You are on page 1of 11

Pang-Isahang Gawain sa

Araling Panlipunan 10

Ang Panayam

Ipinasa ni:
Angelique Kristine M. Angus

Ipinasa kay:
Bb.Rufhamae L.Sabino
Respondent: James Ejercito Petsa: 6/6/22

Estudyante Edad: 17

Manggawa

Mga katanungan:

A. Bakit mahalaga ang edukasyon?


-Napaka halaga ng education sa tao dahil isa itong kayamanan na kahit sino may hindi ito
mananakaw sa iyo. Ang pag kakaroon ng mataas na edukasyon ay makakatulong upang
maitaas ang tiwala sa sarili,. Makapag bigay ng pagkakapantay-pantay sa bawat tao, at
pagtupad ng iyong mga pangarap.

B. Magiging mas maunlad ba ang pilipinas kung pauulanrin ang edukasyon? Bakit?
- Mas mapaunlad pa ang bansang pilipinas kung papaunlarin natin ang edukasyon ng sa ganon
mas marami ang mga professional na Pilipino at mas umunlad ang pilipinas at mari ang mga
mag silabasan na magagandang opportunidad dito sa pilipinas.

C. dapat bang bigyan ng mataas na prayoridad ang edukasyon? Bakit?


- Oo, Sapagkat nakakatulong ito upang mas lalago ang ating economia at ito rin ang
makakatulong upang mabigyan natin ng magandang pamumuhay ang ating pamilta.
D. Mahusay ba ang mga gurong pilipino? Bakit?
- Oo, na ipapakita ng ating mga guro ang professional sa kanilang asignaturang napili at nag
bibigay cla ng kasiyahan habang nagtuturo sa mga estudyante.

E. Ano ang pinakamahalagang asignatura para sa iyo? Bakit?


- Matematika at English Sapagkat nagbibigay ito ng mabisang paraan ng pagbuo ng disiplina sa
kaisipan at hihikayat ang lohikal na pangangatuwiran at pagiging mahigpit sa pag iisip at sa
pag sasalita.

F. Alin ang mas nakatulong sa pagkakatulo ang online /offline modality o ang face to face learning
modality? Bakit?
- Ang F2F dahil makasalamuha mo ang ibang mga estudyante sa iyong paaralan na makakatulo
din sa iyo upang mag maganahan kang pumasuk sa paaralan at mas maintindihan mo ang
iyong mga paksa sa paaralan.
Respondent: Princess Sequino Petsa: 6/6/22

Estudyante Edad: 16

Manggawa

Mga katanungan:

A. Bakit mahalaga ang edukasyon?


- Kasi ito ang susi sa karunungan at kaunlaran.

B. Magiging mas maunlad ba ang pilipinas kung pauulanrin ang edukasyon? Bakit?
- Oo, Kasi sa pamamaraan ng pagkakaroon ng edukasyon magiging mas mabuti ang kalagayan
ng bawat tao.

C. dapat bang bigyan ng mataas na prayoridad ang edukasyon? Bakit?


- Dapat lang, kasi edukasyon lang ang kayang ipamana ng bawat tao na kaila man ay hinding
hindi mawawala.

D. Mahusay ba ang mga gurong pilipino? Bakit?


- Oo, kasi kung hindi dahil sa kanila ay wala tayong matutunan na mahahalagang bagay at
saludo tayo sa kanila kasi kahit ano man ang pinagdadaanan natin sa panahon ngayon ay
tuloy parin ang edukasyon.

E. Ano ang pinakamahalagang asignatura para sa iyo? Bakit?


- Filipino, kasi sa pamamagitan ng asignutirang ito matatangkilik at mapag aaralan natin ang
sarili nating atin.

F. Alin ang mas nakatulong sa pagkakatulo ang online /offline modality o ang face to face learning
modality?
- Para sa akin ay ang FACE TO FACE MODALITY, kasi sa pag aaral na ito ay mas makaka tuon ka
talaga ng pansin sa pag aaral Hindi pareho sa online na Ang responsibilidad mo sa bahay at sa
paaralan ay nagkakasabay na. Pwede kadin mawalan ng focus sa pamamagitan ng paggamit
ng social media na sa halip ay mag aral.
Respondent: Stephen Rey Montesclaros Petsa: 6/6/22

Estudyante Edad: 17

Manggawa

Mga katanungan:

A. Bakit mahalaga ang edukasyon?


- Ang edukasyon ay sinasabing isang isang kayamanan na hindi mananakaw ng sinuman.
Bagaman at ito ay napakahalaga, marami pa rin sa mundo ang hindi nakakatanggap nito dahil
sa kahirapan at kawalan ng oportunidad.

B. Magiging mas maunlad ba ang pilipinas kung pauulanrin ang edukasyon? Bakit?
- Oo sapagkat ang edukasyon ay nag bigay gabay tungo sa magandang kinabukasan ng
Individual o bansa.

C. dapat bang bigyan ng mataas na prayoridad ang edukasyon? Bakit?


- Oo dahil pag laki naten ito ay mag bigay ng Magandang pamunuhay at Magandang trabaho.

D. Mahusay ba ang mga gurong pilipino? Bakit?


- Oo dahil sila ang nag turo sa atin ng Magandang leksyon at Sila din ang nag turo Kung paano
e respeto ang isa't isa.

E. Ano ang pinakamahalagang asignatura para sa iyo? Bakit?


- ang Esp O Gmmrc Dahil ito ay Nag turo sa atin kung paano Maging mabait at Kung paano
Gawin ang tamang Gawain.

F. Alin ang mas nakatulong sa pagkakatulo ang online /offline modality o ang face to face learning
modality? Bakit?
- Ang face to Face Para Mas Madaling maintindihan nga mga Estudiante ang Leksyon ng mga
guro At Para din May Laman ang utak naten.
Respondent: Meryl Navarro Petsa: 6/6/22

Estudyante Edad: 16

Manggawa

Mga katanungan:

A. Bakit mahalaga ang edukasyon?


- ang edukasyon ay nagpapahusay ng ating kaalaman, kasanayan at nagpapaunlad ng
pagkatao. at saka ang isang taong may pinag-aralan ay malamang mamumuhay ng
komportable at makakuha ng magandang trabaho.

B. Magiging mas maunlad ba ang pilipinas kung pauulanrin ang edukasyon? Bakit?
- oo dahil mapapaganda nito ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagkaroon ng
maraming mga mahuhusay na manggagawa at trabahador.

C. dapat bang bigyan ng mataas na prayoridad ang edukasyon? Bakit?


- oo sapagkat isa ito sa mga paraan upang mapaunlad natin ang ating bansa at umangat
tayong mga pilipino.

D. Mahusay ba ang mga gurong pilipino? Bakit?


- ang ating mga pilipinong guro ay talagang masisipag at sinisigurado na ang kanilang mga
estudyante ay may wastong kaalaman sa mga paksa. hindi nila pinapabayaan ang mga ito at
talagang ginagabayan ang mga bata sa bawat hakbang.

E. Ano ang pinakamahalagang asignatura para sa iyo? Bakit?


- filipino, sapagkat bilang isang kabataan at mamamayang pilipino mahalagang matanggap
natin ang ating kultura at mapag-aralan ang wika ng ating bansang sinilangan.

F. Alin ang mas nakatulong sa pagkakatulo ang online /offline modality o ang face to face learning -
modality? Bakit?
- lubos na mas epektibo ang face to face classes kumpara sa modular o online learning.
marami nang mga estatistiko at pag-aaral ng mga eksperto kung gaano ka mabisa ito
patungkol sa pagkakatuto ng mga estudyante.
Respondent: Andrea Mae Albos Petsa: 6/6/22

Estudyante Edad: 17

Manggawa

Mga katanungan:

A. Bakit mahalaga ang edukasyon?


- Mahalaga ang edukasyon dahil ito ang nagbibigay ng kaalaman sa bawat isa.

B. Magiging mas maunlad ba ang pilipinas kung pauulanrin ang edukasyon? Bakit?
- Opo, dahil ang bawat manggagawa ay magkakaroon ng sapat na kaalaman upang mas
mapaunlad ang kanilang gawa.

C. dapat bang bigyan ng mataas na prayoridad ang edukasyon? Bakit?


- Opo, dahil ito ang pinaka importanteng nararapat na mayroon ang bawat isa.

D. Mahusay ba ang mga gurong pilipino? Bakit?


- Opo, dahil likas sa mga Pilipino ang pagmamahal sa passion kung kaya't nagtuturo sila nang
buong puso.

E. Ano ang pinakamahalagang asignatura para sa iyo? Bakit?


- Para sa akin, ang pinakamahalagang asignatura ay English dahil dito tinuturo ang
pangkalahatang lenggwahe na magiging daan upang makipag ugnayan sa ibang bansa.

F. Alin ang mas nakatulong sa pagkakatulo ang online /offline modality o ang face to face learning
modality? Bakit?
- Face to face modality, dahil mas tutok ang mga guro na maturuan ang bawat mag aaral na
wala pang mga hadlang
Respondent: Mika Angela llaguno Petsa: 6/6/22

Estudyante Edad: 16

Manggawa

Mga katanungan:

A. Bakit mahalaga ang edukasyon?


- Ito ang unang dahilan kung bakit mahalaga ang edukasyon, upang matuto at makapaghanap
ng magandang trabaho, pangalawa upang ito ay ating maipagmalaki sa ating pamilya,, ngunit
ang main reason kung bakit kaylangan natin matuto upang maipakita sa ibang mga kabataan
na ang edukasyon ay hindi lang basta edukasyon kundi isa itong kayamanan na hindi
mananakaw ng kahit sino man

B. Magiging mas maunlad ba ang pilipinas kung pauulanrin ang edukasyon? Bakit?
- Lalong uunlad ang pilipinas kung papaunlarin natin ang edukasyon ng sa ganon mas madali
tayo makakita ng magandang trabaho.

C. dapat bang bigyan ng mataas na prayoridad ang edukasyon? Bakit?


- Yes dahil ito ang makakatulong sa atin na makakuha ng magandang trabaho

D. Mahusay ba ang mga gurong pilipino? Bakit?


- Para sa akin naka depende ito kung gaano sila kahusay mag turo

E. Ano ang pinakamahalagang asignatura para sa iyo? Bakit?


- Para sa akin mahalaga ang signaturang Filipino dahil dito nagkakaroon tayo ng kaalaman
tungkol sa ating kultura

F. Alin ang mas nakatulong sa pagkakatulo ang online /offline modality o ang face to face learning
modality? Bakit?
- Para sa akin nakakatulong ang face to face dahil mas marami tayong matutunan
Respondent: Maxenne Daño Petsa: 6/6/22

Estudyante Edad: 15

Manggawa

Mga katanungan:

A. Bakit mahalaga ang edukasyon?


- Mahalaga ang edukasyon sapagkat isa ito sa susi upang umunlad ang isang indibidwal.

B. Magiging mas maunlad ba ang pilipinas kung pauulanrin ang edukasyon? Bakit?
- Oo, dahil mas lalawak ang ating kaalaman.

C. dapat bang bigyan ng mataas na prayoridad ang edukasyon? Bakit?


- Oo, dahil mahalaga ito at isa ito sa tungkulin natin.

D. Mahusay ba ang mga gurong pilipino? Bakit?


- Oo, Lahat ay mahusay sapagkat nagsusumikap sila na turuan tayo.

E. Ano ang pinakamahalagang asignatura para sa iyo? Bakit?


- Ang pinakamahalagang asignatura ay ang Math, dahil maraming bagay ang pag gagamitan
mo nito.

F. Alin ang mas nakatulong sa pagkakatulo ang online /offline modality o ang face to face learning
modality? Bakit?
- Ang F2F learning modality kasi mas maintindihan o maunawaan natin ang mga leksyon
Respondent: Kit William Maneja Petsa: 6/6/22

Estudyante Edad: 16

Manggawa

Mga katanungan:

A. Bakit mahalaga ang edukasyon?


- Mahalaga ito dahil kapag hindi ito nabigyan ng pansin ay mahihirapan kang maghanap ng
trabaho.

B. Magiging mas maunlad ba ang pilipinas kung pauulanrin ang edukasyon? Bakit?
- Oo, dahil mas mapaunlad din ang mga natutunan at mga kilos ng mga kabataan.

C. dapat bang bigyan ng mataas na prayoridad ang edukasyon? Bakit?


- Oo, dahil ang edukasyon ang daan patungo sa magandang kinabukasan.

D. Mahusay ba ang mga gurong pilipino? Bakit?


- Oo, dahil sila ang nagtuturo satin.

E. Ano ang pinakamahalagang asignatura para sa iyo? Bakit?


- Science, dahil ito ang asignaturang kailangan kong pag aralan sa aking kurso.

F. Alin ang mas nakatulong sa pagkakatulo ang online /offline modality o ang face to face learning
modality? Bakit?
- Face to face, dahil mas madaling matuto pag nay nag papaliwanag sa harapan mo.
Respondent: Jazmyne Cassandra Tanghal Petsa: 6/6/22

Estudyante Edad: 16

Manggawa

Mga katanungan:

A. Bakit mahalaga ang edukasyon?


- First of all ang edukasyon ay para sa lahat, and mahalaga ito lalo na sa mga kabataang gusto
matuto at gustong maging successful sa buhay.

B. Magiging mas maunlad ba ang pilipinas kung pauulanrin ang edukasyon? Bakit?
- Yes, sabihin na naten na uso ang teenage pregnancy ngayon, kaya i think mas need naten
mas paunladin ang edukasyon para naden malaman nila na mahirap ang buhay ngayon, kaya
mas mabuting ituon nila ang mga oras nila sa mga bagay na importante katulad ng pag-aaral.

C. dapat bang bigyan ng mataas na prayoridad ang edukasyon? Bakit?


- Yes, kase naniniwala pa den aq na ang kabataan ang pag asa ng bayan. I mean hoping pa den
aq na hindi lahat ng kabataan ngayon is ang focus lng ay paglalaro, at pagsasaya, kaya i think
kailangan tlaga iprioritize ang edukasyon.

D. Mahusay ba ang mga gurong pilipino? Bakit?


- Oo, example sa mga teacher na ang hahaba ng patience lalo na mga kids or students ngayon
is sobrang ang titigas ng mga ulo.

E. Ano ang pinakamahalagang asignatura para sa iyo? Bakit?


- Ang panghihikayat sa bawat pilipino sa paggamit ng sariling wika.

F. Alin ang mas nakatulong sa pagkakatulo ang online /offline modality o ang face to face learning
modality? Bakit?
- Para saken at kung ako ang tatanungin, maaaring natulungan nga ako ng online/online
modality, pero iba parin ang face to face kung saan na eexplain at mas naaalamq ng maayus
ang mga itinuturo sa aken.
Respondent: Ralph Lawrence Andales Petsa: 6/6/22

Estudyante Edad: 15

Manggawa

Mga katanungan:

A. Bakit mahalaga ang edukasyon?


- Mahalaga Ang edukasyon kasi ito ung Daan para matupad Ang ating mga pangarap sa Buhay

B. Magiging mas maunlad ba ang pilipinas kung pauulanrin ang edukasyon? Bakit?
- Lalong uunlad ang pilipinas kung papaunlarin natin ang edukasyon ng sa ganon mas madali
tayo makakita ng magandang trabaho.

C. dapat bang bigyan ng mataas na prayoridad ang edukasyon? Bakit?


- Oo,dahil makatulong ito sa atin na makakuha Ng magandang trabaho at para makatulong sa
pamilya at bigyan Ng magandang pamumuhay.

D. Mahusay ba ang mga gurong pilipino? Bakit?


- Para sa akin, depende lang Kung Ang guro ay masipag magturo o di gaano.

E. Ano ang pinakamahalagang asignatura para sa iyo? Bakit?


- Para sa akin mahalaga ang signaturang Filipino dahil dito nagkakaroon tayo ng maraming
kaalaman tungkol sa ating kultura, bayani, lengguahe at iba pa.

F. Alin ang mas nakatulong sa pagkakatulo ang online /offline modality o ang face to face learning
modality? Bakit?
- Para sa akin makatulong Ang offline modality o Ang face to face kasi mas madami paka
matutunan kompera sa online

You might also like