You are on page 1of 2

PAGSUBOK NA KINAKAHARAP

( I.)
Araw araw na pagsubok na hinaharap,
Mga bagay na hindi natin maipaliwanag sa mundong ka'y gulo.
Mga araw na `di mo alam ang gagawin ngunit kailangan pa rin lumaban.
Ang Mundong pabago-bago ng kaganapan,
Tama pa ba ang solusyon sa problemang pabago bago.
Hindi mo ba alam paulit ulit na lang mga problemang kinakaharap.
( II.)
Dumating ang mga araw na ako'y lunod na,
Oras oras akong nagdurusa.
Na patanong nalang ako sa aking sarili kung ano nga ba ang mundo,
Ano nga ba ang dapat kong gampanan ano nga ba ang gagawin,
Ako'y wala na sa kaisipan,Buti na lang ay lumaban.
Nilabanan ko ang isip ko na naguguluhan sa isa't Isa buti na lng ako'y lumaban.
( III.)
Sa aking kinakaharap buti ika'y nakita.
Napakahirap ngunit nabighani ako sa iyong mga ngiti.
Sa una ako'y nahihiya, nagtiwala ako sa aking sarili at sinimulang kausapin ka,
Hindi ko alam kung bakit iba aking naramdaman sa ating pag-uusap,
Mga salita mo'y tila kabigha bighani, para bang may kislap tayong dalawa,
Katulad ng kutsara tinidor na bagay sa isa't Isa.
( IV.)
Ako'y nabighani sa iyong mga mata,
Biglang tumigil ang aking mundo sa una nating pagkikita.
Hindi ko malimutan mga nangyari sa unang gabing pag-uusap, tayo ay nag tatawanan, nag
lolokahan sa gabing kay lamig ngunit ito'y pinainit, sa pagtanggap ng matatamis na salita,
Sa araw araw natin pag uusap hindi ko namalayan ang oras na lumipas.
Nawala sa isip ang problema at iniibig na pala kita aking sinta.
( V.)
Mga araw na tayo'y nag tatawanan,
Mga ngiti mong nagpapasaya sa araw araw.
Mga araw na ako'y nangangailangan ng katuwang ika'y laging nandiyan,
Ang mga atensyon iginugol mo para iparamdam sa akin na importante ang sarili ko,
Ako'y nagpapasalamat kung 'di mo ako binigyan ng atensyon siguro nga ay wala na,
Ako'y may utang na loob sa iyo aking sinta.
( VI.)
Tila ba’y nagkagulo muli mga isip,
Nagkakagulo sila sa tanong na “Paano pag tayo sinta?”
Matapos ang pakikipagsapalaran ng tanong sa aking isip,
Ang sagot ay bigkasin ang mga salitang `di ko masasabi tila kanino man.
Sinabihan kita na pumunta sa ating tagpuan na para bang mag kaibigan.
Sabi mo naman sa akin na antayin ka, nag antay ako ng nag antay at tila dumating ka.
( VII.)
Ako’y aligaga sa pag aantay sayo aking sinta.
Tayo’y nag uusap, karaniwang araw sa ating tagpuan.
Hindi mo man pansin mga pawis kong rumaragasa,
Mga salitang nais bigkasin, maari ng bigkasin sa iyong harapan.
Aking sinta ika’y dahilan sa pag ibig kong muli,
Sana’y tanggapin mo aking pagibig para sayo.
Ako sana’y dinggin sinta, sayo lang aking pagmamahal.
( VIII.)
Tila ako’y nagulat sa mga sinabi mo `di ko alam na pareho pala tayo ng nararamdaman.
Sa sobrang tuwa mga balahibo ko’y nag si tindigan.
Naging masaya tayo at nagtagal, para bang walang makakasira ng ating pag iibigan.
Araw araw, Oras oras ika’y laging iniisip.
`Di na kita maalis dahil tinanggap mo aking pag ibig.
Ako’y tumugon sa mga kailangan mo, napakasaya ng bawat oras na ating pagsasama.
( IX.)
Bigla akong nagulat nais kong maging sayo pang habang buhay, ngunit bakit iyon ang pinili.
Bakit biglang nagbago, mga pagbibigayan natin ng oras sa isa’t isa na naging,
“Pagod ako pwede sa susunod na lang natin iyan pag usapan”
Mga pangako na tila ba’y na pako, bakit ito’y naging abo.
Mga bagay, gawain, at mga alaala na `di matutupad.
Bakit mo sinarahan ang pahina ng ating nasimulang libro.
( X.)
Pero nagpapasalamat ako `di ko man nais na sarhan ang librong nasimulan,
Masaya naman sa kinahantungan, `di mawawala ang kapighatian at mga galit sayo binibini.
Ako’y nagpapasalamat, kahit nag tapos ating libro marami naman akong natutunan sayo.
Mga bagay na katulad ko lng ang makakakita, mga lugar na ating pinagsamahan.
Masaya ako sa kinahantungan, nag iba tayo para isa’t isa, nabigyan natin solusyon ang ating
Mga sarili pero “ Bakit ang problema natin ay nawalan ng solusyon”

You might also like