You are on page 1of 3

ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC.

Formerly Holy Cross Academy


Sta. Cruz, Davao del Sur
Tel. Fax No. (082) 272-0607

T.P 2019 - 2020


Plano sa Pagkatuto

Asignatura: Filipino Markahan: Ikalawa


Baitang at Antas: 10
Paksa ng Yunit: Panitikan ng mga Bansa sa Kanluran, Linggo: Pang-anim
Paksa ng Aralin: Pag-ibig na Nawala at Natagpuan
sa Berlin Wall (Sanaysay) Petsa:

Paglilipat / Pagsasabuhay ng Mithiin / Transfer goals:


Sa kalaunan, ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay inaasahang makatutukoy ng mga kaisipan sa panitikan
ng mga bansa sa kanluran, mga pananaw pampanitikan, mga pangatnig na magagamit sa pagsulat ng sariling akdang
naglalarawan sa pakikipagsapalaran sa hamon ng pagsubok sa kanilang buhay ilalathala sa pamamagitan ng hatirang
pangmadla upang magsilbing inspirasyon sa mga babasa nito tungo sa pagiging matatag na anak ng Diyos na may
hangaring maglingkod sa kapwa at bayan.

Kakailanganing Pag-unawa:
 Sa pagitan ng babae at lalaki ay kailangang pairalin ang paggalang. Hindi maaaring dominahan o
ituring na pag-aari ang isang nilalang.

Mahahalagang Tanong:
 Bakit mahalagang igalang at pangalagaan ang kalayaan ng isang tao?

I. Panimulang Gawain
Balik-aral: Gunitahin Natin!
- Paglalahad ng mga natutunan sa nakaraang paksang tinalakay

Pokus: Pag-ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall (Sanaysay)

Pagganyak: Nasubukan mo na bang makagawa ng kasalanan at ang naging kaparusahan ay grounded ka at


hindi ka pinayagang lumabas ng bahay nang ilang araw maliban na lang kung papasok ka sa paaralan?
- Ano ang mararamdaman mo kung mawalan ka ng kalayaan sa loob ng ilang araw?
- Ano kaya ang mararamdaman at gagawin mo kapag nawalan ka ng kalayaan sa loob ng dalawampu’t
walong taon?

APK: Ano ang pinakagamit ng kalayaan sa buhay mo? Halimbawa, kukuhaan ka ng kalayaan ng magulang
mo sa lahat ng bagay, Ano ang gagawin mo?

II. Pagpapaunlad ng Aralin


A. Presentasyon ng Konsepto
Student will know: Pag-ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall (Sanaysay)
Students will be able to:
- Naibibigay ang reaksiyon, sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay.
- Natatalakay ang Sanaysay.
- Nakapagpapahayag ng hinaing tungkol sa isyu sa pamamagitan ng pagsulat ng Sanaysay.

Gawain: React pa more!


a. “Inatasan ng pamahalaan ng Silangang Alemanya na pigilin at barilin ng mga guwardiya ang
sinumang magtatangkang tumawid sa Berlin Wall at tumakas papuntang kanluran”.

Reaksiyon:
b. “Upang mapigilan ang patuloy na pagtakas ng kanilang mga mamamayan ay nagdesisyon ang
pamahalaang itayo ang Berlin Wall na kumulong sa buong Silangang Alemanya”.

Reaksiyon:

Tanong: Paano nga ba nakakaapekto ang Berlin Wall sa mga Aleman o Berliners?
Kung ikaw ay nasa sitwasyon ng pangyayari sa teksto. Paano mo ipapahatid ang iyong hinaing sa
may katungkulan ng lugar?

B. Pagpapalawig ng Konsepto
Sanaysay– ay pagpapahayag ng sariling pananaw o opinyon ng isang manunulat. May layunin
itong hikayatin ang kanyang mambabasa na sumang-ayon sa panig na kanyang kinikilingan.

Dalawang Uri ng Sanaysay: Pormal at Di-Pormal


PORMAL – ay naglalahad ng mahahalagang kaalaman o impormasyon. Gumagamit ito ng lohikal na
pagsusunod-sunod ng mga kaisipan at piling-pili ang mga salita.

DI-PORMAL – ay may layuning manlibang o mang-aliw kaya higit na magaan ang paglalahad. Karaniwan
ang paksa nito ay gumagamit din ng mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay.

C. Integrasyon
a. Ignacian Core/Related Values
Service – Katapangan sa pagkamit ng kalayaan/Courage
b. Social Orientation
- Pagkuha ng mga pribilehiyo sa buhay, Kalayaan
c. Lesson Across Discipline
Araling Panlipunan – Kasaysayan ng Germany, World War II
English – Oration/ Use of words
d. Jeepgy
-Justice and Peace
e. Biblical Reflection: 2 Timothy 1:7 - For God hath not given us the spirit of fear; but of power, and
of love, and of a sound mind.

III. Pagtataya/Ebalwasyon
Gawain: Ipahayag natin ito!
- Papangkatin sa tatlong grupo ang klase
- Gagawa sila ng sanaysay tungkol sa isyu ng paaralan na nais nilang magpahayag ng saloobin o
suhesyon.
Krayterya: Nilalaman – 25 pts. ; Gamit ng mga salita/gramatika – 15; pagkakaisa – 10 = 50 pts.

IV. Paglalahat/Paglalapat
Mahahalagang Tanong:
- Bakit mahalagang igalang at pangalagaan ang kalayaan ng isang tao?
Gawain: Pagpapahayag (Note: Ang gawain ko sa paglalapat ay iisa lang sa pagtataya)
V. Takdang-Aralin
- Bumuo ng FAS (Form a sentence) CHART sa salitang “KALAYAAN”.
Sanggunian/Kagamitan:
- Emily V. Marasigan et.al. Pinagyamang Pluma 10(K-12). Phoenix Publishing House Inc. 927
Quezon Ave., Quezon City. 2015
- Belvez, Paz M. at Pamfilo D. Catacataca. Kalinangan: Wika at Panitikan. Quezon City: Rex Printing,
Company, Inc., 2014.
- Batayang aklat, chalk, eraser, visual aid, atbp.

Inihanda ni: Sinuri ni: Pinagtibay ni:


Marissa D. Ampong ____________________________ S. Ma. Gloria P. Cataluña, RVM
Guro Punong Guro

Petsa: ______________________ Petsa: ________________ Petsa: ________________

You might also like