You are on page 1of 1

Kabanata VI

Si Basilio

Buod

Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na


nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na tinungo ni Basilio ang
libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang
may 13 taon.

Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya
ng kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May
dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at
paglilibing sa kanyang ina.

Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit.


Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan
niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha
siyang katulong o utusan. Ping-aral sa Letran. Unang taon: wala siyang
nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang adsum o narito po. Minaliit
siya dahil sa luma at gulanit na suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng
leksiyon. At nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay
may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang magsulit,
natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay
aprovado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.

Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio na


akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang tanong.
Parang loro siya sa pagsagot. Noo’y di na tinanong si Basilio. Bakit pa tatanugin
ito’y di naman nakapag-papatawa sa klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si
Basilio. Nguni’t isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng
mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban
niya sa mga kadete sable laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan.
Nakilala ng professor. Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya pa.

Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara.
Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio. Nagsulit
siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit
siya at kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-
aaral si Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At
huling taon na ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya’y pakaksal na sila ni Huli.

You might also like