You are on page 1of 5

PAGMAMANO

Ang pagmamano sa mga nakakatanda ay isang mahalagang kaugalian


Nating mga Pilipino.Ito ay nagpapakita na marunong tayong rumespeto
Sa nakakatanda sa atin,
lalo na kung sila ay mga
mahal natin sa buhay.

MATULUNGIN

Ang pagiging matulungi ay isa sa mga katangi-tanging ugali natin.


Lalong-lalo na sa mga gawaing bahay, likas sa mga Pilipino ang pagtulong sa
anumang gawain na ipinag uutos.
BAYANIHAN
Ang kaugaliang bayanihan ay nagpapakita nang pagtulong nang
Kapwa sa gitna nang layunin o problema ito rin ay nagpapakita nang pagrespeto sa
Kapwa.

PAGSALO-SALO SA PAGKAIN
Mahilig tayong mga Pilipino na sabay-sabay tayo sa pagkain. Ang kaugaliang ito ay
nagpapamalas lamang na tayo ay nagbibigay halaga sa pamilya. Likas sa atin ang pagiging
maka pamilya, kitang kita naman na kahit sa hapag kainan ay naririyan ang bawat miyembro
ng pamilya.
PAKIKISAMA
Likas sa Pilipino ang makisama sa mga kaibigan. MAhilig tayong humanap ng
kaibigang na nagbibigay saya, inspirasyon at lakas ng loob. Ang kaugaliang ito ang isa sa mga
dahilan kung kung bakit tayo nagkakaroon ng mahabang buhay at hindi sakitin.
MADASALIN

Bilang isang Kristiyano, naging kaugalian na natin ang pagiging madasalin natin, Ito
ang ay isang bagay na naglalapit sa atin sa Panginoon. At sa pananampalataya natin sa kanya,
ito ang nagbibigay sa ating ng lakas ng loob sa anumang problemang hinaharap.

PAGSABI NG PO AT OPO

Ang pagsabi ng po at opo ay nagpapakita na likas sa Pilipino ang pagiging


marespeto sa kapwa lalo sa mga nakakatanda at sa mga mahal sa buhay.

You might also like