You are on page 1of 4

Aralin 3 - Tula: Pilipinas, Natatanging Yaman

PAGTUKLAS
Bago tayo magsimula panoorin ang video ng awiting “ Piliin mo ang Pilipinas”.
I-klik ang link.

https://www.youtube.com/watch?v=_O0mrm700ME

Pagnilayan:

Ano ang mensahe ng kanta? Ang mensahe ng kanta ay tungkol sa mga


kahanga hangang mga tanawin, kaugalian at kulturang Pilipino, mga yamang
nagpapakita ng tunay na mukha ng ating bansa.

Karapat-dapat nga bang piliin ng mga turista ang Pilipinas?

Bakit? Oo. Dahil ang ating bansang Pilipinas ay dapat bisitahin ng mga turista dahil marami tayong
magagandang tanawin o kaya ay lugar na mapupuntahan nila, masasarap na pagkain,iba’t ibang uri ng
tradisyon at higit sa lahat mas maganda kung makikita nila ang magandang pag uugali nating mga
Pinoy.

Tama!

Subukan natin ang iyong iba pang nalalaman tungkol sa ating bansa.Itala ang
mahahalagang impormasyon tungkol sa Pilipinas upang maging madali at
mabilis ang pagsulyap sa pagkakakilanlan at heograpiya nito.

Pilipinas : Ang Pilipinas ay isang bansa, lugar o teritoryo na may naninirahang


mga Pilipino na may magkakatulad na kultura kung kaya makikita ang iisa o
pare parehong wika, pamana, relihiyon at lahi.

Iba pang Pangalan: Filipinas / Perlas ng Silangan


Lokasyon: Ang lokasyon nito ay nasa Timog-Silangang Asya.

Kontinente: Ang Pilipinas ay matatagpuan sa kontinente ng Asya.

Lawak ng Lupain: May sukat itong 30,000,000 ektarya o 300,000 kilometro kwadrado.

PAGLINANG
Sa araling ito masusubukan mong maging makata. Buksan ang inyong aklat sa pahina 20 at basahin nang
may damdamin ang tula. Habang binabasa mo ang tula isaisip ang mga prosesong tanong.

Prosesong Tanong:

1. Anu-anong mga yaman ng bansa ang inilahad sa tula? Ang Pilipinas biniyayaan ng natatanging ganda
at likas na yaman tulad ng ilog, lawa, dagat, karagatan, mga bundok, lambak at kapuluan.

2. Paano pinakikinabangan ng mga Pilipino ang mga likas na yamang ito? Ang mga likas na yaman ng
Pilipinas ang nagdudulot no nagbibigay ng kabuhayan sa mga tao. Ang mga tanawing magaganda ang
nagpapahalina sa mga pusong nalulumbay. Ang mga tanawing ito rin ang nagpapasabik sa mga
dayuhang dumarayo sa bansa.

3. Paano mo mapapahalagahan at mapapanatiling malinis,maayos at maganda ang mga tanawing ito?


Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay magandang paraan kung paano mas mapapaganda ang ating
kapaligiran o komunidad. Kinakailangan natin ng pagkakaisa para sa ating komunidad, para sa
ating daigdig dahil sa pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ay nagkakaroon ng
magandang bunga o resulta. Ipagpatuloy natin ang ating pagkakaisa at paninindigan upang mas
mapagtibay ang ating pangangalaga sa ating kapaligiran na nagdudulot ng magandang tanawin.

Binabati kita sa madamdamin mong pagbabasa!

WOW! Ipagpatuloy ang mabuting gawain!

PAGPAPALALIM
Upang lalo mong maunawaan ang anyo ng iyong binasa, basahin ang KISLAP KAALAMAN sa pahina
21.Bukod sa tulang inyong binasa, may iba pang uri ng tula isa na rito ang tinatawag na TANAGA

Ang tanaga ay katutubong tula na may apat na linya. Ang bawat linya ay may pitong pantig at tugma.
Nagtataglay din ito ng talinghaga.

I. Ngayon naman ,sagutan ang pahina 21 PAYAMANIN upang mapalawak ang inyong kasanayan sa
mga salitang pamilyar at di-pamilyar. Isulat ang titik ng inyong sagot sa ibaba.

1. a
2. b
3. a
4. a
5. b

II. Para naman sa pang-unawa ng inyong binasang tula,sagutan ang pahina 22 B at BISANG
PANGKAISIPAN 23.B( 1-5 lamang) Isulat sa ibaba ang iyong kasgutan

1. Pangunahing Diwa
2. Pangunahing Diwa
3. Pantulong na Detalye
4. Pantulong na Detalye
5. Pantulong na Detalye

Bisang Pangkaisipan

1. /
2. /
3. /
4. X
5. /

III. Ngayon naman, ipaabot mo ang iyong damdamin sa ating bansang Pilipinas. Piliin ang
kataga o ekspresyon na ibig mong dugtungan. ( 2 puntos )

WOW ! Napakaganda ang mga tanawin sa pinakamamahal kong bansang Pilipinas.

AHA!

HAAY !

IV. Tapusin. ( 6 puntos )

Sa aking pang-unawa, ang tula ay isang anyo ng akdang pampanitikan . Ito ay


masining na pagpapahayag ng damdamin ,kaisipan at karanasan ng may- akda .
May mga tula na may sukat at tugma.

Ang tanaga ay katutubong tula na may apat na linya. Ang bawat linya ay may pitong pantig at tugma.
Nagtataglay din ito ng talinghaga.

Ang aral na natutunan ko sa tula ay ingatan at pahalagahan ang biyayang galing sa Diyos. Mahalagang
magkaroon ng disiplina sa sarili para maalagaan ang likas na yaman.

BINABATI KITA!

You might also like