You are on page 1of 6

School Pampanga High School Grade Level Baitang 10

Teacher Learning Area Filipino

Observation Date Unang Araw Quarter Una

Daily Lesson Plan in Filipino

I.

A. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


1.Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya.
(F10PD-Ia-b-61)

2.Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito. (F10PT-Ia-b-61)

B. MGA LAYUNIN
a.Nakikilala ang kahulugan ng mito at mitolohiya.

b.Nababatid ang mga hakbang sa pagtukoy ng mensahe.

c..Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya.

d.Nakikilala ang mga kayarian ng salita.

e.Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito.

II. NILALAMAN
A. Panitikan Cupid at Psyche
B. Gramatika
Angkop na Gamit ng Pandiwa bilang Aksyon, Pangyayari at Karanasan

III. Kagamitang Panturo


Sanggunian: SIPacks Unang Kwarter - Unang Linggo
Iba Pang Kagamitang Pampagtuturo: https://youtu.be/nHtYHrSef6Q ; https://youtu.be/u6WnjqnETTQ

IV. PAMARAAN

A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin / Pagsisimula ng Bagong Aralin

Panuto:
Sa pamamagitan ng akrostik, ano ang pagkakaalam mo kapag nababasa ang salitang mitolohiya. Gamitin
bilang unang titik ang mga titik sa salitang mitolohiya. Gawing batayan ang unang letra.
M-ga diyos at diyosa ang mga tauhan
I-
T-
O-
L-
O-
H-
I-
Y-
A-

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Panuto:
Sa pamamagitan ng binuong akrostik, bumuo ka ng pangungusap para bigyang kahulugan ang mitolohiya.
Gawing batayan ang halimbawa.

Halimbawa:
Sina Zeus, Poseidon at Hades ay mga diyos na gumaganap sa mga mitolohiyang Griyego.
1.
2.
3.
4.
5.

C.Pag-Uugnay ng mga Halimbawa Sa Bagong Aralin. (Paglalahad)

Panoorin mo ang mito na pinamagatang Asuang at Gugurang- Sinaunang Diyos ng mga Bikolano sa
mitolohiyang Pilipino. Narito ang link na iyong hahanapin sa youtube. https://youtu.be/nHtYHrSef6Q

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

A. Matapos mong mapanood ang mito mula sa Bicol, ano ang mensahe na iyong natutuhan mula
rito?
Narito ang mga hakbang na maaari mong gawin sa pagtukoy sa aral na natutuhan mula sa napanood o
nabasa.
1. Ano ang suliranin?
2. Paano nalutas ng tauhan ang suliranin?
3. Ano ang natutuhan ng tauhan?
Ngayong nasagot mo na sa iyong isipan ang mga katanungan, ano ang nais ng awtor na iyong matutuhan
mula sa napanood o nabasa?

Ang natutuhan ko mula sa aking napanood/nabasa ay ______________________________


Mula sa iyong natutuhan, ano ang mensahe nais iparating ng iyong napanaood.

E. Pagtalakay ng bagong konspeto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Ang salita ay may apat na kayarian:


1.Payak – payak ang salita kung ito ay binubuo lamang ng salitang ugat. Nakatatayong mag-isa kahit
walang mga panlapi. Hindi inuulit at walang katambal na salita.

2. Maylapi –mga salitang binubuo ng mga salitang-ugat na may kasamang isa o higit pang panlapi

3.Inuulit –salita na inuulit nang buo o higit pang pantig ang inuulit

4.Tambalan – pagtatambal ng dalawang salita na magkaiba ang kahulugan. May dalawang uri ng
tambalan:
4.1. Tambalang Di-ganap – pagtatambal sa dalawang salitang-ugat na nanatili ang kahulugan
4.2. Tambalang Ganap – nawawala ang kahulugan ng salitang pinagtambal at nagkakaroon ng
pangatlong kahulugan.

F. Paglinang ng Kabihasaan

F.1. Suriin ang mga salita sa loob ng kahon. Pagsama-samahin ang mga salitang may magkakatulad na
estruktura. Gawing batayan ang halimbawa sa bawat hanay.

agaw-pansin, alay, alay-kapwa, araw-araw, dadalawa, gabi-gabi,


ganda, gusto, hangaan, hatinggabi, kabi-kabila, mahal,
kalalakihan, makapantay, naniningalang-pugad, puri, ningas-kugon,
sansinukuban, sinamba, unti-unti

puri kalalakihan unti-unti alay-kapwa


1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4.

F.2. Panoorin sa youtube ang Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan. https://youtu.be/u6WnjqnETTQ

Tukuyin ang mensahe ng napanood/nabasang mito mula sa Ifugao.


Ang mensahe ay __________________________

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay


H. Paglalahat sa Aralin
Ang pagtukoy sa mensahe ng napanood o nabasa ay magagawa sa pamamagitan ng _________________.

I. Pagtataya sa Aralin

I.1. Panuto: Basahin ang mito mula sa mitolohiyang Ehipto. Tukuyin ang mensahe sa pamamagitan ng
pagbuo sa grapikong pantulong.

Anubis
Si Anubis ay isa sa mga sinaunang diyos ng mga taga-Ehipto. Siya ang diyos ng mga patay.
Sinasabing siya ang ikaapat na anak ni Ra, ang diyos ng araw. Subalit ayon sa bagong natuklasang
kasulatan, si Anubis ay anak ng diyosa ng kamatayan na si Nephthys, kundi kay Osiris na diyos ng
kamatayan ay kay Set, ang diyos ng kasamaan na kapatid ni Osiris.
May kakaibang anyo si Anubis. Ang katawan niya ay sa tao ngunit ang ulo niya ay sa jackal, isang
uri ng mabangis na aso. Nang maglibot sa mundo si Osiris, sinamahan siya ni Anubis. Ngunit nang
patayin ni Set si Osiris, si Anubis ang tumulong kina Isis at Nephthys na isaayos ang bangkay.
Napagdesisyunan niyang ibalot ng tela ang buong katawan ni Osiris upang hindi masira ng hangin. Ito sa
kasalukuyan ay kilala bilang mummification . Siya rin ang pinaniniwalang kasama ng mga namamatay sa
bago nilang daigdig, ang Duat o underworld. Makikita ang mga imahe ni Anubis na nagbabantay sa
libingan ng mga paraon.
Ayon sa Aklat ng mga Patay, dapat na iniaalisang mga lamag loob ng mga namayapa, maliban sa
puso na pinangangalagaan ng scarab beetle. Si Anubis ay kasama rin sa mga nagpapasaya kung saan
mapupuntaang mga namamatay.
Ano ang mensaheng nais
iparating ng awtor sa iyo?

Paano mo nasabi na ang


mensaheng isinulat mo ang
mensaheng nais niyang
iparating?

Ano ang natutuhan ni Anubis?

I.2.Panuto: Bilugan ang kayarian ng salitang hinihingi sa


bawat bilang.
(maylapi –hulapi) 1. “Pupuntahan ko ang mga diyos na sina Ngilin, Bumabbaker, Bolang at ang diyos
ng mga hayop.”
(payak) 2. Masaya na ang mag-asawa dahil may buhay na sa sinapupunan ni Bugan.
(maylapi –unlapi) 3. “Mukhang hindi pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga panalangin!”
(maylapi –kabilaan) 4. Nilabanan niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod.
(inuulit) 5. Maluha-luhang nanalangin si Bugan na sanaý magkaroon siya ng anak.

Inihanda nina

MELANIE SOLEDAD C. YAP at ALMA A. PANTALEON


mga Dalubguro 1
Sinuri ni:

RIO B. ALDANA
Puno ng Kagawaran

Inaprobahan ni:

LYN M. ESGUERRA
Punong-Guro

You might also like