You are on page 1of 2

NOVENA PARA SA KAPISTAHAN NI SAN JOSE

Pangwakas na Panalangin

O dakilang San Jose, magdalang-lugod ka sana sa akin upang tanggapin ang pag-aalay kong ito
ng mga panalangin at pagpapakasakit upang ako’y maging karapat-dapat sa iyong mga pagpapala, ikaw
na aking ama, tagapagtangol at tanglaw sa aking kaligtasan.

Ipagkamit mo sa akin ang isang malinis na puso at maalab na pamimintuho sa Diyos. Gayon din,
mangyari nawang ang lahat ng aking mga iniisip, sinasalita at ginagawa ay maayon sa kalooban ng Diyos
sa pamamagitan ng iyong pagsaklolo sa akin.

O Banal na Jose na amang-tagapag-alaga kay Jesus at Esposo ni Maria, ipanalangin moa ko araw-
araw sa kanila, upang sa bisa ng grasya ng Diyos ay makarating akong maluwalhati sa tunay na
hantungan ng aking buhay. Siya nawa.

Mga Paghibik

O San Jose, ipagkamit mo sa akin ang isang malinis na pamumuhay.

San Jose, maligtas nawa ako sa iyong pamamagitan.

San Jose, ipanalangin moa ko ngayon at sa oras ng aking kamatayan.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

(Sundin ang mga panalangin tulad sa Unang Araw, maliban dito)

Tanging Panalangin sa IKALAWANG ARAW

Maluwalhating San Jose, idalangin mon a ang pag-asang Kristiyano ay tumahan sa aking puso.
Ito nawa’y magsilbing Liwanag, aliw at tanggulan ko sa buhay. Sa pamamagitan nito’y malayo sana ako
sa diwa ng mundo upang ang aking mga pag-iisip at damdamin ay lagging matuon sa Langit.

Ito rin sana’y maging gabay ko sa aking mga pagkilos at Gawain upng ako’y maging karapat-
dapat na makatulad mo sa oras ng kamatayan sa piling ni Jesus at Maria.

San Jose, ako’y dumudulog s aiyo sa oras ng aking pangangailangan, at nagsusumamo rin kay
Santa Mariang Birhen na iyong esposa na makamtan ko ang layunin sa pagsisiyam na ito kung nauukolsa
lalong kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa.

(Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama Namin sa karangalan ng Banal na Angkan)

(Sundin ang mga panalangin tulad sa Unang Araw, maliban dito)

Tanging Panalangin sa IKATLONG ARAW


Maluwalhating San Jose, papag-alabin mo sa aking puso ang ningas ng iyong pag-ibig, upang ang
Diyos ang siyang maging panguna at tanging layinin sa aking pagmamahal. Bayaan mong ang aking
kaluluwa ay mamalagi sa biyayang nagpapakabanal, at kung sakaling sumapit sa akin ang kalungkutan na
ako’y magkasala ng mabigat, ipagtamo mo sa akin ang lakas ng loob upang mabawi kong muli ang buhay
makalangit sa pamamagitan ng isang tapat na pagsisisi. Mangyari nawang sa tulong mo ay ibigin kong
lagi ang Diyos at manatiling kaisa Niya.

San Jose, ako ay dumudulog sa iyo sa oras ng aking panganga-ilangan, at nagsusumamo rin kay
Santa Mariang Birhen na iyong esposa na makamtam ko ang layunin ng pagsisiyam na ito, kung nauukol
sa kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa.

(Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama Namin sa karangalan ng Banal na Angkan)

(Sundin ang mga panalangin tulad sa Unang Araw, maliban dito)

Tanging Panalangin sa IKA-APAT NA ARAW

Maluwalhating San Jose, tulungan mo akong maunawaan ko ang kadakilaan ng kalinisan sa


pamumuhay. Turuan mo akong ingatan ang kabanalang-asal na ito sa aking puso, sa aking mga pag-iisip
at sa aking mga gawain sa pamamagitan ng panalangin, ng pagbabantay at ng paglayo sa lahat ng tao,
lugar at bagay na makapaghuhulog sa akin sa kasalanan. Ipagkamit mo sa Diyos na maipag-adya ko ang
aking puso sa lahat ng damdaming mahalay upang ako’y makatulad s aiyo at kay Jesus at Maria na
halimbawa sa dakilang kalinisan.

San Jose, ako’y dumudulog sa iyo sa oras ng aking pangangailangan, at nagsusumamo rin kay
Santa Mariang Birhen na iyong esposa na makamtan ko ang layunin ng pagsisiyam na ito, kung nauukol
sa kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa.

(Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama Namin sa karangalan ng Banal na Angkan)

(Sundin ang mga panalangin tulad sa Unang Araw, maliban dito)

Tanging Panalangin sa IKALIMANG ARAW


Maluwalhating San Jose, tulungan mo akong maunawaan na ang kababaang loob ay siyang
saligan ng lahat ng kabanalang gawa, at ipagkamit mo sa Diyos na ako’y manatiling mababang-loob sa
harap ng Panginoon na siyang bukal ng lahat ng kabutihan na tinatamasa ko ngayon. Ipagtamo mo ng
biyaya upang ako’y kumilala sa Diyos na lahat ng bagay at ako’y magpakumbaba at maging maibigin sa
katotohanan at kababaang loob.

San Jose, akong dumudulog s aiyo sa oraw ng aking pangangailangan, at nagsusumamo rin kay
Santa Mariang Birhen na iyong esposa na makamtam ko ang layunin ng pagsisiyam na Ito, kung nauukol
sa kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aking kaluluwa. Siya nawa.

(Banggitin ngayon ang kahilingan at magdasal ng tatlong Ama Namin sa karangalan ng Banal na Angkan)

(Sundin ang mga panalangin tulad sa Unang Araw, maliban dito)

You might also like