You are on page 1of 3

4. Tulang sagutan. Ito’y hagkisan ng mga pangangatuwiran.

Dito’y

Nagtatagisan ng husay sa pagtula at sa husay ng kaisipan at

Pangangatuwiran. Ang halimbawa nito’y duplo, karagatan, balagtasan at

Batutian.

Sang-ayon sa layon:

1. Naglalarawan.Ang pangunahing layunin nito ay ipakita ang katangian ng

Isang tao, lugar, pangyayari, kalagayan o mga bagay sa kalikasan. Ang

Mga katangiang lulutang ay batay sa pagtingin ng makata,sa kanyang mga

Pagpapahalaga,sa kanyang mga nagugustuhan at inaayawan,sa mga hindi

Niya itinuturing na dapat pag-ukulan ng pansin, at sa kanyang mga

Pagpapakahulugan samga katangiang ito.

2. Nagtuturo. Ang pangunahing layunin nito’y magturo, magpayo,

Mamatnubay o magpanuto. Ito’y tulad ng mga parabola at pabula na ang

Pinakalantad na layunin ay mangaral. May hawig ito sa pananalinghaga ng

Mga salawikain na kakabakasan ng mga itinuturing na mabuting kaugalian


Noong panahong una.

3. Nagbibigay-aliw. Hindi gaanong mahalaga rito ang malalim na diwa o

Matalinhagang pagpapahayag. Ang importante’y ang kaaliwang dulot sa

Bumabasa. Maaaring ito’y magawa sa pamamagitan ng pagpapatawa,

Panunudyo, pagbibigay ng mga nakataludtod na palaisipan at mga

Nakaaaliw na kaisipan.

4. Nagungutya o nanunukso.Ito’y isang kakaibang paraan ng papapakita ng

Kamalian o kasamaan ng isang bagay, ng kahangalan ng tao, at ng

Pagkalulong sa isang hindi magandang bagay. Ginagawa ito sa

Pamamagitan ng paglalarawam sa katawa-tawang pamamaraan o

Nangungutyang estilo.

Sang-ayon sa pamamaraan:

1. Masigasig. Hindi sinasabi nang tiyakan ang nais sabihin sa pamamagitan

Ng paggamit ng mga sagisag ay nagpapahiwatig at nagpapakahulugan


Lamang angmakata.

2. Makatotohanan. Hindi lumalayo sa tunay na nagaganap sa buhay.

Binabanggit ang mga tao, pangyayari, lugar, kalagayan sang-ayon sa kung

Ano talaga ito sa realidad.

You might also like