You are on page 1of 1

Dakilang Tagapagligtas

Mahal Kita, siyam na letrang hindi ko lubos maunawaan,

Mahal Kita, ako’y nangangamba,

Hindi ko alam kung paano, bakit, kailan,

Hindi ko alam kung paano Mo nasasabing mahal Mo ang isang tulad ko,

Isang makasalanan na nabubuhay sa mundo,

Ngunit bakit Ika’y nandito,

Ika’y dumadaloy sa aking puso,

Unti-unti Kang nagpapakilala hindi dahil sa hiniling ko,

Kundi dahil mahal Mo ako at hindi ko na maikukubli,

Ako’y uhaw na uhaw sa presensya Mo,

Sa piling Mo ako’y buong-buo, oo,

Dahil saIyo natagpuan ko ang totoong ako,

Makasalanan man ngunit inibig Mo,

Handa akong talikuran ang gawain ng mundo,

At hindi dahil sa gusto ko, kundi bukal sa aking puso,

Ngayon, masasabi ko nang wala ng sasapat pa kapag kapiling Kita,

Hindi lamang sa salita at gawa,

Buhay na patunay ang bibliya,

Ikaw ang binigay ng Dakilang Maylikha,

Nag-alay ng buhay sa akin, at para sa kanila,

SaIyo ko natutunan umibig,

At saIyo ko din natutunan umibig,

At oo, nakatatak na sa puso at isipan ko na, Ikaw.

Ikaw lamang, oo.

Ikaw si Hesus na aking Panginoon na umibig sa akin kahit pa makasalanan ako.

You might also like