You are on page 1of 2

kabanata 25

Batid na ng mga mag-aaral ang kalalabasan ng kanilang adhikaing magamit ang wikang Kastila sa mga
paaralan. Wala pa mang hatol si Don Custodio patungkol sa bagay na iyon ay nakutuban na nila ang
kanilang pagkabigo.

Hindi pabor ang mga prayle dahil ayaw nilang gumamit ng kanilang wika ang mga Indio. Wala umanong
karapatan ang mga ito sa wika ng mga Espanyol.

Nagtipon ang 14 na mag-aaral sa isang pansiterya gaya ng kanilang kasunduan para sa pasya. Wala noon
sina Basilio at Juanito.

Kabanata 26

Sabik si Basilio na pumasok ngayon sa paaralan upang kunin ang kaniyang marka. Tutungo rin siya sa
pagamutan ang kaniyang mga pasyente. Dumaan din siya kay Makaraig upang kunin ang hiniram niyang
pera.

Pero nang papunta na siya sa pamantasan, napansin niya ang mga mag-aaral na naglalabasan at parang
may takot sa kanilang mata. Pinag-uusapan nila ang kumakalat na balita ng himagsikang inilunsad ng
mga mag- aaral.

Dinapuan ng takot si Basilio sa kaniyang nalaman. Hindi siya pinapasok sa pamantasan at hinintay lang
ang kaibigan.Nabalitaan na ni Juli ang pagkakadakip sa kaniyang katipan na si Basilio. Nalungkot siya at
umisip ng paraan upang makalaya ang nobyo.

Kabanata 27

Inuusig ng paring si Padre Fernandez ang kaniyang mag-aaral na si Isagani. Nagtalumpati raw kasi si
Isagani sa harap ng mga mag-aaral na nakasama niya sa hapunan.

Nagtapat naman si Isagni na hinangaan ng mga pari. Karaniwan daw kasing tatanggi ang mga mag-aaral
kapag inuusig. Sabi naman ni Isagani na dahil sa mga pari ang kanilang magandang ugali.

Pero inisa-isa rin ni Isagani ang mga problema ng mga pari bilang guro. Kasama na rito ang panlalamang
ng mga pari sa mga Pilipino upang maging komportable ang kanilang buhay.

Kabanata 28

Nababalot na ng takot ang buong bayan dahil sa mga paskil na kumakalat na gawa umano ng mga mag-
aaral. Takot ang lahat tulad ng mga Instik, heneral, at mga pari. Wala na ring dumating sa tindahan ni
Quiroga.

Tinanong naman ni Quiroga si Simoun tungkol sa kaniyang mga armas sa bodega. Pero ang sabi lamang n

i Simoun ay huwag galawin ang mga iyon.


Kabanata 29

Ang kayamanang naiwan ni Tiyago ay napunta sa Sta. Clara at sa mga pari habang ang iba naman ay
napunta sa mga iskolar.

Matapos ang pagtatalo, napagpasiyahan ng mga prayle ang damit na isusuot ni Tiyago sa huling
pagkakataon. Nasunod si Padre Irene na suotan ng isang lumang damit ang yumao. May ilang
nagsasabing nagpaparamdam si Tiyago dala ang kaniyang paboritong panabong na manok.

Magarbo ang libing ni Tiyago na mayroong mga padasal at paawit at maraming bulaklak

Kabanata 30

Nabalitaan na ni Juli ang pagkakadakip sa kaniyang katipan na si Basilio. Nalungkot siya at umisip ng
paraan upang makalaya ang nobyo.

Lumapit si Juli kay Padre Camorra kahit batid niya ang maaaring mangyari sa kaniya. Hindi nagpatinag si
Juli sa kaniyang takot at lumapit pa rin sa pari para kay Basilio. Nakalaya na rin kasi ang mga kasama ni
Basilio kaya naiwan ang kasintahan sa piitan.

Hinalay siya ng pari katulad ng inaasahan. Dahil sa ginawa ng pari, natuliro si Juli at tumalon na lamang
sa bintana ng kombento. Dahil sa nangyari kay Juli, sumama na lamang si Tandang Selo sa mga tulisan.

You might also like