You are on page 1of 1

1.

Kalakasan ni Psyche: kagandahan, bukas at malawak na kaisipan, determinasyon, matapang,


madiskarte, pag-ibig niya kay Cupid

Kahinaan ni Psyche: pagmamahal din niya kay Cupid, pagiging sunud-sunuran kay Venus, nawalan ng
tiwala, madaling maimpluwensyahan, mapaga-usisa, hindi nakuntento, naghangad ng higit pa

Kalakasan ni Cupid: pag-ibig, pasensyoso, may sariling desisyon, may paninindigan, mapagkumbaba,
pinahahalagahan ang damdamin ng iba

Kahinaan ni Cupid: ang kagandahan ni Psyche, nagkubli sa sariling niyang asawa, nagkaroon ng galit at
nagtampo, ang pagdududa at pagtataksil ng kanyang asawang si Psyche

2. Ang pagkakamaling ginawa ni psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kanyang buhay ay ang
hindi pagtitiwala sa kanyang asawa. Sapagkat ang bawat relasyon ay nararapat lamang na may kalakip
na pagtitiwala. Balewala ang ito kung ang isa sa inyo ay hindi marunong magtiwala sa isa. Ganoon din
ang pakikinig sa maling opinyon ng bawat tao, ang bawat suliranin sa bawat relasyon na dapat lang
solusyunan ng magkarelasyon at hindi dapat inilalabas sa iba sapagkat mas lumalala lamang ang
magiging problema dahil mayroon tayong iba't ibang paraan ng paglutas nito. At kadalasan kapag ibang
tao ang ating pinapakinggan ay mas napapasama pa ang resulta nito tulad na lamang ng ginawa ni
Psyche sa kwento na mas pinanigan pa ang kanyang mga kapatid kesa sa kaniyang asawa.

3. dahil mas marami ang atensyon na naibibigay kay psyche kaysa kay venus na diyosa ng kagandahan

4. Itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkatao kay Psyche dahil maaaring gusto niyang subukan ang
tiwala nito sa kanya. Sabi nga ni Cupid nung hindi tinupad ni Psyche ang pangako niya sa kanya: "Hindi
mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala."

5. Naging panatag na rin si Venus namaging manugang si Psyche sapagkat isa na itong diyosa. At kung
maninirahan naang manugang sa kaharian ng mga diyos, hindi na muling makagagambala si Psychesa
pagsamba ng tao kay Venus.

6. Venus - ang Diyosang Romano ng pag-ibig, kagandahan, pagtatalik, pertilidad at kasaganahan. sAyon
sa mitolohiya, Si Venus ay naiinggit kay Psyche dahil napukaw ng dalaga ang mata't atensyon ng mga
mamamayan. Ang selos at inggit ay hindi magandang katangian dahil ito ay nagdudulot pa ng marami at
sunod-sunod na kasamaan kapag labis na pinairal. Tulad ni Venus, nagkaroon siya nang matinding poot
nang malamang mas nagagandahan ang mga kalalakihan kay Psyche. Isa ring 'di magandang katangian ni
Venus ang pagiging masyadong mapagmataas sa halip na dapat siya'y may malawak na pag-unawa
bilang Diyosa.Ibig niyang siya lamang ang maganda sa lahat ng mga Diyos at para sa mga tao. Ito ay
pagiging sakim at ganid sa atensyon at papuri. Gumawa rin siya ng mga paraan para mapahamak si
Psyche. Nabuo ng inggit at galit ang kanyang kasamaan.Ang pagiging INGGITERA, MAPAGMATAAS,
MAPAGTANIM NG POOT, SAKIM AT MASAMA ay mga katangian ni Venus na hindi kaaya-aya.

You might also like