You are on page 1of 6

PROYEKTO

SA FILIPINO
8
IPINASA NI: Kerby R. Trogon
Baitang at Seksyon: 8-Eddington
Epiko ng mga Ilokano

Simula: May pambihirang lakas si Lam-ang na ‘di


karaniwan sa mga batang katulad niya. Siya ay
taga-Namongan at lumaki siyang walang ama
‘pagkat bago pa man siya ipanganak ay nawawala
na ito mula sa pangangahoy na iniutos ng
kanyang ina. Itinanong niya kung nasaan ito at
may nagsabing matatagpuan ang kanyang ama sa
kamay ng mga Igorot. Naglakbay siya patungo sa
mga Igorot kahit ‘di payag ang kanyang ina.

Gitna: Nakita niyang nagsasagawa ng sagang ang


mga Igorot. Nasilayan niya din ang putol na ulo
ng kanyang ama. Dahil sa galit, pinatay niya nag
lahat ng mga Igorot. Pagbalik sa Namongan,
agad siyang naligo at hinanap si Ines Kannoyan
ng Kalanutian. Nakarating siya matapos
makipaglaban kay Sumarang at pang-aakit ni
Sarindang.

Wakas: Nasindak ang mga manliligaw ni Ines kay


Lam-ang. Naibigay ni Lam-ang ang lahat ng nais
ng magulang ni Ines kaya kinasal silang dalawa.
Minsan, nangisda si Lam-ang at nakain siya ng
isang malaking isda. Isang maninisid ang nakakita
ng kanyang labi, at sa tulong tandang, nabuhay
muli si Lam-ang.
Epiko ng Palawan

Simula: May isang binatang nagngangalang


Manimimbin na naghahanap ng kanyang
mapapangasawa. Isang araw, nakahanap siya
ng babaeng kanyang inibig ngunit hindi siya
mahal nito. Ang kanyang minamahal ay may
kapatid na babaeng pangalan ay Labit.
Naging magkaibigan sila Labit at
Manimimbin.

Gitna: Isang araw, nagaway si Labit at


Manimimbin. Dahil sila ay may mahiwagang
kapangyarihan, nagtagal ang laban hanggang
sa kumonsulta na sila sa isang bathala na si
Kulog upang tagapamagitan. Nagkasundo na
sila Manimimbin at Labit.

Wakas: Sa tulong ng mga mahiwagang ibon


at ng Binibini ng Isda, ikinasal si Manimimbin
sa kapatid ni Labit at si Labit naman sa
kapatid ni Manimimbin.
Epiko ng Kalinga

Simula: Sa kasal ng magkaaway (Nibalya da


Kalinga), dumating si Banna at kanyang mga
kasama upang mamugot. Nagkaroon ng madugong
labanan at napahiwalay si Banna sa kanyang mga
kasama. Dahil tinutugis siya, nagpaanod siya sa
ilog at nakilala si Onnawa at inibig ito. Nabuntis
niya si Onnawa, at para malihim ito, pinaanod ni
Onnawa sa ilog ang kanyang anak na si Gasingga.
Nasagip ni Manom-ombilayon ang sanggol at
pinalaki ng maayos.

Gitna: Lumipas ang araw, may napusuhan si


Banna, at ito ay si Laggunawa. May kondisyon ito
na kung sino ang makapapatay sa higanteng si
Liddawa ay kanyang papakasalan. Sumali si Banna
at Gasingga. Napatay ni Gasingga si Liddawa.
Nagalit si Banna at hinamon ang hindi nakikilalang
anak. Nanalo sa hamon si Banna at nakain ng ahas
si Gasingga.

Wakas: Iniligtas ni Banna si Gasingga at nalamang


anak niya ito. Dahil dito, pinabayaan niya na
makasal na ito kay Laggunawa. Makalipas ang ilang
araw, ikinasal si Gasingga at Laggunawa pati sina
Banna at Onnawa.
Epiko ng Palawan

Simula: Sa Palawan, may nagngangalang


lalaking si Kudaman. Napangasawa niya si
Tuwan Putli pagkatapos niyang
makapangasawa ng tatlong babae. Si
Kudaman ay dumalo sa isang pagdiriwang ng
mga Ilanun upang manggulo

Gitna: Ilang taon nang naglalaban si


Kudaman at pinuno ng Ilanun ngunit wala
pa ring nananalo. Sa dulo ng labanan ay
nagkabati ang dalawa at uminom ng
sandaang tapayan ng alak. Nakapangasawa
na ng sampung babae si Kudaman.

Wakas: Hinangad na ni Kudaman ang


kapayapaan. Maraming sigalot na nangyari at
napagtapusan ito dahil kay Kudaman na
naging bayani ng Palawan.
Epiko ng Maranaw

Simula: Sa kaharian ng Bumbaran, naninirahan


ang magkapatid na si Prinispe Bantugan at
kanyang kapatid na si Haring Madali. Lubhang
naiinggit si Madali kay Bantugan dahil maraming
babae ang lumalapit dito. Isang araw,
pinagbawalan ng hari na makipag-usap ang mga
babae kay Bantugan. Nalungkot si Bantugan at
naglayas. Nagkasakit si Bantugan hanggang siya
ay namatay malapit sa Kaharian ng Lupaing nasa
Pagitan ng Dalawang Dagat.

Gitna: Nakita ni Prinsesa Datimbang ang labi ni


Bantugan. Agad niyang pinulong ang konseho.
Isang loro ang pumasok at sinabi ang
pagkakakilanlan ng Prinsipe. Nabalitaan ito ni
Madali. Agad siyang pumunta sa langit at
binawi ang kaluluwa ni Bantugan at muli itong
nabuhay. Nabalitaan ito ng kanilang kalabang si
Haring Miskoyaw. Binihag ng Hari si Bantugan
na nanghihina. Nang magkalakas, pinuksa niya
ang lupon ng kawal ni Miskoyaw at nanalo siya.

Wakas: Naging payapa ang Bumbaran. Nawala


na ang inggit ni Haring Madali kay Prinsipe
Bantugan. Sa huli, pinakasalan ni Prinsipe
Bantugan ang mga babaeng kanyang iniirog.

You might also like