Professional Documents
Culture Documents
3A - Malikhaing Pagsulat
3A - Malikhaing Pagsulat
Pagsulat ng Slogan
Isang sawikain o kaya’y salawikain na kung pakasusuriin ay makapagbibigay ng iba’t ibang
kahulugan
Maaaring isang salita, parirala, o pangungusap na ginagamit na pang-akit sa mga bagay-bagay
Maaaring isang larangan o produkto ng mga propaganda
Mga “punch lines” sa komersyal
Mga linyang ginagamit sa pangangampanya
Mga Halimbawa:
1. Umuunlad ang bansa sa kanyang pakikipagkalakalan.
2. Komunikasyon ang sandata upang magkabuklod-buklod ang mga damdamin.
3. Aksiyon agad at pagbabago
4. Wala ba kayong mga kamay? (Rexona commercial)
5. “Let’s DOH It”
6. The Choice of the Next Generation (Pepsi)
7. Isa pa, isa pang Chicken Joy (Jollibee commercial)
Sanggunian:
Evasco, E. et al (2008). Palihan: Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. Philippines: CE Publishing Inc.
Personal na Sanaysay:
Pagsusulat kung saan inilalantad ng may-akda ang kanyang sarili
Ano ang mga pinaghuhugutan?
Personal na Karanasan
Kaalaman
Pananaliksik
Personal na ideya o kaisipan
2 Mahalagang Punto:
Nilalaman
Paraan ng pagpapahayag
Mga Elemento:
a. Pangunahing tema (Nangingibabaw na pangunahing kaisipan)
b. Wika (Paraan ng pagkakagamit sa salita)
c. Himig (Nangingibabaw na emosyon)
d. Estilo (Paraan ng may-akda sa pagpapahayag ng kanyang mensahe)
e. Suportang mga tema
f. Detalye
g. Sariling karanasan
h. Panauhan
i. Balangkas (Plano ng manunulat sa kanyang akda)
j. Pagsisipi (Pahayag ng mga eksperto o kahit anong may kredibilidad)
k. Pagkiling (Nakaugnay sa paniniwala ng may-akda)
l. Konklusyon (Pagdidiin ng mga punto)
Sanggunian:
Evasco, E. et al (2008). Palihan: Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. Philippines: CE Publishing Inc.
Mga Uri ng Personal na Sanaysay:
a. Talaarawan o Jornal
b. Liham
c. Panayam
d. Pamilyar na Sanaysay
e. Travelogue
f. Reportage o Dokyumentaryo
g. Photo Essay
Panitikang Pambata
Mga Elemento:
Repetisyon o Pag-uulit
Idinidiin ang mensaheng nais iparating
Pagdiwantao o Personipikasyon
Enumerasyon o Pag-iisa-isa
Progression
Isalarawan ang proseso ng pag-unlad ng isang sitwasyon
Hal. Twelve Days of Christmas
Aliterasyon
Pag-uulit ng mga tunog ng isang katinig, maging sa simula magkakalapit na pantig o
salita
“Ano ba naman Milagring! Kaskas-kiskis-kaskas ka nang kaskas-kiskis-kuskos!”
Asonansiya
Pag-uulit ng mga tunog ng isang patinig
Onomatopeya
Gumagamit ng mga salitang nagmumungkahi ng tunog
Pitik, alulong, alingawngaw, kiriring, lagaslas, hagikhik, hagalpak, langitngit
Gintong Aral/ Konsepto
Gintong aral: mensahe ukol sa mga klasikong tema
Konsepto: mga normal na ideya – numero, amoy, lasa, atbp.
Sanggunian:
Evasco, E. et al (2008). Palihan: Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. Philippines: CE Publishing Inc.
3. Likha ng malikot na haraya
4. May maganda at kaiga-igayang ilustrasyon
Pormal na Elemento ng Teksto:
1. Makinis ang pagkakasulat at klasikal ang tema; malalim at masalimuot
2. Mapalabok, ornamental, o mabulaklak ang wika
3. Musikal at may tugma; wika at ritmo
4. Kaangkupan ng pagpapahayag at wika
5. Karakterisasyon o paghubog sa mga tauhan
6. Pamilyar ang mga mambabasa sa tagpo at sa sitwasyon
7. Kapani-paniwala ang mga tauhan kahit likha pa ito ng pantasya
8. Orihinal na wika, ilustrasyon/disenyo, banghay at tauhan
Nilalaman:
1. Pagiging tapat at malapit sa damdamin
2. Kagandahan ng paksa
3. Paggamit ng imahe o hulagway
4. Pagiging abstrakto
5. Pagiging seryoso
6. Realistiko o tapat sa katotohanan, malapit sa karanasan ng mambabasa at sa realidad
7. Paglalangkap ng pantasya at seryosong paksa
8. Taglay ang gintong aral: asal, kaugalian, at konsepto
9. Halagahan o values
10. Hango sa katutubong kaalaman o folklore
11. Mahusay na paglalarawan ng magaganda at kaiga-igayang mga bagay
12. Tagumpay ng pangunahing tauhan
13. Makatutulong sa paglutas ng mga suliranin ng bansa tulad ng di-pagkapantay-pantay
sa internasyunal na kaayusan
14. Nag-uudyok sa mambabasa na maging palaisip at palatanong
15. Maaaring iguhit ang bawa talata at tiyak na hahamon sa kakayahan ng ilustrador
16. Dramatiko ang istruktura; nakahahalina ang kwento
17. May kuwentong isinasalaysay
Sanggunian:
Evasco, E. et al (2008). Palihan: Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. Philippines: CE Publishing Inc.
18. Tumpak at wasto ang mga datos
Personal na Salik:
1. Personal na dating o affect; pagkagusto dahil sa hilig, kiling, at karanasang
pandamdamin
2. Maiuugnay sa buhay; batid na batid ang paksa
3. Naiuugnay ang tauhan at daloy ng pangyayari sa sarili
4. Nagpapakita ng pagkakalaki at kalakasan
5. Walang maling typographical sa manuskrito
6. Masarap pakinggan kapag binabasa nang malakas
7. Malapit sa puso
Mga Karagdagang Aspekto:
1. Ang may-akda
2. Namumukod-tangi ang akda at maikli ang kuwento
3. Wikang naiintindihan
4. Malay sa kasarian
5. Nagtataguyod ng nasyonalismo o imahinasyong Pilipino
6. Walang ipinagtitibay na istiryotipo, karikatura, at misrepresentasyon
Sanggunian:
Evasco, E. et al (2008). Palihan: Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. Philippines: CE Publishing Inc.