You are on page 1of 47

Kwarter 1: Modyul 1

FILIPINO SA PILING LARANGAN

GRADE 11

JOHN CARLO C. MELLIZA

09127951336

1|Page
2|Page
TALAAN NG NILALAMAN
FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK
ARALIN 1: ANG KAHULUGAN AT KALIKASAN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
➢ Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat (CS_FA11/12PB-0a-101)

ARALIN 2: ANYO NG AKADEMIKONG SULATIN,


HALINA’T SALIKSIKIN
➢ Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian
(d) Anyo (CS_F11/12PN-0a-c-90)

ARALIN 3: PANIMULANG PANANALIKSIK


➢ Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng ibat ibang anyo ng sulating akademiko (CS_FA11/12EP-0a-c-39)

ARALIN 4: BUOD AT SINTESIS


➢ Nakasusulat nang maayos na akademikong pagsulat (CS_FA11/12PU-0d-f-92)

FILIPINO SA PILING LARANGAN – SINING AT


DISENYO
ARALIN 5: KAHULUGAN NG MGA ANYONG SULATIN SA
SINING AT DISENYO
➢ nabibigyang-kahulugan ang mga anyo ng sulatin sa sining at disenyo (CS_FSD11/12PB-0a-c
103);
➢ nakikilala ang iba’t ibang anyo ng sining at disenyo ayon sa:
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
e. Target na gagamit (CS_FSD11/12PT 0a-c-91); at
➢ Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sining at disenyo (CS_FSD11/12EP-0a-c-41).

3|Page
ARALIN 6: PAGKILALA SA SINING AT DISENYO
➢ Nabibigyang kahulugan ang mga anyo ng sulatin sa sining at disenyo (CS_FSD11/12PB-Oa-
c103);
➢ Nakikilala ang iba’t ibang anyo ng sining at disenyo ayon sa (a)Layunin (b)Gamit (c)
Katangian (d) Anyo (e) Target na gagamit (CS_FSD11/12PN-Oa-c-91) at:
➢ Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sining at disenyo (CS_FSD11/12EP-Oa-c-41).

FILIPINO SA PILING LARANGAN – TEKNIKAL-


BOKASYUNAL
ARALIN 7: Teknikal-Bokasyunal: Kahulugan
➢ Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin (CS_FTV11/12PB -0a-c-105)

ARALIN 8: Teknikal Bokasyunal: Layunin at Gamit


➢ Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa layunin at gamit.
(CS_FTV11/12PT-0a-c-93)

Ang modyul na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng masinop at masusing pananaliksik ng


manunulat upang maging saligan sa epektibong proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng Filipino sa
ika-11 baitang. Ayon sa isinasaad ng kurikulum ng Filipino sa SHS, isa sa mga asignaturang dapat
mabigyan ng kaukulang pagpapahalaga ay ang Filipino Sa Piling Larangan.

Pangunahing tuon ng modyul na ito na malinang sa mga mag-aaral ang kakayahang


magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pamamaraan sa pamamagitan ng pag-
unawa sa konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa Iba’t-ibang Larangan.
Nilalayon din ng modyul na ito na malinang sa mga mag-aaral ang paggamit ng wikang Filipino
sa lahat ng pagkakataong kakailanganin ito gayundin sa maayos at mabisang pakikipagtalastasan
– pasalita man o pasulat.

4|Page
PANGKALAHATANG PANUTO:
1. Manalangin bago magsimula at pagkatapos sa modyul na ito. Humingi ng kalinawan ng isip at
dedikasyon sa Panginoon nang magawa ang modyul na ito nang matapat at epektibo.

2. Basahing mabuti ang lahat ng nilalaman ng modyul na ito, mula sa mga panuto hanggang sa
mismong mga gawain.

3. Kung hindi maunawaan ang paksa, maaaring magsaliksik ng karagdagang impormasyon gamit
ang internet o kaya naman ay magtanong sa kapwa magaaral, sa magulang, o kamag -anak.

4. Gawin nang may buong husay at dedikasyon ang mga gawaing nakasaad sa modyul.

5. Ipasa ang mga gawain sa aralin sa tamang oras at panahon.

FB account: John Carlo Cabiles Melliza


Gmail account: jcmelliza96@gmail.com
Contact number: 09127951336

PANALANGIN

Bago magsimula sa aralin…


Ama namin sumasalangit ka, Sambahin ang pangalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin
sa araw araw; At patawarin mo kami sa aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa
nagkakasalaan sa amin; At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng
masama. [Sapagka't sa iyo'y nagmumula ang kaharian, ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian
magpasawalang hanggan.] AMEN.

Pagkatapos ng aralin…
Panginoong dakila sa lahat, Lubos ang aming pasasalamat sa mga aral na aming natarok sa
modyul na ito. Nawa’y magamit namin ito sa pawang kabutihan lamang. Ituro niyo kami sa
tamang landas at ilayo sa kasalanan, Hangad po naming ang biyaya, karunungan at kalakasan na
maisakatuparan ang layunin sa araw-araw at maiguhit namin ang aming mainam na kinabukasan.
AMEN.

5|Page
FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK
ARALIN 1: ANG KAHULUGAN AT KALIKASAN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
Layunin:
➢ Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat (CS_FA11/12PB-0a-101)

Minsa’y may nagsabing “Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumigil na rin siya sa
pag-iisip. Isang mapapanaligang pananaw ito sa pagpapaunlad ng isang tao, hindi lamang sa
pagtugon sa mga personal na pangangailangan, kundi maging sa propesyonal na larangan. Sa
pamamagitan ng pagsulat, naitatala ng tao ang lahat ng karunungan at kaalaman, mula sa mga
pansariling karanasan hanggang sa mga kaalamang pang-edukasyon.

Hindi basta-basta natututuhan ng tao ang pagsulat sapagkat kinakailangan pa niyang


magsanay sa pagpili ng paksa, organisasyon ng diwa, gramatika at lohika ng presentasyon ng ano
mang paksang nais talakayin.

Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao. Sa


pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam,
bungang-isip, at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili,
ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang kaisipan, at ang mga
naabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay mapabatid sa mga tao o
lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman,
napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin., kailangan ang katangiang
mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa. Mahalagang
isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito
magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag-iisip, at damdamin ng makababasa nito.

Ngunit bago natin talakayin ang mga kasanayang ito, talakayin muna natin ang iba’t ibang
pagpapakahulugan at paglalarawan sa pagsulat.

Alam Mo Ba?

Isa sa makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan ang pagsulat at ang wika ang


pangunahing sangkap sa pagbuo ng isang sulatin na magluluwal ng iba’t ibang ideya na
magiging mensahe sa anumang sulatin.

Sa kasalukuyang antas ng iyong pag-aaral, malaki ang gampanin ng pagsulat sa


pagpapahayag ng iyong saloobin, pananaw, opinyon, ideya, at anumang naiisip. Inilalapat at
isinasakonteksto ng pagsulat ang mga nais mong maipahatid mula sa sariling kaalaman at
karanasan na sinangkapan ng komprehensibong pananaliksik upang maging akademiko.

6|Page
Hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang isip ang pinagmumulan ng
proseso ng kognisyon. Samakatuwid, magkatambal ang pagsulat at pag-iisip. Nakapaloob sa
pag-iisip ang kalipunan ng mga kaalaman buhat sa biyolohikal at kaalamang idinulot ng
karanasan. Taglay rin ng lawak ng pag-iisip ang imahinasyon ng pangunahing sangkap sa
pagpapalawak ng isang uri ng sulatin. Pinabibisa pa ito ng tamang gamit ng salita, kataga,
ekspresyon, at kalipunan ng mga pangungusap na binuo ng kaisipan ng isang tao.

Isang uri ng pagsulat ang akademikong sulatin. Ito ay makikilala sa layunin, gamit,
katangian, at anyo nito. Taglay ng akademikong sulatin ang mataas na gamit ng isip upang
maipahayag ang ideya bilang batayan ng karunungan.

▪ SURIIN
Sa bahaging ito ng modyul ay nais kong basahin mo ang iba’t ibang pagpapakahulugan at
paglalarawan sa pagsulat.

Alam mo ba na ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga
mag-aaral? Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
gamit ang pinaka epektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ang pagsusulat ay
isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng tao
ang nais niyang ipahayag at ang paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang
maaaring pagsulatan.

Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala,


at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata
hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.

A. Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat


Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa lyuning
maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na
ginagawa para sa iba’t ibang layunin.

Ayon kina Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay isang
komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,
retorika at iba pang mga elemento. Kaugnay nito ang pakikinig, pagsasalita at pagbasa.
Komprehensibo ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang pangwika, inaaasahang

7|Page
masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito. Kung gayon, maituturing
ito bilang isang mataas na uri ng gramatika at bokabularyo.

Sinabi ni Badayos (2000) na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na
totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang
wika man. Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong ginugugol natin sa pagtatamo ng
kasanayang ito. Sa pagkakataong ito, maaaring nating tanggapin na ang pagsulat ay isang
kasanayang pangwika na mahirap matamo. Subalit mayroon tayong magagawa. Napag-aaralan
ang wasto at epektibong pagsulat.

Ayon naman kay Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang
kasanayang kaloob ng Maykapal at eksklusibo ito sa tao. Isa itong pangangailangan sapagkat ito,
kasama ang kasanayang pakikinig, pagbasa at pagsasalita, ay may malaking impluwensiya ito
upang maging ganap ang ating pagkatao. Isa itong kaligayahan sapagkat bilang isang sining,
maaari itong maging hanguan ng kasiyahan ng sino man sa kanyang pagpapahayag ng nasasaisip
o nadarama.

Samantala, ganito naman ang paglalarawan nina Peck at Buckingham (sa Bernales, et al.,
2006): Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang
pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.

Ang isang akademikong sulatin ay mahalagang mayroong pinagbabatayan. Pundasyon ang


isip na magluluwal ng mabungang impormasyon. Ang impormasyon ay dapat sangkapan ng
lohikal, kritikal, maugnayin, malikhaing paraan upang iugnay ang kaalaman sa nilalaman ng
akaddemikong sulatin. Hindi maihihiwalay sa isip ang damdamin o puso ng akademikong
sulatin. Bukod sa nararamdamang saya, lungkot , galit at iba pang saloobin, litaw ang damdaming
nais iparating ng akademikong sulatin na lalong nagiging mabisa sa pamamagitan ng kaugnay ng
mga tiyak na pagtugon o pagkilos batay sa layunin ng akademikong sulatin.

Sa bahaging ito mahihinuha mo dito ang mga hakbang o proseso ng akademikong sulatin
at ang mga uri ng pagsulat. Sa paraan ng paggawa ng isang akademikong sulatin, makikita ang
taglay nitong mga katangian. Ito ay ang sumusunod.

1.Komprehensibong Paksa- Batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang pagsulat naman ay
itinakdang ipagawa, madalas nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na may kaugnayan sa
mga usaping panlipunan batay sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura, at iba pa.
Mahalaga ang gampanin ng paksa sa kabuuan ng akademikong sulatin. Sa paksa mag-uumpisa
ang pagpaplano upang maisakatuparan ang makabuluhang akademikong sulatin.

2.Angkop na Layunin- Ang layunin ng magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng
akademikong sulatin. Nakapaloob sa lyunin ang mithiin ng manunulat kung nais na magpahayag
ng iba’t ibang impormasyon kaugnay ng katotohanan, manghikayat na paniwalaan ang
argumentong inilalahad, suportahan o pasubalian ang mga dati nang impormasyon, at iba pang
layunin nakaugat sa dahilan ng pagkabuo ng akademikong sulatin.

8|Page
3. Gabay na Balangkas- Magsisilbing gabay ang balangkas sa akademikong sulatin. Gabay ito
upang organisahin ang ideya ng sulatin. May tatlong uri ng balangkas: balangkas na paksa,
balangkas na pangungusap, at balangkas na talata. Sa tulong ng pagbabalangkas, napadadali ng
manunulat ang kaniyang pagsulat ng sulatin. Kadalasan ang balangkas din ang nagiging burador
ng anumang sulatin. Ang paunang balangkas ang magiging batayan sa pagrerebisa ng pinal na
sulatin.

4. Halaga ng Datos- Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa datos. Maituturing


na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang daatos ng anumang akda. Kung walang datos,
walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin. Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng datos: primary
o pangunahing sanggunian at sekondaryang sanggunian. Nakapaloob sa pangunahing
sanggunian ang mga orihinal na dokumento na naglalaman ng mahahalagang impormasyon ukol
sa paksa. Sa sekondaryang sanggunian, makikita sariling interpretasyon batay sa pangunahing
impormasyon.

Primaryang Sanggunian Sekondaryang Sangggunian


● Talaarawan ● Reaksiyon sa isang:
● Pakikipanayam ⮚ Aklat
● Liham ⮚ Palabas
● Orihinal na gawang sining ⮚ Manuskrito
● Orihinal na larawan ⮚ Pahayag ng isang tao
● Orihinal na pananaliksik
⮚ Buod ng anumang akda
● Mga isinulat na panitikan

5.Epektibong Pagsusuri-Bahagi rin ng isang komprehensibog akademikong sulatin ang


pagsusuri. Upang maging epektibo, lohikal ang dapat na gawing pagsusuri. Hindi makahihikayat
ng mambabasa ang isang akademikong sulatin kung ang nilalaman nito ay nakabatay lamang sa
pansariling pananaw ng sumusulat. Kailangang lagpasan ang opinion at mapalutang ang
katotohanan. Ang pagsusuri ay nakabatay sa ugat o sanhi ng suliranin at nagpapakita ng angkop
na bunga kaugnay ng implikasyon nito sa iniikutang paksa. Marapat lagpasan ng epektibong
pagsusuri ang mga tsismis o sabi-sabi. Ang paraan ng pagsusuri ng isang manunulat ang sukatan
ng lalim ng kaniyang ginawang obra o akademikong sulatin.

6.Tugon ng Konklusyon- Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais na


maipahayag ng akademikong sulatin. Makikita sa kongklusyon ang kasagutan sa mga itinampok
na katanungan sa isinulat na pag-aaral. Kadalasang nasa anyong pabuod ang konklusyon na
binuo batay sa natuklasang kaalaman. Mula sa konklusyon, huhugot ng payo o rekomendasyon
tungo sa pagpapatuloy na isinagawang pag-aaral o akademikong sulatin.

9|Page
Mga Uri ng Pagsulat
1.Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukas ng damdamin, at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng
sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o
kathang-isip lamang. Maibibilang sa uri ng pagsulat na ito ang maikling kuwento, dula, tula,
malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula,
at iba pa.

2.Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)


Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay
bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Ang ilan sa
mga halimbawa nito ay ang Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati,
Project Renovation of Royal Theatre in Caloocan City, Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng
Marikina.

3.Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)


Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak
na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang-pansin nitoang paggawa ng mga
sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.

4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)


Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito
ang pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo, at iba pa. Mahalagang mga sumusulat nito
tulad ng mga journalist, mamamahayag, reporter, at iba pa ay maging bihasa sa pangangalap ng
mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan
sa kanilang isusulat sa mga pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa radyo o telebisyon.

5.Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)


Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman
o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon. Layunin din
ng pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring
mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.
6.Akademikong Pagsulat (Academic Writing)
Ang akademikong pagsulat ay isang intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay
nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang inidibidwal sa iba’t ibang larangan.Layunin
nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga

10 | P a g e
mambabasa.Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba
pang creative devices ang isang uring ito.

▪ PAGYAMANIN
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay naging
malinaw na sa iyo ang kahulugan at kalikasan ng akademikong pagsulat. Upang mapagtibay pa
ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin
ang ilan pang gawain.

Gawain Blg. 1
Kilalanin ang uri ng sulating inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa linya. Gayahin ang
pormat sa iyong sagutang papel.

1. Pangunahing layunin ng pagsulat na ito ay pagbuo ng isang pag-aaral o proyekto.


________________________________________________________________________
2. May kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito ang
pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pa.
________________________________________________________________________
3. Anyo ng pagsulat na ang layunin ay mag-aliw, pumukaw ng damdamin at umantigng
imahinasyon.
________________________________________________________________________
4. Gamit sa pagsulat na pangkahalatang umiikot ang pangunahing ideyang dapatnakapaloob
sa sinusulat.
________________________________________________________________________
5. Anyo ng pagsulat na humahasa sa mga propesyonal gaya ng mga doctor, nars,inhenyero,
at iba. __________________________________________________________________

11 | P a g e
Gawain Blg. 2
Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit ang concept
map sa ibaba. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat katangian.

Paliwanag

Katangian
ng
Paliwanag Akademik Paliwanag
ong
Pagsulat

Paliwanag

ARALIN 2: ANYO NG AKADEMIKONG SULATIN,


HALINA’T SALIKSIKIN
Layunin:
➢ Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian
(d) Anyo (CS_F11/12PN-0a-c-90)

Ang pagbibigay-kahulugan sa terminong “akademikong pagsulat” ay tulad ng pagtatanong


ng isang tao kung ano ang “mansanas”. Ang pinakakaraniwang reaksyong makukuha sa isang
paglalarawan sa mansanas o kaya’y ang simpleng pagbibigay-kahulugan sa mansanas bilang
“isang prutas.” Ang huli, sa halip na magbigay ng kalinawan ay tila magiging sanhi pa ng
kalabuan.
May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsulat. Para sa iba, ito ay nagsisilbing libangan
sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan

12 | P a g e
sa paraang kawili-wili o kasiya-siya. Sa mag-aaral na tulad mo, ang kalimitang dahilan ng
pagsulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng
kasanayan. Sa mga propesyonal namang manunulat tulad ng mga awtor, peryodista, sekretarya,
guro at iba pa, ginagawa nila ito bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabaho na kanilang
ginagampanan sa lipunan.

Anuman ang dahilan ng pagsulat, ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa sumusulat, sa


mga taong nakababasa nito, at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga
isinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsilbing tulay para
sa kabatiran ng susunod na henerasyon. Ang pagsulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang
kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring
magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang
kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.

Kaya naman, sa limang makrong kasanayan pangwika, ang pagsulat ay isa rin sa mga dapat
pagtuonan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito masusukat ang
kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayang tulad ng
pakikinig, pagbabasa, at panonood, madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay
kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. Subalit, sa pagsasalita at
pagsusulat ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman
tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat.

▪ SURIIN

Alam mo ba na ang pagsulat ay itinuturing bilang pinakakompleks na kasanayan sa


komunikasyon? Ang makrong kasanayang ito ay nangangailangan ng sapat na panahon at
pagsasanay upang matamo ang aktuwal na paggamit.

Likas o taglay ng akademikong pagsulat ang maglaman ng samut’ saring kaalaman.


Marapat na ang makilalang kaalaman sa akademikong pagsulat ay bago at mahalaga. Bago ang
kaalaman kung ang nilalaman ng pangungusap at ideya ay impormasyong ipinababatid ay
mapapakinabangan para sa sarili, pampamilya, panlipunan, at pambansang kapakinabangan.
Samakatuwid, upang maging bago at mahalaga ang anumang hatid na kaalaman ng akademikong
pagsulat, likas na kasanayan sa pagbasa at pananaliksik ang dapat maging sandigan. Kung kaya,
alamin natin ngayon ang mga katangian, layunin, gamit o tungkulin at anyo ng akademikong
pagsulat

13 | P a g e
A. Katangian ng Akademikong Pagsulat
Ang akademikong pagsulat sa ano mang wika ay may tinutumbok na isang sentral na
ideya o tema at ang bawat bahagi ay nag-aambag sa pangunahing linya ng argumento nang
walang digresyon o repetisyon. Ang layunin nito’y magbigay ng impormasyon, sa halip na
umaliw. Gumagamit din ito ng istandard na porma ng pasulat na wika.

Ang iba pang katangian ng akademikong pagsulat ay ang sumusunod:

1. Kompleks - Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika
ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Maidaragdag pa
rito ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa ano mang pasulat na gawain.

2. Pormal - Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat. Hindi
angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon.

3. Tumpak - Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad
nang tumpak o walang kulang.

4. Obhetibo - Ang pokus nito ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais
gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.

5. Eksplisit - Responsibilidad na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang
bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Ang ugnayang ito ay nagagawang eksplisit sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang salitang signalling words sa teksto.

6. Wasto - Maingat dapat ang mga manunulat sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o
pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.

7. Responsible - Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad


ng ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Kailangan din niyang
maging responsable sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung
ayaw niyang maparatangan sa isang plagyarista.

8. Malinaw na Layunin - Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong
kaugnay ng isang akda. Ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin.

9. Malinaw na Pananaw - Ang layunin ng kanyang papel ay maipakita ang kanyang sariling pag-
iisip hinggil sa paksa ng kanyang papel. Ito ay tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat.

10.May Pokus - Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na


pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at
taliwas na impormasyon.

11.Lohikal na Organisasyon - Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na


organisasyonal na hulwaran. Ang karamihan ng akademikong papel ay may introduksyon,
katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata.

14 | P a g e
12.Matibay na Suporta - Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta
para sa pamaksang pangungusap, tesis at pahayag.

13.Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon - Bilang manunulat, kailangang matulungan ng


mambabasa tungo sa ganap na pang-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito
kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.

14.Epektibong Pananaliksik - Kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at


akademikong hanguan ng mga impormasyon. Mahalagang maipamalas ang intelektwal na
katapatan sa pamamagitan ng dokumentasyon ng lahat ng hinangong impormasayon o datos.

15.Iskolarling Estilo sa Pagsulat - Sinisikap dito ang kalinawan at kaiklian. Kailangan ding
madaling basahin ang akademikong papel, kung kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga
pagkakamali sa grammar, ispeling, pagbabantas at bokabularyo sa pagsulat nito.

Taglay din ng akademikong pagsulat ang pagiging malikhain ng isang manunulat sa


pagsasalansan ng mga konsepto na umiikot sa paksa. Binabagayan niya ito ng angkop na paraan
na dumaraan sa tumpak at makatotohanang paraan. Kung kaya, sa pagbubuod ng katangian ng
akademikong pagsulat, ito ay ang sumusunod:

1. Makatao, sapagkat naglalaman ang akademikong pagsulat ng mga makabuluhang


impormasyon na dapat mabatid para sa kapakinabangan ng mamamayan.

2. Makabayan, sapagkat ang kapakinabangang hatid ng akademikong pagsulat ay magtutulay sa


kaunlaran ng mamamayan upang maging produktibong kasapi ng pamayanan ng bansa.

3. Demokratiko, sapagkat ang akademikong pagsulat ay walang kinikilingan o kinatatakutan


dahil ang hangarin ay magpahayag ng katotohanan.

Narito rin, ang iba pang katangian ng akademikong pagsulat na dapat nating isaalang-alang:

1. may malinaw na paglalahad mg katotohanan at opinyon sa mga sulatin

2. pantay ang paglalahad ng mga ideya

3. may paggalang sa magkakaibang pananaw

4. organisado

5. may mahigpit na pokus

6. gumagamit ng sapat na katibayan

B. Layunin ng Akademikong Pagsulat


Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang
paksa, at ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin ng isang akademikong papel.

15 | P a g e
1. Mapanghikayat na Layunin. Layunin ng manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na
maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa. Upang maisakatuparan ito, pumipili siya
ng isang sagot sa kanyang tanong, sinusuportahan iyon gamit ang mga katwiran at ebidensiya, at
tinatangka niyang baguhin ang pananaw ng mambabasa hinggil sa paksa. Isang halimbawa nito
ay ang Pagsulat ng Posisyong Papel.

2. Mapanuring Layunin. Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Layunin nitong ipaliwanag at
suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa
ilang pamantayan. Madalas na iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamin ang mga bunga o
epekto, sinusuri ang kabisaan, inaalam ang mga paraan ng paglutas ng suliranin, pinag-uugnay-
ugnay ang iba’t ibang ideya at inaanalisa ang argumento ng iba. Isang halimbawa nito ang
pagsulat ng Panukalang Proyekto.

3. Impormatibong Layunin. Ipinapaliwanag dito ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang
mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa. Naiiba ito
sa sinundang layunin dahil hindi tinutulak o pinupuwersa ng manunulat ang kanyang sariling
pananaw sa mambabasa, manapa’y kanyang pinalalawak lamang ang kanilang pananaw hinggil
sa paksa. Isang halimbawa nito ang pagsulat ng Abstrak.

C. Tungkulin o Gamit ng Akademikong Pagsulat


Maraming dahilan kung bakit isang pangangailangan ang akademikong pagsulat sa lahat ng antas
ng pag-aaral. May mga tungkuling ginagampanan kasi ang gawaing ito na lubhang mahalaga.
Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika. Sa akademikong pagsulat,


nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng aplikasyon ng
kaalaman sa gramatika at sintaktika sa mga gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang
linggwistik ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan naman ng paglalapat ng mga prinsipyong
komunikasyon sa mga gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang pragmatik ng mga mag-aaral.

2. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip. Ang akademikong


pagsulat ay tinitingnan bilang isang proseso, kaysa bilang isang awtput. Ang prosesong ito ay
maaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang
gawain.

3. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao. Hindi lamang


kaalaman at kasanayan ang nililinang sa paaralan. Higit na mahalaga sa mga ito, tungkulin din ng
edukasyon ang linangin ang kaaya-ayang pagpapahalaga o values sa bawat mag-aaral.

4. Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon. Hindi lamang mga


propesyonal na manunulat tulad ng mga mamamahayag at mga awtor ang nagsusulat. Halos
lahat ng maiisip na propesyon ay kinasasangkutan ng pagsulat.

16 | P a g e
Bahagi ng buhay akademiko ng isang mag-aaral ang paggawa ng mga akademikong
sulatin. May taglay na anyo ang isang sulatin upang maging tiyak na gawain sa larangang pang-
akademiko. Upang maging komprehensibo at epektibo ang pagbuo ng mga ito, marapat na alamin
at unawain ang anyo ng akademikong sulatin.

D. Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat


Maraming mga anyo ang akademikong pagsulat. Pinakapopular na marahil sa mga ito ang
reaction paper at term paper dahil sa dalas ng pagpapagawa ng mga ito sa mga mag-aaral sa
mataas na paaralan. Narito ang mga anyo ng akademikong pagsulat:
ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Abstrak Ito ay isang uri ng lagom na ginagamit upang ipakilala ang nilalaman at
ipatangkilik ang isang saliksik/pag-aaral/tesis sa mga mambabasa.
Sintesis Ito ay isang nasusulat na diskusyong nagmula sa isa o higit pang
sanggunian. Ipinaliliwanag nito ang isang partikular na paksa gamit
ang mga pansuportang impormasyon.
Bionote Ito ay isang maikling talang ginagamit upang gawing pagpapakilala sa
isang tao sa mga propesyonal na paggagamitan gaya ng publikasyon, at
introduksiyon bilang tagapagsalita.
Panukalang Ito ay isang sulating nagtataglay ng detalyadong plano para sa pagbuo
Papel at pagsasagawa ng isang pryekto.
Talumpati Ito ay ang sining ng pagsasalitang maaaring
nanghihikayat,nangangatwiran o tumatalakay ng isang paksa para sa
mga tagapakinig.
Adyenda Ito ay tala ng mga paksang pag-uusapan sa isang plano.
Katitikan ng Organisadong idinudokumento ng papel na ito ang mga napag-usapan
Pulong at napagkasunduan ng mga naging bahagi ng isang pulong.
Replektibon Nakaangkla ang nilalaman ng sanaysay na ito sa karanasan ng
g Sanaysay manunulat na nakabatay sa isang partikular na paksa.
Posisyong Ito ay isang uri ng sanaysay na nagpapakilala ng isang tingig na
Papel nakabatay sa pansariling pananaw ng manunulat na maaaring
umangkla sa mg paksang pampolitika, panlipunan, pang-akademya, at
iba pang kaugnay na larang na maaaring kuhanan ng paksa.
Photo Essay Ito ay isang uri ng artikulong nagtataglay ng mg larawang
nagsasalaysay ng pangyayari, damdamin, at konsepto.
Lakbay- Ito ay isang artikulong naglalahad ng mga karanasan at pangyayaring
Sanaysay naging bahagi ng paglalakbay ng isang indibidwal o pangkat sa isang
partikular na lugar.

17 | P a g e
▪ PAGYAMANIN
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay naging
malinaw na sa iyo ang mga katangian, layon, gamit at anyo ng akademikong pagsulat. Upang
mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan,
subukin mong gawin ang ilan pang gawain.

Gawain Blg. 3
Kilalanin ang uri ng sulating inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa linya. Gayahin ang
pormat sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay isang uri ng artikulong nagtataglay ng mg larawang nagsasalaysay ng pangyayari,


damdamin, at konsepto. ________________________________________________________
2. Sa akademikong pagsulat na ito, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad
nang walang labis at walang kulang. _____________________________________________
3. Ito ay isang maikling talang ginagamit upang gawing pagpapakilala sa isang tao sa mga
propesyonal na paggagamitan gaya ng publikasyon, at introduksiyon bilang tagapagsalita.
_________________________________________________________________
4. Layunin nitong ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang
pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. ______________________________
5. Ito ay isang uri ng lagom na ginagamit upang ipakilala ang nilalaman at ipatangkilik ang
isang saliksik/pag-aaral/tesis sa mga mambabasa. ________________________________

Gawain Blg. 4
Batay sa iyong nakuhang mga impormasyon mula sa binasang aralin, basahing mabuti at
unawain ang bawat pangungusap at isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag, kung
hindi naman, isulat ang salitang MALI sa iyong sagutang papel.

1. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil sa mga


impormasyon na kaniyang nakuha sa aklat.
2. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng kaniyang
ginagawang pag-aaral.
3. Mapamaraan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na kwestiyonable.
4. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari hinggil sa mga
paboritong artista sa telebisyon.
5. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat ng mga
pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil sa iba’t ibang mga disiplina.

18 | P a g e
ARALIN 3: PANIMULANG PANANALIKSIK
Layunin:
➢ Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng ibat ibang anyo ng sulating akademiko (CS_FA11/12EP-0a-c-39)

Isang epektibong pamamaraan tungo sa kaunlaran ay ang maayos na paglinang ng mga


kasanayan sa pakikipagtalastasan: pakikinig, pagsasalita, pagbasa’t pag-unawa, panonood,
pagsulat at pananaliksik.

Binibigyang-diin at pansin ng modyul na ito ang pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating
lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa epektibo, mabisa, mapanuri at masinop na
pagsusulat sa napiling larang.

▪ TUKLASIN
Pananaliksik
Ang pananaliksik o riserts ay ang makaagham na proseso ng pangangalap ng mga totoong
datos, impormasyon at tala upang masubok ang isang teorya at kalaunan ay hahantong sa
pagiging kaalaman.

Ito ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa


kaalamn. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-
alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga
panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na
pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o
maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng
prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas
o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman
pa ng mga mamamayan.

Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang
makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang
mananaliksik ng mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napag-
alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman.
Maaaring naghahanap-buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik sa isang klinika,
laboratoryo, o kaya isang planetaryo. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para
mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral
hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-aralan
ang sanlibutan.

19 | P a g e
Ayon kay Kerlinger (1973) ang pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado,
emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong hapotetikal.

Ayon kina Clarke at Clarke (2005), ang pananalikisik ay isang maingat, masistematiko, at
obhetibong imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng mga balidong katotohanan,
makabuo ng kongklusyon, at makalikha ng mga simulaing kaugnay ng tinukoy na suliranin ng
ilang larangang ng karunungan.

Ayon naman kay John W. Best (2002), ang pananalikisik ay isang masistematiko at
obhetibong pag-aanalisa at pagtatala ng mga kontroladong obserbasyon na maaaring tumungo sa
paglalahat, simulain, teorya, at mga konsepto na magbubunga ng prediksyon sa pagkilala at
posibleng kontrol sa mga pangyayari.

Sinabi rin ni Mouly (1964) na ang pananaliksik ay proseso ng pagkakaroon ng


mapapanghawakan solusyon sa problema sa pamamagitan ng planado at sistematikong
pangangalap, pag-aanalisa, at interpretasyon ng mga datos.
Binigyang-kahulugan nina Nuncio et al. (2013) ang pananaliksik bilang isang lohikal na
proseso ng paghahanap ng sagot sa mga tanong ng mananaliksik na nakabatay sa problema at
metado ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang
makatugon sa pangangailangan ng tao at lipunan.

Kung lalagumin natin ang ibinigay ma depinisyon, nagkakaisa ang mga awtoridad sa
pagsasabi na ang pananaliksik ay sistematiko at obhetibong pag-aanalisa na humahantong sa
paglalahat ng kongklusyon.

Katangian at Pananagutan ng Isang Mananaliksik


1. Masipag at matiyaga Kailangan ng lubos na pasensya sa pangangalap ng datos at
malawak na pang-unawa sa mga nakasasalamuhang tao.
2. Maingat Pag-iisa-isa ng mga nakalap na datos at impormasyon na may
kaugnayan sa ginagawang sulating pananaliksik.
3. Masistema Maayos na mga hakbangin upang walang malimutang mga datos,
impormasyon o detalye na kailangan sa sulating pananaliksik.
4. Mapanuri Masusing pagsusuri sa mga pangunahing datos at mga pantulong
na datos upang maihanay nang maayos at naaayon sa
pangangailangan.

20 | P a g e
Etika sa Pananaliksik
Malaking pananagutan at responsibilidad ng isang mananaliksik ang pag-iwas at pag-
iingat sa plagiarism o pangongopya ng gawa ng iba. Kung gayon, kailangan niyang maging
matapat sa kanyang isinusulat at mapanindigan ang anumang produktong ginawa sa lahat ng
oras.

1. Paggalang sa Karapatan ng iba Kaukulang pagrespeto at paggalang sa mga


Karapatan lalo ng mga gagamiting
respondent o kalahok.
2. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang Lahat ng mga datos at detalyeng makukuha
confidential mula sa mga sarbey, interbyu o anumang
paraan ay confidential.
3. Pagiging matapat sa bawat pahayag Matapat at naayon ang anumang pahayag sa
sulating pananaliksik sa pamantayan ng
pagsulat.
4. Pagiging obhetibo at walang kinikilingan Kailangang ang katapatan ng mananaliksik at
mailahad ang resulta ng kanyang
pananaliksik nang walang pagkiling sa
sinuman o anuman.

21 | P a g e
Mga Hakbang sa Pananaliksik

Pagpili ng tamang paksa

Paghahanda ng balangkas

Paghahanda ng Paghahanda ng
bibliyograpiya

pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal

Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas

Pagsulat ng pananaliksik

Pagrereserba ng papel

Pagsulat ng pinal na papel

▪ SURIIN

Gawain Blg. 5
Panuto: Basahin at unawain ang isang papel-pananaliksik mula sa LPU Laguna Journal of Arts
and Sciences Psychological (2015). Isulat ang mga detalye tungkol dito ayon sa balangkas sa ibaba.

Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at

22 | P a g e
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, na ang mga respondente ay pinili ng mga
mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35)
na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta.
Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng
anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.

Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2No.2 September 2015

Pamagat ng Paksa: __________________________________________


Mananaliksik: ______________________________________________
Institusyon: ________________________________________________
Mahalagang impormasyon ng Pag-aaral:
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________
Kahalagahan ng Pag-aaral:
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________

ARALIN 4: BUOD AT SINTESIS


Layunin:
➢ Nakasusulat nang maayos na akademikong pagsulat (CS_FA11/12PU-0d-f-92)

Isang kapaki-pakinabang na gawain ang pagbabasa at panonood. Sapamamagitan ng mga


ito, nadaragdagan ang kaalaman ng tao at lumalawak ang saklaw ng pagkatuto di lamang sa
sariling kultura, kapaligiran, at pamumuhay kundi sa mga lugar sa ibayong-dagat at maging sa
labas ng ating daigdig.

Isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng
isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o

23 | P a g e
akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang
nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang kasanayang
maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan
ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng Paglalagom. Una, natutuhan ang
pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang
pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito at gayundin ang mga pantulong na kaisipan.
Tandaan na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda
o teksto. Pangalawa, natututuhan niyang magsuri ng nilalaman ng kanyang binasa.

Ang sintesis ay pagsasama-sama ng mga ideya na may iba’t ibang pinanggalingan sa isang
sanaysay o presentasyon .Sa paaralan ay maraming iba’t ibang gawain ang ipinararanas sa atin.
Pagkatapos ay ipinasasaayos sa atin ang mga impormasyong nakuha , pinapagawan ng banghay
ng isang tema o paksa, pinabubuo tayo ng paglalahat at ipinalalahad nang may lohikal na
kaayusan ang mga impormasyon. Laging tandaan na ang sintesis ay hindi paglalagom,
paghahambing, o rebyu. Sa halip, ang sintesis ay resulta ng integrasyon ng iyong narinig, nabasa
at ang kakayahan mong magamit ang natutuhan upang madebelop at masuportahan ang iyong
pangunahing tesis o argumento. Ang pagkatuto sa pagsulat ng sintesis ay kritikal na kasanayan at
krusyal sa pagbubuo, paglalahad ng impormasyon sa pang-akademiko at di-akademikong
tagpuan.

Bukod sa ang kasanayang ito ay nagiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay
nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon., negosyo, at propesyon. Dahil sa mabilis na
takbo ng buhay sa kasalukuyan, at ang marami ay laging parang nagmamadali sa mg gawaing
dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang malaki ang pagbabasa ng maikling sulatin na
kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang babasahin, teksto o pag-aaral. Bilang
paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at pagtatrabaho, mahalagang matutuhan mo ang
paggawa ng iba’t ibang uri ng lagom na madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo, at sa iba’t
ibang uri ng propesyon. Kaya naman, sa araling ito ay lubos mong matututuhan ang pagsulat ng
iba’t ibang uri ng lagom o buod- gaya ng sintesis.

▪ SURIIN
A. Kahulugan at Anyo ng Buod at Sintesis
1. BUOD- tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o
nabasang artikulo, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa. Ibig sabihin, maaaring magsulat o
magpahayag ng buod ng isang nakasulat na akda o ng oral na pahayag.

Samanatala, nagagamit naman ng mag propesyonal ang pagbubuod sa kanilang pag-uulat sa


trabaho., liham pangnegosyo, dokumentasyon at iba pa. Sa pamamagitan ng mga ito, mas madali
at episyenteng naitutulay sa iba ang mga mensaheng gugugol ng mahabang panahon kung
ilalahad nang buo.

24 | P a g e
2. SINTESIS- pagsasama-sama ng dalawa o higit pang buod. Ito ang paggawa ng koneksyon sa
pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin. Ito ay may kaugnayan, ngunit hindi katulad
ng klasipikasyon, dibisyon, komparison, o kontrast. Liban sa pagbibigay-tuon sa iba’t ibang
kategorya at paghahanap sa pagkakatulad o pagkakaiba ng mga konseptong napapaloob dito, ang
sintesis ay ang pagsasama-sama ng iba’t ibang mga akda upang makabuo ng isang akdang
nakapag-ugnay sa nilalaman ng mga ito. Ito kung gayon ay isang sulating maayos at malinaw na
nagdurugtong sa mga ideya mula sa maraming sangguniang ginagamit ang sariling panalita ng
sumulat.

Sa madaling salita, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang


punto, at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, at
maipasa ang kaalamang ito sa sandalling panahon lamang. Sa akademikong larangan, ang sintesis
ay maaaring nasa anyong nagpapaliwanag o explanatory, o argumenatibo o argumentative synthesis.

1. Explanatory Syntehesis- isang sulating naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig


na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay, ipinaliliwanag ang paksa sa
pamamagitan ng paghahatid sa paksa sa kanyang mga bahagi at inilalahad ito sa isang
malinaw at maayos na pamamaraan.
2. Argumentative Synthesis- may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.
Sinusuportahan ang mga pananaw na ito ng mga makatotohanang impormasyon na hango
sa iba’t ibang mg sanggunian na nailahad sa paraang lohikal. Karaniwang pinupunto ng
pagtalakay sa ganitong anyo ng sintesis ang katotohanan, halaga, o kaakmahan ng mag
isyu at impormasyong kaakibat ng paksa.

B. Mga Uri at Katangian ng Mahusay na Buod


1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto- Ang buod ay dapat sumasagot sa
mga pangunahing katanungan tulad ng Sino, Ano, Saan, Kailan, Bakit, at Paano.

2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo-Tanging ang mga impormasyong nasa


orihinal na teksto ang dapat isama. Hindi dapat dagdagan ito ng pansariling ideya o kritisismo ng
nagsusulat.
3. Hindi nagsasama ng halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto-
Maglahad lamang ng mahahalagang impormasyong nabanggit sa isang akda sa mas maiksi at sa
katulad na linaw na orihinal.

4. Gumagamit ng mga susing salita- ang mga susing salita ay ang mga pangunahing konsepto na
pinagtutuunan ng teksto.

5. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napananatili ang orihinal na mensahe- ang


paggamit ng personal na pananalita ay makatutulong ng malaki upang maihayag ang katulad na
mensahe mula sa orihinal na teksto sa mas maikling pahayag.

25 | P a g e
Mga Uri at Katangian ng Mahusay na Buod
1. Background Synthesis- Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin
ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa
tema at hindi ayon sa sanggunian.
2. Thesis-driven synthesis- Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit
nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang
simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na
pag-uugnay ng mag punto sa tesis ng sulatin.
3. Synthesis for the Literature- Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang
kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat
nang literature ukol sa paksa. Upang maipakita ang malawak na kaalaman sa paksa,
kailangang magkaraoon ng sintesis ng mga literaturang kaugnay ng pag-aaral ang isang
papel pananaliksik. Halos, katulad lang din ito ng background synthesis. Ang pagkakaiba
lamang, ang uri ng sintesis na ito ay tumutuon sa mga literaturang gagamitin sa
pananaliksik na isinasagawa. Karanaiwang isinasaayos ang sulatin batay samga
sanggunian ngunit maaari rin naming ayusin ito batay sa paksa.

Gamit ang isa sa mga uring ito, makabubuo ng isang akademikong sintesis ng mga
magkakaugnay na sulatin. Sa pagsulat ng sintesis, mahalagangbigyang-pansin ang sumusunod na
katangiang dapat nitong taglayin:

1. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t ibang


estrktura ng pagpapahayag;

2. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga


impormasyong nagmumula sa iba’t ibang sangguniang ginamit; at

3. Napagtitibay nito ang nailalaman ng mga pinaghanguang akda at napalalim nito ang pag-
unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay.

Kung ang isinulat na sintesis ay kakikitaan ng mga katangiang ito, masasabing mahusay
ang pagkakasulat nito. Bilang isang manunulat, isang nagsisimulang manunulat, isang
mahalagang bagay na dapat sanayin ang pagtaya sa isinusulat kung nakasusunod ito sa mga
pamantayan at katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na sualtin. Sa ganitong pamamaraan
mapananatili ang kalidad ng nagawang sulatin tulad ng buod, sintesis at iba pa.

B. Mga Hakbang sa Pagsulat Buod at Sintesis


Mga Hakbangin sa Pagbubuod
Narito ang ilang simpleng hakbanging magagamit sa pagsulat ng buod ng isang akda:

26 | P a g e
1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye- Ang
pagsasalungguhit ay makatutulong upang madaling balikan ang mga importanteng isasama sa
buod.
2. Ilista o igrupo ang mga pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya , at ang pangunahing
paliwanag sa bawat ideya- Ang paggugrupong ito ay nakapagbibigay ng isang balangkas sa
maaaring lamanin at pagkakaayos ng isusulat na buod.

3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohikal na paraan- ang
orihinal na awtor ay maaaring gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upang kanyang ilahad ang
paksang tinatalakay.
4. Kung gumamit ng unang panauhan (hal.ako) ang awtor, palitan ito ng kanyang apelyido, ng
Ang manunulat, o siya- ipinakikita nito na ang mismong nagbubuod ay iba sa mismong
sumusulat o naghayag ng orihinal na akda.

5. Isulat ang buod- Maaring simulan ang buod sa isang pahayag na magpapakilala sa awtor at sa
mismong akdang binuod. Maaari ring isama na nakuha ang akda at kung kailan ito nilimbag.

Totoong hindi madali ang preparasyon at pagsulat ng isang sintesis. Sa isang baguhan o
hindi pa gaanong gamay ang pagsulat ng ganitong uri ng akademikong sulatin, makatutulong
ang pagsunod sa ilang simpleng hakbang sa pagsulat nito.

Walong hakbang sa pagsulat ng sintesis:


1. Linawin ang layunin sa pagsulat- mahalagang maging malinaw ang tunguhin ng pagsulat
ng sintesis. Dapat masagot ang tanong na kung bakit ito susulatin. Sa madaling sabi, para
san ba ito? Kung malinaw ang layunin sa pagsulat, mapagdedesisyonang mabuti ang anyo
at uri ng sitesis na bubuuin at dahil dito, magagampanan ng sualtin ang kanyang layunin.
2. Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa lyunin at basahin nang Mabuti ang mga
ito- Kung malinaw ang layunin ng pagsulat ng sintesis, magiging madali ang pagpili at
paghahanap ng mga sanggunian para mabuo ito. Nasabi ang pagpapalagay na ito,
sapagkat kung alam ng susulat ang layunin, malalaman rin niya na hahanapin ang mga
sangguniang makatugon sa layuning ito. Mas madali rin niyang matutukoy kung akma ang
akdang nahanap para maging sanggunian.
3. Buuin ang tesis ng sulatin- Tiyakin ang tesis ng sintesis na gagawin. Ito ang pangunahing
ideya ng isusulat. Ihayag ito gamit ang buong pangungusap. Dapat naglalaman ang tesis na
ito ng ideya ukol sa paksa at ang paninindigan ukol dito. Karaniwang nakikita ang tesis sa
unang pangungusap na pagtalakay, subalit maaari rin naming makikita ito sa gitna o
hulihan ng sulatin.
4. Bumuo ng plano sa organisayon ng sulatin- Maghanda ng balangkas na susundan sa
pagsulat ng sintesis. Ang balangkas na ito ay nakaayon sa iba’t ibang mga teknik sa
pagdebelop ng sintesis. Depende sa layunin, pumili ng isang teknik o kombinasyon ng mga
ito upang magamit sa pagsulat ng sintesis. Kasama sa mga teknik na ito ang pagbubuod.

27 | P a g e
Paggamit ng halimbawa o ilustrasyon, pagdadahilan, strawman technique, konsesyon, o
comparison at contrast.
5. Isulat ang unang burador- Gamit ang napiling teknik, isulat ang unang burador ng sintesis.
Tandaan lamang na maging pleksibol sa sarili. Bagama’t may nakaplanong balangkas, kung
mapagtatantong may mahalagang pagbabago nadapat gawin sa balangkas ay dapat
ipagpatuloy ito upang maisama ang mga puntong nais pang matalakay.
6. Ilista ang mga sanggunian- Gamit ang pormat na pinepreskrayb ng guro, ilista at ayusin
ang mga ginamit na sanggunian. Isang mahalagang kasanayan na binibigyang-pagkilala
ang ano mang akda o sino mang awtor na pinaghanguan ng impormasyon sa ginagawang
akademikong sulatin. Karaniwang ginagamit na pormat ang MLA oModern Language
Association at ang APA o American Psychological Association. Ang ikalawa ang higit na
preferred ng may akda na ginagamit dito.
7. Rebisahin ang sintesis-Basahing muli ang sintesis at tukuyin ang mga kahinaan nito.
Hanapin ang mga kamalian sa pagsulat at higit sa lahat ang mga kamalian sa detalye. Isulat
muli ang sitesis para maisama ang mga nakitang punto na dapat baguhin.
8. Isulat ang pinal na sintesis-Mula rebisadong borador, maisusulat na ang pinal na sintesis.
Sa pagbuo ng sintesis, isaalang-alang din ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga
detalye.

● Sekwensiyal- pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng


mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng una, pangalawa, pangatlo,
susunod, at iba pa.
● Kronolohikal- pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye ayon
sa pangyayari.
● Prosidyural- pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa.
-Maari ding isaalang-alang ang bahagi ng tekto: ang una, gitna, at wakas.
-Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong
pagsulat.

▪ Pakatandaan!

Akademikong Literatura
BUOD SINTESIS

Maikling lagom o pangkalahatang Pagsasama-sama ng mga


pagtingin sa isang bagay. ideya na may iba’t ibang
Tala ng isang indibidwal sa pinanggalingan.
sarili niyang pananalita, ukol sa Hindi paglalagom, rebyu o
kanyang narinig, nabasa o paghahambing
napakinggan. Resulta ng integrasyon ng

28 | P a g e
Inilalahad ang buong istorya, narinig o nabasa.
artikulo at tula. Magamit ang matutuhan
Pinipili ang para masuportahan ang tesis o
pinakamahalagang ideya at argument.
sumusuportang ideya o datos Pagsasaayos ng mga
Mahalaga ang pagtutok sa impormasyong nakuha
lohikal at kronolohikal na daloy kaugnay ng isang tema o
ng mga ideya ng binuod na paksa.
teksto.

▪ PAGYAMANIN
Gawain Blg. 6
Isabuhay Mo Na!
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba. Pagkatapos, ibuod ito ayon sa mga bahagi ng
teksto sa sagutang papel.
Alamat ng Ilang-Ilang
Noong panahong bago-bago pa lamang sa lupaing ito ang mga Kastila, sa isang pook
ng bayang Malabon ay may isang dalagang tumutugon sa pangalang Cirila, kabilang sa
angkan ng mga Gat kung kaya't iginagalang at pinagpipitaganan ng madla. Ang kaniyang
ganda, na ayon sa sabi'y pinilas sa buwan, ay kinambalan pa ng isang kabaitang siyang
nagbibinhi sa puso ng kaniyang mga kababayan upang pag-ukulan siya ng isang pagmamahal
na wala nang makakatulad.
Sa bayang ito ay may isang binata rin naman na ang pangalan ay Carlos na kung
tagurian ay Lanubo, dahil sa kaniyang mga bisig na matitigas at matipuno; siya'y may
katapangan at lakas ng loob na kinagugulatan ng sino mang binata sa mga karatig na bayan ng
Malabon. Si Carlos at Cirila, na ang palayaw naman ay Ilang, ay magkatipan sa pag-ibig. Ang
kanilang pagmamahalan ay walang makakatulad.
Hindi nila nakikilala ang lungkot; ang kapighatian ay kanilang hinahamak, ang luha at
buntunghininga ay hinahalakhakan lamang nila kung ang mga ito'y sinasambit ng sinumang
kakilala na nakababatid ng timyas ng kanilang pagsusuyuan. Ang pag-iibigan ni Ilang at ni
Lanubo ay hindi naman lingid sa kanilang mga magulang at ang mga ito naman ay hindi tutol
sa pag-iibigan nila.
Isang araw ay dumating sa Malabon at umahon sa dalampasigan ng Navotas ang ilang
mga dayuhang Intsik na karaniwan na ring dumarating sa nasabing bayan. Ang Intsik na ito,
hindi nalao'y tinubuan ng pag-ibig sa dalaga nguni't hindi siya nagpahayag ng kaniyang
niloloob marahil ay sa dahilang alam niya ang ugali ng mga babaeng Pilipina at ang isa pa'y
nasisindak siya na baka ito'y mabatid ni Lanubo na isang binatang lubos na kinakatakutan ng
lahat ng lalaki sa bayan at sa mga pook na karatig. Sinarili ng Intsik ang gayong pagnanais at
maghintay na lamang ng isang mabuting pagkakataon na sa ganang kaniya'y siyang lalong
pinakamabuting magagawa. Ang katuparan ng pag-iibigan ni Ilang at ni Lanubo ay malapit
nang dumating. Sa pagkakasundo ng dalawang panig ay pinagkayarian ng mga magulang nila

29 | P a g e
na ang kasal ay idaos sa pagliliwanag ng buwan. Noon ay gasuklay pa lamang ito at dahil
diya'y may panahon pa sila upang magawa ng bawa't isa ang mga paghahanda sa lahat ng
kinakailangan. Sa gayon, si Lanubo ay nagpaalam upang tumungo sa Limay, Bataan, upang
makapanghuli ng usa na noong mga panahong yao'y isa sa mabuting handa sa pagsasalu-salo
ng mga magkakaibigan. Apat na matatalik na katoto ng binate ang isinama at isang umaga'y
sumakay sila sa isang lunday na patungo sa bundok na mausa.
Makadalawang araw ng pagkakaalis ni Lanubo, sinamantala ng Intsik ang
pagkakataon at nagpahayag ng pag-ibig kay Ilang at naghandog pa ng kayamanan, datapwa't
sukat ispin na ang mga paghahandog na ito'y walang masasapit sa isang babae na di-lamang
sa marunong tumupad sa pangako kundi may isang puso pang malinis at marangal kaya't
isang kabaliwan lamang ang isinasagawa ng Intsik sa pagtatapat ng pag-ibig na tiyak nang
walang kasasapitan. Ang Intsik ay hindi lamang tumanggap nga ng malaking pagkabigo
kundi kinapootan pa ng dalaga sa gayong kapangahasan na sinamantala ang pag-alis ng
kaniyang minamahal na katipan. Sa pagkapahiya ng Intsik ay minabuti ang umalis sa bayang
yaon at huwag ng paabot pa sa pagdating ni Lanubo, nguni't siya namang pagdating ng
dalawang pangkat ng mga tulisang Intsik na siyang sinamantala ng nasiphayo upang ang
hindi niya nakuha sa mabutihan ay daanin sa masama. Nakipagsabwatan sa kaniyang mga
kababayan, at isang gabing umunos ay sinalakay nila ang tahanan ng dalaga at matapos na
itali ang mga magulang nito ay kinuha si Ilang at dinala sa isang malayong pook. At doon ay
pinilit ang babae na mapasang-ayon sa kanilang maitim na nais; nguni't si Ilang ay hindi
napahinuhod ng Intsik gaano mang pananakot at pagbabanta ang kaniyang gawin. Nang
inaakala na ni Ilang na siya ay sapilitang mapapasa-kamay ng Intsik ay minabuti na ang
mamatay kaysa mawalan ng puri, at sa isang pagkakalingat ng salanggapang na Intsik ay
inagaw niya ang sundang nito at sa pag-aagawan nila, sinamang-palad na natarak ang
sundang sa tapat ng puso ni Ilang na ikinamatay nito noon din.

Pamagat: _____________________________________________________________________________
Panimula:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
___________________________________________
Gitna:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
____________________________________________
Wakas:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
____________________________________________

30 | P a g e
5 4 3 2
Ang uri ng lagom Ang uri ng lagom Ang uri ng lagom Ang uri ng lagom
na nabuo ay na nabuo ay na nabuo ay na nabuo ay di
talagang organisado, bahagyang organisado,
organisado, maingat na organisado, hindi maayos
maingat na naisulat, wasto, at bahagyang may ang
naisulat, wasto, at angkop ang wikang kaingatan, may pagkakasulat,
angkop ang wikang ginamit. kawastuhan, at hindi wasto at
ginamit. may kaangkupan angkop ang
ang wikang wikang ginamit.
ginamit.

FILIPINO SA PILING LARANGAN – SINING AT


DISENYO
ARALIN 5: KAHULUGAN NG MGA ANYONG SULATIN SA
SINING AT DISENYO
Layunin:
➢ nabibigyang-kahulugan ang mga anyo ng sulatin sa sining at disenyo (CS_FSD11/12PB-0a-c
103);
➢ nakikilala ang iba’t ibang anyo ng sining at disenyo ayon sa:
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
e. Target na gagamit (CS_FSD11/12PT 0a-c-91); at
➢ Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sining at disenyo (CS_FSD11/12EP-0a-c-41).

▪ TUKLASIN
Nakakita ka na ba ng taong may tattoo sa katawan? Naisip mo ba kung saan ito nagmula?
Marahil maraming pumapasok sa isipan mo sa tuwing may nakikita kang tattoo sa katawan ng
isang tao. Basahin mo ang isang Personal Blog upang mas lalo mong maunawaan ang pinag-ugatan
ng kasaysayan ng pagpipinta sa katawan.

Nang makarating ang mga Espanyol sa Kabisayaan noong 1668 ay binansagan nilang
pintados ang mga taong nakikita nilang may permanenteng makukulay na disenyo sa katawan.
Nagmuula sa wikang Kastila ang pintados na ang ibig sabihin ay may pinta o guhit sa katawan ng

31 | P a g e
tao. Hanggang sa paglipas ng panahon ay tinawag
itong tattoo sa wikang Ingles subalit sa Cordillera
ang tawag dito ay “fatek”. Ang dami ng tattoo sa
katawan ng mga kalalakihan ang nagpapahiwag
ng kanilang kagitingan para sa mga kababaihan ito
naman ay simbolo ng kagandahan.

Mula naman sa Buskalan, Tinglayan,


Kalinga ay may isang alagad ng sining na
tinaguriang “Huling Magbabatok” o tawag sa
isang tradisyunal na pagtatattoo. Siya ay si Apo
Whang Od na patuloy pa ring ibinabahagi ang angking galing sa edad na 100. Ang tadisyunal na
gamit niya sa pagtatattoo ay sa pamamagitan ng tinik ng halaman ng suha at uling. Maraming tao
ang dumarayo sa kanilang lugar upang magpatattoo sa pinakamatandang magbabatok sa Kalinga.
Ang kaniyang talento ay Pinatutunayan lamang nito na ang sining ay hindi kumukupas at
mananatiling buhay lalo pa kung ito ay naipasa sa mga susunod na henerasyon.

▪ SURIIN
Kung babalikan natin ang binasang teksto,
makikita natin na ang mga Pilipino ay may taglay na
galing sa larangan ng sining. Mula sa mga obrang
ipinamana nila sa iba’t ibang henerasyon ay hindi
maitatanggi na ang mga likhang-sining na ito ay
tunay nga na kahanga hanga.

Sino ba ang hindi nakakaalam sa isa sa


ipinagmamalaki nating mga Pilipino na kabilang sa
“Ikawalong Kahanga-hangang Pook sa Mundo” na
mula sa paglilok ng mga mamamayan ng Batad ay
nakagawa sila ng hagdang-hagdang palayan na
matatagpuan sa Banaue, Ifugao province.

Ipinagmamalaki naman ng mga taga-Zamboanga ang makukulay na tadisyunal na bangka


na tinawag na “Vinta”. Mula naman sa Paete, Laguna ay tanyag ang paglilok na sinasabing
ginagawa na ito bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa. Sikat din sa lugar na ito
ang laruang Taka o paper mache gamit ang pira-pirasong papel na hinugis upang makabuo ng
hugis hayop o tao. Kung ikaw naman ay magagawi sa San Miguel, Bulacan ay makikita mo ang
mga pabalat ng pastillas na kilala rin sa tawag na “borlas de pastillas.”

32 | P a g e
Ilan lamang ito sa likhang sining ng mga Pilipino na sumasalamin sa pamumuhay, kultura,
tradisyon at etnisidad ng ating bansa.

namayagpag ang pangalan sa larangan ng iba’t


ibang sining. Sa larangan ng pagpipinta ay kinilala
ang husay ni Fernando Amorsolo na ginawaran
bilang kauna-unahang National Artist o
Pambansang alagad ng sining sa pintura noong
1972. Hindi rin pahuhuli si Juan Luna na isang
pintor sapagkat ang medalyang ginto ay nakamit
niya sa kanyang obrang Spolarium sa Exposicion
General de Bellas Artes sa Madrid noong 1884. Ang
pangalan naman ni Guillermo Tolentino ang sikat
sa larangan ng eskultor. Hindi rin pahuhuli ang
isang guro na si Francisca Reyes Aquino sa pag-aaral niya ng mga katutubong sayaw. Sa larangan
naman ng arkitektura ay kuminang ang pangalan ni Juan Nakpil na kauna-unahang ginawaran
bilang Pambansang Alagad ng Sining sa arkitektura. Mula noon hanggang sa kasalukuyang
panahon ay tumatak sa isipan ng mga Pilipino ang pangalan ng ating pambansang bayani na si
Dr. Jose Rizal dahil sa husay niya sa larangan ng pagsulat.

Ilan lamang sila na maituturing nating alagad ng sining. Marami pang umusbong ang mga
pangalan sa iba’t ibang henerasyon. Sa Iba-iba mang larangan sila kinilala ito ay patunay na ang
sining ay isang biyaya ng Maykapal na dapat pagyamanin at ibahagi upang magsilbing
inspirasyon dahil sila ay maituturing na kayamanan ng ating lahi.

Ano nga ba ang kahulugan ng sining?


Ayon kay Almario et. al (2010)ang sining ay kalidad o produksiyon, o ekspresyon ng
anumang maganda o kaakit-akit, at may kahalagahang higit sa karaniwan alinsunod sa mga
prinsipyong estetiko.

Ayon kay Garcia at Geronimo 2017, 4 ang sining ay nagmula sa salitang latin na ars na
nangangahulugang kakayahan na may katumbas din na salitang Griego na techne na pinagmulan
naman ng salitang teknolohiya. Binanggit din nila ang iba’t ibang anyo ang sining.

33 | P a g e
Pagpipinta
• sining ng paglalagay ng pigmento na may kulay at porma sa pamamagitan ng
paggamit ng pinsel
Potograpiya
• sining sa pagkuha ng mga larawan at pagtitimpla ng mga mahen mula sa
tamang ilaw at anggulo tinatawag
Teatro
• isang sining/larangan na nakatuon sa pagpaplano o pagsasaayos ng tanghalan
Musika
• binubuo ng elemento ng ritmo, melodiya, timbre at harmonya
Sayaw
• sining ng panggagaya at ekspresyon ng mga kilos o galaw na namamasid sa
kalikasan
Eskultura
• sining ng pag-uukit at pagpoporma ng mga bato, metal, at iba pang
makabagong materyal gaya ng kasangkapang elektroniko

Ang disenyo naman ay ang pagbuo ng isang plano para maitayo ang isang bagay. Ayon
naman kay Villanueva at Bandril 2016, 138 ang disenyo ay isang padron o hulagway ng isang
sining. Salamin ng sinop at pagpino sa anumang sining upang palitawain ang ganda at anyo nito.
Naniniwala rin sina Villanueva at Bandril 2016, 127-130 na ang sining at disenyo ay kapwa may
malaking gampanin sa pagsulat ng isang akademikong sulatin sapagkat ito ang magiging
lunsaran upang maitala ang mga obra at produktong gawa ng mga mamamayan upang ito ay
tangkilikin, pahalagahan at pagyamanin. Sa pamamagitan ng akademikong sulatin ay mailalahad
nito ang pinag-ugatan ng sining at disenyo o proseso ng pinagdaanan nito upang mas lalo itong
umunlad at lumawak. Ilang kurso na sakop ng sining at disenyo ay ang may kinalaman sa
Arkitektura, Pinong Sining, pagpipinta, industrial at interior design, potograpiya, adbertismo na
nakatuon sa pagdidisenyo. Ang akademikong sulatin sa sining at disenyo ay may layuning
manghikayat na tangkilikin ang pamana ng ating lahi, magpamulat na kailangang pangalagaan at
ipreserba ang mga ito at magpalaya upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na
makapagpasya sa nararapat na gawin sa mga likhang-sining.

Ang ilang paraan ng pagsulat ng isang akademikong sulatin tungkol sa sining at disensyo ay
sa pamamagitan ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatuwiran. Masasabing
pagsasalaysay ang akademikong sulatin kaugnay ng sining at disenyo kung ito ay nagkukwento
ng pinagmulan ng isang sining at disenyo. Paglalarawan naman ang isang akademikong sulatin
kung detalyadong naglalarawan ng sining at disenyo. Paglalahad naman ang isang akademikong
sulatin sa sining at disenyo kung ito ay nagpapaliwanag ng ilang mahahalagang impormasyon na
dapat maunawaan ng mambabasa. Pangangatuwiran naman ang isang akademikong sulatin sa
sining at disenyo kung inilalatag ang katuwiran o paninindigan na may pinagbabatayan.

34 | P a g e
Ayon kay Villanueva at Bandril 2016 ang anyo ng sulatin sa sining at disenyo ay ang mga
sumusunod:

Blog
•Madalas inilalagay sa isang host website o ang social network site ang uri ng sulating ito.
Pinaikling salita na weblog na tumutukoy sa mga akda o sulatin na makikita sa internet.
Kalimitang naglalaman ang blog ng mga salita, litrato, video, link hinggil sa karanasan,
saloobin, hilig, opinyon, pananaw ng isang blogger.
Teleserye
•Isang uri ng napapanood sa telebisyon na tinatangkilik ng maraming Pilipino. Nagmula
sa salitang “tele”na pinaikling salita sa telebisyon at “serye”sa salitang tagalog para sa
series.
Islogan
•Maikling pagpapahayag ng mga kaisipan, pananaw na isinulat sa malikhaing
pamamaraan upang manghikayat, magpakilos, maglahad at maglarawan. Ito rin ay isang
paraan na ginagamit na midyum bilang adbertisemet o patalastas.
Novelty Songs
•Kabilang sa Original Pilipino Music na tinatangklik ng masang Pilipino dahil ito ay
nakakaindak, may nakakatuwang kahulugan at madaling tandaan.
Mural
•Mga naglalakihang kambas na pinintahan ng iba’t ibang imahen na may taglay na
mensahe o kahulugan upang magpamulat, magpakilos at magpalaya.
Billboard
•Malaking istruktura na naglalaman ng anunsiyo ng iba’t ibang produkto at serbisyo na
madalas makita sa lansangan.
Iskrip
•Mula sa salitang Latin na “scribere” na ang ibig sabihin ay sumulat. Tumutukoy ito sa
mga nasusulat na mga salita ng dula, pelikula, o mensahe na ipinararating sa
pamamagitan ng tao o telepono.
Flash Fiction
•Isang napaikling kuwento na mauugat pa sa panahon ng Aesop’s Fables.
Fliptop
•Tinatawag na modernong balagtasan na isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatalong
oral na pa-rap.
Pick up Lines
•Makabagong bugtong na kung saan ay may tanong na sinasagot ng isang bagay na
madalas naiuugnay sa pag-ibig at aspeto ng buhay.
Tekstula
•Pinaghalong text at pagtula na may sukat at tugma na nabuo sa pamamagitan paggamit
ng cellphone.
Tulaan sa Tren
•Mga poster ng tula na inilalagay sa loob ng tren na naging proyekto ng ng NBDA at
LRTA. May ilan ding artista na nagbabasa ng tula na pinakikinggan ng mga manlalabay
habang nakasakay sa tren.

35 | P a g e
▪ TAYAHIN
Gawain Blg. 7
A. Isulat sa patlang kung anong anyo ng sulating sining at disenyo ang mababasa sa sumusunod
na bilang. Pagkatapos, tukuyin ang katangian at ibigay ang mensahe nito. Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel.

COVID19 AY SUGPUIN, KALINISAN


1.
AY PAIRALIN KUNDI SA OSPITAL O
LIBINGAN IKAW AY DADALHIN

A. Anyo ng Sulating Sining at Disenyo: ____________________________


B. Katangian: ___________________________________________________
C. Mensahe: ____________________________________________________

Ale, puwit mo ay isiksik iwasan


ding umidlip gamit mo’y hawakan
2. nang mahigpit upang ito’y di
mawaglit

A. Anyo ng Sulating Sining at Disenyo: ____________________________


B. Katangian: ___________________________________________________
C. Mensahe: ____________________________________________________

3. Facemask ka ba? (Bakit?) Kasi hindi


kita pwedeng iwan e!

A. Anyo ng Sulating Sining at Disenyo: ____________________________


B. Katangian: ___________________________________________________
C. Mensahe: ____________________________________________________

36 | P a g e
ARALIN 6: PAGKILALA SA SINING AT DISENYO
Layunin:
➢ Nabibigyang kahulugan ang mga anyo ng sulatin sa sining at disenyo (CS_FSD11/12PB-Oa-
c103);
➢ Nakikilala ang iba’t ibang anyo ng sining at disenyo ayon sa (a)Layunin (b)Gamit (c)
Katangian (d) Anyo (e) Target na gagamit (CS_FSD11/12PN-Oa-c-91) at:
➢ Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sining at disenyo (CS_FSD11/12EP-Oa-c-41).

▪ SURIIN
Maraming sa ating mga Pilipino ang nakilala sa buong mundo sa larangan ng sining.
Halimbawa na lamang diyan ay ang pambansang kamao Senator Manny Pacquioa sa larangan
ng isports na boksing, Lea Salonga na kinilala sa iba’t ibang bansa dahil sa angking galing sa
pag-awit. Maging sa pagpipinta, musika, potograpiya, arkitektura, eskultura at marami pang
iba hindi papahuli ang mga Pilipino. Ang mga Pilipino ay isa sa kinikilala sa ganitong larangan
dahil likas na may talento. Ngunit sa pagbabahagi ng ating talento, mahalaga ang wikang
gagamitin sa pakikipag-ugnayan.

Ang sining at disenyo ay magkakambal na may proseso, tungkulin, at layunin sa


pagkalikha. Magkaugnay ito sa maraming bagay. Nakikilala rin ang sining bilang
pinahahalagahan sa kagandahan o estetika at epektong emosyonal nito.

Ayon sa kay Garcia at Geronimo 2017, ang salitang sining ay ginagamit upang ilarawan ang
ilang mga gawain o mga paglikhang gawa ng mga tao na may kahalagahan sa isipan ng tao, na
patungkol sa isang pagkaakit sa mga pandama ng tao. Kung kaya, ang isang sining ay
nagagawa kapag ang isang tao ay nagpapadama ng kanyang sarili. Kung matatandaan natin
noong nilikha ng Diyos ang sanlibutan, ay kaakibat na nito ang isang masining na
pamamaraan.

Ang sining at disenyo ay magkaparehong may halaga. Ang sining ay nagbibigay ng


kahulugan sa ekpresyong ipinapakita nito na maaaring ipakita sa paglalarawan. Maaaring
itong ipakita sa ibat ibang porma tulad ng tula, awit, guhit, pagpinta, isang kuwento. Samantala
ang disenyo ay maaaring maging sining depende sa paggamit nito sa isang pagguhit o
pagpinta. And disenyo ay pwede hindi maging isang sining kung ito ay palamuti lamang para
sa pagpapaganda ng isang likha at walang ibig ipahatid na kahulugan.

Ang sining at disenyo ay may pagkakaiba at pagkakapareho. Gayun pa man ito ay isang
halimbawa ng tinatawag na perfect combination dahil sa aking ganda ng resulta kapag nagsanib
ang kanilang pwersa. Ang kahalagahan ng dalawa ay higit na makikita sa kapaligiran

37 | P a g e
naglalabas ito o nagbibigay ito ng aesthetic o kagandahan depende kung ano estado ng
tagapagtangkilik nito.

Layunin ng Akademikong Sulatin sa Sining at Disenyo


Ang sining at disenyo ay may iba’t ibang paksa na maaaring mailahad, mailarawan,
maisalaysay, at magbigay ng panghihikayat upang maipakita ang wastong pagpapahalaga nito.
Nararapat na ito ay malapatan ng gabay sa akademikong sulatin upang mas palawakin ang
kaalaman ng mga mamamayan na ito ay patuloy na tangkilikin at bigyan ng pagpapahalaga.
Narito ang ilan sa mga layunin ng sining at disenyo sa dayagram sa ibaba.

Mahikayat ang mamamayan Mabiyayaan ng pagkakataon


na mabigyang pokus ang tiyak ang mga manunulat na
na likhang sining at disenyo maging kasangkapan ang
sa pamamagitan ng kung kanilang talento sa pagsulat
gaano sila naapektuhan nito. kaugnay sa larangan ng
Makikita ang halaga ng sining sining at disenyo na bagong
na may kapakinabanggan sa anyo ng akademiko.
sangkatauhan.
Maipakilala ang mga Mapagalaw o mapakilos ang
batayang impormasyon mula mga tao na bigyang puwang
sa likhang sining at disenyo ang sining at disenyo dahil
na kinapapalooban ito ng may sa malaking ambag nito sa
likha, panahon, pagpapapunlad sa ating
kapakinabangan at mga lipunan. Maraming uri ng
datos na makapagbibigay ng kabuhayan ang nanggagaling
kalinawan kung paano sa sining at disenyo maging
nalikha o nabuo ang isang sa mga tumatangkilik nito.
sining at disenyo.

Gamit ng Sining at Disenyo


Mahalaga na maunawaan natin ang gamit ng isang sining at disenyo upang matiyak natin
kung saang bahagi ito sa aspeto ng pamumuhay ng tao sumasalamin. Malaki ang ginagampanan
ng akademikong sulatin sa sining at disenyo sa pamamagitan ng panulat, maitatala at
mabibigyang kalinawan ang sanhi ng mga pagbabago sa sining at disenyo na maaaring may
mabuting epekto o kabaligtaran nito.

Sang-ayon sa aklat nina Garcia at Geronimo 2017, ito ay may tatlong pangunahing gamit:

1. Personal- lumalabas dito ang sining sa pamamagitan ng sarili, komunikasyon sa isang tao,
karanasang estetiko, pagbibigay ng kasiyahan sa kapuwa, panggagamot, pagkontrol, o
anumang pagsisilbi sa personal na interes at kapakinabangan ng indibidwal.

38 | P a g e
2. Pisikal- ang gamit ng sining sa pagganap lalo na sa serbisyo at pagresponde sa
pangangangailangan ng isang indibidwal o kolektibo halimbawa nito ay ang mga mall,
hotel, tirahan at iba pa.
3. Panlipunan- ito naman ang gamit ng sining kung ang pakay nito ay makaimpluwensiya ng
pag-uugali ng tao, ginawa upang makita at magamit sa pampublikong sitwasyon.

Ayon kina Villanueva at Bandril 2016, p.11 mailalahad ng akademikong sulatin ang ugat ng bawat
sining at disenyo at dinadaanan nitong proseso upang lalong lumawak, umunlad o kaya naman
ay mawasak o maging mapanganib.

Gamit ng akademikong sulatin sa sining at disenyo bilang lunsaran sa pamamagitan ng mga


sumusunod upang:

Manghikayat
• Sa bahaging ito makikita na ang manunulat ay may kakayahang himukin ang
mamamayan na tangkilikin hindi lamang iyon maging makumbinsi nito na pati
ang tumatangkilik ay makapangumbinsi pa ng mas maraming tao. Bilang
pagkakilanlan ng isang Pilipino ito ay bahagi ng ating kultura at lahi.

Mapagmulat
• Ang akademikong sulatin sa sining at disenyo ay pinananatili o pinepreserba sa
mamamayan para sa makabuluhang kapakinabangan sa mga susunod pang
salinglahi.

Magpalaya
• Mabigyang ng pagkakataon ang mga mambabasa na maglapat ng kanilang patas
na desisyon o pasya upang maipakita ang pagpapahalaga sa likhang sining at
disenyo bilang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na takbo ng kanilang
pamumuhay.

Tandaan natin na ang akademikong sulatin sa sining at disenyo ay may hatid na benepisyo.
Maaaring ang dala nito sa mambabasa ay iba’t ibang emosyon, at higit sa lahat ay maghatid ng
kamalayan na bigyan ng kaalaman, kasanayan, at pagbibigay ng kapangyarihan sa isang
mambabasa na bigyan niya ng makabuluhang kaganapan ang mga mambabasa. Sa paraang ito
masasabi na epektibo ang naging pagpapahayag ng isang manunulat.

Sa kabuuan nito ang isang isinulat sa sining at disenyo ay walang magiging saysay kung
walang magbabasa. Upang ito ay ay lubos na mapansin at mabigyan ng sapat na oras, nararapat
na ito ay nilalapatan ng maigting na kaugnayan na maaaring ang mga mambabasa ay may
makukuhang kapakinabangan.

39 | P a g e
Katangian at Anyo ng Sining at Disenyo
Nakabatay sa katangian ang magiging anyo ng isang sulatin na dapat taglayin ng isang
sulatin maaaring teknikal, malikhain at iba pa. Tulad ng iba pang sulatin , umiikot ang paraan ng
pagsulat sa pagtalakay sa sining at disenyo sa apat na uri o disenyo sa pagpapahayag sa
pamamagitan ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.

Pagsasalaysay Paglalarawan
- Ikinukuwento ang ugat ng pagkakabuo - Detalyadong inilalarawan ang sining at
ng sining at disenyo. disenyo. Iniisa-isa ang ang mga detalye
tulad ng sanhi, bunga, solusyon,
opinyon, reaksiyon, at mga balidong
ideya.
Paglalahad Pangangatwiran
- Inilalahad ito sa malikhaing paraan, - Direktang nakapagbibigay ng katwiran o
teknikal para sa tiyak na tumatangkilik. pagpapaliwanag ang mga manunulat sa
kung anong nais nila marating sa
kanilang teksto naisusulat.

Ayon kay Rashai 2017, ang sining at disenyo ay may dalawang natatanging katangian sa
akademikong sulatin, ito ay ang makatotohang istilo at di-makatotohanang istilo. Sa
makatotohanan ang istilo ay hango sa sa tunay na pangyayari at bagay sa paligid kung kaya’t
madali itong makilala ng mga nakakakita o tumitingin. Ang di- makatotohanang istilo naman ay
inilalarawan sa pinakapayak na paraan at malikhaing ginagamit ang mga elemento ng sining
karaniwan dito ay abstrak at ito ay nangangailangan ng mas malawak at malalim na pang-unawa
upang maintindihan.

Katangiang nararapat din ng sining at disenyo ay ang mga sumusunod tulad ng:

- may pagmamahal sa Diyos,


- may pagmamahal sa kalikasan,
- may pagmamahal sa bansa at sa bayan,
- may pagpapahalaga sa damdamin ng kapwa,
- may bait at disiplina,
- may Pilosopiya,
- at Paninindigan.

Mga taglay na katangian ng isang akademikong sulatin sa sining at disenyo upang tangkilikin ng
mambabasa:

Pili at Pino Kritikal na Kaisipan


Pinipili ng manunulat ang mga paksang may Kinakailangan na ang manunulat ay may
kaugnayan sa sining at disenyo na kapupulutan malawak na pananaw sa kanyang ginagalawan
ng kaalaman, kasanayan, at kapangyarihan. Sa at may bukas na kaisipan sa kapaligiran.
bahaging ito makikita ang pagkakilanlan ng
mga Pilipino sapagkat may kakayahan ito na

40 | P a g e
paangatin ang antas ng kabuhayan sa
kapakanan ng mamamayan. Sa puntong ito
kakayanan naman ng manunulat na gawing
pino ang kanyang gawa upang ito ay
pagandahin gaya ng anumang mga sining at
disenyo sa tulong ng nilalaman, paraan at ang
wikang gagamitin para sa mas epektibong
pagsulat.

▪ ISAGAWA
Gawain Blg. 8
Sa pamamagitan ng fish bone map, tukuyin ang mga positibo at negatibong epekto ng
pagsulong ng pag-unlad sa akademikong sulatin sa sining at disenyo sa kasalukuyan sa paggamit
ng modernong teknolohiya. Isulat ang iyong sagot sa inihandang papel.

POSITIBO Blog
Textula
Tulaan sa tren
Teleserye
Fliptop
NEGATIBO Pick-up lines

41 | P a g e
FILIPINO SA PILING LARANGAN – TEKNIKAL-
BOKASYUNAL
Layunin:
ARALIN 7: Teknikal-Bokasyunal: Kahulugan
➢ Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin (CS_FTV11/12PB -0a-c-105)

Ang pag-aaral ng sulating teknikal ay malaking kapakinabangan upang mabatid ang mga gawaing
pagsulat sa ilalim ng teknikal-bokasyunal. Marahil ay batid mo na ang mga uri ng sulatin mula sa iyong
nakalipas na pag-aaral at batid mo na rin ang kaibahan ng sulating teknikal-bokasyunal sa iba pang uri ng
sulatin. Ano nga ba ang nilalaman nito at paano ito nakatutulong sa iyong sarili sa pang araw-araw na
pamumuhay? Bakit mahalagang malaman mo ang tungkol dito? Atin itong aalamin sa araling tatalakayin.

▪ SURIIN
Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat
Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay napakahalaga sa paraan ng pagsulat at
komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panglaboratoryo, mga proyekto,
mga panuto, at mga dayagram. Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya
dahil ito ang nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto
at paglilingkod sa bawat industriya. Malaki rin ang naitutulong sa paghahanda ng mga teknikal
na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya upang mapabatid ito nang mas mabilis,
episyente, at produktibo.

Ang pokus ng teknikal-bokasyunal na pagsulat ay ang introduksyon ng mag-aaral sa iba’t


ibang uri ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon. Anumang uri
ng propesyonal sa gawain ang ginagawa mo, maaaring ito ay nangangailangan ng mga gawaing
pagsulat at marami rito ay likas na teknikal. Habang mas marami ang alam mo ukol sa batayang
kasanayan sa teknikal na pagsulat , mas mahusay na pagsulat ang magagawa mo.

Katangian ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat


Mahalagang malaman ang mga katangian ng teknikal-bokasyunal na pagsulat kung ikaw
ay naghahangad na maging propesyonal na manunulat sa larangan nito.

42 | P a g e
Maraming klase ng sulatin at bawat isa ay may kaniya- kaniyang layunin na higit na
nangangailangan ng kasanayan lalo na sa teknikal bokasyunal. Ang layunin ng ganitong uri ng
pagsulat ay maipaliwanag ang iba’t ibang paksa sa mambabasa.

Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin


sa malinaw, obhektibo, at tumpak. Ito rin ay gumagamit ng deskripsyon ng mekanismo,
deskripsyon ng proseso, klaripikasyon, sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba, analohiya at
interpretasyon. Gumagamit din ito ng mga teknikal na bokabularyo. Maliban pa sa mga
talahanayan, grap, at mga bilang upang matiyak at masuportahan ang talakay tekstwal.

Batayang Simulain ng Mahusay na Sulating Teknikal-Bokasyunal


1. Pag-unawa sa mambabasa- ang ulat ay dapat iangkop sa pangangailangan ng mambabasa
ng ulat at kung paano niya magagamit ang ulat.
2. Pag-alam sa layunin ng bawat artikulo o ulat- mahalagang alamin ang tiyak na layunin ng
gagawing artikulo o ulat sapagkat ang teknikal-bokasyunal ng pagsulat ay higit na
naglalaman ng mga impormasyon. Ang layunin ng ganitong uri ng pagsulat ay
maipaliwanag ng ibat’ ibang paksa sa mga mambabasa.
3. Pag-alam sa paksang-aralin- sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin
nangangailangan ng sapat na kaalaman sa paksang ilalahad upang maiwasan ang
pagkakaroon ng pagkakamali sa pagbibigay ng impormasyon.
4. Obhetibong pagsulat- nararapat na nailalahad at naipapaliwanag ang paksang-aralin sa
malinaw, obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan.
5. Paggamit ng tamang estruktura- ito ay gumagamit ng deskripsyong ng mekanismo,
deskripsyon ng proseso, klaripikasyon, sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba ,
analohiya at interpretasyon. Gumagamit din ito ng mga teknikal na bokabularyo. Maliban
pa sa mga talahanayan, grap, at mga bilang upang matiyak at masuportahan ang talakay
tekswal.
6. Paggamit ng etikal na pamantayan- mahalaga na ang bawat hakbang ay mailarawan nang
malinaw, maunawaan at kumpleto ang ibinibigay na impormasyon. Dagdag pa rito,
mahalaga rin ang katumpakan, walang kamaliang gramatikal gayundin sa bantas at may
angkop na pamantayang kayarian.

▪ ISAGAWA
Gawain Blg. 9
Sagutin ang tanong:
Ipaliwanag ang iyong sagot gamit ang mga natutuhan. Ano ang kahalagahan ng teknikal-
bokasyunal na sulatin sa isang mag-aaral na katulad mo?

43 | P a g e
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
________________________________________

ARALIN 8: Teknikal Bokasyunal: Layunin at Gamit


Layunin:
➢ Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa layunin at gamit.
(CS_FTV11/12PT-0a-c-93)

Ang pag-aaral ng sulating teknikal ay makakatulong sa ikalilinang ng kakayahang


pagsulat. Naipapaliwanag ng manunulat ang kaniyang nais ipabatid sa tiyak at wastong
pamamaraan sa pamamagitan ng mga pangungusap. Sa makabagong panahon ng komunikasyon
mas malaki ang magiging ambag ng teknikal- bokasyunal na sulatin sa industriya. Iba- iba ang
mga pamamaraan sa pasulat at bawat isa ay may natatanging gamit sa larangan at displina ng
teknikal-bokasyunal. Ano-ano nga ba ang mga teknikal bokasyunal na sulatin? Ano ang layunin
ng mga sulating ito? At ano ang maitutulong ng mga sulating ito sa larangan na iyong
kinabibilangan. Tuklasin ang mga kasagutan sa modyul na ito.

▪ SURIIN
Layunin, Gamit, at Katangian ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat
Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay napakahalaga sa paraan ng pagsulat at
komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panglaboratoryo, mga proyekto,
mga panuto, at mga dayagram. Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya.
Malaki ang naitutulong nito sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng
teknolohiya upang mapabatid ito nang mabilis, episyente, at produktibo.

Anomang uri ng propesyonal sa gawain ang ginagawa mo, maaaring ito ang
nangangailangan ng mga gawaing pagsulat at marami rito ay likas na teknikal. Habang mas
marami ang alam mo ukol sa batayang kasanayan sa teknikal na pagsulat, mas mahusay na
pagsulat ang magagawa mo.

44 | P a g e
Layunin ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin
1. Magbigay ng impormasyon. Isinusulat ang deskripsyon upang bigyan ang mambabasa ng
impormasyon ukol sa isang bagay o ng direksyon sa paggamit ng isang produkto.

2. Magsuri. Ang sulatin ay binubuo upang analisahin at ipaliwanag ang implikasyon ng mga
pangyayari upang magamit bilang basehan ng mga pagdedesisyon sa kasalukuyan at sa
hinaharap.

3. Manghikayat. Kabilang sa layunin ay ang kumbinsihin ang mambabasa o pinatutungkulan nito.


Bagaman kasama nito ang layuning makapagbigay impormasyon.

Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin


1. Nagbibigay-ulat
Halimbawa: Ulat ng mga produktong nailabas sa merkado o pamilihan.
2. Nagbibigay-instruksyon
Halimbawa: Paraan at proseso sa pagbuo ng isang produkto tulad paggawa ng longganisa.
3. Naghahain ng isang serbisyo o produkto
Halimbawa: Paggawa ng layout ng tarpaulin, pagkukumpuni ng mga sirang computer,
serbisyong ibinibigay ng salon (manicure, hairdressing, make-up etc.)
4. Nagsisilbing basehan ng mga pagdedesisyon
Halimbawa: Pag-aalam sa tulong ng feasibility study kung ang negosyong ito at papatok sa lugar
na nais itong itayo.
5. Nagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon
Halimbawa: Natitiyak isasagawang pananaliksik kung ano ang kailangan (basic essentials) ng
masa na maari mong maging basehan sa pagtatayo ng Negosyo.

Katangian ng isang mahusay na manunulat ng sulating teknikal-bokasyunal


1. Mataas sa wika

2. Analitikal

3. Obhetibo. Naipaliliwanag ang isang paksa sa malinaw, tiyak, at di-emosyunal na paraan.

4. Mataas ang kaalaman sa paksa

5. Mahusay sa kumbensyon sa pagsulat

6. Sumusunod sa etikal na pamantayan

45 | P a g e
▪ PAGYAMANIN
Gawain Blg. 10
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita at gamitin ito sa sariling pangungusap.

1. Magsuri - __________________________________________________________

2. Pamantayan - __________________________________________________________

3. analitikal - _________________________________________________________

4. subhektibo - - __________________________________________________________

5. obhektibo - _____________________________________________________________

46 | P a g e
▪ SANGGUNIAN
Bernales, Rolando A. et.al. (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon City. Mutya Publishing
House, Inc. Capulong, Allan. Ang Kahulugan at Katuturan ng Pagsulat: slideshare.net, 2016
https://www.slideshare.net/allancapulong1/pagsulat-akademik-shs-ppt Elcomblus, Ang Kahulugan,
Katangian at Layunin ng Akademikong Pagsulat: elcomblus.com, https://elcomblus.com/ang-kahulugan-
katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/Julian, Aileen B. at Lontoc, Nestor B. (2016). Pinagyamang
Pluma. Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Quezon City. Phoenex Publishing House, Inc. Montes,
Josh. Katangian ng Akademikong Pagsulat: quizizz.com,
https://quizizz.com/admin/quiz/5d18b1db8548cd001a6b57d2/katangian-ng-akademikong-pagsulat
Reyes, Gelhi Ann. Akademikong Pagsulat: prezi.com, 2013,

https://prezi.com/ukqf7dcjv1rg/akademikong-pagsulat/Villanueva at Bandril. (2016). Pagsulat sa


Filipino sa Piling Larangan (Akademik at Sining). Quezon City. Vibal Group Inc.

Almario Virgilio. ,et. al. 2010. UP Diksyonaryong Filipino (Binagong Edisyon). Quezon City. Anvil
Publishing Inc. Badayos, Paquito B. 2001. Retorika: Susi sa Masining na Pagpapahayag. Makati City:
Grandwater Publications. Garcia, Fanny A. and Jonathan V. Geronimo. 2017. Filipino sa Piling Larangan
(Sining at Disenyo).Quezon City: Rex Bookstore, Inc. Villanueva, Voltaire M. and Lolita T. Bandril. 2016.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik at Sining).Quezon City: Vibal Group, Inc. Rocero, Mary
Rose. 2020.Abo mula sa Bulkang Taal, ginamit ng isang Filipina artist sa kanyang sining. Inaakses noong
Enero 31, 2020.

http://radyopilipinas.ph/rp-two/articles/arts-culture/abo-mula-sa-bulkang-taal-ginamit-ng-isang-
filipina-artist-sa-kanyang-sining Ansagay, Chat. 2018. Kapeng pampagising, gamit sa sining ng 18 anyos sa
Sultan Kudarat. Inaakses noong Abril , 4, 2018. https://news.abs cbn.com/life/04/04/18/kapeng-
pampagising-gamit-sa-sining-ng-18-anyos-sa-sultan-kudarat Gumising. 1995. Ano nga ba ang Sining?.
Inaakses sa https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/101995801#h=3 Cite this article as: Luna, Juan. (2015).
In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts.
Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/luna-juan/ Cite this article as: Amorsolo,
Fernando. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture
and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/amorsolo-fernando/ Cite this
article as: Pintados. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for
Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/pintados/

http://www.ruffomedico.yolasite.com/resources/Modyul%205%20Pagsulat%20ng %20Liham-
%20Pangangalakal%20na%20Nag-aaplay%20sa%20T.pdf https://quizlet.com/307318600/test

https://teknikalbokasyonalnasulatin.wordpress.com/
https://www.scribd.com/document/366883085/Pagsusulit-Sa-Pagsulat-1st
https://www.scribd.com/document/393967992/Baitang-12-DLP-Tech
https://jonelg722blog.wordpress.com/2016/06/30/teknikal-bokasyonal-na- sulatin/
https://prezi.com/cuqgiuemdmjh/teknikal-na-pagsulat-mga-batayang-simulain-sa-pagsulat-ng-ulat-at-
teknik-sa-paglalahad

47 | P a g e

You might also like