You are on page 1of 7

Capitol University

Cagayan de Oro City


College of Education
Center of Development for Teacher Education

MASUSI AT DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING


PANLIPUNAN BAITANG X
I. Mga Layunin:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakapagtala ng mga problema sa edukasyon maging ang sanhi at epekto


nito.
b. Naipapahayag ang maaaring epekto at tugon sa mga problema na
kinakaharap ng edukasyon.
c. Nagpalaganap ng isang pagtalakay ukol sa maaring solusyon sa mga
problemang kinakaharap ng edukasyon.

II. Paksa ng Aralin:

Paksa: MGA SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG SEKTOR NG


EDUKASYON

Sanggunian: Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning,


AP10 Q4 SLM1 v2 FINAL Feb082021 | PDF. (n.d.). Scribd. Retrieved
April 13, 2024, from
https://www.scribd.com/document/513175447/AP10-Q4-SLM1-v2-FIN
AL-Feb082021

Mga Kagamitan: TV, laptop, speaker, at bidyo

III. Pamamaraan
GURO ESTUDYANTE

A. Paghahanda

1. Pagbati

“Magandang Hapon sa inyong lahat!” “Magandang Hapon po, Ma’am.”

“Kamusta kayong lahat?” “Maayos naman po Ma’am!

“Mabuti naman”

2. Panalangin

“Maari ba kayong tumayo, sisimulan (Tatayo ang lahat para sa


natin ang ating klase sa isang panalangin.)
Panalangin.”

“Sa ngalan nang Ama, at ng Anak, at


ng Espiritu Santo” “Ama
naming......... Amen”
Capitol University
Cagayan de Oro City
College of Education
Center of Development for Teacher Education

“ Maari na kayong umupo” “Salamat po Ma’am!”

1. Pagtala ng Liban

“Meron bang lumiban sa ating klase sa “Wala po Ma’am”


araw na ito?”

“Magaling!”

B. Pagbabalik - Aral

“Balik aral muna tayo . Ano nga ba “Tungkol po sa sistema ng edukasyon sa


ang leksyon na tinalakay natin nung Pilipinas”
nakaraan?

“Tama! Ano nga ulit ang dalawang uri ng “ Pormal at Di Pormal po”
sistema ng edukasyon sa Pilipinas?”

“ Ano-ano nga ang mga yugto mayroon “Preschool, Primarya edukasyon,


ang pormal na edukasyon?” Sekundarya edukasyon, Tersiyaryong
edukasyon po.”

“Magaling talagang nakinig kayo sa


tinalakay natin”

C. Pangganyak

“Mga bago tayo dumako sa pormal “Opo, Ma’am!”


nating aralin ay hahatiin ko kayo sa
limang grupo. May ipapakita akong
mga video sa inyo at bilang grupo
talakayin ninyo kung ano ang
pinapahiwatig na mensahe ng bidyo.
Pumili kayo ng isang kinatawan ng
inyong groupo upang talakayin kung
anong mensahe ang nakita ninyo.
Naintindihan?
https://youtu.be/MFtVRXBjn5s?si=Zz5r
n93E2-odPuBp
https://youtu.be/uBqjVGBolXo?si=TIdBy
xFktd3453pB
Capitol University
Cagayan de Oro City
College of Education
Center of Development for Teacher Education

“Bibigyan ko kayo ng ng limang minuto


para mga talakay sa grupo ninyo bago
ako pipili kung anong grupo ang
ipapasagot ko.”

“ Tapos na ang limang minuto, pipili na


akong ng grupong magtatalakay gamit
ang “DUCK RACE”

“Ang napili ay ang una, pangalawa,at “ Para po sa amin ang nasa video ay
nangangahulugan ang hirap na pinag
pangatlong grupo, ngayon ay maaaring
dadaan ng guro at mga estudyante sa
talakayin na ng representative ninyo ang paaralan at ang sistema ng edukasyon
po.”
tungkol sa Bidyo.”

“Magaling! Ang lahat ng iyong sagot at


obserbasyon sa video tama. May iba’t
ibang problema talaga tayong
kinakaharap sa buhay lalo ng pag
usaping edukasyon.”

D. Pagtatalakay

“ May ideya na ba kayo kung ano ang “ Opo! Tungkol po sa mga Problema ng
tatalakayin natin ngayon.” edukasyon.”

“ Tama! Ang tatalakayin natin ngayon


ay Suliranin na kinakaharap ng sektor
ng Edukasyon”

“Ilan sa mga suliraning


nakakapagpababa sa kalidad ng
edukasyon sa Pilipinas ay ang hindi
sapat na badyet sa edukasyon na
nagreresulta sa kakulangan ng mga
pasilidad pampaaralan, kakapusan ng
mga kagamitan upang matuto tulad ng
mga aklat, at kakulangan ng mga gurong
kuwalipikadong magturo. Maging ang
kurikulum ay kinakailangang mapaunlad
upang ang mga kaalamang ituturo ay
iyong mahalaga, praktikal , kailangan, at
ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang
buhay o magiging karera.”
Capitol University
Cagayan de Oro City
College of Education
Center of Development for Teacher Education

“Ang sumusunod ay problemang


kinakaharap at dapat pagtuunan ng
pansin at dapat pagtuunan ng pansin
para sa edukasyon sa Pilipinas.”

1. Ang bumababang kalidad ng


edukasyon

Ito ang pangunahing isyung


pang-edukasyon na dapat asikasuhin o
lutasin ng gobyerno. Kapansin-pansin
ang pagbaba ng kalidad ng edukasyon
sa Pilipinas batay na rin sa mga
pagsasaliksik at sa mababang resulta ng
mga pagsusulit na kinuha ng mga
Pilipinong mag-aaral mula elementarya
hanggang kolehiyo. Marami rin ang kaso
ng mga dropout, repeater, at mababa
ang grado.

2. Ang mga hamon ng bagong


sistema ng edukasyon sa
bansa

Ang Programang K to 12 ay
kasalukuyang nasa implementasyon.
Ganunpaman, hindi pa rin masukat ang
benepisyong naidudulot nito sa
ikagaganda ng sistema ng edukasyon sa
Pilipinas. Marami pa rin ang tumututol sa
programang ito sa dahilan ang dalawang
taong dagdag sa kabuuan ng edukasyon
ay nangangahulugan ng dagdag na
gastos para sa mga magulang. Sinasabi
rin ng mga tutol na ang mga dagdag na
taon ay hindi nangangahulugan maging
mas magaling ang mga
magsisipagtapos.

3. Ang papataas na presyo ng


edukasyon

Bagaman mas mura ang edukasyon sa


Pilipinas kumpara sa ibang bansa,
ganunpaman, sa estado ng buhay ng
maraming Pilipino, masasabing mahal
ang presyo ng edukasyon, lalo na sa
Capitol University
Cagayan de Oro City
College of Education
Center of Development for Teacher Education

mga pribadong paaralan. Lalo pa itong


tumataas sa pagdaan ng panahon.
Bilang resulta, ang mahihirap ay
madalas na hindi nakapagtapos dahil sa
kakulangan ng sapat na salaping
pambayad sa mga gugulin sa paaralan.

4. Ang hindi sapat na badyet ng


gobyerno para sa edukasyon at
ang korapsyon

Ayon sa batas, ang pinakamataas


na alokasyon ng badyet ng
gobyerno ay dapat sanang
mapunta sa sektor ng edukasyon.
Sa madalas na pagkakataon,
hindi sapat ang pondong napunta
para sa edukasyon. Dagdag pa
rito ang isyu ng korapsiyon kung
kaya't hindi nagagamit nang buo
sa kaukulan ng pondo para sa
edukasyon

5. Ang kakulangan sa mga


pasilidad at mga gamit sa
edukasyon

Kulang na kulang sa mga silid-aralan,


aklat-aralin, at kagamitan sa pagtuturo
lalo na ang mga pampublikong paaralan
sa bansa. Tuwing magbubukas ang
klase, maraming bata ang magkaklase
sa corridor, hallway, sa ilalim ng punong
kahoy, at ang ilan ay sa dating palikuran
na ginawa ng silid-aralan.

6. Ang mababang sweldo ng mga


guro

Marami ang pinipili na lang na


magtrabaho bilang mga call center agent
o kaya naman ay bilang mga domestic
helper sa ibang bansa dahil sa maliit ang
pasweldo sa mga guro sa bansa. Isa
itong mahalagang isyung
pang-edukasyon. Mahihirap Ang
kumuha ng mga de-kalidad na guro o
Capitol University
Cagayan de Oro City
College of Education
Center of Development for Teacher Education

tapagturo kung masyadong mababa ang


ibibigay na sahod sa mga ito.

7. Ang malaking sukat ng klase


(class size)

“Kung kulang ang bilang ng guro at


kaunti rin ang bilang ng silid-aralan, ang
resulta ay ang malaking sukat ng klase o
class size at maraming shifting. Kung
malaki ang class size, hindi gaanong
matuto ang mga mag-aaral at
nahihirapan ang mga guro sa pagtuturo.
Dahil dito, bababa ang kalidad ng
edukasyon.”

E. Paglalapat

“ Para Malaman ko kung natutunan ba


kayo sa tinalakay pipili ako ng limang
mag-aaral na pagbabahagi ng kanilang
nalalaman.”

“ Naintindihan po Ma’am.”
“Ang gagawin nyo lang ay pipili lang
sayo sa pitong mga Suliranin at ibigay
ang inyong posibleng solusyon sa
problemang ito. Naintindihan?.”

F. Pagbubuod

“Ang edukasyon ay may malaking papel


sa pagtugon sa iba't ibang mga suliranin
sa lipunan tulad ng kahirapan, kawalan
ng oportunidad, kawalan ng kaalaman,
diskriminasyon, at kawalan ng
katarungan. Sa pamamagitan ng
edukasyon, ang mga indibidwal ay
nakakakuha ng mga kasanayang
kinakailangan upang labanan at malutas
ang mga hamon na ito.”

“ Sana ay pagtuunan ng pansin ng


gobyerno natin ang mga problema ng
edukasyon natin dahil nasa mga
mag-aaral nakasalalay ang kinabukasan
natin.”
Capitol University
Cagayan de Oro City
College of Education
Center of Development for Teacher Education

IV. Pagtataya

Panuto: Kumuha ng isang kalahating papel (crosswise) at sagutan ang mga


sumusunod na tanong.
1. Bilang mag-aaral isa ka ba naapektuhan ng mga problemang kinakaharap
ng edukasyon? Kung Oo, anong problema ang mas naapektuhan ka?

2. Bakit isa ang climate change sa mga salik ng mga suliranin sa


edukasyon?

V. Takdang Aralin

Panuto: Sa inyong grupo gumawa ng isang poster tungkol sa mga problema ng


edukasyon at iugnay ninyo ang climate change.

Rubriks:
Puntos Nakuhang puntos

Nilalaman 10

Pagka-orihinal 5

Pagkamalikhain 5

Kabuuan:

Ipinasa ni: Shaira P. Malazarte

You might also like