You are on page 1of 3

1ST TERM FILIPINO REVIEWER

Pointers:
1. Pagsasaling-wika
2. Mga tula
- Babang luksa
- Sa Tabi ng Dagat
3. Mga Teorya
- Romantisismo
- Imahismo
- Formalismo

Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng taong


likas na gumagamit nito.
as white as snow
kasimputi ng nyebe
busilak sa kaputian

Talasalitaan sa Agham

magkaiba ang pagsusunud-sunod ng


mga salita sa pangungusap
Dinilig ni Jose ang halaman.
Ang halaman ay dinilig ni Jose.
Jose watered the plants.
The plants were watered by Jose.

SIPNAYAN

(Mathematics)

KAPNAYAN

(Chemistry)

SUGNAYAN

(Physics)

AGIMATAN

(Economics)

HAPNAYAN

(Biology)

AGSIKAPAN

(Engineering)

Lalawiganin
Naglandi ang bata sa ulan.
Naglaro ang bata sa ulan.

Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid


ng salita.
Tell the children to return to their seats.
Sabihin sa mga bata na magbalik sa kanilang
upuan.(di matipid)
Pabalikin ang mga bata sa kanilang
upuan.(matipid)

Bawat wika ay may kanya-kanyang


natatanging kakanyahan.

Filipino
Ingles
mayaman sa paglalapi
mayaman sa
ekspresyong
idyomatiko
put aside
ilaan
put up with
pakibagayan
put away
ialis
put back
ibalik

Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino


na kasalukuyang sinasalita ng bayan.
URI NG FILIPINO
- Maynila Filipino
- UP Filipino
iprinopos
(iminungkahi)
madiskas
(matalakay)
pagdebelop
(paglinang)
- NSDB (National Science Devt Board)

I. PAGSASALING-WIKA
Pagtutumbas ng Salita
Tuntunin A
- Kung ang salita ay may katumbas sa Filipino
gamitin ito. (hal. paper papel)
Tuntunin B
- Kung walang katumbas sa wikang Filipino
maaaring manghiram sa wikang Kastila subalit
baybayin sa palabaybayang Filipino. (hal. liquid
likido)
Tuntunin C
- Kung walang katumbas sa wikang Filipino at sa
hiram na wikang Kastila, hiramin ng tahasan ang
salita subalit baybayin ayon sa palabaybayang
Filipino. (hal. radical radikal)
Simulain sa Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles

Ang isang salin, upang maituring na mabuting


salin, ay kailangang tanggapin ng pinaguukulang pangkat na gumagamit nito.
- Dapat maunawaan ng target at angkop na
antas.

Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan


ang mga salita kapag itoy naging bahagi ng
pangungusap.
Umiyak ang bata. (child)
Bata pa siya. (young)
Bata ng senador ang kuya ko. (protg)

May mga pagkakataon na ang mga tahasang


pahayag sa Ingles ay kailangang gamitan ng
eupemismo sa Filipino upang hindi maging
pangit sa pandinig.
EUPEMISMO
BANGKAY NG PATAY - labi ng yumao

Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasalingwika ngunit huwag paalipin dito.


Mga Hakbang sa Pagsasalin
1. Basahin muna nang buo ang isasalin upang
maunawaan ang pangkalahatang diwang
napapaloob dito bago magsimula sa pagsasalin.
2. Isagawa ang unang borador (draft) ng salin.
3. Pakinisin ang salin.
4. Ipabasa nang malakas ang salin.
5. Rebisahin ang salin at pagkatapos ay ipaedit sa
iba.
II. BABANG-LUKSA
Babang-Luksa
Salin ni Olivia P. Dantes
Pabanua
Ni Diosdado Macapagal
Tulang Kapampangan
Sinulat para kay Purita dela Rosa (asawa ng may
akda)
Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw
Tila kahapon lang nang ikay lumisan;
Subalit sa akin ang tanging naiwan,
Mga alaalang di malilimutan.

Kung akoy nasa pook na limit dalawin


Naaalala ko ang ating paggiliw;
Tuway dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita kong tayoy magkapiling.
Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay
Na kung saan unang tayoy nag-ibigan ;
Sa bakurat bahay , sa lahat ng lugar ,
Itong kaluluway hinahanap ikaw.
Sa matandang bahay napuno ng saya
Sa araw na iyoy pinagsaluhan ta;
Ang biyayang saglit , kung nababalik pa
Ang ipapalit koy ang aking hininga.
Bakit ba, mahal ko, kay- agang lumisan
At iniwan akong sawing kapalaran
Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay
At sa pagyaon moy para ring namatay ?
Marahil tinubos ka ni bathala
Upang sa isipay hindi ka tumanda ;

At ang larawan mo sa puso kot diwa


Ay manatiling maganda at bata.
Sa paraang ito kung nagkaedad na
Ang puting buok koy di mo makikita
At ang larawan kong tandang tanda mo pa
Yaong kabataan taglay na tuwina
At dahil nga rito, ang pagmamahalan
Ay hanggang matapos ang kabataan,
Itong alaala ay lalaging buhay,
Lalaging sariwa sa kawalang-hanggan.
Kaya, aking , mahal , sa iyong pagpanaw
Tayoy nagtagumpay sa dupok ng buhay,
Ang ating pagsintang masidhit marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan
Ang kaugalian ng ninuno natin
Isang taon akong nagluluksa mandin;
Ngunit ang puso koy sadyang maninimdim;
Hanggang kalangitan tayoy magkapiling.
III. SA TABI NG DAGAT
(1)
Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at katay lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wariy kinuyom na rosas!
pinapakita ang unang yugto ng ating buhay
(sanggol)
(2)
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin
teenage years
(3)
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kata

sa nangaroroong mga lamang-lati:


doon ay may tahong,
talabat halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?

adult years
(4)
Pagdadapit-hapon
katay magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw
Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan
elder years to death
marami ng naranasan sa buhay
III. TEORYA
A. Romantisismo: nagpapahalaga sa
damdaming nakapaloob sa akda; mas
binibigyang diin ang damdamin kaysa sa isip
MGA
1.
2.
3.
4.
5.
-

ELEMENTO:
May bugso ng damdamin
Di mahalaga ang ideyang siyentipiko
Indibidwalismo at alyenasyon
May sariling mundo ang tauhan
Maaaring pisikal na pagbubukod
Nagtutuon sa kalikasan
Kapaligiran
Detalyadong paglalarawan ng paligid o
lugar
Sa magkabilang hangganan
Sobrang saya, sobrang lungkot
Pinararangalan ang ordinaryo
Walang espesyal at kakaiba

B. Formalismo: pagtingin sa literatura bilang


isang anyong organiko at ang haraya o
imahinasyon bilang isang nagsasariling
daigdig ng paglikha
- Sinisipat ang teksto bilang isang ganap na
nilikha, isang anyong maaaring
pahalagahan nang labas sa talambuhay at

intensyon ng maykatha at sa daigdig at


panahunang sinisilangan
Pangunahing layunin: pagtuklas sa
kaanyuan (o istruktura) ng anyong
pampanitikan, mga teknik ng pagbuo sa
akda, at mga simulaing nag-uugnay sa
ibat-ibang elemento sa loob ng akda

MGA ELEMENTO:

Sukat: bilang ng pantig sa bawat taludtod


Tugma: (rhyme)
Uri ng Salita: tayutay (figures of speech),
idyoma, etc.
Hugis
Pagkakabanghay: (plot/storyline)
- Simula
- Suliranin
- Kasukdulan
- Solusyon
- Wakas
Organisasyon: pagkakasunod-sunod ng
pangyayari
C. Imahismo: binibigyang diin ang imahe dahil
sa paniniwala na ito ang nagsasabi ng
kahulugan ng akda.
MGA ELEMENTO:
1. Nagpapahayag ng kalinawan sa mga
imaheng biswal
- Nagbibigay ng eksaktong paglalarawan
2. Ang pagbibigay anyo sa mga ideya ay
makikita
- May kulay at hugis ang laman ng akda;
- Buhos ang pag-iisip upang makalikha sa
imahinasyon ng konkretong larawan.
3. Ang imahe/larawang-diwa ay mga
tanging salita/lipon ng salita na
kumakatawan sa mga bagay na nabubuo sa
isipan ng mambabasa.
- Hal. Patuloy ang pag-ungol ng dagat.
Larawang-Diwa: Walang tigil sa
paghampas ang malalaking alon sa
pampang
Hal. Dumagundong ang langit.
Larawang-Diwa: Kumulog nang ubod ng
lakas.

You might also like