You are on page 1of 4

Ang Sayawan sa

Kasalan

Ni Amador Daguio
salin sa Filipino ni A.C Nadora

Ipinasa ni:
Mark Jefferson A. David
Gabriel Josh S. Gonzales
Karl Christian V. Pineda

Ipinasa kay:
T.Bobby
Ang Sayawan sa Kasalan

I. Panimula

Maikling Kwento

a.) Ano ang maikling kwento?

Isang masining na uri ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
mahalagang aral o kaisipan sa mga mambabasa.

b.) Ano ang mga uri nito?

Ang mga uri ng maikling kwento ay kuwento ng tauhan, kuwentong katutubong kulay,
kuwentong bayan, kuwento ng kababalaghan at kuwento ng katatakutan

II. Formalistiko/Pormalistiko

A.) Buod/Sinopsis:

Si Awiyao at Lumnay ay magasawa sa loob ng pitong taon, ngunit si Awiyao ay dapat mag-

asawa ng isa pang babae, si Madulimay, sapagkat si Lumnay ay hindi nakapagbigay sa kanya

ng isang bata. Bumalik si Awiyao upang makita si Lumnay dahil hindi niya nakita ang mga ito sa

mga mananayaw sa kanyang kasal. Nais niya si Lumnay na sumayaw sa kanyang kasal para sa

huling pagkakataon ngunit hindi niya magagawa. Sa gabi ng kasal, pinag-uusapan nila kung

paano ginawa ni Lumnay ang kanyang makakaya upang magkaroon ng anak. Nais ni Lumnay

na magprotesta laban sa nakasulat na tuntunin na ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa ng

ibang babae, kaya si Lumnay ay nagpunta sa sayawan. Subalit habang nakikita ang kanyang

asawa na may kasamang ibang babae, hindi na siya maaaring dalhin ito at pumunta lamang sa

bundok upang alisin ang mga beans na kanyang naisip.


B.) Mga Elemento
1. Paksa:
- Ang paksa ng maikling kwentong “Sayawan sa Kasalan” ay tungkol sa hirap na
pinagdaanan ng mag-asawang Awiyao at Lumnay kung saan hindi mabigyan ni
Lumnay ng anak si Awiyao. Ang paksa sa kwento ay kung paano mahirap magbitiw ng
pag ibig para sa isang tao at ang hirap mga hirap na hindi kaya lagpasan ng pag-ibig
lamang.

2. Tagpuan:
- Sa mga kabundukan sa norte ng Pilipinas, isa sa mga lumang tribo roon

3. Tauhan:
Lumnay – ang unang asawa ni Awiyao na iniwan siya upang magkaanak sa ibang babae
dahil hindi kaya ni Lumnay na bigyan siya ng anak
Awiyao – asawa ni Lumnay na kinailangan siyang iwan
Madulimay – bagong asawa ni Awiyao

4. Banghay:
A.) Panimula:
- Nag simula ang kwento nang bumalik si Awiyao dahil hindi niya nakita si Lumnay na
sumasayaw sa kasalan.

B.) Saglit na Kakintalan


-

C.) Papataas na Aksyon


- Matapos ang mahaba habang usapan nila Awiyao at Lumnay, ibinigay ni Awiyao ang
mga kwintas at sumunod naring umalis sa kanilang bahay.

D.) Kasukdulan
- Lumipas ang kaunting oras at lumakas narin ang loob ni Lumnay na pumunta sa
sayawan sa kasal ni Awiyao at nais niya itong mapasakanya muli, doon nakita niya ang
kanyang sarili nakatayo malapit sa nayon kung saan malawak na makikita kung saan
ginaganap ang kasalan.
E.) Pababang Aksyon
- Nang papalapit na si Lumnay sa sayawan ay bigla nalang siyang napaisip, nasaktan at
lumayo dahil sa kanyang nakita na may kasayawan na ngang ibang babae ang kanyang
asawa.

F.) Wakas
- Umalis na lamang si Lumnay at pumunta sa kabundukan kung saan nakatanim ang
mga beans na kanyang inilagay roon dati at munti na lamang inalala ang mga
kapanahunang masaya at kasama niya pa si Awiyao habang umiiihip ng malakas ang
hangin at siya’y nagiisa nalamang sa ilalim ng nakapagyeyelong liwanag ng buwan.

G.) Tunggalian
- ang pangunahing tunggalian sa maikling kwento ay tungkol sa “Tao laban sa Lipunan”
na makikita sa mga pangyayari sa kwento kung saan mas pinili parin na sundin ni
Awiyao ang utos ng kaniyang tribo dahil ito nga ang nakaugaliang tradisyon na dapat
sundin.

5. Reaksyon – Makabuluhan at may katotohanan ang istorya sapagkat makikita parin


ang na kahit papaano ay mayroon paring laganap na ganoong tradisyon sa mga ilang
pamilya sa kasalukuyan.

III. Teoryang Ginamit sa Pagsusuri


A.) Teoryang Realismo
- Sa teoryang ito ipinapakita o inilalarawan ang tunay na kalagayan ng isang lipunan. Sa
seleksyong “Ang Sayawan sa Kasalan” naipapakita ang teorya sa pamamagitan ng
pagpakita ng may akda ang sistemang namamayani sa isang tribu kung saan makikita
na dapat tuparin at sundin ang tradisyon kahit labag man sa puso.

B.) Pagsusuri gamit ang teorya


- Sa istorya makikita ang lubos na kalakasan ng mga patakaran ng isang tribu/lipunan
kesa sa kagustuhan ng mga pangunahing tauhan. Makikita sa istorya kung gaano ayaw
ni Awiyao na iwan si Lumnay ngunit dahil sa tradisyon at patakaran ng kaniyang tribo ay
kinakailangan niya itong gawin kahit labag man sa kaniyang kalooban kung saan naman
si Lumnay rin ay wala ring magawa kundi sumunod nalamang kahit pa ba gusting gusto
niya na mapasakanya ulit si Awiyao ay hindi talaga maari.

You might also like