You are on page 1of 2

Isang Linggo, nagpagkasunduan ng magbabarkadang sina

____,_____,_____,_____ etc. na magsimba sa Sto. Nino Church para na din sa


kanilang mass card na isang requirement nila sa school.

: Bes, kumuha ka muna nga nga sobre para sa ating lahat para sa offertory
mamaya.
: Sige,sige walang problema. Ilan ba?
: Mga lima… basta kumuha ka lang doon, tag-iisa tayo.
: Saan ko bay un makukuha?
: Don, sa may table na nasa gitna.
: Okay sige.

Sa isang sitwasyong ito sa simbahan ay nagpapakita ng instrumental na


gamit ng wika sapagkat ang isang tauhan ay nag-uutos sa kaniyang kapwa tauhan
na kumuha ng mga sobre para sa kanilang lahat.

Di nagtagal nag simula nang magsalita ang commentator.

Commentator: Isang paalala lamang po sa ating mga maninimba, ipinagbabawal


po ang pagkain, pagtulog, at pag-inom dito sa loob ng simbahan. Iwasan din pong
gumala-gala palibot dito sa simbahan. Mangyari lamang po na patayin muna o i-
silent ang inyong mga telepono upang hindi makadisturbo habang tayo ay
nagsisimba. Iwasan din po na apakan ang ating mga kneelers. Maraming Salamat.

Sa sitwasyon naming ito ay nagpapakita ng regulatoryo na gamit ng wika


sapagkat ang commentator ang nagbibigay paalala o direksyon sa mga maninimba
kung ano nga ba ang dapat at di dapat gawin sa loob ng simbahan..

: Bes, saan ba tayo mauupo?


: Dito nalang para di tayo malayo sa pintuan.
: Oo nga para agad tayong makalabas, ang dami dami pa naman ng tao
ngayon.
: Ang init init naman kasi dito walang electric fan. Dun nalang kaya tayo.
: Oo nga dun, agad tayong makakapila pag holy communion na.
: May Leiminister naman na pupunta sa banda rito, e.
: Bahala kayo, mas maganda kaya dun magiging fresh tayo dahil ang hangin
hangin kaya dun.
: sige na nga dun nalang tayo.

Sa bahagi naming ito ay nagpapakita ng personal na gamit ng wika,


sapagkat nagpapakita ito ng pagtatalo o debate ng mga tauhan kung saan sila
uupo.
Padre: Isang pinagpalang umaga sa inyong lahat. Kumusta po ba kayo? Maganda
ba ang gising niyo, o nakatulog ba kayo ng mahimbing? O hindi kayo gaanong
nakatulog dahil sa mga problemang iniisip niyo? Ikaw, nakatulog kaba nang
maayos? Ikaw naman?
Alam niyo mga kapatid, ang mga problemang iyan ay parang blessing ng
panginoon. Sapagkat alam na natin na hindi yan ibibigay ng Panginoon sa atin kung
sa tingin niya ay hindi natin kayang malampasan, at sa pamamagitan nito ay
hinuhula natin ang ating pagiging matapang at pananalig sa diyos. Amen?

Sa parte naming ito ang nagpapakita ng Interaksiyon na gamit ng wika,


sapagkat bago simula ng padre ang kanilang homily siya ay nangamusta muna sa
ilang mga tao.
Pagkatapos ng misa ay pumunta na ang magkakaibigan sa kumbento para
magpalagda ng kanilang mass card at nakipanayam sila kay father.

Father: Siguraduhin niyo na naisulat niyo ang gospel sa araw na ito ha?
: Opo father, eto po, Luke 16:19-31
Father: Very good.
: Father, ano po ba ang kahalagahan ng gospel?
Father: ang gospel ay ang written accounts ng buhay ng ating Panginoong Hesus
Kristo, kung kaya’t ito ay nagpapahiwatig ng ating kaligtasan at pagtahak sa tamang
landas tungo sa kaniya.
: Eh father, bakit po ba kayo nagpari?
Father: sa totoo lang ang aking pamilya ay napakarelihiyoso at namulat ako sa
ganitong sitwasyon at habang ako’y nagbibinata naramdaman ko na ang calling ng
panginoon sa’kin
: Ahhh, sige po father mauna na po kami.
Father: sige sige, pagpalain kayo ng panginoon. Pagbutihan niyo pa ang inyong
pag-aaral.
: sige po father, maraming Salamat po.

Dito naman ay nagpapakita ng heuristiko na gamit ng wika sapagkat


nakipanayam ang magkakaibigan sa pari habang silay nagpapalagda ng kanilang
mass card.

At ang panghuli naman ay nagpapakita ng representatibo na gamit ng wika


dahil gumamit si _______ ng senyas o simbolo na nangangahulugang kakain silang
magbabarkada sa labas. At agad naman itong nakuha o naintindihan ng isa
kanilang mga kaibigan.

You might also like