You are on page 1of 2

Kabanata XXXVIII

Kasawiang-palad

Buod

Buong Luzon halos ang nilaganapan ni Matanglawin sa kanyang panunulisan.


Siya’y pumatay sa hukom pamayapa sa Tiyani, nanunog, nangulimbat. Ngayo’y
sa Batangas, bukas ay sa Kabite, di maglilipat-araw ay sa Tayabas, pagkatapos
ay sa Panggasinan o sa Albay. Laging naliligtasan ni Matanglawin ang mga
habol sa kanya. At sa kawalangkaya ng mga sibil sa dumakip sa mga tulisan ay
mga magsasakang walang sala ang kanilang dinarakip.

May anim o pitong magsasaka ang dinakip ng mga sibil matapos ang isang
pagsalakay ni Kabesang Tales. Abut-siko at kabit-kabit ang gapos ng mga ito na
inilakad nang tanghaling tapat sa kainitan ng Mayo walang sombrero at
nakayapak. Ang pawis nila’t alikabok ay nagpuputik sa kanilang mukha ang
magkahalong poot at kawalang pag-asa.

Ni hindi nila mapahid ang mahapding pawis na sumisigid sa kanilang mga mata.
Kung may isang nabubuwal sa hapo at gutom ay hinahagupit silang lahat at ang
nabuwal ay makakaladkad sa kanilang pagtakbo. Sumisigaw ang nabuwal na
patayin na siya. Umiiyak. Parang bata. Isinusumpa ang oras ng kanyang
pagsilang.

Nilalait pa sila ng mga guwardiya sibil. Nguni’t may isang sibil na tutol sa gayong
pagmamalupit. Nang di makatiis ay sumisigaw na rin ito sa mapagparusa: Hoy,
Mautang, bayaan mo silang magsilakad nang payapa!

Nagpakikilalang bago ka nga lamang Carolino patuya pang tugon ni Mautang.


Ano ba ang ginagawa ninyo sa mga bihag ng digma?

Pinakukundanganan namin. Tugon ni Carolino:

Mangyari’y kaaway na nagsilaban ang mga iyon ang mga ito’y mga kababayan
natin! ganti ng mapagpahirap. At bumubulong kay Carolina: Ginaganyan natin
iyan upang lumaban o tumakas at nang barilin na lamang natin.

Isang bilanggo ang sinumpong ng pagdumi o pag-ihi marahil at nakiusap na


payagan muna siyang makatigil nang sandali. Di siya pinayagan. Mapanganib
daw ang lugal na iyon. Naliligid sila ng bundok.

Higit kang malupit pa kaysa mga Kastila, anang bihag.

Isang putok nang narinig. Gumulong-gulong si Mautang tutop ang dibdib na


nilabasan ng dugo sa bibig
Alto! Sigaw ng kabong putlang-putla. (matatapang lamang sa walang laban).
Isang putok pa at ang kabo naman ang tinamaan sa bisig at namaluktot sa sakit.

Itinuro ng kabo ang mga bilanggo. Fuego! sigaw niya. At ang mga bihag ay
pinagbabaril. Saka pa lamang lumaban ng putukan sa mga nasa batuhan sa
bundok. Ang mga nasa batuhan ay tinayang may tatatlong riple lamang.
Lumusob ang mga sibil. Ang unang umakyat patungo sa pinangungublihan ng
mga di kilalang kalaban ay gumulong-gulong na pababa.

Hala, Carolino! Nahan ang mabuti mong pagpapatama! pasigaw na wika ng


kabo.

Isang lalaki ang biglang lumitaw sa ibabaw ng isang talampas. Nagwawasiwas


ito ng baril.

Paputukan! sigaw ng kabo kasabay sa pagmumura.

Tatlong kawal ang nangagputok. Patuloy na may isinisigaw ang lalaki. Hindi siya
mauunawaan.

Natigilan si Carolino. Parang nakilala niya iyon. Tinutukan siya ng baril ng kabo.
Ipinagbabaril sa kanya ang lalaki. Tumalima si Carolino. Gumulong at nawala sa
talampas ang lalaki. May isinigaw ito. Natulig si Carolino.

Parang nagsitalilis ang mga nagtatago sa itaas. Lumusob ang mga sibil. Isa pang
lalaki ang lumitaw, sa talampas. Iniamba ng lalaki ang sibat. Pinaputukan siya ng
mga kawal. Nabulid ang lalaki.

Ang unang umabot sa kaitaasan ay may dinatnang matandang lalaking


naghihingalo. Binayuneta ito. Di man lamang kumurap ang matanda. Nakatingin
kay Carolino. Nakaturo ang daliri sa likod ng talampas.

Gulila’t at putlang-putla si Carolino. Nakilala niyang ang matanda’y ang ingkong


niyang si Tandang Selo. Nakita niyang ang mga nanlalalim na mata ng matanda
ay mga salamin ng matinding hinanakit. At nang mamatay ito ay patuloy na may
itinuturo sa likod ng talampas.

You might also like