yung bahay nila
sa film ay lubog sa baha.

That is why hindi natin pwedeng sisihin ang mamamayan kung bakit sila patuloy
naghihirap, hindi lang ito usapin ng indibidwalidad at nakatuon lang sa pagkatao no, ito
ay ang usaping panlipunan dahil ang lipunan ang siyang nagtutulak sa mga
mamamayan para kumilos.

This is very relevant for all of us, lalo’t Science Technology and Society ang subject na
ito, we should also be vigilant to our society, kung gano tayo kamulat sa mga
advancement sa science and technology, dapat ganoon din ang ipamalas natin sa ating
lipunan.

#5
It all roots to these reasons, Neoimperialism and Neoliberalism in the Philippine Setting.

Dito nag uugat lahat ng problema ng ating bansa at lipunan, sa ilalim ng


makapangyarihang bansa na Estados Unidos. Unti unting nalulugmok ang ating nayon.

This pandemic exposes the truth to the masses, ang kitang kita at lantarang pagkahati
ng social class sa ating bansa. Makikita natin ang mga maykapangyarihan na “sitting
pretty” at very comfortable sa kanilang mga home offices, habang ang mga maralita ay
nagkukumahog sa paghanap ng ipapakain nila sa kani-kanilang pamilya.

History will tell you time and time again, na nauulit lang ang mga nangyari sa nakaraan
sa kasalukuyan and it will continue to happen UNLESS YOU MAKE A STAND!

#6

Let this be a big challenge for all of us. As BOSCONIANS we are being honed to
become honest Christians, responsible and upright citizens of our country. As part of
the future workforce it is up to us to stand for the truth and just, not only for ourselves
but also for others.

You might also like