You are on page 1of 14

PANALANGIN SA

ESPIRITUWAL NA
PAKIKINABANG
O Hesus ko, naniniwala
ako na ikaw
ay tunay na naririyan sa
Banal na Sakramento.
Minamahal Kita ng
higit sa lahat
at ninanais ko na Ikaw
ay tanggapin sa aking
kaluluwa.
Bagama’t sa
sandaling ito ay hindi
Kita matatanggap
sa paraang
sakramental,
pumarito ka man
lamang sa aking puso
sa paraang espiritwal.
Tinatanggap Kita na
Ikaw na naririto
at buong puso akong
nakikipag-isa sa Iyo.
Huwag mong
pahintulutang ako’y
mapahiwalay sa Iyo. 
Amen.
PERSONAL NA
PAGNINILAY SA
BIBLIYA
Ama, Nilikha mo ako
at itinalaga sa mundo
ng may paglalaanan.
Jesus namatay ka
para sa akin at
tinawag mo ako
upang gampaninn
ang iyong mga gawa
Banal na Espirito
Santo, ikaw ang
tumulong sa akin na
tupdin ang mga
gawang laan para
sa akin.
Sa presensya at
ngalan ng iyong
Ama, Anak at
Espirito Santo.
Sisismulan ko ang
pagninilay na ito
SUNDAN ANG
MGA HAKBANG
NA ITO
( Basahin ng
mataimtim at
magnilay sa loob ng
isang minuto )
1. Isipin kung anong
bahagi ng pagbasa
ang naka antig sa
iyo at bakit?
2. Bigkasin ang
iyong mga loobin ?
3. Pakinggan ang
tugon ng
Panginoon?
4. Hayaang
mamahinga sa
presensiya niya
nang may bukas
ang kalooban ?
5. Wakasan ang
pagninilay sa
dahan- dahan at
mahinahaong
pagdarasal ng Ama
Namin.

You might also like