You are on page 1of 4

8-10 pangungusap

Kabanata 1-10

- Nagsimula ito noong kaumagahan buwan ng disyembre, masisilayan mula rito ang bapor tabo (Bangka)
na naglalayag sa ilog pasig, at sa ibabaw ng kubyerta matatagpuan ang mga mayayaman at nakakatataas
na mga tao sa lipunan tulad lamang ni Donya victorina, Kapitan heneral, Don Custodio, Simoun, Ben
Zayb, Padre Salvia at Padre Irene, na nagkwekwentuhan ukol sa pagpapagawa ng kanal at pag-aalaga ng
itik. Subalit makikita naman sa ilalim ng Bapor tabo ang mga indio at mga mahihirap, na nagsisiksikan at
naiinitan, matatagpuan dito si Basilio at Isagani na kung saan binabalak nilang ipagpaturo ang wikang
kastila, subalit hindi naman pumayag si Kapitan Heneral ukol dito. Patuloy na nakikipaghalubilo ang mga
tauhan sa ibabaw ng kubyerta ukol naman sa mga alamat, na kung saan napunta ang usapan sa lugar na
ikinamatayan ni Ibarra mula sa tanong ni Ben Zayb, ngunit nanahimik at namutla si Simoun, dahil siya si
Ibarra, na nagbabalatkayo lamang bilang isang mag-aalahas. Sa kabilang dako naman, matatagpuan ang
pamilya ni Kabesang Tales na nakatagpo ng lupang pangsakahan na walang nag mamay-ari, na siyang
pinaganda niya, ngunit sa ikinasamaang palad ay naging sanhi naman nito ang pagkamatay ng kaniyang
asawa at anak na si Lucia dahil sa malaria, hanggang sa malaman ng mga prayle ang ukol sa lupa at unti
unti itong pinagbayad ng buwis, at halos inangkin na nito ang lupa ni Tales, nang sa gayon ay
nakisambahay si Juli (Anak ni Tales) kay Hermana Penchang. Matatagpuan naman si Basilio sa Bayan na
may parada sanhi ng isang noche buena, na nakasakay sa isang kalesa kasabay ang mangangalesa na si
Sinong, binugbog ito dahil hindi niya dala ang kaniyang sedula, nagkwekwentuhan sila ngunit di
kalaunan ay nakulong din dahil sa pagkamatay ng kaniyang ilaw, napagpasiyahang pumunta ni basilio sa
bahay ni kapitan tiago at naisalaysay naman sa kaniya ang mga nangyari kay Tales at Juli. Bilang
pagpapatuloy, dahil anibersaryo na ng pagkamatay ng kaniyang ina na si Sisa, nagplano si Basilio na
tumungo sa libingan ng mga ibarra at isinalaysay din dito ang naging kabataan ni Basilio, na kinupkop
lamang siya ni Kapitan Tiago at Tiya Isabel, nang sa gayon ay nagsikap itong mag-aral. Habang papaalis
pa lamang ito sa libingan ay nakakita siya ng isang lalaki na naghuhukay, si Simoun, na kung saan
kaniyang nalaman na si Simoun pala ay si Ibarra dahil sa hitsura nito, nagkatagpo sila ng landas. Araw ng
kapaskuhan, si Juli ay nagdarasal mula sa mahal na birhen, naghahangad ng isang biyaya upang malutas
na ang problema, ngunit ang bumungad lamang ay kasulatan mula kay Tales na nanghihingi ng
pantubos, kalaunan din nang umalis na si Juli at nang dumating ang kamag-anak ni Tandang Selo, hindi
na makapag salita si Selo buhat ng mga problema sa kaniya, siya'y kinaawaan at lubos na nalungkot mula
sa sinapit ng napiping matanda. Makalipas ang ilang araw ng pagmamalabis, ay dumating naman si
Simoun sa bahay ni Kabesang Tales na dala dala ang iba't ibang uri ng alahas, ipinagtapat ni Kabesang
tales ang isang agnos kay Juli, ngunit itong agnos ay pagmamay-ari ni Maria Clara, balak na bilhin ni
Simoun ito, ngunit makalipas ang araw, nang nagpapahinga si Simoun ay nakakita siya ng liham at ng
agnos na ipinagpalit ni Kabesang tales ng kaniyang rebolber.
8-10 pangungusap

Kabanata 11-20

- Sa Los Baños ng bahay-aliwan, matatagpuan sila Padre Sibilya, Camorra, Irene at kapitan heneral,
nagpatalo sila Paring Irene at Sibilya dahil gusto lamang nilang pagtuunan ang usapin mula sa paaralang
kastila, pero nakita ito ng kapitan na walang saysay, si Simoun naman ang maglalaro kapalit kay Camorra
at siya'y nakipagpustahan para sa isang brilyante, ang nais niya kapalit nito, ay ang "kapayapaan ng
bayan." Matatagpuan naman ang isang mag-aaral ng unibersidad ng santo tomas na si Placido Penitente
at nais na niyang huminto ng pag-aaral, kung kaya't pinapayuhan ng kaniyang Ina na magpatuloy siya,
dito din matatagpuan si Juanito Pelaez na anak ng mayamang kastila. Mula din noong araw na iyon ay
matatagpuan ang isang klase na nagtuturo si Padre Millon ng pisika (physics), nang magkaroon ng
tanungan at tinawag si Pelaez upang maglahad ng kaniyang sagot, pinilit ni Pelaez na bigyan ito ng sagot,
kung kaya't inapakan niya ang paa ni Placido at ito'y napasigaw, saka ito pinagkainitan ng mga guro dahil
sa pag-aakalang pambabastos sa loob ng klase. Matatagpuan naman ang mga mag-aaral na sila Isagani,
Pecson, Pelaez at Sandoval sa bahay ni Isagani, mayamang mag-aaral na may pakana ng kilusan sa
wikang kastila, sumasang-ayon daw ang mga prayle ukol dito, ngunit kailangan nilang kumbinsihin pa sil
Don Custodio at Ginoong pasta upang ipayag ito. Tumungo si Isagani kay Ginoong pasta, ngunit sa
ikinasamaang palad walang interes ito upang tumulong kung kaya't ang pamahalaan na lamang ang may
bahala nito. Sa kabilang dako, makikita naman ang negosyanteng intsik na si Quiroga na nalugi, kung
kaya't hindi makakapagbayad ng utang ito kay Simoun, ngunit inanyayahan naman ni Simoun na
babawasan niya ang utang, kung ipapatago ang mga armas sa kaniyang bodega, pumayag naman ito.
Mayroon namang nagaganap na nakaaaliw na atraksyon at peryahan sa Quiapo, naaliw si Padre Camorra
sa mga kababaihang naparoroon. makikita rin dito sila Paulita Gomez, Donya Victorina at Ben Zayb na
pinag-uusapan ang kahawig na rebulto ni Simoun. Magtatanghal na ang magician na si Mr. Leeds, at
pinagmamasdan ito nang mabuti ni Ben Zayb, inilabas ni Mr. Leeds ang lumang kahon, na nagpapakita
ang isang ulo ng bangkay na naglalabas ng mga boses ng pag-iiyak at sumisigaw, ito daw ang bunga ng
pagmamalupit ng mga pari sa ehipto. Di kalaunan ay matatagpuan naman ang pagtatalo ni Placido sa
kaniyang magulang at napagpasiyahang tumigil na ng pag-aaral, nakita niya naman si Simoun at inilahad
niya ang suliranin sa kaniya, at sinadya niyang samahan ito sa mga nakakaawang kalagayan ng mga
manggagawa, nagbago naman ang kalooban ni Placido. Inilahad naman ang kalagayan at kaugalian ni
Don Custodio, na lumalabag kadalasan sa prinsipyo at tradisyon ng simbahan, ngunit aktibo sa kalakalan,
pinagpapasiyahan niyang mabuti ang ukol sa pagtuturo ng wikang kastila, ngunit ang kaniyang desisyon
ay naka-ayon lamang upang mapasaya ang mga prayle.
8-10 pangungusap

Kabanata 21-30

- Magaganap ang isang Dulaan, ngalan ay Variadades, ngunit tumututol ang mga pari hango sa mga
malalaswang tema nito. Subalit di kalaunan ay pumayag din naman ang mga ito dahil sa perang kanilang
makukuha mula sa dula. Noong oras ng pagtatanghal ay hindi nasiyahan ang mga tao dahil ang wikang
ginamit ay kanilang hindi nauunawaan at mabatid. Sa kabilang dako, nalason si Kapitan Tiyago at
inaalagaan ito ni Basilio, kung kaya't nagkatagpo ulit sila ni Simoun, at inanyayahan na magkaroon ng
kaguluhan sa maynila upang maligtas si Maria Clara, ngunit huli na subalit namayapa na si Maria Clara
ani ni Basilio, na lubos na ikinalungkot ni Simoun. Makalipas ang ilang araw ay matatagpuan namang
nagkita sila Isagani kasama si Paulita at Donya Victorina. Pagkatapos ay nagkaroon ng pagtitipon ang
mga mag-aaral na nagkaroon ng pagkabigo dahil alam nilang hindi ito tatanggapin, hanggang sa may pari
na humuli sa kanila, habang napansin naman ni Isagani na may lalaking nagmamasid pala sa kanila, na
lumisan din sa sasakyan ni Simoun. Papunta pa lamang si Basilio sa kaniyang mga pasyente, ay napansin
niyang nasa labas ang mga mag-aaral na pinagbintangang maglulunsad daw ng himagsikan, hanggang sa
dinakip din si Basilio ng mga guwardiya sibil. Matatagpuan naman sila Padre Fernandez at Isagani na
nagdedebate, ngunit ipinagtapat naman ni Isagani ang pagkakamali at kamangmangan ng mga pari, na
nagpatahimik kay Padre Fernandez. Takot at pag-aalinlangan ang bumalot sa buong tauhan ng bayan
dahil sa mga paskil na nag-aanyaya ng isang digmaan na pinagbintangan sa mga mag-aaral. Kumalat din
ang balitang pagkamatay ni Kapitan Tiyago na naghanda ng kaniyang paglibing. Nang umabot ang
balitang pagkabilanggo ni Basilio kay Juli, ay pumunta ito kay Padre Camorra upang manghingi ng tulong,
subalit hinalay naman si Juli ng Pari, at ito'y namatay kalaunan mula sa pagtalon sa kombento, mula sa
balitang ito sumama na si Tales sa mga Tulisan.
8-10 pangungusap

Kabanata 31-39

- Hindi kumalat ang balitang pagkamatay ni Juli, kung kaya't pinagtakpan ito, nakalaya na din sila
Macaraig at Isagani, ngunit nasa piitan pa din si Basilio, tinulungan ito ng mataas na kawani, ngunit
nabigo lamang ito. Gawa ng mga paskil na kumalat sa paaralan ay bihira at wala ng mga estudyanteng
pumapasok, tanging sila Isagani at Sandoval lang ang nakapasa, gayundin ay batid halos ng lahat ang
balitang pagpapakasal ni Paulita at Juanito. Nang makarating ang balita ukol kay Juli kay Basilio,
napagpasiyahan niyang umanib na siya kay Simoun nang makalabas na siya sa piitan, ipinakita naman ni
Simoun ang plano gamit ang pampasabog na gagamitin sa kasalan. Malapit nang maganap ang trahedya,
at naparoroon na si Simoun dala dala ang lamparang pampasabog, habang nag-iisip nang malalim si
Basilio ukol rito habang nakikita ang mga ikakasal. Naparoroon na ang mga bisita, hanggang sa nagbalik-
loob ang konsensya ni Basilio at nanlumo mula sa pangyayaring magaganap, isinalaysay nito ang
magaganap kay Isagani at agad na kinuha nito ang lampara at itinapon sa ilog asotea. May mga nahuling
tulisan na maghihimagsik, hudyat ng dapat ng pagsabog ngunit hindi naman ito naganap, doon din
nawawala na si Simoun. Ang mga tao ay tuluyan nang nag-aalinlangan at napagbintangan na si Simoun
nga ang may pakana nito, dahil sa biglaan nitong pagkawala. Malupit na pinagdadakip ng mga pilipinong
guwardiya sibil ang mga pinabibintangang tulisan, at napatay ni Carolino ang kaniyang Lolo, na si
Tandang Selo. Natagpuan naman ni Padre Florentino si Simoun na sugatan, kaniyang inalagaan ito,
ngunit di kalaunan ay uminom si Simoun ng lason, at inilahad ang lahat ng mga sikreto nito sa Pari
hanggang sa ito'y namatay, ang lahat ng kayamanan o alahas, ay siyang itinapon naman ng pari sa dagat,
mula sa hiling ni Simoun.

You might also like