You are on page 1of 11

PANUNURING PAMPANITIKAN

Alcala, James Walter C.


I. PAMAGAT: BLOWN BY THE WIND
II. MAY AKDA: JONAHMAE PANEN PACALA (jonaxx)
III. PAGSUSURI

A. Nilalaman
1. Tema: Pag-ibig
2. Paksa: Mga bagay at pagsubok na iyong
magagawa at madadatnan pagdating sa pag-
iibigan.
3. Tauhan:

Eurydyce Amethyst Saniel Hidalgo

- Isa sa mga pangunahing tauhan at ang bida ng


kwento. Si Eury ay hindi basta – basta na tauhan
pagkat kahit na siya ang bida, marami rin ang naiinis
sakanya dahil sa kanyang mga desisyon sa buhay
minsan. Gayunpaman, mabait si Eury at tumataglay ng
nakakabighani na katangian, di katakataka na siya
ang pinakamagandang anak ng mga Saniel. Mala
diyosa ang hugis ng katawan, makinis at maputi,
matangos na ilong,at mala rosas ang kulay ng labi.
Siya ang makakatuluyan ni Vince.

Vincentius Theron Hidalgo

- Isa rin sa mga pangunahing tauhan at bida ng


kwento. Si Vince ay tumataglay ng mga katangian na
parang hinango sa isang diyos. Matangkad, matipuno,
eksaktong pangangatawan. Matangos ang ilong,
makapal ang kilay, mapupulang labi, mapupungay na
mga mata. Mabait, mapagmahal, at maalagain din si
Vince. Kapatid niya si Cassandra Hidalgo. Siya ang
makakatuluyan ni Eury.
Ephraim Saniel
- Isa sa mga sumusuportang tauhan ng kwento. Si
Ephraim ang ama ni Eury. Hindi masasabi na naging
isang mabuting ama si Emphraim kay Eury pagkat
palagi niya itong kinakahiya , bagamat na may
paborito siya sa kaniyang mga anak. Gayunpaman, sa
kalaunan ay nagbago narin siya at mahal naman
talaga niya si Eury, hindi lang niya matanggap noong
una ang gusting propesyon na kukunin ni Eury.

Tria Saniel

- Isa rin sa mga sumusuportang tauhan ng kwento. Siya


ang nanay ni Eury. Maganda at mabait, ngunit minsan
ay magkapareho sila ng iniisip at pananaw ni Ephraim
tungkol kay Eury. Mahal din niya si Eury.

Lyanna Sanie

- Isa rin sa mga sumusuportang tauhan ng kwento.


Nakakatandang kapatid ni Eury. Siya ay seryoso
pagdating sa pag-aaral at manang – mana sa
kaniyang tatay.

Reanne Saniel

- Isa rin sa mga sumusuportang tauhan ng kwento. Ang


pangalawa sa magkakapatid na Saniel. Siya ay
mabait at matulungin.

Michaelangelo Hidalgo

- Batang lalake na pamangkin ni Vince. Anak siya ni


Cassandra at

Wanda

- Ang tumatayong magulang ni Cassandra at Vince.


Siya rin ang kanilang tiya. Dahil nasa katandaan na
siya, may katangian siyang minsan na kinaiinisan.
Masyado siyang strikta at prangka dahil lang naman sa
seguridad ng kaniyang mga mahal sa buhay. Isa siya
sa sumusuportang tauhan.
Andres Zaldariagga

- Isa din sa mga sumusuportang tauhan. Taglay niya ang


isang katangain na palabiro, guwapo, mapagmahal.
Siya ang kasintahan ni Cassandra at ama ni Milo.

Amer Samaniego

- Isa din sa mga sumusuportang tauhan ng kwento.


Isang bakla na kaibigan ni Eury at Vince. Kahit isa
siyang bakla, tumataglay parin siya ng mga
panglalakeng katangain. Matipuno, maputi at makisig
na lalake si Amer. Isa rin siyang mabuting kaibigan at
para naring kapatid ni Eury

Hubert

- Siya ang isa sa mga kontrabida ng kwento, kung saan


malapit na niyang pinagsamantalahan si Eury.
Kinidnap niya rin si Eury sa kwento. Tumataglay siya ng
katangian na medyo bastos.

Flyn

- Siya ang pangunahing kontrabida sa kwento. Sa una


palang ay hindi mo masasabi na siya pala ang
kontrabida pagkat kaibigan siya ni Eury at napaka
galling na magpanggap. Siya rin ang nagpapadala ng
mga babalang mapanganib kay Eury.

Carrie

- Isa sa mga sumusuportang tauhan. Mabait na kaibigan


ni Flynn at Eury.
4. Mga Pangyayari

4.1 Simula

Nagsimula ang kwento sa di inaasahang


pangyayari. Isang artista si Eury kaya nasa isang
istudyo siya at ginagawa ang kaniyang trabaho.
Kinukunan sila ng mga litrato para sa kanilang
industriya kasama ang mga katrabaho at kaibigan
niyang si Flynn at Carrie. Nandoon rin si Zander, isa
sa mga artista at ang patagong boyfriend ni Eury.
Ang dahilan kung bakit patago pagkat may ka-
‘love team’ si Zander sa industriya at iyon ay si Blaire.
Hindi naman naging hadlang iyon sa kanilang
dalawa ngunit tuluyan nag-iba ng timpla ang
kanilang relasyon ng sinupresa siya ni Zander ng
bahay na nakapangalan na sa kaniya. Iyon naman
talaga ang gusto ni Eury sapagkat parang may
kulang pa at hindi niya ito gusto. Mabilis. Gusto
niyang kompratahin pa muna siya nito. Tila
napakabilis ng mga pangyayari at tila para siyang
nasasakal. Ginusto naman talaga ngunit parang
may nakabara sa kaniyang kalooban.. Upang
makawala muna sa sitwasyong kinaroroonan niya,
tinanggap niya ang alok ni Hubert, kung saan
kukunan na naman siya ng mga litrato para sa
bagong proyekto. Nang nakarating na siya sa
sinasabing lugar, parang biglang nag-iba ang
takbo ng oras. Hindi niya maintindihan ang mga
nangyayari. Napagtanto niyang may balak pala si
Hubert sakanya at iyon nga, siya ay kinidnap. Hindi
niya naiintindihan ang mga nangyayari, kung bakit
ito nagawa ni Hubert sakanya, kung ano ang
naging kasalanan. Sa kagustuhang mabuhay pa at
makatakas, ginawa niya ang lahat ng paraan
upang makatakas at nakatakas naman siya. Iyon
nga lang, patuloy parin siyang hinahabol nito
hanggang siya ay nakakita ng bangka at dali dali
niyang pinaandar ito Daling dali hanggang sa nag
gabi at patuloy na pinaandar ang bangka tungo sa
kalawakan na naga-asul na tubig dagat sa ilalim ng
puting buwan. Malayo sa lahat, malayo sa mga
taong mahal niya.
Nagising nalang siya at napagtanto niyang nasa
isang isla na siya na tinatawag na Costa Leona at
doon, muli niya nakitang ang lalakeng matagal na
niyang gustong kalimutan, ang lalakeng lubos na
nakakapatibok ng puso niyang natutulog. Doon,
nakita niya muli si Vincentius Theron Hidalgo.
Bagamat na siya ay inihipan talaga ng hangin at
pinagkrus sila ng landas ni Vincent.

4.2 Kasukdulan

Ang kasukdulan ng kwentong ito ay nagsimula


noong nagsimula nang tumira ng isang bahay sina
Eury at Vince at nagpanggap na mag-asawa. Ang
dahilan kung bakit ay noong labinglimang taon pa
lang si Eury at dalawamput’dalawang taon si Vince
ay may nagawang hindi kaaya-aya si Eury kung
saan madaming ginawang masamang bagay si
Eury kay Vince, mawala lang ito sa kanilang buhay.
Pakiramdam kasi ni Eury ay tuluyan na siyang
nakalimutan at pinagpalit ng kaniyang mga
magulang kay Vince, pagkat dati rati ay isang
amateur na arkitekto si Vince at napunta sa mga
Saniel dahil isang arkitekto naman ang ama ni Eury.
Simula noon, galit at inggit na ang kanyang
nararamdaman kay Vince, hanggang sa
humantong sa sitwasyon kung saan pinagkamalan
ni Eury si Vince na siya ay ginahasa nito, at dahil
doon, nawalan ng dignidad si Vince bilang isang
tao, lalake at arkitekto. Muntik narin siyang
makasuhan ngunit hindi natuloy sapagkat ayaw ni
Eury, dahil narin nalaman niya narin na kaya pala
siya galit sa lalake ay may ibang nararamdam siya.
Sa kasalukuyan, humingi naman ng paumanhin si
Eury at dahil mahal din ni Vince si Eury,
napagpasyahan niyang dapat ay magpakasal
muna sila bago niyang patawarin si Eury. Iyon ang
akala ni Eury, pagkat ang totoo iyon na pala ang
plano ni Vince, ang kunin ang loob, tiwala, at
pagmamahal ni Eury upang maging maaayos na
silang dalawa. Mas naging kapanapanabik ang
parting ito ng nagsimula narin magparamdam si
Hubert at ang gusting pumatay kay Eury, sa
kahulian ay nalaman din nila ito kung sino sa tulong
ni Vince at sa mga taong pumapalibot ni Eury.

4.3 Wakas

Ang wakas ng kwentong ito ay nagkatuluyan


talaga si Eury at Vince. Wala ng pagpapapanggap
ang nangyari at naging totoo na sila sa isa’t isa.
Nahuli nadin nila ang salarin na si Flyn, kung saan
inggit na inggit pala it okay Eury simula noong una
pa. Naging maayos nadin ang pamilya ni Eury at
Vince. Dito na nagsimula ang kanilang inaasam na
masayang katapusan.

B. Istraktura
1. Teoryang Pampanitikan

Teoryang Romantisismo – Ito ang teoryang aking


napili dahil unang una sa lahat, ang teoryang ito ay
tumutugma sa kwentong ito. Ito din ang masasabi
kong pangunahing teorya dahil ipinakikita dito ang
mga iba’t iba o klase – klase kung paano
magmahal og mag-alay ng pag-ibig sa isang tao,
kung ano ang magagawa ng isang tao kapag sila
ay umibig na o nagsimula ng mahulog sa bitag ng
pag-ibig.

Mapapatunayan ko ito base sa parte kung saan


nasabi ni Vince ang mga salitang ito,

“Mula sa araw na ito, ipinapangako kong ilalaan


ang lahat ng ginagawa ko sa aking buhay sa iyo,
Eurydyce Amethyst saniel hidalgo, at sa aming mga
anak sa hinaharap, sa taong iyon at ang hangin, na
pinagtagpo kami sa isa’t isa muli.” (From this day on,
I promise to dedicate everything I do in my life to
you, Eurydyce Amethyst Saniel Hidalgo, and our
future children, and to the person, the wind, who
brought us back together. )
Isa pa sa makakapag-patunay na ito talaga ay
napailalim sa Teoryang Romantisismo ay ang mga
salitang ito,

“Hindi ako nagseselos sa kanya. Naakit ako,


nahuhulog. Natakot ako. Gumawa ako ng mga
dahilan para doon.” (I was not jealous him. I was
attracted. I was scared. I made excuses for that.) -
Eury

“Kailan ba naging mas importante sa akin ang


pangalan ko? If it’s you or my dignity, Eury, I don’t
care what they say about me as long as you’re with
me! If it’s between you and or any other thing,
baby, I will always choose you!” – Vince

“You have just made me completely crazy, Eury. At


hindi ko alam na may mas ibabaliw pa pala ako
sayo.” – Vince
C. Kariktan

1. Antas Ng Wika:

Wikang Di-pormal o Impormal (Barayti Ng Wika :


Sosyolek) – Base sa kwento, masasabi kong hindi
ito ang karaniwang kwento na mababasa natin
sa ating literature, pagkat naka base na ito sa
kasalukuyan o sa ika-21 na siglo ng henerasyon
natin ngayon. Gumagamit na kasi na mga iba’t
ibang klase ng wika ang may aykda sa
kwentong ito at hindi lang purong tagalong na
mga salita ang mababasa mo kung di may mga
salitang Ingles din na makikita mo rito.
Mapapatunayan ko ito sa aking mga salitang
babanggitin at ipapakita sa ibaba.

Mula sa ika-39 na kabanata ng Blown By


The Wind ni Jonaxx

Nagkatinginan kami ni Vince pagkatapos


parehong pumirma. I can’t help but realize that
even though this is so unplanned, it still feels
solemn.

Mula sa prologo ng Blown By The Wind ni


Jonaxx

Humikbi ako. Kinakalma parin ang sarili


kahit na alam kong imposible iyon sa ngayon. I
lost my balance and fell on a rock. Ang kanang
parte ng mukha ay tumama sa bato. Napadaing
ako sa sobrang sakit.

Kung ating mapapansin, gumagamit ang


may akda ng “conyospeaking” o mga
pinaghalong wika. Dito, pinaglaho ng may akda
ang wikang Filipino at Wikang Ingles.
2. Imahe/Simbolo

Ito ang aking napiling imahe o simbolismo sa


kwentong ito pagkat may kaugnayan ang hangin
sa pag-iibigan nila Vince at Eury. Parang ang
hangin mismo ang nagdala nila sa isa’t isa muli.
Maaring pinaglayo mn sila ng tadhana, pinagtapo
naman sila ulit ng mga hangin.
D. Pangkaisipan
1. Bisa sa Isip at Damdamin

Sa kwentong ito, na antig talaga ng


husto ang aking puso at damdamin, hindi
talaga natin masasabi kung ano ang
pwedeng magawa ng pag-ibig. Isang salita
nga na binubuo ng pitong letra ngunit
napakarami ang pwedeng iparamdam sa
atin. Hindi lang hanggang sa nararamdaman
natin, kung di pati narin sa ating mga
desisyon at mga gawain sa buhay. Dito sa
kwentong ito, hindi lamang ito hanggang
piksyon lamang sapagkat ipinakikita rito kung
ano talaga ang mga posibleng mangyayari
sa totoong buhay at dapat alam natin iyon.
Huwag tayo maging kumpyansa at
kampante. Dapat sa lahat ng ating
gagawin, kailangan natin itong pag-isipan
ng mabuti, na hindi padalos-dalos lamang,
upang sa huli ay hindi tayo mag-sisi.

2. Reaksiyon

Ako ay nabighani at nagagandahan


talaga sa kwentong ito. Hindi lang dahil sa mga
nangyayari sa kwento, kung di pati narin sa mga
tauhan na gumaganap dito. Para kasi silang
totoong tao talaga, hindi lang hanggang
piksyon. Bukod pa doon ay saludo talaga ako
kay Jonaxx, pagkat napaka-ayos ng pagkasulat
niya sa kwento. Yung tipong hindi mo talaga
malalaman kung ano ang mga susunod na
mangyayari. Sa pagbabasa ko nito, hindi talaga
ako nawalan ng gana, nasisiyahan ako bawat
kabanata at nasasabik rin. Inaanyahan ko
talaga ang lahat na basahin ito dahil bukod sa
magugustuhan mo ito, may makukuha kang
mga asal at aral sa buhay.
3. Kahalagahan

Para sa akin, ang kahalagahan ng kwento ito ay


napakarami. Kasi unang-una sa lahat, hinango
kasi ito sa totoong buhay. Hindi lang nakapokus
ito sa piksyon na mundo kung di sa realidad
talaga. Ipinakita rito na hindi lang puro saya ang
inyong mararamdaman kung di pati narin
kalungukutan at kabiguan. Mahalaga ang
kwentong ito pagkat dito ko natutunan kung
ano talaga mga posibleng mangyari kung ikaw
ay magmahal, kung ano mga posibleng bagay
na inyong gagawin para lang sa inyong
minamahal. Bukod pa nito,ipinakikita rito na sa
huli, ang pagmamahal padin ang mananaig.
Kahit ano man ang magyari, wag natin lagyan
ng poot an gating puso pagkat ito ay
makakasama sa atin at idadala lang tayo nito sa
kabiguan sa buhay. Maniwala lang sa ating mga
sarili at huwag natin pakawalan ang mga
tsansya na ibinigay ng tadhana at panginoon sa
atin at mahalin talaga natin ang bawat isa, ng
sa ganon, ang lahat ay magiging Masaya at
walang uuwing sawi at luhaan.

You might also like