You are on page 1of 12

Medina College

College of Pharmacy

Filipino Compilation: Mga Halimbawa ng Mga Uri ng Pagpapahayag

Sa bahagyang pagtupad

ng mga kinakailangan sa

FIL 2 – Panitikang Filipino

Ipinasa kay:

Bb. Jassel Chlaide Alduhesa

[19/ 02 / 2020]

Ipinasa ni:

Roa, Josefina Carmen P.


Mga Uri ng Pagpapahayag

1. Paglalahad
- Pagbibigay Katuturan
- Pagsunod sa Panuto/Pamamaraan
- Pangulong Tudling/Editoryal
o Nagpapabatid
o Nagpapakahulugan
o Nakikipagtalo
o NamumunaNanghihikayat
o Nagpaparangal o Nagbibigay-puri
o Nagpapahayag ng Natatanging Araw
o Panlibang
o Nagsasaad ng Panagano
o Bakasan
o Batay sa Tahasang Sabi
- Sanaysay
o Pormal
o Di-Pormal
- Balita
- Pitak
- Tala
- Ulat
2. Paglalarawan
- Karaniwang Paglalarawan
- Masining na Paglalarawan
3. Pagsasalaysay
- Salaysay na Patalambuhay
- Salaysay na Pangkasaysayan
- Salaysay na Ngpapaliwanag
- Salaysay ng mga Pangyayari
- Salaysay ng Paglalakbay
- Alamat at Saysayin
- Mailing Kuwento
- Pabula
4. Talata
- Panimulang Talata
- Talatang Ganap
- Talatang Paglilipat Diwa
- Talatang Pabuod
5. Pangangatwiran
- Pangangatwirang Pabuod
- Pangangatwirang Pasaklaw
1. Paglalahad – nagpapaunawa ng diwang inilalahad o nais ipahatid ng sumusulat
i. Pagbibigay Katuturan
Halimbawa:
Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha.
Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat
nila para sa hapag-kainan.

ii. Pagsunod sa Panuto/Pamamaraan


Halimbawa:
Pagsunod sa isang recepi o manwal sa laboratori

iii. Pangulong Tudling/Editoryal


Ang editoryal ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng kuru-kuro ng pahayagan
tungkol sa isang isyu. Ito ang tinig ng pahayagan, nagbibigay ng kaalaman,
nagpapakahulugan, humihikayat, at kung minsa’y lumilibang sa mambabasa. Ito ay
naglalaman o naglalahad ng mga reaksyon, pananaw, at kuro-kuro ng editor o
patnugot ng pahayagan tungkol sa mainit na isyu o mainit na pangyayari sa bansa
Ito ay maaring ukol sa edukasyon, pulitikal, sining, pamahalaan, at napapanahong
paksa. Ito rin ay matuturing paninindigan ng isang pahayagan, organisasyon, grupo, o
institusyon tungkol sa iba’t-ibang isyu kaya matuturing itong politikal sapagkat ang
lahatay may opinion.

a. Nagpapabatid - pinaalam ang isang pangyayari sa layuning mabigyan-


diin ang kahalagahang iyon o mabigyang linaw ang ilang kalituhang
bunga ng pangyayari. Ito’y naiiba sa pangulong tudling na
nagpapakahulugan, sapagkat hindi hayagang nagbibigay ng pangwakas
na pasya o kuro-kuro. Hindi ito tumutuligsa, hindi nakikipagtalo. Ang
tanging layunin ay mabigyan ng kabatiran.
Halimbawa:
Paano isinasagawa ang pagpaplano ng pamilya?

b. Nagpapakahulugan - nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng


isang pangyayaring napabalita o ng isang kasalukuyang ideya, kalagayan
o katayuan. Dito binibigyan ng katuturan ang mga isyu at ipinapakita ang
mga taong may kaugnayan sa pangyayari at ng kanilang layunin. Kung
minsa’y, ito ay nagbibigay ng mungkahi tungkol sa maaaring kahihinatnan.
Halimbawa:
Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpaplano ng pamilya?

c. Nakikipagtalo - agamat nagbibigay rin ng impormasyon at interpretasyon


ang editoryal na ito, ang tanging layunin ay ang hikayatin ang
mambabasa upang pumanig sa kanyang ideya o paniniwala.
Halimbawa:
Dapat magplano ang pamilya
d. Namumuna - hawig sa pangulong tudling na nakikipagtalo. Subalit dito,
kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at masamang katangian ng
isang isyu. Tinatalakay niya ang magkabilang panig sa kabila ng
katotohanang ipinagtatanggol niya ang isa sa mga ito.
Halimbawa:
Ang Diborsyo: Makabubuti Ba o Makapipinsala?

e. Nanghihikayat - nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo at


namumuna. Subalit ang binigyang-diin ay ang mabisang panghihikayat.
Halimbawa:
Panukalang Batas Laban sa Death Penalty, Suportahan.

f. Nagpaparangal o Nagbibigay-puri - pumupuri sa isang taong may


kahanga-hangang nagawa; nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang
taong namayapa, na may nagawang pambihirang kabutihan o sa isang
bayani sa araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan.
Halimbawa:
Sergio Osmena Sr., Kapurihan ng Cebu

g. Nagpapahayag ng Natatanging Araw - bagamat ang uring ito ay may


kalakip ding pagpapakahulugan, ito’y may ibinubukod bilang isang
tanging uri. Dito ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon
tulad ng Pasko, Araw ng Kalayaan, Araw ng mga Bayani, Buwan ng Wika,
Linggo ng Pag-iiwas sa Sunog.

h. Panlibang - ito ay hindi karaniwang sinusulat, at bihirang malathala sa


mga pahinang pang-editoryal. Dahilan sa ang layunin ay makalibang, ito’y
sinusulat sa paraang di-pormal, masaya, kung minsa’y sentimental at
karaniwang maikli lamang.
Halimbawa:
Bagong moda sa kasuotan

i. Nagsasaad ng Panagano - pambihira ring isinusulat ito. Kalimitan ang


pinapaksa ay kalikasan. Nagpapahayag ito ng pilosopiya. Hindi
nakikipagtalo; hindi nagpapaliwanag.
Halimbawa:
Sa isang takipsilim, may isang ibon na dumapo sa isang sanga.
Ito’y humuni ng isang napakalambing na sonata. Pagkatapos, ito’y
tuluyan nang natulog.

j. Bakasan - sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba’t ibang paaralan at


kanilang sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang pahayagan.
Halimbawa:
Pagtaas ng Matrikula, Huwag Pairalin

k. Batay sa Tahasang Sabi - isang pangungusap o isang talatang


tumatalakay sa isang napapanahong pangyayari o balita at nasusulat sa
paraang masaya, mapanukso, o di-pormal, batay sa kung ano ang
hinihingi ng paksa. Ito’y nalalagay sa katapusan ng tudling pang-editoryal.
Kung minsa’y hindi ito sarili ng sumulat, kundi pangungusap ng isang
dakilang tao.
Halimbawa:
Isang mahalagang pangungusap ng Pangulo ng bansa

iv. Sanaysay – anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro, pananaw, paniniwala at


damdamin ng manunulat, hango sa kanyang karanasan at sa inaakalang palagay niya
sa katotohanan.
a. Pormal – tumatalakay ito sa mga siryosong paksa na nagtataglay ng
masusing pananaliksik ng sumulat. Kadalasan itong nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari. Ang tono
nito ay siryoso at walang halong biro.
Halimbawa:
Inang Kalikasan:
Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito
nanggagaling lahat ng bagay na ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at
kapakipakinabang. Mula sa pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba.
Dito rin nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa kuryosidad sa
napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan ng
ating kaalaman.
Dito sa ating bansa, napakataas ng ating biodiversity. Marami
tayong mga hotspots na tinatawag na mapapakinabangan natin para
lumago at lumawak ang turismo sa ating bansa. Mayaman din tayo sa
likas na yaman. Ang ilang sa mga ito ay hindi pa natin alam kung paano
gagamitin at ang ilan ay di pa natin natutulakasan.
Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan,
abusadong paggamit nito at walang disiplina at limitasyon pagpapatayo
ng mga inprastraktura, maling paraan pagtatapon ng basura, mali
paraan ng pangingisda ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon ng
di inaasahang mga sakuna. Halos taon-taon tayong nakakaranas ng
matinding pagbaha, landslide, phenomena at pagbabago ng
klima.Tayong mga mamamayan at lahat ng nabubuhay dito sa mundo
ang naaapektuhan ng mga sakuna at hindi magandang pagbabagong
ito.
Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman
sapagkat dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan sa ating
pamumuhay at dito rin nakasalalay ang ating kaligtasan. Huwag na
nating antayin pa na mailagay sa panganib ang buhay natin, at
magkaroon ng realisasyon sa kahalagahan ng kalikasan.
Simulan natin sa ating sarili, sa sariling bakuran at sa maliit na
komunidad. It will make a difference. Kumilos na tayo habang pwede pa
nating isalba at maenjoy ang biyayang binigay sa atin ng Panginoon.

b. Di-Pormal – tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang


araw-araw na nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa.
Binibigyan diin nito ang mga bagay-bagay at karanasan ng may akda sa
isang paksa kung saan mababakas ang kanyang personalidad na para
bang nakikipag-usap lamang siya sa isang kaibigan kaya naman ito ay
madaling maintindihan.
Halimbawa:
Maraming uri ng pag-ibig sa mundo. Pag-ibig para sa pamilya, sa
mga kaibigan, sa Diyos at sa taong gusto mong makasama pang-
habang buhay. Hindi naman daw mahirap hanapin ang taong bubuo sa
buhay natin. Kailangan lang natin maghintay na kusa siyang dumating.
May pag-ibig na handang isuko ang lahat sumaya lang ang taong
mahal niya. Kaya tayo nagpaparaya ay dahil ayaw natin ikulong ang
isang tao sa pag-ibig natin. Pagdating kasi sa love, hangga’t hindi ka
niya matutunang mahalin ay hindi siya sasaya sa piling mo. Ano ba ang
mas gusto natin? Yung katabi nga natin siya, ngunit hindi siya masaya,
o yung malayo man siya sa piling mo alam mong masaya na siya kahit
sa piling ng iba?
May pag-ibig na naghahangad ng pangalawang pagkakataon.
Pero hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng second chance. Kung isa
ka man sa maswerteng nabigyan, pwes wag mo nang sayangin yun.
Binigyan ka ng isa pang pagkakataon dahil MAHAL KA NG TAONG
MAHAL MO. At handa niyang kalimutan ang mga ginawa mo sa kanya
noon.
May pag-ibig na mali sa mata ng marami. Yung pag-ibig na tama
pero nasa maling pagkakataon. Dito pumapasok ang pagiging 2 timer.
Maaaring may gusto ka sa kanya pero may iba na siya, o ikaw naman
ang may iba, pero gusto niyo parin ang isa’t isa. Ikaw ay nasa maling
pagkakataon. Lagi mong isipin na may girlfriend o boyfriend kana, bago
pumatol sa iba.
May pag-ibig na nagsimula sa matagal na pagkakaibigan, at
kalaunan ay nahulog ang damdamin sa bestfriend niya. Ang
pinakamatibay daw na pondasyon ng pag-ibig ay ang pagkakaibigan,
meron kasi itong TIWALA at matagal nang NAPATUNAYAN. Marami
ang ayaw tanggapin ang pag-ibi ng bestfriend nila, dahil ang relasyon
daw ay maaaring masira sa isang maling gawa, pero ang
pagkakaibigan, pwede yang habang buhay. Ikaw, ano ba ang pipiliin
mo? Yung relasyon niyo ni Bestfriend na maaaring magkalamat, o mas
mahalaga sayo ang friendship?

v. Balita – naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa.


Halimbawa:
Sa pambungad na araw, Lunes, Setyembre 3, ng Linggo ng CESO na may
temang “Bagani”, wagi sa parada at sayaw sa masa ang tribung Taga-Laot na
ginampanan ng mga estudyante mula sa BSEd- Math at ELGEN-C. Suot ang
puting T-shirt na dinesinyuhan ng nagkikintabang foil habang suot din ang
nakabibighaning head dress na kinorteng isda ay pinamangha lamang ng tribu ang
mga hurado at manonood.
Ang parada ay nagsimula eksaktong alas kuwatro y media ng hapon sa likod ng
H Building, kung saan nagtipon-tipon ang mga mag-aaral ng Kolehiyo ng
Edukasyon. Sa pagbuhos ng ulan, hiyawan at sigawan lamang ang tanging naging
ganti ng tribung Taga-Laot. Kalakip pa niyan ay pinaindak nila ang mga huradong
nakaantabay sa tatlong estasyon ng parada – Gemma, Tanghal, at MSU Gym.
“Bugsay! Salom! Tungha! Taga-Laot!” hindi alintanang sigawan mula sa kanila.
Takip-silim na nang nagsimula ang kompetisyon ng Sayaw sa Masa. Unang
tagapalabas ang tribung Taga-Disyerto, sinundan ng tribung Taga-Patag, sumunod
ang tribung Taga-Laot, at panghuli ang tribung Taga-Gubat. Basa man dulot ng
pag-ulan ay hindi ito naging hadlang upang sungkitin ng tribu ang inaasam na
kampeonato. Dala na rin ng naglalakihang props, nagkikintabang kasuotan at
nakaiindayog pa nilang pagsayaw ay hindi maipagkailang masusungkit talaga nila
ang unang trono at magapi ang iba pang tribu.
Sa pagtatapos ng paligsahan sa unang araw ng selebrasyon ay nakalikom ng
limampung (50) puntos ang tribung Taga-Laot – dalampu’t limang (25) puntos mula
sa parada at dalampu’t limang (25) puntos din mula sa Sayaw sa Masa. Naging
dahilan ito upang mas pagsumikapan pa ng tribung makamit ang pangkalahatang
kampeonato at maghari sa lahat ng tribu ng Sansinukob.

vi. Pitak – karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin. Naglalaman ng reaksyon,


kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaring
nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook. Tinatawag din itong kolum.

vii. Tala – paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan.


Halimbawa:
Panahon:
Kamakailang lamang, naranasan kon gmaghintay ng isang oras sa isang taong
hindi naman dumating. Usapang aalis ang sasakyan ng alas otso ng umaga;
gayumpaman, naghintay parin kami hanggang alas nuwebe bago umalis. Sinasabi
sa aking ng mga kasama na normal sa kanila ang maghintay ng treinta minutos
hanggang isang oras para sa isang kaibigan – minsan nga, ang sabi nila
sinasadya nilang dumating nang trenta minutos hanggang isang oras makalipas
ang original na apoyntment, dahil doon pa langtalgang darating ang kanilang
kausap. Isa ito sa mga bagay na hindi ko talaga maintindihan, at naturingan na
akong Pilipino. Minsan nga, nakatanggap kami ng imbitasyon na dumalo sa isang
miting sa isang eskwelahan dun sa Cebu. Ala una hanggang alas sinko ang miting,
kaya naman alas dose pa lang ay umalis na ako sa UP. Nanduon ako sa eskwela
labinlimang minute bago ala una, dahil ayokong maging dahilan ng pakaabala ng
iba. Medyo nagtanong na ako sa sekretarya nang 1:15 na ay wala pang
dumarating. Mahintay lang ako, ang sabi niya. 1:30 na ay wala pa ring tao kaya
nagtanong ako uli sa kanya. Darating daw ang mga iyon, ang sabi niya, dahil
nagconfirm naman ang mga ito. Medyo masama na ang tingin niya sa akin nang
dumating ang ikatlo naming kasama, at 3:15 nang dumating ang ikaapat, pero
wala pa rin ang tagapangulo ng miting. Eksaktong 3:45 nang dumating ang
hinihintay naming tagapangulo at nagsimula an gaming miting ng 4:00. Hindi na
akon nakatiis at tinanong ko ang tagapangulo kung bakit 4:00 na nagsimula an
gaming miting, gayon 1:00 anf nakalagay sa aming imbitasyon. Ang sagot niya sa
akong, ganoon talaga ang minting nila, waiting period ang 1:00 hanggang 4:00, at
4:00-5:00 ang aktwal na miting. Asus! At kinansel ko ang lahat ng aking
apoyntment noong hapon na iyonn dahil ang akala ko ay UP taym sila (hindi na
akong muling nag-attend ng miting sa kanilang eskwelahan).
Maaring marami tayong oras na pwedeng waldasin, pero hindi maganda ang
ganitong atityud kapag may mga kausap tayong taong may napakabising iskedyul,
at walang magagamit na oras para maghintay.

viii. Ulat – paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik mula
sa binasa, narinig, nakita o naranasan.
Halimbawa:
Paratransit: Kung nagkakasakit ka o hindi kinakailangan ang iyong biyahe
hinihiling namin sa iyong mangyaring kanselahin sa pamamagitan ng pagtawag sa
012.345.6789 sa lalong madaling panahon. Ang oras ng bintana ng Teller ay
maaaring magbago. Magagamit ang nabawasan na tauhan upang tumanggap ng
mga pagbabayad ng cash para sa buwanang mga pag-aalaga ng debit debit card
lamang.

2. Paglalarawan – nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay


i. Karaniwang Paglalarawan
Halimbawa:
Ang bago niyang sasakyan ay asul na mercedes.

ii. Masining na Paglalarawan


Halimbawa:
Ang kutis ni Bella ay kasing kinis ng isang mamahaling porselana.
3. Pagsasalaysay – naglalayong magkwento ng mga kawili-wili na mga pangyayari sa
masining na pamamaraan. Tinutugunan nito ang mga tanong na sino, saan, kalian at ano
i. Salaysay na Patalambuhay
Halimbawa:
Sa daloy ng panahon, marami na akong nakamit sa buhay ko. Ang oras natin ay
mahalaga dahil hindi natin alam kung hanggang saan lamang tayo makakarating.
Ang buhay ay maikli lamang dapat natin ito bigyang pansin. Maraming tayong mga
karanasan kung saan tayo ay masaya o malungkot. Sa panahong ngayon, ang
isang segundo ay parang ginto. Marami na tayong magagawa sa isang segundo.
Sa bawat oras na sinasayang mo, ang iyong nakamit sa buhay ay lumalayo. Dapat
nating bigyang pansin ang buhay ng bawat tao. Sa dami kong napagdaanan, ako
ay magkukuwento ng isa sa aking hindi makakalimutang karanasan. Ito ay isang
mahalagang pagkakataon sa aking buhay. Kailan ko lamang nalaman ang
kahalagahan ng buhay. Dapat nating tangapin ang mga nagkakataong matatangap
natin. Itong mga pagkakataon ay ang simula ng layunin. Ang mga pagkakataong
mahalaga sa iyong buhay.
Ang aking ikukuwento sa inyo ngayon ay ang aking buhay. Ito ay isang
nakakaibang karanasan. Kami nga aking magulang at kapatid ay pumunta sa
Singapore. Doon kami nagbahasyon ng limang araw kami sa Singapore. Doon,
ang ginawa namin ay mamili, kumain at mamahinga. Sa unang araw kami ay ng
pagliliwaliw pagkatapos ay kumain kami sa iba’t ibang mga kainan. Noong
pangalawang araw kami ay namili ng mga gamit at pumunta sa Sentosa. Sa
pangatlong araw, kami ay namili at kumain sa iba’t ibang mga kailang. Sa pang -
apat na araw kami ay pumunta sa isang pamilihan. Doon nagsimula ang aking
kuwento. Ang simula ng aking karangalan.
Sa pamilihan na iyo, kami ay namimii ng mga pagkain. Habang ako ay nag- iikot
mayroong lalaking lumapit. Hindi ko siya kilala at sinabi niya kung gusto ko bang
sumali sa isang Fashion Show. Sa una hindi ko alam kung ano ang aking
sasabihin. Binigyan niya ako ng isang Calling Card pagkatapos sinabi niya sa akin
kung interesado ako tawagan ko nalang siya. Noong makita ko ang aking mga
magulang sinabi ko ito sa kanila. Ito ay ang nagbukas ng pinta ko para maging
isang kilalang at mahalagang tao.
Sa ngayon ako ay nagpapatuloy sa aking pagiging isang magaling na tao. Ang
pagiging isang magaling na tao ay isang mahalagang punto ng aking buhay dahil
ito ang nagpasikat sa akin. Sa aking pagsika ako ay mas nakakatulong sa mga tao
hirap sa buhay. Sa mga tulong aking binigay sa mga tao ako ay masaya dahil ako
ay nakakapagpasaya ng mga tao. Ito ay nakakapagpasaya sa aking dahil isa sa
aking layunin ay magpasaya mga tao.
Sa dami ng aking pinagdaanan, masasabi ko na ang buhay ay mahalaga.
Msrami tayong magagawa sa ating mga kayamanan para mapasaya ang mga
nahihirap. Nalaman ko rin na ang pagpapasaya sa iba ay makakapagpasaya sa
iyo. Sa aking pagkasikat ako ay nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa akin.
Itong tulong na binigay ninyo sa akin ay mahalaga dahil ito ay nakatulog sa akin
maging isang kilalang tao. Sa akin mga tagapaghangad, sana ito ay makapagbigay
isperasyon sa inyo. Sana itong salaysay ay makaktulog sa inyo mga buhay. Sa
tingin ko ay ang aking pagsalaysay ay nakakatulong ito sa inyong mga buhay. Sa
hirap ng buhay ngayon ang oras mo ay mahalaga sa bawat bagay na ginagawa
mo.
ii. Salaysay na Pangkasaysayan
Halimbawa:
Ang aklat na “History of the Filipino People” ni Teodoro Agoncillo na nagbabalik-
tanaw sa mga makasaysayang pangyayari sa bansang Pilipinas mula sa mga
kamay ng mga dayuhang sumakop nito. Ito ay isang halimbawa ng Salaysay na
Pangkasaysayan dahil ito ay may layuning ipaalam sa mga Pilipino na sa mga
bagong henerasyon ang kasaysayan ng sariling bayan sa pamamagitan ng
pagbibigay-buhay at kaluluwa sa mga importanteng tao noong panahon ng
pagsakop.

iii. Salaysay na Ngpapaliwanag – may layunin na magpaliwanag, magbigay-kaalaman o


maglarawan

iv. Salaysay ng mga Pangyayari


Halimbawa:
Habang papunta ako sa paaralan, may nakita akong asong gutom. Pagkatapos,
nilapitan ko yung aso para bigyan ng pagkain. Subalit, nung lumapit ako sa kanya,
tinahulan niya ako. Kaya naman iniwan ko na lang ang pagkain na ibibigay ko sa
kanya malapit sa kung saan siya naka tayo at umalis agad.

v. Salaysay ng Paglalakbay
Halimbawa:
Ang paglalakbay ay masayang gawin kung kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Mga plano na kapag natuloy ay sobrang nakakatuwa. Maraming nabubuong
alaala at pagsasamahan tuwing naglalakbay. Isa din ito sa mga paboritong gawin
ng mga Pilipino.
Niyaya kami ng aming tiyahin na lumuwas sa Samar upang dalawin ang aming
kamag-anak doon at makisali sa pista. Noong una, ayaw ko pang sumama dahil
baka ako’y mabagot doon. Pinipilit akong pasamahin hanggang sa napapayag nila
ako. Hindi kami buong pamilya pumunta dahil may ibang kailangang gawin ang
aking ina at hindi sumama ang bunso naming kapatid. Umalis kami ng madaling
araw dahil mahigit isang araw ang byahe papunta sa Samar. Habang kami ay
naglalakbay, nadaanan namin ang bulkang Mayon. Napakaganda ng tanawin na
iyon. Sinakay namin ang sasakyan sa roro o maliit na barko. Pagkauwi naman,
nadaanan namin ang San Juanico Bridge o ang tinaguriang pinakamahabang tulay
sa buong bansa. Naging masaya ako sa paglalakbay naming iyon sapagkat ito ang
kauna unahan naming luwas patungo sa parteng Visayas. Tumagal kami doon ng
mahigit isang linggo. Nagkaroon kami ng bonding na magpipinsan. Dahil pista
doon, nagkakaroon ng sayawan at kasiyahan sa court ng barangay. Lumangoy din
kami sa dagat kaya labis akong nangitim. Walang signal sa probinsya kaya hindi
ako makapagbukas ng kahit anong social media app. Napagtanto ko na mahirap
din pala na walang social life maliban na lang kung hindi ka talaga gumagamit ng
mga ganoong bagay. Ako ay nalungkot noong kami ay uuwi na dahil naging kadikit
ko na ang mga pinsan kong ngayon ko lamang nakilala at nakita. Kulang ang mga
panahong nakasama ko sila.

vi. Alamat at Saysayin


Halimbawa:
Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na
nagngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa
kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya't pinagkakaguluhan si Rosa ng mga
kalalakihan.
Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang
mga manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at humihing
ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman siyang
pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si Antonio lamang
ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila. Ang kinakailangan lang naman na
gawin ni Antonio ay ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito.
Iyon ang naghimok kay Antonio, kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya
ni Rosa sa pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni
Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa masugid
na binata.
Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw
ay doon rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na
pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang marining niya ito habang kausap ang
kanyang mga kaibigan. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa
kanyang narining. Nadurog ang kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig. Hindi
tumigil ang pag-iyak ni Rosa habang siya ay bumalik sa kanilang bahay. Nag-
aalala naman siyang tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot
ang dalaga. Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa susunod na
mga araw.
Isang araw, ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat
sanang tagpuan nina Rosa at Antonio. Tinawag ang halaman na rosas dahil ang
pulang kulay ng bulaklak ay nagsisilbing paalala sa mga mapupulang pisngi ni
Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na
pinapaniwalaang si Rosa ang nagsasabing wala sinuman ang makakakuha sa
magandang bulaklak na hindi nasasaktan.

vii. Mailing Kuwento


Halimbawa:
Isang araw, may tatlong magkakaibigan na nanuod ng isang pelikula sa sine.
Sina Jana, Maev at Serina. Nung una hindi sila nagkasundo sa kung aling pelikula
ang papanourin. Ang gusto ni Jana, yung komedia na Diary of A Wimpy Kid. Pero
ang gusto ni Maev, yung mala-aksyong sci-fi na The Avengers. Ang kay Serina
naman ay yung nakakakilig na Love Rosie. Muntik nang hindi natuloy ang kanilang
lakad. Pero nung nakita nila ang poster ng abangan ng bus, agad-agad silang
bumili ng ticket. May bago lang naman na bersyon si Peter Pan na pareho nilang
paborito mula nung mga bata pa sila.

viii. Pabula – isang maikling kwento na nagmula noong unang panahon kung saan ang
mga tauhan ay hayop na nagsasalita.
Halimbawa:
Si Pagong at Si Matsing

4. Talata – serye ng mga pangungusap


i. Panimulang Talata – magsimulang nalalaman o nagkaroon ng punto na may
kinalaman sa paksa at kung saan ito patungo
ii. Talatang Ganap – ikinabit ng mga puntong nagtutulak sa pangunahing diwa para mas
lalong maintindihan ng mambabasa
iii. Talatang Paglilipat Diwa – sinasama o kinukuha ang mga nasabi nang ideya sa mga
nauna
iv. Talatang Pabuod – panghuli na kung saan nabibigyang linaw buong talatang nabasa.

Halimbawa:
Ang pamilya ay isang salita na naglalarawan sa grupo ng mga tao na mayroong iisang
biyolohikal na pinanggalingan. Ayon sa ekonomiks at sa kasaysayan, ang pamilya ay
tumutukoy sa pinamaliit at pinakapangunahing yunit na bumubuo sa isang komunidad o
lipunan. Ito ay madalas na binubuo ng mga magulang, anak, at kung minsan ay pati ng
mga apo at iba pang kamag anak.
Dahil ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng isang lipunan,
mahalaga na mapanatiling maayos ang isang pamilya. sila ang nagpapatuloy at
nagtataguyod sa kabutihan ng bawat miyembro nito, at maging ng bawat miyembro ng
isang lipunan.

5. Pangangatwiran – nagbibgay ng sapat na katibayan o patunay upag ang isang panukala


ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.
v. Pangangatwirang Pabuod
Halimbawa:
Si Leeteuk ay isang magaling na musikero.
Si Leeteuk ang lider ng Super Junior.
Ang Super Junior ay mga magagaling na musikero.
vi. Pangangatwirang Pasaklaw
Halimbawa:
Ang Super Junior ay mga magagaling na musikero.
Si Leeteuk ang lider ng Super Junior.
Si Leeteuk ay isang magaling na musikero.

You might also like