You are on page 1of 9

Buod ng "Ang talinghaga tungkol sa May-ari ng ubasan"

(Mateo 20: 1-16 Bagong tipan)

Ang may-ari ng ubasan ay nag-hahanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan, lahat ng nakikita
niyang walang ginagawa ay pinapapunta niya sakanyang ubasan at nagkasundo sila sa upa na isang
salaping pilak, nang binigay sakanila ang upa nag-reklamo ang unang nagtrabaho dahil pare-pareho sila
ng upang natanggap, sumagot ang may-ari ng ubasan na hindi niya ito din daya dahil nagkasundo na sila
sa upa na isang Salaping pilak. Ayon kay Hesus (Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli).

TAYUTAY

Tayutay→ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng salita upang gawing mabisa,
matalinghaga, makulay, at at kaakit-akit ang pagpapahayag.

EUPEMISMO O YUFEMISMO

Eupemismo o Yufemismo→Ay ang pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang
matalim, bulgar o bastos na tuwirang nakakapanakit ng damdamin o hindi maganda sa parindinig ng tao.

Halimbawa:

Nagtataingang kawali- "Bingi"

May bulsa sa balat - "Kuripot"

Sumakabilang buhay- "Namatay"

Sumakabilang bahay- "Nag-asawa ng Iba"

Wikang Yufemismo→"Pangungusap"

Itong si marites, pag-katapos sumakabilang buhay ang asawa, siya naman tong sumakabilang bahay
kawawa tuloy ang mga anak.
METAPORA o PAGWAWANGIS

Metapora→ay isang malikhain na paraan ng pagsasalarawan o pag-uugnay ng dalawang bagay na


nagtataglay ng iba't-ibang kahulugan.

Ang pagpapakahulugang metaporikal ay tumutukoy sa kahulugan ng salita batay sa representasyon o


simbolismo.

Ito ay taliwas sa literal na pagpapakahulugan.

Halimbawa:

a. bola – bagay na ginagamit sa basketbol (literal)

Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.

b. bola – pagbibiro (metaporikal)

Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.

SIMILI o Pangtutulad

Simili→ Ito ay isang paghahambing o pagtutulad sa dalawang magkaibang bagay o anyo ngunit may
magkatulad na katangian.

Halimbawa:

1.) Ang iyong buhok ay tila Alambre.

2.) Siya ay kasing bagal ng isang pagong.

3.) Ang kanyang mga mata ay mistulang tala sa kintab.

MGA PANANDANG GINAGAMIT

* katulad ng, *tila, *magkatulad, *magkasing, *kawangis ng, *mistulang, *tulad ng, *parang, at *sing.
PAGMAMALABIS

Pagmamalabis→ay tumutukoy sa lubhang pagpapakita ng labis o imposibleng mangyari sa Kalagayan ng


indibidwal, bagay, o ng isang pangyayari.

Halimbawa:

1.) Namuti ang buhok ko sa kahihintay.

2.) Abot langit ang pagmamahal ko sa iyo.

3.) Kasing-laki ng elepante ang anak mo.

IDYOMA

• Ito ay di tuwiran o di-tahasang pagpapa-hayag sa patalinghagang paraan.

•Tinatawag din itong idyomatikong pahayag o Sawikain Sa ating wika.

•Ang idyomatikong salita ay hindi mahahango Sa alin mang bahagi ng pananalita.

Mga Halimbawa ng Idyoma:

>Maglubid ng buhangin - magsinungaling

>Nagbatak ng buto - nagtrabaho

>Putok sa buho - anak sa pagka-dalaga

>Nagbibilang ng poste- walang trabaho/ naghahanap ng trabaho.


KULTURA NG TAIWAN

Isang pinaghalong Confucianist Han Chinese, Japanese, European, American, lokal at Taiwanese
abrogines kultura, na kung saan ay pinghihanalaang sa tradisyonal at modernong pagkakaintindihan.

•RELIHIYON

*Buddhismo at

*Taosismo 93%

*Chinese folk religion

*Pagsamba sa mga ninuno

*kristiyano 6.5%

*Iba pang relihiyon 2.5%

•PAGDIRIWANG

*MID-AUTUNM FESTIVAL

*LANTERN FESTIVAL

*CHINESE NEW YEAR

—Ang mga tao sa Taiwan ay may sinusunod na tradisyon; Isang kasanayan ng pagsunog ng pera papel na
tinatawag ng Hell Banknote.

MALALIM NG TAIWAN

unang naging parte ng China ang Taiwan noong 17th century.


1911-Bumagsak ang KING DYNASTY na naging dahilan nito upang mabuo ang dalawang Politikal Party na
may magkasalungat ng ideolohiya sa China.

•Nationalist Party na Kuomintang (KMT)

-Republic of china

*Chiang kai-shek—Leader ng KMT

Nang matalo ang KMT, tumakas ang leader nito kasama ang 1.5 milyong taga suporta.

•Communist Party na Chinese Community Party (CCP)

-People's Republic of China

*Mao ze-dong—leader ng CCP

1980-Umayos ang relasyon ng China at Taiwan.

1991-Ideneklara ng Taiwan na tapos na ang giyera laban sa China.

One China Two Systems Legacy-Ito ay hahayaan ng otonomiya ang Taiwan, pero nasa ilalim parin sila ng
China.

1996-Sumiklab muli ang alitan sa dalawang bansa.

Lee Teng-hui—Isa siya sa dating pangulo ng Taiwan at nagbigay ng speech sa dating paaralan sa "Cornell
University", at tiraguriang "Father of Democracy".

Tsai Ing-wen—Unang babae at kasalukuyang Pangulo ng Taiwan,

→Pinuno ng DPP(Democratic Progressive Party)

→Ang lumalaban para sa kalayaan ng Taiwan.


KAHULUGAN NG TULA

Tula→Ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang
pagsusulat Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Ang tula ay maaaring distinggihin sa tatlo na
bahagi.

KASAYSAYAN NG TULA

Nang dumating ang mga Kastila napuna nila ang mga Pilipino sa tula na inaawit. Sinikap nilang pag-
aralan at gayahin ang mga tulang ito upang magamit nilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng kanilang
relihiyong Katoliko at Kabihasnang Kanluranin.

PAGTUKLAS NG KASAYSAYAN NG TULA SA PILIPINAS

Ang kasaysayan ng panulaang Filipino ay nababahagi sa pitong importanteng panahon. Ang panahong
ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521.

ANYO NG TULA

•DALAWANG URI NG ANYO NG TULA

1.) MALAYANG TALUDTURAN-Ang malayang taludturan ay Isang tula na isinulat na walang sinusunod na
patakaran kung hindi ang anumang naisin ng sumusulat.

Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni "ALEJANDRO G. ABADILLA Halimbawa Ang tulang pinamagatang
"KINITANG PAG-IBIG"

2.) TRADISYUNAL NA TULA-Ito ay Isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalalim
na kahulugan matatalinhagang salita.
Halimbawa:Ang tulang pinamagatang "Isang punongkahoy"

GLOSSARY:

TUGMA(Rhyme sa Ingles)-Ito ay pagkakapareho pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang


taludtod(verse) sa Isang saknong(paragraph) ng tula.

SUKAT(Syllables sa Ingles)-Ito Ang bilang ng mga pantig sa bawat (taludtod verse) ng


saknong(paragraph).

TALUDTOD(Verse sa Ingles-Isang linya ng mga salita sa tula

SAKNONG(Paragraph sa Ingles)-Grupo ng mga taludtod.

KARAGDAGANG KAALAMAΝ "Ang simula ng malayang taludturan sa pilipinas"

Reaksyon ng kabataang makata sa estriktong paraan ng pagtula

•Sa artikulong "Pasulyap na tingin sa painting tagalog, 1900-1950" hinati ng historyador at makatang si
"Teodoro A. Agoncill(1970)" sa apat na panahon. Ang panulaang tagalog mula sa unag taon ng ika-20
siglo hanggang 1950.

Makikuta dito kung paano umusbong at umunlad ang malayang taludturan ng bansa.

"ELEHIYA PARA SA KAMATAYAN NI KUYA"

Isinalin sa Filipino ni PAT V. VILLAFUERTE

HINDI NAPAPANAHON!
SA EDAD NA DALAWAMPU'T SA, SINUGO ANG BUHAY

ANG KANIYANG MALUNGKOT NA PAGLALAKBAY NA HINDI NA MATANAW UNA SA DAMING AKING


KILALA TAGLAY ANG DI-MABIGKAS NA PANGARAP

DI MAIPAKITANG PAGMAMAHAL

AT KAHIT PAGKARAAN NG MARAMING PAGSUBOK

SA GITNA NG NAGAGANAP NA USOK SA UMAGA MANIWALA'T DILI PANGHIHINA AT PAGBAGSAK!

AND ANG NAIWAN!

MGA NA KUWADRONG LARAWANG GUHIT, POSTER, AT LARAWAN, AKLAT, TALAARAWAN, AT IBA PA.

WALA NANG DAPAT IPAGBUNYI

ANG MASAKLAP NA PANGYAYARI NAGWAKAS NA SA PAMAMAGITAN NG LUHA NAGLANDAS ANG


HANGGANAN, GAYA NG PAGGUNITA ANG MAAMONG MUKHA, ANG MATAMIS NA TINIG, ANG
HALAKHAK

AT ANG LIGAYANG DI-MALILIMUTAN.

WALANG KATAPUSANG PAGDARASAL KASAMA NG LUNGKOT, LUHA, AT PIGHATI

BILANG PAGGALANG SA KANIYANG KINAHINATNAN MULA SA MARAMING TAON NG PAGHIHIRAP SA


PAG-AARAL AT PAGHAHANAP NG MAGPAPAARAL

MGA MATAY NAWALAN NG LUHA, ANG LAKAS AY NAWALA

O AND ANG NAGANAP

ANG BUHAY AY SAGLIT NA NAWALA

PEMA, ANS IMMORTAL NA PANGALAN

MULA SA NILISANG TAHANAN

WALANG IMAHE, WALANG ANINO, AT WALANG KATAWAN


ANG LAHAT AY NAGLUKSA, ANG BUROL AY BUMABA, ANG BUKID AY NADAANAN NG UNOS

MALUNGKOT NA LUMISAN ANG TAG-ARAW

KASAMA ANG PAGMAMAHAL NA INIALAY

ANG BANG ANAK NG AKING INA AY HINDI NA MAKIKITA

ANG MASAYANG PANAHON NA PANGARAP.

KAHULUGAN NG TULANG PASTROL

Tulang Pastoral→ay tulag nagbibigay-diin sa simpleng buhay ng mga taong naninirahan sa kabukiran
pinapakita rin sa mga Tulang Pastoral ang kagitingan ng mga magsasakang matiyagang nagtatanim ng
palay at nagbubungkal ng mga lupa.

"Isang Punongkahoy"

Jase Corazon de Jesus

"Kung tatanawin mo sa malayong pook. Ako'y tila isang nakadipang kurus. Sa napakatagal na pag-
kakaluhod, parang hinahagkan ang paa ng Diyos!"

"TULANG ELEHIYA"

ELEHIYA→ay isang tulang liriko na ipinapatungkol sa isang namatay ito ay naglalarawan ng pagbubulay-
bulay sa kamatayan. Karaniwan ng Malungkot ang nilalaman ng ELEHIYA. Nilalaman din nito ang alaala o
pagpupuri sa namatay.

You might also like