You are on page 1of 1

Buod ng Hinilawod

Ang salaysay na Labaw Donggon ay nagsimula sa kaniyang pamilya. Isa siyá sa


tatlong mala-bathalang anak nina Abyang Alunsina, isang diwata, at ni Buyung
Paubari, isang mortal. Mga kapatid niya sina Humadapnon at Dumalapdap.
Pagkapanganak sa kaniya ay naghanap si Labaw Donggon ng mapapangasawa.
Una niyang nakuha si Abyang Ginbitinan, ikalawa si Anggoy Doronoon. Ikatlo at
pinakamahirap ang pakikipagsapalaran niya ay si Malitong Yawa Sinagmaling na
asawa ni Saragnayan, tagapag-alaga ng araw. Dahil may agimat din si
Saragnayan, natalo niya si Labaw Donggon sa labanan na tumagal ng maraming
taon. Ibinilanggo ni Saragnayan si Labaw Donggon sa kulungan ng baboy sa
silong ng bahay niya. Samantala, nanganak ng dalawang lalaki ang dalawang
asawa ni Labaw Donggon, sina Asu Mangga at Buyung Baranugan. Hiananap ng
magkapatid ang ama, nakaharap si Saragnayan, ngunit ngayo’y natuklasan ni
Baranugan ang lihim ng kapangyarihan ni Saragnayan kayâ napatay ang asawa
ni Malitong Yawa Sinagmaling. Pinawalan ng magkapatid si Donggon at
pinaliguan. Ngunit nagtago ito sa loob ng isang lambat. Sina Humadapnon at
Dumalapdap naman ang humanap kay Labaw Donggon at nakita nilá ito sa loob
ng lambat ngunit halos bingi at lubhang matatakutin. Gayunman, pinagtulungan
siyáng gamutin nina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon pagkatapos
mangako na pantay-pantay siláng ituturing na asawa kasama ni Malitung Yawa
Sinagmaling. Sinundan pa ito ng mga pakikipagsapalaran nina Humadapnon at
Dumalapdap na nakuha din ng kani-kanilang asawa.

You might also like