You are on page 1of 4

ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC.

Formerly Holy Cross Academy


Sta. Cruz, Davao del Sur
Tel. Fax No. (082) 272-0607

LEARNING PLAN

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri Markahan: 4TH Petsa: Enero 7-9, 2019

Paksang Yunit: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Yunit #: 1

Pamantayang Pagganap:
Sa pagtatapos ng yunit, ang mga mag-aaral sa kanilang sarili ay makapagbubuo ng sariling
pananaliksik batay sa layunin at batayang etika ng isang mananaliksik tungo sa pagkakaunawaan at
pagbubuklod ng bawat isa at pagpapakita ng mga gawain tungo sa paniniwala ng Maylikha sa sanlibutan.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagsulat ng pananaliksik sa pamamagitan ng
pagpili, pagtala, pagbuo at pagsulat na may pagmamahal sa sariling akda katulad ng pagmamahal ng
Diyos sa atin.

Kakailanganing Pag-unawa:
 Ang pagbasa ay isang uri ng teksto o proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak
o nakasulat na impormasyon o ideya.
Mahahalagang Tanong:
 Ano ang ibig sabihin ng pagnanaliksik?
 Bakit mahalagang pag-aralan ang pananaliksik? Ipaliwanag.

I. Panimulang Gawain

Pokus: Ang Pananaliksik

APK: Ano ang pananaliksik? Bakit kailangang suriin?

Pagganyak:

Panuto: Humanap ng kapareha sa klase. Ipagpalagay na isa sa inyong dalawa ang manedyer ng isang
kompanya at ang isa naman ay aplikante. Punan ang mga patlang ng hinihinging impormasyon ayon sa
inyong papel na ginagampanan. Pagkatapos, ay pag-usapan ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng
inyong mga sagot.

Bilang isang manedyer, ano-


Bilang isang aplikante, ano-
anong impormasyon ang dapat
anong impormasyon dapat kong
kong malaman tungkol sa aking
ipaalam sa manedyer ng
aplikante?
kompanya?
Manedyer at Aplikante

II. Pagpapaunlad ng Aralin

A. Presentasyon ng Konsepto
Layunin:

- Nakapaghahayag ng opinyon, panunuri, at mungkahi batay sa tekstong binasa


- Nakagagamit ng mga impormasyon sa teksto bilang solusyon sa umiiral na suliranin ng
komunidad.
- Nakasusulat ng isang halimbawa sa iba’t ibang teksto.

Gawain ng Guro:
 Paglalahad at pagpapaliwanag ng konsepto

Gawain ng nga Mag-aaral:


 Pangkatang Gawain
 Malayang Talakayan

B. Pagpapalawig ng Konsepto

Pangkatang Gawain:

Gawain 1: Pagtatalakay sa Paksa


Gawain 2: Gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito?
2. Ano-anong katangian ng teksto ang makikita sa tekstong binasa?
3. Anong impormasyon ang nakuha sa spratly island?
4. Paano maiuugnay sa pandaigdigang konteksto ang nabasang impormasyon tungkol sa spratly island?
5. Anong pangyayari o pagbabago ang maidudulot ng impormasyong nakuha mula sa binasa?
Gawain 3: Bumuo ng apat na pangkat. Basahin ang sumusunod na mga tekstong nakatakda para sa
bawat pangkat. Talakayin ang teksto at sagutan ang talahanayan. Humanda para sa maikling pag-uulat.

Mga salitang Pangunahing Kredibilidad ng mga Mabisang paraan


nakatulong sa pag- impormasyon/ideya impormasyong upang magamit ang
unawa ng teksto na nakuha sa teksto tinalakay sa teksto kaalaman bilang
solusyon sa umiiral na
suliranin ng
komunidad

Gawain 4:
Panuto: Umisip ng paksa na maaaring gawan ng masining na paglalarawan. Sumulat ng isang tekstong
deskriptibo. Sagutan ang gabay bilang paghahanda sa pagsulat. Gamitin ang nakalaang espasyo sa
susunod na pahina.

1. Layunin sa pagsulat
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.

2. Pangunahing ideya at suportang ideyang tatalakayin


____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.
3. Aspekto, bahagi, o katangian ng paksang nais bigyang-diin at uri ng paglalarawang gagamitin para
dito.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_____.

4. Mga impormasyong kailangang saliksikin at isangguni


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____.

Gawain 5: Punan ang pantulong na grapiko. Isulat sa kahon ng Hangarin ang iyong posisyon sa isang
paksa o isyu na nais mong Makita rin o mauunawaan ng iba.

C. Integrasyon
 Ignacian Core/Related Values : Faith/ Justice
 Social Orientation
-Makatotohanang impormasyon para sa pagpapaunlad ng sarili, propesyon at komunidad.
 Lesson Across Discipline : AP at CLVE
 Jeepgy : Justice and Peace

 Biblical Reflection: Respect 1: Peter 3:16/ Wisdom

III. Ebalwasyon/Pagtataya
Panuto: Sumulat ng salaysay tungkol sa isang tunay na karanasan mula sa sa mga kaganapan sa inyong
komunidad. Maaaring karanasan mo o karanasan ng ibang tao.
IV. Paglalapat/Paglalahat
Panuto: Ilagay ang sarili sa sitwasyong ito.

Gabay na Tanong:
 Paano mo ipaliliwanag sa iyong mga magulang na ang kursong ipinakuha nila sa iyo ay hindi mo
gusto? Dahil dito, nais mo nang lumipat sa kursong iyong tunay na interes. Gumawa ng liham
para sa iyong magulang ukol dito. Isulat ito sa nakalaang espasyo. Isaalang-alang ang paggamit
ng pagbuo o pasaklaw sa paglalatag ng iyong katwiran.

Mahal kong,
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_____________________.

V. Takdang-aralin

Panuto: Manaliksik sa mga sumusunod na pahayag.

1. Pananaliksik
2. Hakbang sa Pananaliksik

Sanggunian/Kagamitan:

- Taylan, Dolores R. et. Al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Rex Book Store. 2016
- Batayang aklat, graphic organizers, yeso, eraser, visual-aid, mga larawan, laptop, atbp.

Inihanda ni:
Sinuri ni: Pinagtibay ni:
MARISSA D. AMPONG
Guro __________________________ S. MARYVIC D. CASAS, RVM
Punong- Guro
Petsa: __________________ Petsa: ____________________
Petsa: _____________________

You might also like