You are on page 1of 1

Ang Sukatan ng Tagumpay

Gemiliano Pineda

Isang guro sa pamantasan ang kamakailan ay nagpahayag ng ganito sa

kanyangmga tinuturuan:

“Ako'y hindi mayaman. Hindi ako tanyag. Ngunitsa ngayon ay ipinalalagay

ko na ako'y isang tagumpay. Itinuturing kong ang aking sarili'y isang tagumpay,

sapagkat kumikita ako ng ikabubuhay at ng ikatutustos sa aking kaanak sa

pamamagitan ng sarili kong pagsisikap at isang paraang marangal at malinis.

Napapag-aaral ko ang anak. Kami'y kumakain nang hindi sumasala sa oras.

Nakadaramit kami ng katamtaman.At nakadadalo rin kamisa mga kasayahan. Oo,sa

kabila ng kawalan naming mag-anak ng isang magarang tahanan, ng isang sariling

sasakyan, ay itinuturing kong ako'y isang tagumpay, sapagkat ako'y matahimik sa

sariling pamamahay. Wala akong kaaway. Ngunit marami akong kaibigan. Kaya

para sa akin ako'y isang tagumpay.”

Sa palagay ako'y walang makatututol sa sinabi ng gurong yaon: isa nga

siyang tagumpay. At dahil sa pahayag na iyan ay napag-isip kong ang tagumpay ay

maraming sukatan. Ang tagumpay ay hindi isang bagay na may isang sukatan

lamang; yao'y nag-iiba ng anyo.

Nagugunita ko tuloy ang panahon noong ako'y nag-aaral pa lamang sa

mataas na paaralan. Noon, ayon sa aking pagkamalas sa buhay, ang aming guro ay

isang sagisag ng tagumpay. Isa siyang halimbawang dapat tularan. At kung ako

lamang ay makatutulad sa kanya ay masasabi kong sumapit na ako sa tugatog ng

aking mga pangarap. Datapwat, napatunayan kong ang tao, habang tumatanda na

nararagdagan ng karanasan, ay nagbabago ng pananaw at pagtingin sa buhay, at sa

gayon ay nagbabago rin ang kanyang nilalayon. Kaya naman, yaong bagay na

lubhang naging kaakit-akit para sa akin nang panahon ng kamusmusan ay nawalan

ng dating ningning nang mapagmalas buhat sa panining nakarating sa iba't ibang

paligid.

You might also like