You are on page 1of 10

Filipino 10

Kabanata XXVI
ANG PASKIL
TALASALITAAN:
Gugol – gastos
Kabo – sundalong may rangong “Corporal” sa militar
Kanto – salikop
Magara – magarbo
Nagunita – naalala
Naimpok – naipon
Nakaligtaan – nakalimutan
Paskil – poster
Putahe – pagkain
MGA TAUHAN:
1. Basilio - Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.

2. Macaraig - Ang mayamang mag-aaral na masigasig na


nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

3. Sandoval - Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa


ipinaglalaban ng mga mag-aaral.

4. Juanito Pelaez - Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor;


nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila.

5. Tadeo - Isa sa mga estudyanteng tamad at ayaw lagi na may pasok


pumupunta lamang siya sa paaralan para alamin kung may pasok o
wala.
MGA TAUHAN:
1. Isagani –Makadiyos
BUOD NG KABANATA
XXVI
Maaga nagising si Basilio upang dalawin ang kanyang pasyente sa ospital at
pagkatapos ay pumunta sa Pamantasan para sa kanyang lisensiyatura.
Nagpasya rin siyang humiram ng pera kay Makaraig. Sa kanyang paglalakad,
nakasalubong niya ang propesor na malapit sa kanya at pinayuhan siya na
umuwi at sirain ang mga kasulatan na maaring magdawit sa kanya.

Nabanggit ni Basilio si Simoun, na aniya’y walang kinalaman sa mga


nangyari. Tinanong niya kung may kasangkot na tulisan, ngunit ang sagot ng
propesor ay wala dahil puro estudyante ang sangkot. Sa unibersidad,
nakakita ng mga paskil na mapanghimagsik.
BUOD NG KABANATA
XXVI
Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad at nalaman niya na maraming
estudyanteng papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, at ibabagsak sa pag-aaral.
Pinaghinalaan ni Basilio si Simoun na may kinalaman sa mga paskil.
Nakasalubong din niya si Isagani na nagsabing hindi mahalaga kung sino
ang sumulat ng mga paskil dahil tungkulin ng mga pari ang alamin iyon.

Sa huli, hindi sumang-ayon si Basilio at umalis para puntahan si Makaraig.


Ngunit, sa pagharap niya sa mga tanod, dinakip siya kasama si Makaraig. Sa
sasakyan, ipinagtapat ni Basilio ang kanyang sadya kay Makaraig na
nangakong tutulungan siya.
BAKIT ISINULAT ITO NI
RIZAL?
Sa aking palagay, isinulat ito ni Rizal upang ipaalam sa
atin ang di pagkakapantay-pantay noong panahon ng
nga kastila. Makikita dito ang pambibintang ng mga
espanyol sa mga estudyante ng walang nakalakip na
sapat na ebidensya.
KAHALAGAHAN SA MGA
MAMBABASA
Pinapakita nito sa mga mambabasa na kung gaano kalupit ang
mga Espanyol noon sa buong buhay ni Rizal. Pinapakita dito
na kahit na walang kang kasalanan ay pagbintangan ka lamang
ay ika’y huhulihin ng mga Espanyol kahit walang matatag n
ebidensya na kasama ka sa isang masamang pangyayari
kagaya na lamang sa nangyari kay Basilio at Maracaig, hinuli
sila ng walang matatag na ebidesya dahil pinagbintangan
lamang sila na kasangkol sila sa paglalagay ng mga paskil.
PAGPAPAHALAGANG
PANGKATAUHAN
Ipinapakita ng kabanata ang kahalagahan ng
pagiging tapat at matapang sa harap ng mga
pagsubok. Si Isagani, sa kabila ng kanyang
pagkatakot, ay nanindigan sa kanyang
paniniwala at handang harapin ang anumang
panganib na dala ng mga paskil. Ito ay isang
halimbawa ng pagiging matapang at may
prinsipyo na dapat tularan ng bawat isa.
PAGPAPAHALAGANG
PANGKATAUHAN
Tayo ay dapat maging matapang at responsable
sa ating mga kilos at desisyon. Dapat nilang
isaalang-alang ang kanilang kaligtasan at ng iba
bago sumali sa isang samahan na maaaring
magdulot ng panganib sa kanilang buhay.

You might also like