You are on page 1of 1

BUHAY BILANG ISANG ASYANO

Ni Joebert Aliligay

Ako ay si Joebert Aliligay isang asyano at isang Pilipino. Ang buhay bilang
asyano ay hindi mahirap, hindi rin madali,sakto lang. Ang mga magulang namin
dito sa asya ay napakastrikto,bukod sa pagiging strikto madali silang magalit
saamin.Pero alam ko na ginagawa nila ito dahil maalaga at mahalaga sila sa atin
at gusto nilang tumutok tayo sa pag aaral para tayo ay may kinabukasan.Bunga
nito kaming mga batang asyano ay matatag at matapang. Ang problema dito
saamin sa pilipinas ay marami katulad ng korapsiyon,kahirapan,magulo at iba
pa,kaya minsan naaapektuhan ang aming pag aaral pero patuloy lang sa
pagsisikap.Masaya bilang asyano kahit na hindi marami ang aming pera,saka hindi
hadlang ang mga problemang ito sa aking pag aaral. Marami din akong kaibigan
dito saamin ,marami din akong nakilalang mababait na tao saka swerte din ako sa
aking pamilya at iba pang kadugo dahil
sumusupurta,mabait,pormal ,nakikipagsalamuha ng maayos at maalaga sila
saakin.Kapag ako o kami ay may problema ay nagiging matatag ang aming
loob,sumusunod,nagtitiwala at nananampalataya kami ng tapat sa Diyos,palagi
kaming nagdadasal.Para sa amin lahat ay posible sa Diyos,halos lahat dito sa
pilipinas ay kristyano at nagtitiwala sa isang Diyos lamang. May ibat ibang
relihiyon ang mga asyano pero nirerespeto naming ang isat isa at nirerespeto din
namin ang ibang relihiyon dahil pareho lang naman tayong tao.Sa madaling sabi
kaming asyano ay nagsisikap,matatag,at marespeto sa kapwa.Kahit di kami
masyadong mayaman masaya kami,nakakain, nabubuhay.Yan ang buhay bilang
asyano base sa aking karanasan,pagkakaroon ng maraming pagsubok na dapat
pagsikapin para malagpasan sapagkat maraming gumagabay sa atin.

FILIPINO Q3 MELC 12 GAWAIN 3

You might also like