You are on page 1of 20

A, A T T AL IN G HA G A S A T UL A

SUKAT , T U G M
MAYAMAN SA TULA ANG KABIHASNANG PILIPINO. MULA NOONG UNANG
PANAHON, ANG ATING MGA NINUNO AY NABUHAY SA MGA TULANG
KANILANG NABUO NA KANILANG IPINASA SA MGA TAO SA PAGLIPAS NG
PANAHON. ANG MGA TULANG ITO AY NAGTUTURO AT NAGBIBIGAY-ARAL
NA SIYA RING SUMASALAMIN SA MAYAMAN NATING KULTURA.
Click icon to add picture

AWIT AY SURIIN
PANUTO: SA INYONG ACTIVITY NOTE
BOOK, SAGUTAN ANG MGA TANONG SA
IBABA.
Mga katanungan

1. Ano ang tema na ipinirating ng awitin?

2. Ano ang katangian ng awitin ang iyong Nakita o natuklasan?

3. IPALIWANAG ANG RITMO NG KANTA

4. ANO ANG MGA SALITA SA AWITIN ANG HINDI PANGKARANIWANG GINAGAMIT? TUKUYIN ANG KAHULUGAN NG BAWAT
ISA.
ANO ANG KAHULUGAN NG TULA?
•ANG TULA AY ISANG URI NG PANITIKAN NA BINUBUO NG
MGA SALITANG MAY RITMO AT METRO. ANG RITMO AY ANG
HABA O IKSI NG MGA PATTERN SAMANTALANG ANG METRO
AY TUMURUKOY SA HABA O IKSI NG BILANG NG MGA PANTIG
SA BAWAT LINYA.
ELEMENTO NG TULA
•SUKAT
ITO AY TUMUTUKOY SA BILANG NG PANTIG NG BAWAT TALUDTOD NA
BUMUBUO SA ISANG SAKTONG. ANG PANTIG AY TUMUTUKOY SA
PARAAN NG PAGBASA.

HALIMBAWA:
ISDA
IS-DA-KO-SA-MA-RI-VE-LES-
HALIMBAWA
ORGANONG SA LOOB NG ISANG SIMBAHAN
AY NA NANALANGIN SA KAPIGHATIAN
MULA SA TULANG “ISANG PUNONGKAHOY”, MAY SUKAT NA
LALABINDALAWAHING PANTIG NA KAPAG BINASA ANG BAWAT TALUTOD AY
NAGKAKAROON NG SAGLIT NA TIGIL SA GITNA O SA IKAANIM NA PANTIG. ANG
SAGLIT NA TIGIL NA ITO AY TINATAWAG NA SESURA.
TUKUYIN ANG SUKAT NG MGA SUMUSUNOD
• ANG LAKI SA LAYAW KARANIWA’Y HUBAD
SA BAIT AT MUNI, SA HATOL AY SALAT.

• HIMIG NG ISANG MUSUKA


SA AKIN AY MAHALAGA

• TUMUTUBONG MGA PALAY, GULAY AT MARAMING MGA BAGAY


NAROON DIN SA LOOBANG MAY BAKOD PANG KAHOY NA MALABAY.
URI NG SUKAT
•WAWALUHIN
•LALABINDALAWAHIN
•LALABING-ANIMIN
•LALABINGWALUHIN
ELEMENTO NG TULA

TUGMA
TUMUTUKOY SA PAGKAKATULAD
NG MGA TUNOG NA MATATAGPUAN
SA HULING PANTIG NG SALITA NA
NASA HULIHAN NG BAWAT
TALUDTURA.
MGA URI NG TUGMA
•TUGMANG GANAP- May magkakaparehong tunog ng huling pantig o
dulumpantig ng bawat taludtod.
halimbawa:
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? wala na nga, wala.
MGA URI NG TUGMA
• TUGMANG DI-GANAP- May magkakaparehong patinig sa huling pantig 0 dulumpantig
subalit nagkakaiba sa ang huling katinig sa bawat taludtod.
HALIMBAWA:
Pinipintuho kong bayan ay paalam
Lupang iniirog ng sikat ng araw
Mutyang mahalaga sa dagat silangan,
Kaluwalhating sa ami’y pumanaw.
ELEMENTO NG TULA

•TALINGHAGA (PAGGAMIT NG TAYUTAY)-


ITO ANG PAGGAMIT NG MASINING NA
SALITANG NAGBIBIGAY NG HIGIT NA
KARIKTAN SA TULA.
TAYUTAY
• PAGTUTULAD (SIMILI)- Paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may
pagkakaugnay na mga bagay at ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, paris ng,
kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.

Halimbawa:
Ang pag-ibig mo ay parang tubig-walang lasa.
Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.
TAYUTAY
• METAPORA (METAPHOR)- Tulad ng pagtutulad, ang metapora ay naghahambing din
subalit direkta ang paghahambing ng dalawang bagay at hindi na ginagamitan ng
mga panlapi at salitang naghahambing.

Halimbawa:
Si Elene ay isang magandang bulaklak.
Ang kanyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagbiok ng panahon.
TAYUTAY

• PERSONIPIKASYON (PERSONIFICATION)- Pagsasalin ng mga katangian ng isang tao


tulad ng talion, gawi, at kilos ng mga bagay na walang buhay.

Halimbawa:
Lumuluha pati ang langit sa kanyang naging kasawian.
Inaanyayahan kami ng ilog na maligo.
TAYUTAY

• PAGMAMALABIS O EKSAHERASYON (HYPERBOLE)- Pinalalabis o pinakukulang ang


kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy.

Halimbawa:
Bumabaha ng dugo sa lansangan
Kaya kong sungkitin ang bituin marinig ko lamang ang matamis mong oo.
TAYUTAY
• PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)- Sa pagpapahayag na ito, maaaring banggitin
ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan at maaari naming ang isang tao ay
kumakatawan sa isang pangkat.

Halimbawa:
Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
Hingin mo ang kanyang kamay
May mga tainga ang pader.
TAYUTAY
• PAGTAWAG (APOSTROPHE)- Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang
dinaramang kaisipang para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang
gayong wala naman ay parang naroo’t kaharap.

Halimbawa:
Pag-ibig, tingnan mo ang ginawa mo sa puso kong sugatan.
O, tukso! Layuan mo ako!
TAYUTAY
• PAGTANGGI (LITOTES)- Gumagamit ito ng panangging Hindi upang magpahiwatig
ng isang makabuluhang pagsang-ayon.

Halimbawa:
Hindi ko sinasabing tamad ka, ngunit bakit maraming kalat sa bahay?
Hindi ko sinasabing matigas ka subalit nadarama kong pinatigas na ng panahon ang
iyong puso at damdamin.

You might also like