You are on page 1of 1

"The lands of tsars" o ang lupain ng mga mamumunong nananaig ang kapangyarihan at kalakasan bilang

tao. Ang Russia ay kinikilala bilang pinakamalaking bansa sa buong daigdig, gayundin ay ang mga
katangian nito tulad lamang ng malalamig na klima nila, ang mga makasaysayang giyera o digmaan na
naganap dito, mga mayayamang likhang sining, at kultura nila mula rito, at higit sa lahat, ang signature
alcohol nila o ang vodka kasama ang russian dolls na bumunsad ang kasikatan ukol dito.

Ang Russia ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Asya, at ang mga taong naninirahan dito ay tinatawag
bilang mga "Russians". Karamihan sa kanilang paniniwala at pananampalataya ay nananaig ang
kristiyanismo, kung kaya't marahil ang baptismo o pagbibinyag ay nangyayari din dito. Subalit gawa ng
mga ideolohiya ukol sa relihiyion ay pinagkasunduan ang pagpapalaganap din ng atheism o ateista.
Bilang pagpapatuloy, ang bansang ito ay pinapaloob ng mga kaakit-akit na mga tourist places kung kaya’t
nahihikayat ang mga tao na pumunta dito, tulad lamang ng “Basil’s cathedral” na nagpapakita ng
kakaiba ngunit magandang anyo na isinagawang gusali. Bukod pa rito, ang Moscow o mas kinikilala
bilang kapital ng Russia, ay binubuo ng halos 12 milyon ng mga tao, o mga naninirahan rito, na kung
saan matatagpuan dito ang Tretyakov gallery, na naglalaman ng mga iba’t ibang mga likhang sining ng
Russia sa buong mundo, na nakaaaliw. Gayundin nakapaloob din rito ang Hermitage Museum, na
matatagpuan sa St. Petersburg, na kung saan ito ang pangalawa sa pinakamalaking museo sa buong
daigdig, at nilalaman ito ng mga makasaysayang monumento sa kanilang bansa.

At bilang panghuli, ang mga Russians ay may taglay din na tradisyon na pinagtuunan nang pansin sa
bawat taon. Tuwing Mayo 9 ito ipinagdidiriwang, Ito ay isang pangunita sa kaganapan na labis na
paggalang mula sa petsa na kung saan sumuko ang Nazi Germany sa panahon ng World War II. Ang
tradisyon ay nagmula noong 1945 sa lahat ng mga bansa na bumubuo sa Unyong Sobyet. Subalit ito’y
tinataguriang pambansang araw. Gayunpaman, kabilang sa tradisyon na ito ang pagdidiriwang na may
kinalaman sa paaralan, Gayundin ang pagbibigay ng red carnation bilang pagbibigay galang sa mga
beterano. Samakatuwid ang mga Russian ay may taglay na kabutihan sa kanilang mga puso, ang
hospitality nila o ang kusang-loob upang iparamdam sa mga bisita o tagadayo ang mainit na pagtanggap
sa kanilang mga bahay ay nagpapatunay na ang mga Russians ay nakaaaliw at nakatutuwa kasama. Hindi
mo lamang masasabi na maganda ang kanilang kultura, nakapaloob na din dito ang magandang
katangian nila bilang mga tao.

You might also like