You are on page 1of 60

GENTLEMAN Series 9: David Tyndale

All right reserved. No part of this book may be reproduced, stored in a retrieval
system or transmitted in any form by any means electronics, mechanical,photo-
copying, recording or otherwise, except being extracts for the purpose of reviews
without written permission of the author.

©DavidTyndale2017
All Right Reserved
Dehittaileen

GENTLEMAN Series 9: David Tyndale

"You can fool around David. But please, Not my sister."

David always knew what his role to Lucas younger sister. He will always be her
guardian, protector, Hero and friend. Kaya hindi niya sinasadya. He fell in love
with her. Nalaman nalang niya na hindi na siya basta kuya o kaibigan lang nito.

When one morning he woke up learning that she is about to get married. Thinking
that she was about to exchange i do for someone he doesn't even know. He ruined it.
He makes everything para hindi matuloy ang kasal ng mga ito. Up to the point that
Cashy Marquez loathe him. Sinumpa siya nito. Sinisisi siya kung bakit mag isa na
ito.

How can he make it up to her kung sa tuwing lalapit siya ay lumalayo naman ito?

---------

To my dearest Cheesecake,

Mahal ka ng jowa mo. Pero mas mahal kita ha! Hehehe.. Para sayo ito.. Baka kapag
nabasa mo ito e makipagbreak ka sa jowa mo at marealize mo na wala talagang
poreber. Unfair naman sakin kung masaya ka sa lablyf mo habang ako e parang coke
lang---Zero! Hahaha

Ai labs ü

-------

Add this to your Reading list to get regular update.

je vous remercie! Thank you very much!

Prologue

"I hate you." Marahas niyang pinawi ang luha sa kanyang mga mata at matatalim na
mga matang tinignan si David na nakaluhod sa harapan niya at pilit na humihingi ng
sorry sa kanya.
"I'm sorry cheesecake... " Nanlilisik ang mga matang tinignan niya ito.

"Sorry? Kasalanan mo talaga ang lahat ng ito. Ikaw ang kasama niya last night."
Pinipilit niyang kontrolin ang galit na umaalpas sa kanya.

Ngayon na sana ang kasal nila ni Cent Ramirez. Ang Boyfriend niya. Para siyang
tangang naghihintay sa simbahan. Pinagtsitsismisan na siya ng mga tao. Ang buong
pamilya niya ay nakukulong sa kahihiyan. She was a groomless bride. Nawawala ang
groom niya.

Cent didn't answer any of her calls. Para siyang tanga na naghahanap sa isang
langgam na tinatabunan ng maraming asukal. Kinompronta niya si David dahil alam
niyang ito ang kasama ng fiance niya noong nakaraang gabi. "I swear... After we
drink naghiwalay na kami. I even offered him a ride pero tinanggihan niya. Ang sabi
niya may dadaanan lang daw siya sandali." Paliwanag ni David sa kanya.

David is almost a big brother to her. Kaibigan ito ng kuya niya. Si Lucas Marquez.
Noong mag aral siya sa Florida. Ayaw pumayag dapat ng pamilya niya. Lalong lalo na
ang kuya niya. Pero isa siyang batang may matigas na ulo. Gamit ang savings niya at
ang trust fund na nakuha niya sa mga namayapa niyang abuelo at abuela. Mag isa
siyang pumunta ng Florida without her family consent.

Dahil wala na silang magawa. Her kuya appointed his friend David to look after her.
Taga Florida kasi ito. Dahil doon, naging malapit sila sa isa't isa. Nakikita niya
ang pagiging kuya nito sa kanya. Lalo pa't hindi naman nalalayo ang edad nito sa
kuya niya. Sobra sobra ang tiwala ng kuya niya at ng kanyang pamilya kay David kaya
hinayaan ng mga ito na siya ang kanyang maging guardian habang nag aaral siya. At
katulad nila, sobra sobra din ang tiwala niya sa binata.

Hinawakan nito ang kamay niya. "Saktan mo ako cheesecake.. I know your blaming me.
Saktan mo ako, suntukin, sampalin.. Anything you want gawin mo." He said. Umirap
siya.

Hindi naman niya ito dapat sisihin dahil hindi naman ito kasalanan na nahuli niyang
nakikipagsex ang groom niya sa ex nito sa mismong araw ng kasal nila!

Ang kinagagalit lang niya ay ang alam na pala nito ang nangyayari ngayong araw na
ito pero hindi pa nito sinabi sa kanya. "Hindi ko lang masabi sabi sayo kanina sa
simabahan dahil alam kong magwawala ka." May nakakita daw kasi sa groom niya na may
kasamang ibang babae. At dahil si David ang pinakamalapit sa kanya. Ito ang unang
nakaalam. "I swear gustong gusto ko na siyang puntahan kanina. Shake his head and
dragged him inside the church para matuloy ang kasal niyo. Pero ng makompirma ko na
totoo pala ang ibinalita sakin. Natakot ako para sayo. I don't want you to get
hurt."

"Pero mas nasaktan ako sa ginawa mo!" Mariin niyang saad.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. Sa sobrang depresyon niya kanina. Noong makita
niya si Cent na ligayang ligaya sa piling ng iba. Habang unti unti siyang nadudurog
dahil sa mga eksenang nakikita niya. Gusto niyang hilahin ang buhokng ex nito.
Putulin at ipalamon sa kanya. Pero hindi niya nagawa. Para lang siyang papel na
tinangay ng hangin palayo doon. Hindi nga yata naramdaman ng dalawa ang pagsulpot
niya. Masyado silang nalilibang sa init na pinagsasaluhan nila.

At ngayon nga, panay ang tawag ni cent sa kanya. Hindi niya kayang magbulagbulagan
at magpanggap na wala siyang nakita. Panay ang hingi nito ng sorry sa kanya.
Natukso lang daw ito. Na siya talaga ang mahal nito. Pero bingi na siya. "Hey!
Cheesecake.. Talk to me please.. "
Patuloy niyang ineempake ang mga gamit niya aalis muna siya. Tutal inaayos na ng
pamilya niya ang naudlot na kasal. Pero nakita niya ang kuya niya kanina. Galit na
galit ito. Noon kapagay nagtatangkang manligaw sakanya ay natataranta siya sa
nakikitang galit sa mga mata ng kuya niya. Ngayon ay wala siyang takot na
nararamdamang takot. Alam niyang bubugbugin ng kuya niya si Cent. Pero manhid na
siya.

"Wag mo na muna akong kausapin. I still hate you." Ani niya sa binata bago hinila
palabas ng silid niya ang maleta niya.

To be continued...

------

Cheesecake,
Hihiramin muna daw ni David ang endearment natin sa isa't isa. Hehehe

Para po sa winner doon sa little game ko sa previous story. Makakarecieve ka po ng


message coming from me. Congratulations! See you on Jorge story.

Happy reading.
Ai:)

P. S
Sana magustuhan niyo po ito. Salamuch guys.

Chapter One

"Sigurado ka? Dadaanan ko kasi sa hotel si kuya. Pwede kitang isabay para hindi
kana magcommute." She said. Umiling lang si Shane sa kanya.

Tumango nalang siya. Empleyado niya dito sa La Cuisson Café si Shane. Isang
filipina'ng gaya niya. Ilang taon na rin siyang namamalagi dito sa Manitoba kaya
mas pinili niyang mag negosyo nalang dito.

Si Shane lang ang naging malapit sa kanya sa lahat ng mga naging empleyado niya.
Mabait at mapapagkatiwalaan kasi ito. Nagpaalam na ito sa kanya na aalis na. Siya
naman ay ganoon din.

Narito sa Manitoba ang kuya niya kaya pupuntahan niya ito sa Hotel na tinutuluyan
nito. Sinabi niya na pwede naman itong sa bahay niya magpunta pero mas pinili pang
maghotel. May business trip daw iyon dito.

It took forty five minutes bago siya nakarating sa hotel. Tumawag ang kuya niya na
magkita daw sila sa Restaurant na nasa hotel. He mentioned the name and she went
there.

She saw him sitting on the corner side habang may hawak na magazine. Agad nitong
itinupi ng binabasa ng makita siya. "Hello little sis!" Humalik siya sa pisngi nito
bago ipinaghila siya ng upuan.

Hinigop niya ang kapeng nasa isang tasang naroroon. "So, what's this meeting all
about my dear big brother?" She asked. She hated beating around the bush. Gusto
niya deretsahan agad.

Lucas leaned back to his chair. "Can we eat first? Tutal wala pa naman dito ang
totoong kameeting natin." Ani nito. Nagkibit balikat lang siya.

Hinayaan niya itong umorder ng pag kain para sa kanila. Blue plate ang hinihain sa
kanila. "How's mom and dad?" She asked again. Namimiss na niya ang mommy at daddy
nila. Noong nakaraang buwan lang sila huling nagkita dahil sa biglaang pagsulpot ng
mga iyon dito sa Manitoba. Nang ipasya niyang dito mamirmihan dahil sa negosyo
niya. Dumalang ang pag uwi niya ng pilipinas. Madalas ay siya ang dinadalaw ng mga
magulang niya.

Lucas chewed first. "They're planning to travel in Spain." Sabi ng kuya niya.
Malapit na ang wedding anniversary ng mga magulang nila.

"Planning any surprises?" When they're a kids. Mahilig sa supresa ang kuya niya.

Nagkibit balikat ito. "Ayaw ni mommy ng party and she said it already. Kaya ang
plano ay sa bahay nalang. So clear all your schedule and book a flight before that
day. Mom and dad would be very happy kung kompleto tayo."

Tumango siya. "I will." She don't want to miss that special day.

Ibinaba ng kuya niya ang kubyertos at saka may white folder na inabot sa kanya.
"Ano ito?" Nagtatakang tanong niya.

"It's a business proposal 'sis. Nagpaplano akong mag invest sa isang food business.
At dahil ikaw ang mahilig doon. Ikaw ang naisip ko. Akin ang kapital ikaw ang
magmamanage and if you want we can share the business." Ani nito sakanya. Binuklat
niya ang folder.

Halos mahulog siya sa kinauupuan. Tila ang panaginip niya ay naging totoo bigla.
Hindi siya makapaniwala. "T-This can't be kuya.. " She said. Shocks was never bees
invisible to her. Totoong nagulat siya.

Bakit nga ba hindi? Ang pinakamalaking Food business sa buong mundo ang nakalatag
sa kanya. Buong mundo ang nasasakop ng negosyong ito. Bawat panig ng mundo ay may
branch ang restaurant. Even hotels and resorts. Sa katunayan, matagal na niyang
pinag aaralan ang pagpafranchise niyon. Pero nalaman niya na closed for franchising
pala iyon.

Sinubukan niyang kilalanin ang mismong may ari ng negosyo pero mailap ang pag asa
sa kanya. Anonymous ang sikat at big time businessman na iyon. Tanging maliliit na
news clip lang ang nasasagap ng media. Na pribadong tao daw ang negosyanteng iyon.
"P-Paano mo ito nagawa?"Tila hindi makapaniwalang saad niya. Ang tagal niyang
pinangarap ito.

Matamis na ngumiti ang kuya niya. "Not so much sweats sweetheart... It's happened
na kilala ko siya." Her eyes are widen in shock.

"Kilala mo s-siya? H-How?" Nakakagulat na ang idol niya ay kilala pala ng kuya
niya.

Her kuya smiled at her. "Actually kilala mo siya." Mas lalong tumaas ang
paghahangad niyang makilala ang mysterious business man na ito na sobrang yaman at
sikat.

"Oh! No! Kuya.. If it's a part of your joke, i can't laugh. Private ang taong ito.
And I'm sure.. One hundred percent sure na hindi pa kami nagkikita sa buong buhay
namin." Call her exaggerated. But she is. Madalas niyang puntahan ang mga
conference at social meetings ng naturang businessman pero kahit isang beses sa
ginawa niyang pagiistalk dito ay wala siyang napala. Miski ang media na laging
nakabuntot ay wala ding maipublish na mukha niya. Kaya sobrang palaisipan sa lahat
kung sino ang nasa likod ng sikat at pinakamalaking kompanya sa mundo.

Sinimsim ng kuya niya ang kape bago napatingin sa kanya. "Oh! And'yan na pala siya
e!" Nanigas ang leeg niya. Tila magkakastiff neck yata siya dahil naging deretso
iyon ay di maigalaw. "Pre!"

Naramdaman niya ang mabibigat na yabag mula sa likuran niya. Hanggang sa nakaamoy
siya ng isang pamilyar na amoy. Na kilalang kilala niya. Na kahit yata nakapikit
siya ay di niya maaaring ipagkamali sa iba.

David..

"David! I'm glad you made it!" And her kuya stood up at saka nakipagpalitan ng
kamay sa lalaking ngayon ay nasa gilid niya.

"Nang sabihin ng sekretarya ko na interesado ka sa inooffer ko. I know it already.


" His baritone husky voice sends her a coldness. Hanggang ngayon kasi ay iniiwasan
na niya ito.

"Take a seat." Ani ni Lucas. "Napagusapan na namin ni Cash ang tungkol sa business.
And your here to give us a full details."

Nang tumingin siya sa gilid niya dahil doon ito nakaupo. Nagsalubong ang mga mata
nila. Lumunok siya. Di niya alam kung iiwas ba siya ulit o mananatili sa kinauupuan
at haharapin ang mga ito.

"It's nice to see you again. Cheesecake. "

To be continued...

-----------

I'm a bit hesitant about this story. Feeling ko di niyo magugustuhan. Medyo parang
pabebe kasi ito e.. Na kahit ako e naiinis sa plot na naisip ko. Sana lang e magawa
ko ng maayos.

Chapter Two

Dedicated to DioAnn25

Hello dear.. Congratulations! See you sa next series.. Thank you for reading my
works. God bless.

Ai:)

--------
Chapter Two

She was stupefied. It's almost a years already noong huli silang magkita. The last
time they had a talk is when he followed her after she witnessed her groom
betrayal. Noong nakisiping si Cent sa Ex nito habang para siyang tangang
naghihintay sa simbahan. Wala nang sasakit pa sa naramdaman niya ng araw na iyon.

And David was there to apologize and explain his side. Pero dahil bingi at bulag na
siya. Iniwan niya ito. She trusted him kaya nasasaktan siya na ito pa ang
maglilihim sa kanya.

And now, he's here. After two years. Haharap ito sa kanya. Compose yourself Cashy.
Si David lang yan! Huminga siya ng malalim. Humarap siya sa kuya niya na nakangiti
sa kanila. "Don't you miss him cash? Ang tagal niyo ring hindi nagkita." It's
Lucas.

Si David ang unang nagbawi. "Oo nga e. Ang tagal nawala nitong baby girl natin."
She almost choke her tongue when she heard baby girl. David was always see her as
his lil'sister.

Tumikhim siya. "K-Kuya.. Mukhang h-hindi ko kayang imanage ang negosyong ito. Isa
pa, magoopen ako ng branch sa Toronto. Magiging hectic ang mga araw ko." She
managed to be sounds like a business woman.

"It's okay sweetheart.. Kaya nga narito si David. Siya ang tutulong mismo sa atin.
It will be our pleasure na ang mismong CEO ang tutulong sa atin. Right David?"
Napansin niya ang pagtango ni David.

Iniiwasan niyang tumingin sa binata. Hanggang ngayon kasi ay galit parin siya dito.
Hindi kasi niya matanggap na ang taong pinagkatiwalaan niya ay siyang magiging
dahilan ng pagkasira niya. Ginawa niya ang lahat para umiwas dito.

Naalala niya na sinunda siya nito noon sa Winnipeg. Pero iniwasan niya ito.
Nagpalit din siya ng mobile number para hindi siya nito matawagan. Kuya at best
friend ang turing niya dito kaya nasasaktan siya na balak pa yata nitong itago sa
kanya ang kahayupang ginawa ng groom niya.

Kumukulo ang dugo niya sa tuwing maaalala niya ang mukha ni Cent na patuloy na
hinahabol siya noon. Mabuti na nga lang at mukhang napagod na siya dahil natahimik
na ang mundo niya. Alanganin siyang ngumiti. Walang alam ang kuya niya na may
animosity sa pagitan nila ni David o sa kanya lang. Alam niyang magagalit ang kuya
niya sa kaibigan nito at hindi miya gustong mangyari iyon. Na masisira ang
pagkakaibigan ng dalawa ng dahil lang sa kanya. "K-Kuya.. David is a very busy Man.
Nakakahiya naman na siya pa mismo ang magtuturo sa akin kung sakali." Aniya.

Kung maaari makipagplastikan muna siya ngayon. Konting kumbinse lang naman ang
kailangan niyang gawin sa kuya niya at mapapapayag din niya ito. Wala naman siyang
gusto na hindi nito ibinigay. "No.. It's okay cheesecake.. Hindi kayo nakakaabala
sakin." Natigilan siya sa biglang pagsabat ni David.

At hayon na naman ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil sa endearment nito na
siyang palaging tawag nito s akanya. Noong nag aaral siya sa Florida, walang
makapanligaw sa kanya dahil todo bakod si David sa kanya na akala mo'y bodyguard
niya. Plus his sweet endearment na palaging nagpapaback out sa mga lalakin gustong
umakyat ng ligaw sa kanya. "See? Wala tayong magiging problema. At saka matagal
nang plano namin ito. Naisip lang talaga kita because i know how good you are. Alam
kong makakaya mo." Her face softened. Number one fan niya talaga ang kuya niya.
Palagi nitong ibinuboast ang confidence niya. Misko noong mga bata pa sila.
She hated numbers and letters. Naiinis siya mathematics. It's always find X and Y
that she hated most. Bakit ba laging hinahanap ang wala? Kaya naman matiyaga siyang
tinuruan ng kuya niya. He will always be her mentor and teacher.

But when she took accountancy. Doon na mas lalong lumobo ang utak niya. Ayae niya
ng kursong iyon but there's something in there na parang hinihila siya. She get
more challenged kapag nahihirapan siya. And David came, to the rescue lagi ito
kapag nahihirapan siya. Matiyaga din siya nitong tinuruan. Kaya siguro naging close
sila. "So, it's a deal. David si Cash ang bahalang mag ayos ng dapat ayusin. Ikaw
muna ulit ang bahala sa kanya."

"Kuya!" Protesta niya. Na para bang ang ibinibilin nito ay isa lang grocery bag sa
isang baggage counter.

"Don't worry sweetheart.. Magiging successful ang business na ito." Nang tumingin
siya kay David ay nakatingin din ito sa kanya. Di maiwasang umirap siya dito.

Naiinis siya. Hindi niya kayang tanggihan ang kuya niya pero hindi rin naman niya
kayang tagalan na kasama si David.

To be continued...

Chapter Three

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair ng sabihin ng assistant
niya na may lalaking naghahanap sa kanya. Unang naisip niya si David. Pero lumihis
ang description ng assistant niya sa hitsura ng ineexpect niyang bisita. Lumabas
siya sa opisina niya na nasa loob ng La Cuisson Café. Sandaling sumilip siya sa
kitchen. Naghire siya ng mga bagong kitchen staff. At mukha naman na nasusupervise
sila ng maayos.

Mula sa bakanteng mesa sa kaliwang bahagi ng café ay tumayo ang isang lalaki at
lumapit sa kanya. Hindi niya ito kilala ngunit parang pamilyar sa kanya. Matangkad
at matikas. Ito yung mga hitsura ng mga lalaking nakakatakot pero sexy kung
titignan.

Hindi maiikaila ang angking hitsura nito dahil halos lahat ng female customers nila
ay nakasunod ng tingin dito. "I'm Ms. Marquez." Aniya ng makalapit na ito sa kanya.

"I won't take so long Ms. Marquez." Naglahad ito ng kamay. "Mr. Lopez."

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Napaglue ang mga mata niya sa
palasingsingan nito. Oh! Married! Puna niya sa wedding band na nasa daliri nito.
"Nice meeting you Mr. Lopez. So what can i do for you?"

Iminuwestra niya ang upuan pero tumanggi ito. Mula sa likuran nito ay may inabot
dito ang isang lalaki na sa tantiya niya ay assistant nito. "I just came here to
give this to you." May inabot itong white long envelope. Nag aalangan siya kung
tatanggapin ba niya o hindi. Pero tinanggap pa rin niya.

Nagtatanong na tumingin siya dito bago binuksan ang envelope at binasa ang laman
niyon. "Resignation letter?" Aniya. Binasa niya ang nakasulat na pangalan doon at
saka kinunutan ng noo. "Mr. Lopez wala akong empleyadong Mrs. Shane lopez dito.
Baka nagkakamali ka." Halatang pilipino ito.Tumaas ang sulok ng labi nito at saka
sumeryoso.

"Oh! I'm sorry Ms. Marquez nakalimutan ko. Shane Montalvo ang ginagamit na pangalan
ng asawa ko dito." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

Ilang araw nang hindi pumapasok si Shane. Nag aalala na nga siya. Baka mah sakit si
Greene o ano. "A-Asawa?" Naguguluhang tanong niya.

Walang nabanggit na ganito si Shane sa kanya. "Does she know about this?" Aniya.

"Hindi na niya kailangang malaman. I'm bringing them back to the Philippines
whether she like it or not." May kasupladuhan ang lalaking kaharap niya. Pero kahit
ganoon ay parang mas nakakadagdag pa sa kagwapuhan nito ang pagiging masungit at
tila galit.

Ngayon alam na niya kung sino ang kamukha ni Greene. Kamukha ito ng ama niya.
Palihim niyang tinaasan ito ng kilay. Arogante! Hindi nakapagtataka na iniwan ito
ni Shane. Itinupi niyang muli ang papel. Tatawagan nalang niya si Shane para
kompirmahin dito ang plano ng asawa nito.

Nagpaalam na sa kanya si Mr. Lopez. Gaya kung paano ito hinabol ng tingin ng mga
kababaihan kanina. Ganoon din ng makalabas ito. Kandahahaba ang leeg ng mga babaing
naroroon. Tumaas lang ang kilay niya.

Pero mula sa kakasarang glass door muling bumukas iyon at tumutok ang mga mata ng
mga babaing naroroon. May mga nagswoon pa at may tila kinikilig pa. Iirap sana siya
ng masalubong niya ang matamis nitong ngiti. Damn you David! Nandito ka na naman!

Official nang business partner niya ito. Sa kanya ipinangalan ng kuya niya ang
share nito kay David. At dahil siya ang magmamanage ng ieextend nitong branch,
natural lang na sa kanya nakapangalan pati ang mga dokumento niyon.

"Bonjour! Cheesecake." Good morning. Tinalikuran niya ito imbes na gumanting bati.

Pero mabilis naman itong nakahabol sa kanya. "Coffee? Tea?" Alok nito.

Humarap siya at saka tinaasan ito ng kilay. "Seryoso? 'yan ang laman ng café ko
tapos aalukin mo ako. Niloloko mo ba ko?" Tinalikuran niya ito at nagpatuloy pa
lalo sa paglalakad. Pumasok siya sa kitchen at binusisi ang mga trabahong ginagawa
doon.

Binati siya ng mga staff na naroon maging si David. Sumandal ito sa dishwasher
habang nakapamulsa. "Hindi mo ba alam na hindi ka allowed na pumasok dito? Have you
read that?" Sabay turo niya sa paskil na nasa pinto. Do not enter: Authorized
Kitchen Staff Only.

Hindi nito iyon pinansin. Bagkus ay tumitig lang sa kanya. "Lucas can't make it
tomorrow. Kaya ikaw daw ang isama ko."

Mabilis siyang humarap dito. "Isama saan?"

"France."
To be continued...

Chapter Four

"France."

Ulit niya sa sinabi ni David. She narrowed her eyes and set it straight to his.
"How sure are you na sasama ako sa'yo?" Aniya. Not minding the staff around them.

Dahan dahan itong lumapit sa kanya. At umatras naman siya. Noon, she loves leaning
against his chest iyon bang pakiramdam na may malaking pader na poprotekta sayo sa
kahit na anong delubyo o sakuna.

Tumama ang likod niya sa service counter. Itinukod niya ang dalawang kamay palikod
upang di masyadong bumara ang katawan niya. And then, David his self blocked her.
May distansya sa pagitan nila. Sanay na sanay ito sa ganito. Lalo na noon kapag
inaasar niya ito. He will cornered her at saka pipisilin ng sobrang higpit ang
ilong niya.

"You have no choice Cheesecake. Ang kuya mo mismo ang nagsabi na sasama ka. And
being my new business partner. Dapat mong malaman at matutunan ang lahat." Ani
nito.

Gusto niya itong itulak palayo. Masyado na silang nakakakuha ng pansin sa ibang
tao. "Diba pinabasa mo na sakin ang 'sang katerbang files mo? Ano pa bang hindi ko
naiintindihan doon?" She sarcastically said. Wala siyang pakialam kung
nagbubulungan na ang ibang empleyado niya.

Tinaasan niya pa lalo ito ng kilay. Nagkibit balikat naman ito. "Actually, I'm
impressed. Feeling ko nga kahit ievaluate kita ngayon, masasagot mo ang mga tanong
ko. Pero kulang pa iyon, kailangan mong sumama sakin sa france dahil may mga food
feast tayong pupuntahan. Speaker naman ako sa mga food contest doon. At---."

"Bakit hindi ang sekretarya mo ang isama mo at hindi ako? Obviously, tatanga lang
ako sayo habang lamon ka ng lamon." Naiiritang saad niya.

Nagsalubong ang kilay nito. "Watch your mouth cheesecake!" Saway nito sa kanya.

He was really like her kuya. Ayaw na ayaw nitong nagsasalita siya ng mga salitang
kalye o slang words. Nababastusan kasi ito. "Pakialam mo.." Bulong niya sabay irap.

"Irap ka ng irap hindi ka naman si erap." Ani nito. Humarap ulit siya dito. His
eyes are like a sweet sunrise. Makinang pero hindi nakakasilaw. That's what she
love about his eyes. Para iyong pagsikat ng araw. Minsan naisip niya, ano nga ba
talagang lahi nito. Hindi kasi pangkaraniwan ang kulay ng mga mata nito. Sa mga
animated movie siya nakakakita ng mga werewolves na pula ang mga mata o kaya naman
ay itim na itim. But his eyes are really beautiful.

Minsan gustong gusto na niyang dukitin iyon at itapon dahil naiinggit siya. Dark
kasi ang mga mata niya. Minana niya sa kanilang ina. Unlike her kuya na minana ang
mata ng kanilang ina. "Hindi ako sasama sayo. Marami akong nakatambak na commitment
ngayong linggong ito and i can't set them aside isa pa, inaasikaso ko pa ang
bubuksang branch sa Toronto." She honestly said. Busy nga talaga siya.
Iniisip tuloy niya paano ang bakasyon niya sa pilipinas para sa anniversary ng mga
magulang nila. Sinabihan na siya ng kuya niya. Mas nahihirapan pa siya lalo dahil
wala na si shane. Mapapagkatiwalaan pa naman niyang humarap sa mga business
compromise niya ang kaibigan niyang iyon.

She suddenly felt exhausted. "It's okay... Sandali lang naman tayo sa Paris. And
after that you can settle everything here. Kailangan lang natin kumuha ng new ideas
para sa branch na bubuksan natin."

"Branch?"

Tumango ito. "Yes, marami nang branch ang l'amour Fromage pero wala pang dish na
mula sa france ang nakakasama sa menu ko." Sabi nito.

Salitang french ang pangalan ng restaurant nito na may libong sangay sa buong
mundo. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit halos nilibot na nito ang buong
mundo. Tinawanan niya ito ng may maalala. "Hindi ba ang sagwa na ang pangalan ng
restaurant mo ay base sa French word tapos kahit isang dish nila wala ka." She
laugh.

"Bakit? France lang ba ang gumagamit ng French?" Nasupalpal siya. Oo nga pala. Kung
dito nga sa Canada ay French din ang salitang ginagamit. "Magbubukas tayo ng bagong
branch. At sa pilipinas iyon. Alam ko itatanong mo na marami nang branch sa
pilipinas. Pero kakaiba ito. We will try your brother concept. Magiinitialize tayo
ng new set of dishes na mula sa buong Europe." She rolled her eyes.

"Ano pang role ko kung may nabuo na pala kayong plano ni kuya?" Naiinis na tanong
niya.

Sumeryoso ang mukha nito. His sweet sunrise eyes darted at her. Sa sobrang lapit na
ng distansya nila. Halos sumagad na siya sa pagkakaipit sa likod niya.

"Malaki cheesecake... Sobrang laki."

To be continued...

------

Guys, sorry kung ngayon lang ang update. Super busy lang po.

Pwede po ba akong humingi ng pabor sa inyo? Please like my entry naman po. Here's
the link below.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=905240919617609&id=100003951297005
Nasa profile ko po iyan. I'm badly need your help guys. 50% Of media exposure ang
kasama sa criteria. It's a cover making contest. Hope matulungan niyo po ako. Isang
like lang po at malaking tulong sa akin.. If you can mention your friends sobrang
malaking tulong din po.. Salamuch..

Happy reading.
Ai:)

NOT AN UPDATE

A little game again.

Hello to all active artist out there. I'm inviting you to join in my simple and
funny game.

Mechanic(s) and other rules will be posted soon. Wait for another update for full
details.

See our facebook group page and talk to me in our Messenger group chat for more
contest updates.

Have a Good day fellas!


Ai:)

Chapter Five

Dedicated to kirstinruth

Hello dear. Happy happy birthday to you. Thank you for appreciating my works and
reading all of it. I hope maging masaya ka sa araw na ito. May all your wishes come
true. Happy birthday.

-------

Chapter Five

He was sitting next to her. After eight hours and forty five minutes flight time.
They arrived at Hotel Lumen Paris Louvre. Paglabas nila ng British airways kanina
ay dito agad sila dumeretso.

Tahimik lang ang dalaga habang kumakagat sa muffin na nasa harapan nito. She was
hungry. Sa buong biyahe nila ay hindi nito kinain ang pagkain sa loob ng eroplano.
She was remained silent and steady. Nakatingin lang ito sa labas na para bang
napakainteresante ng tinitignan nito kaysa ang kausapin siya.

Can't blame her. He knows that she's still blaming him after her ruined wedding
day. Lihim siyang nakaramdam ng galit para kay Cent. If it's wasn't because of him.
Hindi magiging ganito ang pagtrato ng cheesecake niya sa kanya. I'm cursed you to
death Cent Ramirez. He silently cursed.

Napilitang sumama si Cashy sa kanya dahil na rin sa pangungumbinsi kung ganoon nga
ang tawag sa pangungulit na ginawa niya dito. Marahil ay nagsawa na ito sa
kakadaldal niya kaya sumuko nalang ito. Pero parang mas okay pa na nakikipagtalo
ito sa kanya. Kaysa naman na umaakto ito na parang hindi siya kilala.

As if he was only exist in fictional book. She look at him like he's nobody. Like
they were never been friends before.

"I already have two kuyas. You and kuya lucas. Kaya bago ka dapat magkagirlfriend
kakaliskisan ko muna. Just like what i did to all my kuya lucas previous girl
friends." He laugh when she said that.

Cashy was always been very special to him. She's his Cheese. His cheesecake.

For every passing minutes. Everything made clear to him. Ano nga ba si Cashy sa
buhay niya? Akala niya nakababatang kapatid lang niya ito. Someone he needs to
protect everytime. Pero nagkamali siya. He fell in love with her. Pag ibig na hindi
niya masabi sabi dito. Na hindi niya maamin amin.

A man who used to fool and play around, ay natotorpe. Natatakot. Who wouldn't be?
Kung kapatid nito ang isa sa matalik niyang kaibigan.

"I'm trusting you David. Alam kong babantayan mo si Cash." Ani ni lucas sa kanya.

Tumawa siya. "Cashy was almost my sister. Kaya kung paano mo siya alagaan. Ganoon
ko din siya aalagaan."

Tumango si Lucas. Tinapik siya nito sa balikat. "You can fool around David. But
please not my sister. Hindi mo naman siguro gustong masira ang samahan natin. She's
our princess. Kaya kapag pinakialaman mo siya. I swear i will hunt you down! And
friends will be over."

Paano niya makakalimutan ang mga babala ni Lucas sa kanya. Cashy Marquez was like
an apple in Eve's Garden. She's forbidden. And if you forbid. You will be punished.

May mga oras na gusto na niyang magtapat, but how will he do that kung sa bawat
pagtatangka niya ay sisingit sa isip niya ang mga bilin ng kaibigan niya?

Kung natuturuan nga lang ba ang puso bakit nga ba isang Cashy Marquez pa ang
iibigin niya? Kaya nagkakasya na lang siya sa pangkapatid na turing nito.

Until Cent entered to their lives. Saksi siya sa lumalagong pagtitinginan ng dalawa
hanggang sa lumalim iyon. Cash was always excited na ikwento ang mga ginawa nila ni
Cent. From their dates upto the wedding proposal. Na hindi napapansin ng dalaga na
halos madurog na ang puso niya sa sakit. Ang mga ngiti nito sa tuwing ikukwento si
cent at hindi niya nakikita sa tuwing magjojoke siya at patatawanin ito.

Ang sakit na ang sabi niya sa sarili niya, makakalimutan din kita. But he's wrong
again. Para lang siyang baliw na tatawa habang iiyak dahil sa sitwasyon niya. Cent
was nice and gentleman. Iyon marahil ang nagustuhan ng dalaga dito. But those are
he also have.

Pero parang hindi sapat. What he have that i don't?

To be continued...

--------

Fun Facts: Bakit cheesecake ang tawag ni David kay Cashy? He mentioned there (up)
na cheese niya ito. Cheese from the British dictionary is a slang word meaning
Someone Important. Cake is sweet, delicate and beautiful. Ganoon bigyan ni David ng
description si Cashy. Hehehe.

More Fun Facts. So stay tuned.

P. S
I'm working in gravel and sand. Kaya sorry kung isang beses lang po yata ako
nakakapag update. I have to work double time para paghandaan ang April's lakwatsa
ko. Perks of being a single. Hahaha.. Masarap kasing gumala.

Happy reading.
Ai:)

Chapter Six

France was her dream. Sa tinagal tagal niyang wala sa pilipinas at may mga ilang
bansa na siyang nalilibot. Ito ang unang pagkakataong tumapak ang mga paa niya sa
France. Partikular dito sa Paris. Nakakatawa mang isipin pero para siyang batang
sabik na iminulat ang mga mata. She had a long sweet sleep. Hindi nga niya naisip
na makakatulog siya ng maayos.

Isa sa nga bagay na di pangkaraniwan sa kanya ay ang mahirap siyang makatulog lalo
na kung wala siya sa sarili niyang bahay. Pero ngayon, ang sarap ng tulog niya na
para bang sanay na sanay na siya. Iniunat niya ang mga braso at saka bumangon. Nasa
kabilang kwarto si David. Pero wala siyang pakialam kung naroon man iyon o wala.

Mabilis siyang naligo at nagbihis. Sa daan nalang siya kakain. Bago siya natulog
kagabi ay chineck niya sa internet ang mga ways at instruction na magagamit niya
para mapuntahan ang mga gusto niyang puntahan ngayon. Ang goal niya ay bago siya
bumalik ng Manitoba ay makapagselfie siya sa Eiffel Tower. Naalala niya, inlove na
inlove siya sa korean nobelang Lovers in Paris noon.

Napapa-aja pa nga siya kung minsan. Spring ngayon dito sa Paris. And this is the
season where Paris seems to reawaken, with it's avenues fringed with new green
shoots and it's trees in flower.

Excited na siyang pasyalan ang mga parks and garden dito sa paris.

People venture out and about in the parks and gardens and along the river banks,
strolling, cycling or skating.

Sinuot niya ang Keds sa paa at saka binuksan ang pinto.

"Aalis ka?"

Napaigtad siya dahil nasa harapan na pala niya si David. He look fresh and
fragrant. Halatang bagong ligo ito.

"Aalis kana agad?" Tanong niya ng makababa siya ng hagdan at makita si David na
bagong ligo. Dito ito natulog sa kanila dahil hindi na ito nakauwi kagabi.

Last night was a blast. Eighteenth birthday niya kagabi. And David was her escort.
Hindi na ito pinayagan ng mga magulang niya na magdrive pauwi kagabi dahil nalasing
ito.

Lumapit ito sa kanya. He ruffled her hair at saka humalik sa ulo niya. "May
kailangan pa akong asikasuhin."

Napanguso siya. Bali-balita na idinedate nito ang sikat na modelong si Maria Amor.
Mestisang bangus na kinaiinisan niya simula ng supladahan siya dahil lang sa nakita
niya ito sa mall at nagpapicture siya.

Na kung hindi pa siguro nito napansin na kasama niya si David ay patuloy pa rin
siyang susupladahan ng babaing iyon. "Hey! What's that for?" Puna nito. David was
her second brother. Para itong kuya niya.

"Pupuntahan mo na naman siguro ang mestisang bangus na iyon ano." It wasn't a


question. It's a statement.

Tinawanan siya ni David. "I thought okay na kayo. Nagsorry naman na siya sayo
diba?" Ani nito. Naiinis na umirap siya.

"Kinakampihan mo naman siya dahil gusto mo siya." Sabi naman niya. Natatawang
hinawakan nito ang kamay niya.

"Ilang linggo nalang aalis na tayo. Kababata ko si Maria Amor kaya madalas talaga
kaming magkasama. At isa pa, pag alis natin. Baka hindi na kami magkita."

Sa Florida na siya magpapatuloy sa kolehiyo. At dahil taga roon ang binata. Ito ang
magiging guardian niya doon. Lihim siyang napangiti. Mawawala na pala ang hitad sa
buhay nila.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Obvious ba? Nakabihis ako hindi ba?" Mataray niyang
tugon dito.

Huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita. "Ngayon ang punta natin sa
Souvire. " Tila balewala lang nitong saad.

Bumugtong hininga siya. Mukhang mapupurnada pa ang pamamasyal niya dahil may lakad
nga pala sila. "Fine! I'll go with you." Naiinis na sabi niya. Bumalik siya sa loob
at kinuha ang laptop niya.

Pagabalik niya sa pinto ay nakatayo pa rin ito doon habang hawak ang leaflets na
dala niya. Nahulog marahil sa kanya. "Akina nga yan. Pakialamero!" Umismid naman
siya.

Hindi ito umiimik. Inabot nito sa kanya ang leaflets at saka huminga ng malalim
muli. "Pwede naman kitang samahan sa pupuntahan mo. I can be your tour guide."

To be continued...

Chapter Seven

He made his promise. He was like a real tour guide, touring her around. The city's
was like a magazine featured with so much attractions. And she was glad that she
has her feet in here.
Paris also known as City of Love. Nakakatawa na sa buong buhay niya ay ngayon lang
siya tumapak dito.

"Don't you think your too old to have a scrapbook?" David was looking at the center
table sa loob ng apartment niya dito sa Florida. It's his day to visit her. David
was living with his parents.

She just rolled her eyes. "What's wrong for having a scrapbook? Gusto ko lang naman
isave ang mga photographs ng mga adventures ko." She just said.

He handed her the glue and she paste the remaining photos in the blank page. She
went in Hawaii last month. Galing siya doon dahil may school tour sila. "Some girls
like you are opted to share their photos in social media."

Tumango siya. She agreed. Iyong iba, kahit yung daily routine nila ay nakapost sa
facebook or instagram. "Well, ibahin mo ako sa kanila. Hindi ako kagaya nila. Mas
gusto kong nakakahawakan ang mga pictures ko kesa ipost at makita lang mga mema.."

Nagsalubong na naman ang kilay nito. "Your talking like that again. Don't you want
to be more feminine?" He was referring her last word. Mema as in mema-sabi lang.

She tsked. "Alam mo ikaw.. Hindi ko alam kung saan ka ba dapat, kuya ko, ate ko o
tatay ko? You're so strict! It's just a word David. People used to it!" She
exclaimed.

His face became serious. "Words will mean everything. Words will mean a lot of
reasons. And words always mean it."

Napabugtong hininga na lamang siya. David was always like this. "So kapag sinabi
mong maganda ako ibig sabihin maganda talaga ko sa paningin mo?" Sinusubukan lang
niya ito. Kahit kailan ay hindi siya nito sinabihan ng maganda. Palagi lang nitong
sinasabi sa kanya. Na okay ang ayos niya. Na sakto lang.

"You're always be beautiful." Sandaling natigilan siya. Ito ang unang pagkakataon
na sinabihan siya nito ng ganoon. "And i mean it."

Napalunok siya dahil doon. David was like her real brother. Dugo lang ang
nagkakaiba sa kanila. She grew up with him. Nasanay siya na lagi niya itong kasama
dahil ipinagkatiwala siya ng kuya niya dito.

Bago pa man siya makapagsalita ulit. Napatingin ito sa mga magazines na nasa
harapan nila. She cut some pictures there and she paste it to the blank paper.
"Paris.." He whispered. "Gusto mong makarating d'yan?" Tanong nito.

She nodded. "Someday i will bring you there. Hold on that cheesecake."

They're sitting in the corner of the café. Champ de mars was like a genuine
paradise. Naguumpisa nang lumubog ang araw. And the three hundred twenty four
metres or one thousand sixty three feet tower are romantically lighted with sweet
fine yellow colours of light.

The whole avenues was providing the sweet lights coming from the tower with the
same height as an eighty one storey building. She savour her croissant at saka
tinanaw ang buong siyudad. Dati panaginip lang ito. But now, she's really here.
Hindi niya pinalampas ang bawat minuto na hindi niya nakukunan ang Eiffel Tower.
Noon, nagkakasya lang siya sa keychain na itsurang Eiffel Tower.

Nakangiti siyang napaharap kay David na nakatingin pala sa kanya. "W-What?" Aniya.
Naiilang siya na nakangiti ito s akanya.

"You're happy." He said.

"Isn't obvious?" Mataray natanong niya. Hindi naman niya gustong palaging
tinatarayan ito. But he annoyed her sometimes.

Nagyuko ito ng ulo bago muling tumingin sa kanya. He looked hurt. At nagiguilty
siya. "Can we forget what happened in the past? I mean kalimutan muna natin while
we were here?"

Is he giving her a truce? Magpapanggap silang okay ngayon at pagkatapos babalik na


naman sila sa dati? Old playing tricks for kids.

"Can we a least enjoy our stay here just like before? Noong di ka pa galit
sa'akin." She don't know what to say. "Namimiss ko na 'yon."

Napalunok siya. Siya din naman, namimiss na niyang nakulitan ito. Katawanan at
kabiruan. Namimiss na niya iyong mga dati nilang ginagawa. At namimiss na niya ito.

Wala sa sariling napatango siya. David wasn't really bad. Sadyang may mga bagay
lang na nagbabago sa paglipas ng panahon.

And having an agreement with him wasn't seem so bad at all.

To be continued...

Chapter Eight

She smile. David keep taking her a pictures with different poses. "One, two, three
smile!" Wala na din namang mangyayari kung patuloy niya itong iiwasan. Besides,
humingi na ito ng tawad sa kanya. Marami nang beses. Hindi naman na sila babalik ni
Cent sa dati kung patuloy niya itong sisisihin.

It's not healthy na magtago o mag impok ng galit sa kapwa. Mahalaga pa ring
magpatawad. And that's what she trying to do.

Before they walked away from the avenue. Another picture-taking muna daw sabi ni
David. The city of light or the city of love will always be her dream.

Across the 5 avenue anatole. Ay isa pang street. They walk there and waited for a
cab na maghahatid sa kanila pabalik sa hotel. "Is that a vendo machine?" Aniya sa
binata. May dalawang lalaking nakapila sa isang machine.

Tumango ang binata. "It's a Condom vending machine."

Nanlaki ang mga mata niya. Nakaaalis na ang dalawang lalaki sa harapan niyon kaya
dala ng kuryosidad ay lumapit siya. There's a lot of condom there. Different sizes
with different flavors! "Walang coin slot." Aniya.
Nakita niya ang repleksyon ni David na makintab na salamin. Gaya niya ay nakatingin
din ito doon. Tila bigla ay binalutan siya ng hiya. Condom nga pala iyon. Nahihiya
siya na baka kung ano ang isipin nito sa kanya. "There are thirty one streets here
na may condom-vending machine. And it's provided by the town hall."

Namilog ang mga mata niya. "I-Ibig sabihin free na ibinibigay ito?" Tumango ang
binata.

What kind of place is this? Parang ineengganyo pa ang mga tao na magsex kung ang
condom ay nakakalat lang sa kung saan saan. "Inisip ng gobyerno nila, that everyone
can have a clean intercourse kung magpoprovide sila ng condom. Pansugpo din nila sa
pagdami ng populasyon dito."

"Kahit na! Paano iyong mga kabataan? Edi mas lalo silang naenganyo?" Tumango tango
lang ito.

"kasama ang mga teenager sa nakaisip ng advocacy na ito. We all know how curious
the teenagers are. Right?" napalunok siya. May sandaling naalala siya dahil doon.

"Manang Perla.. Si kuya po?" Ibinaba ni Cashy ang ilang librong hawak.

Huminto sa paghahalo ng pagkain sa kaserola ang matanda at saka siya hinarap.


"Nakita kong umakyat sa silid niya ang kuya mo. Baka nagpapahinga."

Nagpaalam siya at saka umakyat sa ikalawang palapag. May assignment siya sa


algebra. Nasa high school na siya at ang kuya lang niya ang maaasahan niya para
masagutan niya ng hindi nagkakamali. Dati siyang inenroll ng mga magulang nila sa
kumon pero naiinis siya sa babaing instructor doon. Palagi siyang pinapagalitan
dahil nahuhuli lagi siya ng tatlong minuto. Kapag magsasagot ng modules. Kaya
umayaw nalang siya. Di hamak naman kasi na mas magaling ang kuya niya.

Masayang umakyat siya sa pangalawang palapag ng bahay at saka tinahak ang daan
patungo sa silid ng kuya niya. Nakaawang ang pinto niyon kaya malaya siyang
nakapasok. Magulo ang kama. Halatang natulog doon ang kuya niya. Bukod doon, may
lagaslas ng tubig siyang naririnig mula sa banyo.

Sanay naman siya na basta basta siya pumapasok sa kwarto ng kuya niya. Tanging
manipis na shower curtain lang ang nakasara. At halos manlaki ang mga mata niya ng
makitang hindi iyon ang kuya niya. Si David iyon na kaibigan ng kuya niya!

Hubo't hubad itong naliligo habang nakatalikod sa kanya. Hindi niya magawang
ihakbang paatras ang mga paa. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng
ganito kasexy'ng lalaki.

His round bouncy butt ay kaiinggitan ng mga baklang gustong makaachieve ng ganoon
kagandang pang upo. Isama pa ang mamasel nitong braso at balikay na tingin niya'y
kaya siyang buhatin ng isang kamay lang.

Natuptop niya ang bibig at napaatras ng humarap ito ngunit nakapikit naman. Bago
muling humarap sa shower. Bali nakatagilid na ito sa kanya. Kaya naman mas lalong
pinagpawisan siya ng malapot nang dumako ang mga mata niya sa gitnang hita nito.

His thing was..was.. Naubusan na siya ng maiisip. Nang patayin nito ang shower at
doon siya natauhan. Mabilis siyang lumabas ng banyo at hinihingal na lumabas ng
kwarto. Pakiramdam niya'y aatakihin siya sa puso.

"Hey! It's okay. Tignan mo't namumula na ang mukha mo. I know how conservative are
you. Hindi mo kailangang malaman pa ng malaman ang mga ganyan." bumalik siya sa
dating huwisyo ng marinig na nagsalita si David. Bigla ay nakaramdam siya ng
pagkailang. At the age of sixteen ay nakita na niya ang kabuuan nito.

Siguro kapag ibinoroadcast niya iyon sa Philippine media baka sabunutan siya ng mga
kababaihan na nagtatangkang siluin ito. Lalo na ang mga naghahangad na mapansin
nito. She's smile sheepishly. Mas maswerte pala siya. Nakita na niya ng buong buo.
Di mo nga lang nahawakan. Poor you cash!

"Tara na nagugutom na ako." Nakangiti niyang sabi. Naguguluhang tumango si David sa


kanya.

Challenge yourself cash! Do some work to feel his "thing". Natawa siya ng lihim
dahil sa itinakbo ng isip niya. Baka lagnatin siya kapag nakita na naman niya iyon
sa pangalawang pagkakataon. "Nag aalala na ako sayo. Kanina lang natitigilan ka.
Ngayon ngumingiti kana mag isa. Dapat na ba akong kabahan?"

Siya na ang humawak sa kamay nito. Palagi nila iyon ginagawa noon. Maglalakad na
hawak ang mga kamay nila. "Relax! Napaparanoid ka lang." sabay kindat niya dito.

Challenge accepted!

To be continued...

Chapter Nine

"That was fun!"

She was laughing so hard. David brought her to the theatre. They watched Rowan
Atkinson theater show. Since she was a kid. She was always watched Mr. Bean and any
of his movie.

David laugh too. "I can't imagine your face when you assumed that he was going to
take off his brief." David laugh at her.

Hinampas niya ito sa balikat. "Kasalanan ko bang nakakatawa talaga?" She pout.
"Thank you for bringing me there. It was another dream come true." Sinserong sabi
niya.

Two happy days are passed. Wala na silang ginawa kung di tawanan at ngitian ang
isa't isa. She always reminding her self that she should set aside their issues and
fill the remaining days with so much happiness together. Minsan lang naman ang mga
ganitong pagkakataon. Isa naisip niya, the broken wounded heart wouldn't get heal
kung patuloy kang magtatanim ng sama ng loob at galit sa puso.

Sa katunayan, hindi na nila iniisip iyon. Sinusubukan nilang ibalik ang lahat. Kung
saan okay pa. Okay pa sila.

"Anong oras anf flight mo bukas?" Bigla ay naitanong ni David kay Cashy.
"Mga eight in the morning. Why?" Maghihiwalay kasi sila bukas. Bukas ang balik nito
ng pilipinas. Siya naman ay babalik muna sa Manitoba.

Magkasabay sana silang babalik ng pilipinas dahil ipapakita nito sa kanya anh g
site na tatayuan ng restaurant. Pero dahil uuwi din naman siya para sa anniversary
ng mga magulang niya. Dadaan muna siya sa Manitoba para kuhanin ang ilang mga gamit
niya. Aasikasuhin pa niya ang maiiwan niyang trabaho.

"Susunduin kita sa airport." Ani nito. Sanay na siya sa mga ganoong gestures nito.
David always priorities her needs. Minsan nga naiisip niya tama pa ba ang ginagawa
nito? Nagagawa pa ba nito ang mga bagay na gusto nito sa sariling buhay?

Nagkibit balikat na lang siya. "Ikaw ang bahala. Pakisabi nalang kay kuya na
susunod ako." Sabi niya.

Pagkatapos siya nitong ihatid sa hotel room niya ay nagsimula na rin siyang
magimpake. Mauunang umalis si David sa kanya dahil madaling araw ang flight nito.
Maybe, tulog pa siya pag alis nito.

Sinubukan niyanh ibalik muli sa pagtulog ang sarili pero ang diwa niya ay gising na
gising na. Ayaw pa niyang imulat ang mga mata dahil nararamdaman niya na maaga pa.
Pero may kung anong bagay ang gumigising sa kanya.

At ipinasya niyang imulat na ng tuluyan ang mga mata. Upang magulantang lang sa
kanyang nakita.

David was sitting at the edge of her bed. Shaved and look fresh. Nakasuot na ito ng
long sleeve polo rolled upto his elbow. "A-Anong ginagawa mo dito?" She said. Dati
naman sanay siya na nadadatnan ito sa silid niya. Kahit noong nasa pilipinas palang
sila. Natutulog pa nga silang magkatabi.

"Saying goodbye to you cheesecake." Tipid nitong sagot. Luminga siya sa side table
at mula sa luminous clock ay sinasabing four o'clock na ng umaga.

Pasimple niyang hinila ang comforter sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit
naiilang siya na nakikita na nito na halos hubad siya. Manipis na damit pantulog
lang kasi ang suot niya. She used to sleep naked even before, kahit noong teenager
palang siya. It's weird pero ganoon talaga siya. Siguro dahil lumaki siya sa
tropical country kaya ganoon.

"A-At this early?" Nasabi lang niya. Fool her. Nasabi na nitong maaaga ang flight
nito.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Sinundan ng mga mata niya ang inupuan nito. Gusot na
gusot iyon. How long did he stay there? Tanong ng isip niya. Nahihiya siya bigla.
Baka narinig nito ang mga hilik niya habang natutulog siya. Palagi pa naman
sinasabi ng kuya niya na malakas daw siyang maghilik kapag tulog siya. Nakakahiya!
Paano nga kung nakita nito?

"Tulo laway ka pa nga kapag natutulog ka!" Pambubuska ng kuya lucas niya sa kanya.
Nahihiyang tumingin siya kay David na bisita nila ng sa araw na ito. Nakangiti lang
ito habang pinapanood ang asaran nilang magkapatid.

"That's not true kuya! You're bluffing!" Naiinis na sabi niya. Dama niya ang init
ng kanyang pisngi. Her kuya humiliating her in front of their visitor.

"Na ah! It's true.. Kaya nga pinasound proof ni mommy at daddy yung kwarto mo para
walang makarinig sayo." Napapadyak siya sa inis. Hindi niya alam kung anong mayroon
sa araw na ito at gustong gusto siyang asarin ng sarili niyang kapatid.

"Tama na 'yan baka mapikon ang kapatid mo Lucas. Nagiisa mo na nga lang kapatid
aasarin mo pa." Sabat ng kanilang ina na nasa salas na rin pala. Bitbit ang tray na
may lamang merienda. "David, pagpasensyahan mo na ang dalawang iyan. Mahilig talaga
silang mag asaran." Hinging paumanhin ng kanilang ina.

Nang tignan niya si David ay nakangiti ito. "It's okay tita.. Ang cute nga nila.
Especially Cashy.. She looks cute when she blushed."

At aaminin niya, mas pumula pa yata ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. First
compliment coming from the stranger.

"Text me, kapag nakalapag na ang eroplano. So i can fetch you. Alright?" Bumalik sa
kasalukuyan ang isip niya ng makitang nasa harapan na niya si David. Nakasabit sa
balikat nito ang leather jacket nito at nasa likuran niya ang isang maleta.

Tumango lang siya. "Dito ka nalang. Matulog ka ulit. Pero bago ka umalis ay
magbreakfast ka muna. I already called the kitchen. Magdadala sila ng breakfast
dito."

Tumango muli siya. Naramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa tuktok ng ulo niya.
Pumikit siya at dinama iyon. Nakasanayan na nito na halikan ang ulo niya. At simula
ng iwasan niya ito ay ngayon lang nito muling ginawa iyon. I love you.

Hindi niya alam kung guni guni lang ba niya o sadyang narinig niyang binigkas iyon
ng binata.

To be continued...

Chapter Ten

Hello to ma'am marife. Thank you po sa gift niyo. Palgi nalang po akong
nakakatanggap ng gift sa inyo. It's like na birthday ko palagi. Super thankful po
ako sa inyo. Sa support at encouragement. May God always bless you. I promise, i
will make it up to you ma'am once na makarating po ako sa inyo. Salamuch po.

Love lots,
Ai:)

---------

Chapter Ten

Nine forty in the morning saktong lumapag ang eroplano. Her neck is stiffed. Siguro
dahil sa matagal na pagkakasandal niya. Isa pa, she haven't got a good sleep after
she went back from Paris. Basta na lang siya nakatulog sa eroplano.
She wore her aviator shades and she went out the departure area. Ang init. Iyon ang
unang naibulaslas niya pagkakita palang niya sa katingkadan ng araw. Nagkausap sila
ni Shane, at naghihisterya ito. She was asking for her help. She wants to get out
in her husband life. Kaya lang paano naman niya ito tutulungan? Besides, Gregory
Lopez threatened her na wag pakialaman ang buhay nilang pamilya.

She just advised her na ayusin nalang nila ang relasyon nilang mag asawa. Naalala
niya kasi ang anak nitong si Greene. Masyado pang bata ang anak nito. At alam
niyang makakaapekto sa paglaki nito ang problema ng mga magulang niya.

Kaya naman ang assistant niyang si Dioann ang pinakiusapan niyang mag ayos ng
trabahong iiwanan niya. Hindi kasi niya alam kung ilang araw siyang mananatili dito
sa pilipinas.

She turned on her phone at saka tinignan ang mga messages doon. David promised her
na ito ang susundo sa kanya. Pero wala pa rin ito. She was expecting him, na
makikita niya ito agad. Waiting for her.

Dalawang taxi ang lumampas sa harapan niya bago may humintong itim na Ford.
Nakilala niya ang plate number niyon kaya alam niyang si David iyon. Hinihingal pa
ito ng makalapit sa kanya. "I'm sorry cheesecake. Galing pa kasi akong pandi.
Nagkaproblema sa kitchen deliveries doon." Sabi agad nito at saka inagaw ang
maletang dala niya.

"It's okay. Pwede naman kasi akong magcab kaya lang mapilit ka."She said. Binuksan
nito ang back seat at ipinasok doon ang isang maleta niya.

"Ito lang ang dala mo? Bakit?" Instead, he asked.

Nagkibit balikat lang siya. "Hindi ko naman kasi alam kung magtatagal ako. May
inaasikaso din naman kasi ako sa Toronto." Ani niya.

Binuksan nito ang passenger side at saka siya naglakad papalapit doon. Akma siyang
sasakay ng may tinig na nagsalita sa likuran niya.

"C-Cash? Cashy?"

She's stiffened. She couldn't find her voice. After almost two years ay kilala niya
ang tinig na iyon.

Nang tignan niya si David ay nakatingin ito sa kanya. Gusto niyang ipikit ang mga
mata niya. Sampal sampalin ang sarili. But she could not.

Dahan dahan siyang humarap. Only to surprise her na hindi lang ito nagiisa. On his
arms is his cute replica. "C-Cent.. " Tanging nasabi niya.

Nakatingin ito ng matiim sa kanyang mga mata. Ang karga nitong bata na sa tanyiya
niya ay may dalawa o kulang kulang dalawang taon na. "A-Anak mo." It wasn't a
question. Alam naman niyang anak nito iyon. Hindi nakakapagtaka dahil kamukha nito
ang bata.

Dahan dahan itong tumango. "Anak namin ni Khloe." Mapait siyang napangiti.
Nagkaanak pala ito sa ex girlfriend nito na naging dahilan ng pagkasira ng dapat ay
kasal nila.

"C-Congratulations." Hindi niya magawang alisin ang mga mata sa bata dahil
nakangiti ito sa kanya. She saw cent baby facial expression kapag nagtatantrums ito
noon. Ang batang iyon ang bunga ng kataksilan ni Cent sa kanya. Anak sana nila iyon
kung hindi nangati ang sawa nito at nanuklaw ng ibang pusa. "I-I'm sorry.. But i
have to go."

Mabilis niya itong tinalikuran. Ngunit gamit ang isang kamay nito'y mabilis nito
siyang hinawakan. "Let's talk please.. "

Napapikit siya. Nang magmulat siya ng mga mata ay ang mukha ni David na hindi niya
maunawaan ang ipinahahayag ang nakita niya. Ipinilig niya ang ulo bago humarap
ditong muli. "For what?" Malamig niyang saad.

Nagyuko ito ng ulo. "I just want you to hear my side... I was fra--."

"Let's go cheesecake.. Hinihintay kana sa inyo." Naputol ang sasabihin sana ni Cent
ngmagsalita si David.

David was clenching his jaw and he was looking at Cent with dangerous stare.
Nakakuyom din ang kamao nito. Alam niyang hindi ito magaatubiling saktan si Cent
kung magpupumulit ang huli. Pero inaalala niya ang batang karga karga ni Cent.

Baka pati ang bata ay masaktan. Hindi naman niya gustong may madamay na inosente ng
dahil lang sa kanya. Humarap siya kay Cent. "We are already over Cent. Whatever you
may say ay wala nang halaga. Be happy to where you are now. You have kid already..
Baka masamain pa ng asawa mo na nakikipag usap ka sa akin." She only assumed that
he already married to Khloe dahil may anak ang mga ito. Though, she haven't seen
any ring in his finger.

Namungay ang mga mata nito. Nangingislap din iyon. "Hindi naman kita gustong
guluhin.. I just want you to know what really happened back then. I wasn't cheating
on you. Hindi kita niloko. Someone made up all this worst story para maging masama
ako sayo. And the time you saw me with.. K-Khloe.. It was all pla---."

"I said shut up!" Nagulat siya sa biglang pagsugod ni David kay Cent. Hinawakan
nito ang kwelyo ng suot na damit ni Cent. "Ano pa bang gusto mo? Win her back
again?"

"David! Stop!" Naguumpisa nang umiyak ang bata dahil naiipit ito ng dalawnag
lalaki. "David!"

But David wasn't hear anything. Nakikipagtagisan siya ng titigan kay Cent na gaya
nito ay hindi rin magpapatalo.

Ayaw nilang maghiwalay? Fine! Siya ang aalis. She went inside the car and drove it
away. Mabuti at naroroon sa keyhole ang susi niyon.

To be continued...
-------

Hindi mangangako ang kwentong ito ng magandang kahihinatnan. Nabobored kasi ako sa
plot nito. Though, maraming nagsasabi na maganda naman daw. May hinahanap kasi ako
na hindi ko kayang isulat. Maybe, a little spice will do.

P. S
Gusto ko lang sabihin na tatlong lalaki nalang hihintayin niyo sa series na ito at
magwawakas na tayo.

GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe


GENTLEMAN series 11: Josue Tolentino
GENTLEMAN series 12: Raphael Padilla

After nilang tatlo ay maguumpisa na ang HERMOSA Señorita's series kung saan
susubukan tayong paibigin ng mga anak nila.

Sa nagtatanong ng mga social media accounts ko. You can find me in facebook. Just
add Aileen De hitta again, that's a private account. May hiuse rule po ako d'yan.
Bawal magkalat! Kung may problema po sa akin. Just PM me po. One PM away lang po
ako. At pagusapan natin yan Privately.

Sa hinahanap naman po ang aming napatahimik na group page. Just search HERMOSA
Señoritas and click Joined.

Salamuch.
Happy reading.
Ai:)

Chapter Eleven

"Cheesecake! Open this door please..let's talk."

She make sure that the door of her room was locked. David keep on shouting outside
of her room. Pero nagbingi bingihan siya. Hindi niya alam kung paano ito nakasunod
sa kanya matapos niyang iwan ito sa airport at umuwi siya mag isa gamit ang
sasakyan nito. Muntik pa siyang mahuli ng traffic inspector kanina dahil hindi siya
nakaseatbelt.

Inabutan lang niya dito sa bahay nila ay si didit at elsa. And a woman named, Leah.
Ang sabi ni didit ay bisita daw iyon ng kuya niya. Hindi napang niya pinansin at
umakyat nalang siya sa silid niya. Wala pa ang mga magulang nila. Sa isang araw pa
pala ang uwi nila from spain.

Pagkatapos niyang ihiga ang pagod na katawan sa kanyang kama ay tinawagan niya agad
ang kuya niya para sabihing dumating na siya. She's still remember Cent face. Ang
mukha nito na tumatak na yata sa kanya. Kitang kita niya ang pagsisi doon. Pinahid
niya ang luha at tumingin sa pintuan. Binilinan niya si didit na wag ibibigay kay
David ang duplicate key ng kwarto niya or else mawawalan sila ng trabaho.

"What happened David?" She heard her kuya Lucas voice. She tiptoeing towards the
door at inilapat ang tenga doon.

She heard David sighed. "She locked herself inside. Ayaw niya akong kausapin."

Talagang nagsumbong pa ang damuhong ito sa kuya niya. So pathetic. She snorted.
"Ano ba kasing nangyari? Akala ko ba sinundo mo siya?" Narinig niyang tanong ng
kuya niya.

"I did. But we saw her ex." Naalala na naman niya si Cent dahil sa sinabi ni David.

Bigla ay naimagine niya ang hitsura ng kuya niya. "That jerk! Ang kapal naman ng
mukha niyang magpakita pa sa kapatid ko. After what he did?" Malaki talaga ang
galit ng kuya niya kay Cent. At nasisiguro niya na kung kaharap lang nito ngayon
ang binata baka dumanak na ang dugo sa paligid. Huminga siya ng malalim at saka
bumalik sa pagkakahiga sa kama.

Pinabayaan niyang mag usap ang dalawang lalaki sa labas ng silid niya. At ipinikit
nalang niya ang mga mata. Susubukan niyang makatulog para kahit papaano ay mawala
ang agiw sa isip niya.

---

Iniwasan niyang mapatingin kay David. Magkakasama sila sa hapag. Siya ang kuya
niya, si Leah na ipinakilala ng kuya niya sa kanya at si David.

"May problema ba kayong dalawa?" Bigla ay tanong ng kuya niya nang mapuna yata nito
ang pananahimik niya.

"Wala." Halos sabay nilang bigkas. Naiinis na umirap siya kay David. Namungay ang
mga mata nito.

Hindi naman siya talaga galit. Naiinis lang siya sa inakto nito kanina. She can
control the situation kanina pero mas pinili pa nitong makialam. "Mas mabuti pa mag
usap muna kayo. Let's go Leah." Tumayo ang babaing bisita nito at sumunod sa kuya
niya.

Ibinaba niya ang kubyertos at akmang tatayo na ng habulin ni David ang kamay niya
kaya nahawakan nito. "I'm sorry cheesecake.. I over reacted." He said.

Matalim na mga matang tinignan niya ito. "Nakakainis ka. Pati bata nadadamay sa
inyong dalawa. Hindi ka na sana nakialam. Malaki na ako, hindi na ako 'yong
teenager na lagi mong binabantayan noon at ayaw mong pahawakan sa iba." Frustrated
na sabi niya.

Lumambot ang ekspresyon ni David. "I'm sorry cheesecake.. Nag aalala lang naman ako
para sayo."

Pinangunutan niya ito ng noo. "Iniisip mo ba kapag nakapagpaliwanag siya sakin ay


babalikan ko na naman ba siya? Ganoon babae ba ang tingin mo sakin?"

Hinawakan nito ang palad niya. "I'm really sorry cheesecake.. Hindi ka ganoon. I'm
just worried, na baka saktan ka na naman niya ulit." Puno ng pag aalala ang tinig
nito.

Bumugtong hininga siya. "Nangyari na. Kalimutan na natin iyon."

"Hindi kana galit?" Naninigurong sabi nito.

Kunwari'y inirapan niya ito. "Hindi na. Pero magagalit ulit ako kung hindi mo ako
ililibre ng isaw. Namiss ko 'yon." Na sinabayan niya ng pagngiti.

Mahilig silang kumain ng isaw kahit noon pa. Ngumiti ito. He look doofus when he
grinned. "Isaw! Isaw para sayo kamahalan."
To be continued...

-------

This scene should be written in Lucas and Leah Story kaya lang hindi ko na siya
inilagay doon dahil ayokong magkaidea kayo about Cashy and David. So forgive me
kung habang binabasa niyo ito ay medyo nalilito kayo. Hindi ko talaga(sinadyang di
isulat) ito masyadong ineelaborate sa kwento ni lucas(GENTLEMAN series 4: Lucas
Marquez) Masyadong malaki ang interval nila kaya hindi ko talaga isinulat.

Reader Private message: Bakit po ang bilis niyo magupdate? Matagal niyo na po bang
nasulat ang mga kwento niyo? Kasi may kasunod agad.

-- Natawa naman ako. Hehehe.. Naku hindi ko pa po naiisulat lahat iyan. It took 3-
5hours bago ko masulat ang isang chapter. At opo 700-1200 words lang po sila
kadalasan. Hindi po talaga ako mahilig magsulat ng mahaba sa isang chapter. Gusto
ko bawat chapter ibang scene naman. Sa isang buong maghapon(Depende sa busyness ko
at sa mood ko.) Nakkaya kong sulatin ang tatlong chapter. Tinatamaan din po ako ng
tamad. Iyon ay kapag may iba akong iniintindi o may problema naman ako. Kapag
nakaisip ako ng eksena isinusulat ko iyon agad sa planner ko. Lalagyan ko ng
date(kung kailan ko naisip) ilang details kung sino ang involved sa scene na iyon
at saka ko lalagyan ng markings. Kumbaga para siyang graph o nagwe webbing ako.
Kaya ung planner ko.. Mukha na siyang scratch paper. Hahaha.. Puno ng paper clips
kung san nakasipit un mga important note like(extra si ganito, age nito, place na
pupuntahan etc.) Pati iyon list ng cover na gagawin ko e sunod sunod doon. Kaya
kapag aksidenteng sumabog ang bag ko sa mall.. Nakakahiya! Hahaha.. Basura yung
makikita nila. (Di naman obvious na madaldal ako. Sorry!)

Happy reading.
Ai:)

Chapter Twelve

Napapapikit siya ng mata habang ninanamnam ang sarap ng isaw na isinubo ni David sa
kanya.

" Da best po talaga itong isaw niyo aling Marina." Aniya. Ngumiti ang matanda sa
kanya. Suki na sila nito simula pa noong teenager siya.

Ngumiti ng magiliw ang matanda sa kanya. "Salamat naman at naaalala mo pa itong


tindahan ko." Ani nito.

Silang dalawa ni David ang laging tumatakas sa mga mata ng kuya niya para makakain
sila ng isaw. Medyo malayo kasi ito sa School na pinapasukan niya noon. "Ay nako
nanay marina. Itong si cheesecake pa talaga ang nagyakag dito. Namimiss na daw po
niya ang mga isaw niyo." Pagbibida naman ni David.
Puno ang bibig na nagsalita siya. "E sa namiss ko naman talaga e. Wala kayang
ganito sa Manitoba."

Tumatawang inabutan siya ng matanda ng tubig. "Ang laki laki mo na hija. Dati
hanggang baywang ka lang niyang si David. Ngayon pagka ganda gandang bata mo na."
Nahihiyang ngumiti siya sa matanda. Tama nga naman ito ngayon ay hanggang ilalim na
siya ng baba ni David. Tumangkad din naman pala siya kahit papaano.

"Sus, matagal naman na hong maganda itong si cheesecake, nanay." Pakiramdam niya ay
namula ang pisngi niya dahil sa papuring lumabas sa labi ni David.

Matagal na pala akong maganda pero bakit ngayon mo lang sinasabi? Gusto niyang
isatinig iyon kaya lamang ay nahihiya siya.

Nilagyan pa ng matanda ng suka ang platitong sinasawsawan nila. "Alam ko naman


iyon. Palagi mo ngang ibinibida iyon sa akin noon." Doon siya nag angat ng tingin.

Nagkamot ng ulo si David. "A-Ah.. Ano kasi.. Ito talagang si Nanay kung ano anong
sinasabi." Idinaan ni David sa tawa ang sagot.

Tumaas ang kilay ng matanda. "Aba! Hindi ba nga't gandang ganda ka d'yan kay Cashy
noon? Teka, maiba ako.. Kayo na ba?"

Halos magkanda samid samid siya sa tanong ng matanda. Paanong naisip nito na sila
na ni David? Napakaimposible!

"Kayo talaga nanay.." Sabay akbay ni David kay aling Marina.

Tinampal ng matanda ang kamay ni David. "Hay! Nakong bata ka! Hindi mo talaga
magiging nobya iyang si Cashy kung di mo popormahan. Baka maunahan ka ng iba."

Nalilito na siya sa pinaguusapan ng dalawa. Naguusap ang mga ito na para bang wala
siya doon. "Excuse me! Manang.. Magkaibigan lang po kami niyang si David. At saka
para ko na 'yang kuya." Aniya.

Tumingin si David sa kanya. "O-Oo nga naman nanay.. Magkaibigan lang kami."

Tumango siya. Tila hindi madaling kumbinsihin ang matanda. "Pupusta ako.. Sa huli
kayo ang magkakatuluyan. At kapag nangyari iyon, ipamamana ko sa inyo itong isawan
ko."

Natawa nalang siya sa biro ng matanda. Dapat ay matagal na siyang sanay dito. Kahit
noon naman ay mabiro na talaga ito. Pero ito ang unang pagkakataon na biniro siya
nito kay David. Imposible naman kasi na magkagusto sa kanya ang binata. Bata pa
lamang siya noo'y alam na niyang tinging pagkaibigan lang ang mayroon ito sa kanya.

"I'm trusting you David. Alam kong babantayan mo si Cash." Narinig niyang sabi ng
kuya niya kay David. Nasa bahay nila si David. Excited na siya na mag aral sa
Florida. Excited na siyang makasama si David. Aaminin niya crush niya ito. Hindi
lang iisang beses siyang tinukso ng mga kapwa niya highschool classmates dahil
isang David Tyndale ang sumusundo lagi sa kanya. Binabantayan siya na parang isang
boyfriend. Minsan kinikilig pa nga siya kaya lang bata pa siya. At kaibigan ito ng
kuya niya. Kaya hanggang crush nalang siya.

Nakita niya ang pagtango ni David. "Cashy was almost my sister. Kaya kung paano mo
siya alagaan. Ganoon ko din siya aalagaan."
Tumango naman ang kuya niya at tinapik sa balikat si David. Parang nakaramdam siya
ng kaunting sakit. Kahit pala magpacute siya dito ay hindi siya nito magugustuhan.
Kapatid lang pala ang turing nito sa kanya. "You can fool around David. But please
not my sister. Hindi mo naman siguro gustong masira ang samahan natin. She's our
princess. Kaya kapag pinakialaman mo siya. I swear i will hunt you down! And
friends will be over."

Pasimple siyang lumayo sa pinagtataguan at inihakbang ang mga paa palayo doon.
Hindi si David ang para sa kanya. Kaya palaa ng bait bait nito s akanya kasi mukha
lang siyang kapatid dito.

Kaya imposible na magkagusto ito sa kanya. Lihim siyang napailing. Good thing na
naovercome na niya ang crush na nararamdaman niya para dito.

Ang nararamdaman na lang niya ay para niya itong matalik na kaibigan at mabait na
kuya.

To be continued...

Chapter Thirteen

Pagkatapos ng dalawang magkasunod na meeting ni David ay isinama naman siya nito sa


Tagaytay para makita niya ang latest branch nila. Nakakatuwang napapansin nito ang
mga ideas niya. Nalaman din niyang dalawnag branch sa Luzon ang bubuksan nila. Isa
sa Laguna at Batangas.

Nagsuggest siya dito ng mga ilang ideal date para ipabroadsheet ang advertisement
nila. Pumayag naman ito. He actually let her handle the editorial. Ang balak sana
niya ay magpagawa din ng at least eighty seconds television ad.

"Where to?" Tanong niya ng mapansin niyang pumasok sila ng Sta. Rosa proper.

"Sa Calamba. Nakausap ko na iyong may ari ng Chinese cuisine doon. Willing na
siyang ibenta ang Restaurant na iyon." Ani nito.

Tumango siya. Tumingin tingin siya sa paligid. It's her first time here sa Laguna.
Sikat daw ito dahil sa daming hot spring resorts. "Totoo bang maraming resorts
dito. Iyong hot spring?" Bigla ay tanong niya. Mukha naman kasing sanay na sanay si
David sa lugar na ito.

Tumingin lang saglit sa kanya ang binata bago ipinagpatuloy ang pagmamaneho. "Gusto
mo bang nagswimming mamaya?"

Umiling siya. Wala naman silang dalang pampaligo. "Hindi na. Saka babalik pa tayo
ng manila mamaya. Baka sobrang gabihin naman tayo."

Nagkibit balikat nalang ito at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Siya naman ay


ipinikit ang mga mata para makatulog. Mukhang malayo pa naman sila. Matutulog muna
siya.
Masuyong mga tapik sa pisngi ang nagpagising sa kanya. "N-Nasaan na tayo?" She
asked when she opened her eyes.

Ngumiti ito sa kanya. Ang lapit lapit kasi nito. "Nandito na tayo cheesecake.
Masyadong masarap ang tulog mo."

Lumayo ito ng konti sa kanya at saka kinalas ang seatbelt niya. Nasa parking lot na
pala sila. Unang lumabas ito at pinagbuksan siya ng pinto.

Isang malaking ngunit lumang restaurant ang bumungad sa kanya. "Ito na iyon?"
Naitanong niya. Tumango si David. "Bakit balak ibenta ng may ari?"

Nagkwento ito sa kanya. "Masasakitin na si Mrs. Ching balak na niyang bumalik sa


Beijing dahil naroroon ang pamilya niya."

Inakay siya nito papasok sa loob. May mangilan-ngilan siyang customer na nakikitang
kumakain. Dumeretso sila sa isang pasilyo na sabi ng gwardiya ay naroroon ang
opisina ni Mrs. Ching.

They met Mrs. Ching mga nasa mid-sixties na siguro ito. Singkit na singkit ang mga
mata nito. They discussed about the property and it went well.

Nagkasundo sila sa presyong gusto ng bawat isa. Aayusin lang daw nito ang
pagtransfer sa kanila at sila ana ang bahala. Bukod doon, iniikot muna sila nito sa
buong restaurant. Nalaman niya na may function room iyon na pwede kapag may mga
social events or gatherings.

Malaki ang floor plan ng restaurant. Mukhang mas magandang ipreserve nila ang
original feature niyon at baguhin lang ang indoor at outdoor design. "Magandang
idea 'yon. Tutal hindi naman nalalayo sa Asian Cuisine ang Architectural design ng
Restaurant na ito." Sagot ni david ng sabihin niya ang gusto niyang mangyari.

"Lagyan lang natin siya ng konting touch of modernization. Ibagay sa specialty


natin." Gusto niyang tawanan ang sarili. Wala siyang alam sa mga engineering
designs pero nasasabi niya ang mga ganitong bagay.

"I will call Engineer Laxamana para sabihin ang prospective plan natin para dito.
Tutal siya naman ang hahawak ng project na ito." She knew Engineer Laxamana.
Nakilala na niya ito the other day. After they went to the new supplier na nakuha
nila.

Tumango siya. Sumakay na sila sa sasakyan nito. "You sure na hindi mo gustong
magswimming?" Biglang naitanong ni David sa kanya. Umiling lang siya.

"Maybe next time nalang. Pagod na rin kasi tayo. We've both have a hard day today.
Uwi nalang tayo." She insists. Masakit na rin ang likod niya sa ilang oras na
pabalik balik na biyahe. Mula Manila to Tagaytay then To Laguna naman. Matutulog na
lang siguro siya. At isa pa, malapit na ang wedding anniversary ng mga magulang
niya. Pinaplano pa nila ng kuya niya ang araw na iyon.

Hindi na nagsalita si David at hinayaan siyang makatulog ulit. Mabigat na talaga


ang talukap ng mga mata niya. Nasobrahan na yata siya sa pagod o sadyang hindi na
siya sanay sa klima dito sa pilipinas.

May ilang oras yata siyang nakatulog ng maramdaman niyang nakahinto na sila.
Madilim na ang paligid. "D-David!" Natigilan siya ng makita niyang nakatunghay pala
ito sa kanya. "K-Kanina pa ba tayo dito?"
"No. Ngayon ngayon lang. Gigisingin na sana kita kaya lang nauna kana." Anito.
Medyo naiilang na naman siya sa paraan ng pagtitig nito. Umiwas siya ng tingin dito
at kinalas niya ang kanyang seatbelt bago hinagip ang bag niya. Deretso nang
nakatingin sa labas si David. Tumikhim siya. "Don't you want to get inside? Para
makapagcoffee muna." But he didn't respond.

Bagkus tumingin ito sa kanya. At nagtanong. "Do you still love him?" Nagulat siya
sa tanong nito. She saw in his eyes kung sino ang tinutukoy nito.

Si Cent ang tinutukoy nito. "B-Bakit naman siya nasingit dito? Napagtimpla ka na ba
niya ng kape kaya nasali siya sa usapan?" She was trying to make some jokes but she
failed. Seryoso ang mga mukha nito. Pero banayad lang ang tinig.

"You keep calling his name while you were sleeping. Kaya naisip ko, mahal mo pa
siguro siya." She did that? Ewan ba niya kung guni guni lang niya, pero nababasa
niya sa mga mata nito ang sakit.

To be continued...

------

#AkalaMoOkNaHindiParinPala

Iyan ang sinasabing wag umasa. Di porke't pareho kayong masaya at pareho kayo ng
gusto e may Mutual Understanding na kayo. MU na agad.. Baka naman di lang kayo
nagkakaintidihan.. Na-Mi Misunderstanding niyo lang ang sitwasyon. Tsik!

Happy reading.
Ai:)

Cover Making Contest

GENTLEMAN series Batch two


COVER MAKING CONTEST

mechanic(s).

1. Submit 12 complete covers thru PM. (sa akin lamang po.) Make 12 covers for
series 13-24.

2. Don't post it anywhere. Ipapasa lang po sa akin. Sa Private account ko. Kapag
may nagpost sa gp. Automatic di po un kasali.

3. NO LIKES. NO CAMPAIGN. kahit kontratahin jiyo ang mga Likers niyo. Wala pong
magagawa sila. Walang bibilanging likes o votes.

4. I have 5 mystery judges na lalait, huhusga at pupula sa gawa niyo. JUDGES ANG
BAHALANG MAGCUZTOMIZED NG CRITERIA NILA. Sila ang bahalang dumiskarte kung paano
nila pupuntusan ang entry niyo.

5. To be fair. Hindi niyo kilala ang Judges. At di rin nila kayo kilala. Di nila
malalaman kung sino o kanino ang lalaitin nila.

6. Sa final tally ng scores. Kasamang ibibigay ng judges ang score judgement nila
pati ang personal judgement nila(lait at husga) Pagkakataon na si judges na sabihin
kung anong kulang o saan sumobra ang entry. Kumbaga sa cooking contest. Pagkatapos
tikman. Huhusgahan at sasabihin lulang sa alat o sobra sa tamis.

7. Lahat ng nagbigay lang ng pangalan sakin ang aasahan kong magpapasa ng entry.

8. One month nag ibibigay kong panahon para sa 12covers na ipapasa niyo. By May
01,2017 till 12midnight (pinas time) ang pasahan ng entry. Ang lalampas sa oras na
iyan ay di na po mabibilang bilang contestants. May 02, 2017 Ipopost ko ang mga
entry. May 03-08 ,2017 ang judging time ng mga judges. May 10,2017 ipopost ang
unofficial tally results.(still no name parin) Ilalabas ko lang ang scores
leading.. (imagine the tawag ng tanghalan.) Hahaha. May 12,2017 lalabas ang
official tally scores. At May 14,2017 ang announcing of winner. Isa lang po ang
mananalo.

GENTLEMAN series batch two

13. Levitico De Mesa


14. Ruth Rosales
15. Samuel Legazpi
16. Isaias De Villa
17. Jeremiah Del Carmen
18. Ezekiel Salvador
19. Daniel Gonzales
20. Oseas Martin
21. Jonas Padilla
22. Tito Luna
23. Judas Valdez
24. Timoteo Morales

Prize? Yung iba may idea na. Pero surprise pa.

Rule: BAWAL IPAGSABI SA KALABAN NIYO NA ENTRY NIYO AY KASALI. SARILI NIYO LANG ANG
KAKAMPI NIYO.

Sali na! Hehehe Goodluck

Ai's social accounts:

Find me in facebook @ Aileen De Hitta


Like my page @ Ai M. Leen
Join in our group page @ HERMOSA Señoritas

Chapter Fourteen

She don't really understand why she have to avoid David. Unang una, wala naman
siyang dapat ipaliwanag sa binata. It was an accident na nabanggit niya ang
pangalan ni Cent habang natutulog siya. Hindi mga niya maalala kung panaginip nga
ba niya iyon o ano.

May dalawang araw na niyang iniiwasan si David. At sa dalawang araw na iyon.


Mabibilang lang din niya sa mga daliri niya na nakikita niya itong nasa loob ng
bahay nila. Nagiguilty siya na hindi niya malaman. Kinapa niya ang dibdib. Mahal pa
nga ba kita? Pumikit siya ng mariin. Naguhuluhan siya. Hindi naman ganito ang
pakiramdaman niya noon. Noong malaya siyang namumuhay mag isa malayo sa kanilang
lahat.

Pero iilang araw pa lamang siyang nananatili sa bansang ito pero parang ang laki na
agad ng mga nagbago sa kanya. Na kahit siya ay naguguluhan.

Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag sa balikat at hinanap ng mga mata ang sariling
sasakyan. Galing siya sa Salon. She had her hair short. Naisip niya, summer na dito
sa Pinas. Medyo old style na rin ang cut ng buhok niya kaya naisip na rin niyang
ipagupit iyon. Isa pa, bukas na ang anniversary Party ng mga magulang niya.

Surprise kasi iyon. Bukas darating ang mga ito mula sa bakasyon. At napag usapan
nila ng kuya niya na simpleng dinner party lang ang gagawin nila. Sila sila lamang
at ilang kakilala't kaibigan.

Nang matanaw niya ang sasakyan na nakagarahe mismo sa harapan ng commercial


building na nilabasan niya. Naglakad siya papalapit doon. Medyo gumaan ang
pakiramdam ng ulo niya dahil umikli na ang buhok niya. Panay nga ang papuri sa
kanya ng baklang beautician na umasiste sa kanya. Bagay na bagay daw sa kanya ang
pixie cut. Kamukha na daw niya si Angel Locsin. Dinaan na lamang niya iyon sa tawa.

She never been a fan of any local celebrities. Di naman kasi siya mahilig sa
artista. Akma siyang sasakay ng may kamay na pumigil sa kanya.

"Cent!" Bulaslas niya ng makita ito. He's wearing Giordano shirt and a pair of
jeans. Nakabull cap din ito. He's still the same ruggedly handsome she knew more
than a years ago. His charming smile na una niyang napansin noon.

"Can we talk?" Bakas sa mukha nito ang pakikiusap. Unti unting natutunaw ang
pananggalang niya dito. Nakakaramdam siya ng awa. Ilang beses na nga ba itong
nagtangkang makausap siya simula ng maghiwalay sila? Marami nang beses pero pilit
naman niyang ipinagdadamot dito iyon.

Maybe this is the right time para buksan naman niya ang sarili upang subukang
pakinggan ito. It's been two years pagkatapos masira ng dapat ay masayang sila.
Luminga siya sa paligid may coffee shop dalawang establishment ang layo sa salon na
pinanggalingan niya. "Okay."

Hindi na niya hinintay na magsalita ito. Nauna siyang naglakad papalapit sa coffee
shop at hinayaan niyang sumunod ito sa kanya. Pumasok siya at sumunod ito.

"Coffee?" Tanong niya kay Cent ng makalapit na ito sa kanya. Umupo ito sa harapan
niya. Kinuha ng waiter ang order nila.

The usual, black coffee lang ang hiningi ni Cent. Kabisado na niya iyon.

"Handang handa ka na talagang maging misis ko." Tudyo ni Cent habang nakaupo siya
sa hita nito at ninamnam nito ang kapeng ginawa niya. "Kabisado mo na ang timplang
gusto ko."

Masuyo siyang tumawa. "Aba oo naman! Ang swerte swerte ko kaya." Sabay hagikhik
niya. Ang sikat na Musician/Composer at May ari ng pinakamalaki't sikat na
Recording Company ay siya ang napiling pakasalan. Sino nga ba ang hindi kikiligin
sa saya?

"Talk!" Utos niya. Nakatitig lang ito sa tasa ng kapeng nasa harapan nito. Sinadya
niyang wag maging malambot sa harapan nito. Kailangan niyang ipakita dito na hindi
na siya ang dating siya na susunod ng susunod sa lahat ng sabihin nito. Ano man ang
sabihin o ipaliwanag nito. Nakatatak na sa isip niya na niloko siya nito.

"I-I.. Just wanna say.. I-I'm sorry." Nang angat ito ng tingin at kitang kita niya
ang sincerity doon. "I'm sorry sa nagawa ko sayo. Hindi ko sinasadya."

Kalmanteng sinimsim niya ang kapeng nasa tasa niya. Dahil sa sinabi nito parang
unti unti na namang bumabalik ang sakit. Pero pinpigilan niya. "Kahit kailan ay
hindi naging tama ang manloko ng kapwa. Lalo na kung ang lolokohin at sasaktan mo
ay ang taong m-mahal mo." She took all the courage para hindi siya pumiyok. Kung
siya ang tatanungin ayaw na niyang balikana ng nakaraan. Pero kailangan nilang
buksan ito para matapos na.

"I know. And I'm sorry. Totoong may nangyari sa amin ni Khloe. I got her pregnant."
Masakit marinig na umamin ito mismo sa harapan niya. Pero mas masakit din pala kung
itatanggi nito ang maling nagawa niya. "Before it all happened. I'am with David."
Yeah alam niya iyon. David inviting him para sa isang inuman. Ikakasal na sila
kinabukasan. "He brought me to his friend bar. Uminom kami. And he promised me na
kapag hindi ko na kinayang magmaneho pauwi. Siya ang maghahatid sakin. Then,
Raphael came.. Well, iyon ang pakilala ng kaibigan niya. Sandaling umalis si David
dahil may paguusapan daw sila ni Raphael. I was there, quietly drinking when Khloe
sat beside me. Noong una ay pinagtabuyan ko siya. Honestly, iniwan ko siya. Pero
sinundan niya ako. Sinabi niya na wala naman daw siyang gagawin. Gusto lang niya
akong makausap at makapag paalam siya sakin. Babalik na siya sa States. Pumayag
ako. Hinayaan ko siyang magkwento at humingi siya ng tawad sa nangyari noon."
Hinayaan niyang ikwento nito sa kaya ang lahat.

Kahit ang totoo ay parang sinasakal na ang puso niya sa sakit na narramdaman niya.
"That night. I really don't know why we end up in bed. All i know is.. Lasing ako.
And i can't decide for my self. She kissed me. At nagugustuhan ko." Pikit matang
pinakinggan niya. Masakit na. Sobrang sakit na. Hindi pa pala naghihilom ang sugat
sa puso niya.

"Pero ikaw ang nakikita ko. Mukha mo ang nakikita ko. May nangyari samin. And the
whole time, pangalan mo ang sinasabi ko. Iyon ang malinaw sakin." Nagmulat siya ng
mga mata. Lumabo iyon sanhi ng luhang gustong umalpas sa mga mata niya. Ginapgap
nito ang palad niya. "Iyong inabutan mo noong umaga. Hindi ko iyon alam. Basta ang
alam ko, para pa akong lasing. Sobrang lasing. Na sobrang saya ko dahil kasama kita
buong magdamag at hanggang umaga. Hindi ko plinano na lokohin ka o saktan. I was
set up. It's all planned against us. Sinadya iyon para magalit ka sakin. Para hindi
mo ako pakasalan." Determinadong saad nito.

Kilala niya si Cent. Sa buong relasyon nila ay alam niya kung kailan ito nagsasabi
ng totoo o hindi. Pero sa nakikita niya ngayon, nagsasabi ito ng totoo. Lumunok
siya. "Maniwala ka sakin. I know how wicked khloe is. Alam kong may kinalaman siya
kung bakit nangyari ang mga iyon. I checked the bar that we went in. After that
morning. Alam kong hindi mo ako papakinggan noon. Kaya gumawa ako ng imbestigasyon
para linisin ang sarili ko sayo. Nakausap ko ang bartender na nagbigay sa amin ng
vodka. At inamin niya sakin na inutusan lang siya na lagyan ng gamot ang baso ko.
Akala ko talaga ay ikaw ang kasama ko.. Pero hindi pala. I'm so sorry... "

Tumulo ang luha niya nang yumuko ito at umiyak sa harapan niya. Bago niya ito
naging kasintahan. Malinaw sa kanya ang intensyon nito. Kaya sobrang nasaktan
talaga siya noon. Pinaramdam nito s akanya kung gaano siya nito kamahal. Pero
nasira lang sila sa isang iglap lang. Pinahid niya ang luha at iniangat ang mukha
nito. "It's all in the past. Hindi na mahalaga kung ano ang nangyari noon. May anak
kana ngayon. I know kung gaano mo pinangarao iyon. Pamilya ang una mong pangarap.."

"Pero hindi kami kasal. We growing our child separately. We have an equal rights to
our child. Hindi ko kayang pakasalan ang babaing naging dahilan ng pagkamunghi mo
sakin. At lalong hindi ko siya mahal." pahayag nito. Gaya niya ay umiiyak din ito.

Binawi niya ang kamay na hawak nito. "Hindi na mababago ng paliwanag mo ang estado
natin sa kasalukuyan ngayon. May kanya kanya na tayong buhay.. Nasaktan na tayong
pareho.." Aniya. Masakit talaga kapag umaasa kapa. Lalo na kung wala na talaga.

"But we can at least.. Only be friends diba? Kagaya ng dati?" Bahagya siyang
ngumiti. Hindi man sila pwede na. Siguro naman pwede nilang ibalik ang
pagkakaibigan nila.

Bahagya siyang tumango. "Thank you.." Pabulong na sabi nito.

Bumakas na ang liwanag doon. Sabay nilang pinawi ang luha sa mga mata nila.

"Now i know kung bakit hindi ka nakasama sa check up ni Bill. Busy pala kayo sa
reunion niyo." Sabay silang nag angat nito ng tingin.

And from Cenr behind was Khloe stood so proud. The Ex's and Fiance snatcher slash
the failed wannabe wife. Umiismid siya. Her Bloody Mary lipstick looks like an old
chapped crayon on her filthy mouth.

Disgusting.

To be continued...

---------

#AngPwedeNaHindiNaPwede

may mga sakit na para gumaling ay dapat matapang na harapin ang dahilan at
pinagmulan. Wala namang sakit na di nalulunasan. Basta marunong lang makinig at
buksan ang sarili para sa pagpapatawad. And the pain will gone. Not easily but at
least.. Unti unti.
Happy reading.
ai:)

Chapter Fifteen

Their parents are both look so happy. Sumasayaw ang mga ito sa gitna ng garden
habang magkayakap. Nagkubli siya sa madilim na bahagi ng garden nila. Hawak niya
ang kopitang may lamang alak.

She was jealous. David arrived earlier. Balak na sana niyang kausapin ito.
Makipagbati dito. Pero may kasama itong iba. Kinain ng paninibugho ang puso niya.
Hindi niya dapat maramdaman ito pero hindi niya maiwasan.

Kusang nararamdaman nalang niya. Akala niya noong una ay dahil nasanay lang siya na
kanya ang lang atensyon ng binata. Pero hindi pala. Nakita niya ang dalawa na
masayang tumatawa. The woman he's been with ay maganda at may mahabang buhok.
Mukhang prinsesa. Unlike her, that look so ordinary. Dumaan sa harapan niya ang
kuya niya hababg hawak hawak sa kamay si Leah. Nakakwentuhan na niya ang dalaga.
Pinag aaral pala ito ng kuya niya. Pero mukhang hindi lang doon ang relasyon ng
dalawa.

Pero sino ba siya para makialam? Matanda na ang kuya niya. He knows what he's
doing. Tumalislis siya sa garden. Balak siyang pumasok sa loob ng bahay ng
magvibrate ang phone na hawak niya. She immediately read the message.

Nasa labas daw si Cent. Matapos ng mga naging paguusap nila. Binuksan niya muli ang
puso niya para sa pagpapatawad dito. And honestly saying, they are being a good
friend to each other now. Pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang eskandalong
ginawa ni Khloe ng araw na iyon.

"Hanggang kailan ka magiging malanding babae ka? May anak na lahat lahat si Cent.
Nagagawa mo pang landiin." Khloe was making a scene that everybody could see.

"Khloe stop it!" Saway ni cent sa babae. Pero tila tigre ito na mas lalo yatang
nagalit.

"Alam mo ikaw." Sabay duro sa kanya. "Mang aagaw ka talaga."

Grabe na ang pagtitimping ginawa niya para wag patulan ito. She's sick. "Excuse me?
Are you saying mang aagaw? Sino ba ang nang agaw? As far as i remember, me and cent
was about to marry when you came in and offer you slutty pussy to him. At saka ka
nagpabuntis sa kanya. Now tell me, nasaan ang pangalan ko doon sa salitang mang
aagaw?" Sinadya niyang bahagyang lakasan ang tinig upang marinig ng mga taong
naroroon. Namumulta ito pero nanlilisik ang mga mata. Kinontrol niya talaga ang
emosyon at galit niya. Hindi niya gustong makita nitong apektado pa rin siya ng mga
nakaraan nila.

"Why don't you come inside? Sayang naman ang long sleeves mo." Biro niya. Nasa
labas kasi ito ng bahay nila. She was inviting him na umattend ng party nila.

Umiling ito. Cent was often wear a long sleeves ever since. "Hindi na. Gusto ko
lang iabot sayo itong regalo ko kay tito at tita." May inabot itong flat box sa
kanya na may puting ribbon. Close si Cent sa mommy at daddy niya kahit noon pa. "I
personally composed it para sa kanila." He added.

Mukhang alam na niya ang laman ng box. Palaging CD's na may iba't ibang kanta ang
nirergalo nito noon sa mga magulang niya. Pero ito ang unang pagkakataon na
nagregalo ito ng kanta na personal composition nito.

"Thank you dito. Alam kong magugustuhan nila ang regalo mo. Fan mo naman sila kahit
noon pa." Nakangiting sabi niya. "Hindi ka na ba talaga papasok sa loob?
Makapagdinner man lang." Pilit na yaya niya.

Umiling ito. "Bill was in my house now. Inihatid siya ni Khloe kanina. Kung
magtatagal ako. Wala siyang kasama."

Concern suddenly drawned in her face. "How's the kid?" She managed to asked in
between of her choke.

Gumalaw ang balikat nito. "He's okay now. Fever lang namam daw sabi ng pedia niya.
Alam mo na, climate change." Nalaman kasi niya na kagagaling lang ng anak nito sa
america. Nanibago siguro ang bata.

Hinawakan niya ang kamay nito. "I will pray for his fast recovery. Para hindi ka na
nag aalala."

"Thank you." He said. "Nagkamali ako sayo. But Bill was my beautiful mistake. Kung
may isang tao mang pinakaimportante sa buhay ko ngayon. It's my Son." Humahanga
siya sa pagmamahal nito sa sariling anak.

Not all father are like him. "It's okay Cent. Napatawad na kita."

"Cashy!" Sabay sila ni Cent napalingon ng makitang malalaking hakbang na papalapit


si David sa kanila. Bago pa siya makahuma ay dumapo na ang kamao nito sa mukha ni
Cent. Sumadsad ito sa sementong kalsada at duguan ang ilong na humarap sa kanya.

"Cent!" mabilis niya itong dinaluhan. "Oh My God!" Bulaslas niya. Putok ang gilid
ng labi niyo at gayun din sa bandang ilong.

Nanlilisik ang mga matang humarap siya kay David. "David! What are you? Basta basta
ka na lang nananapak."

Nagiigting ang bagang nito. "Stay away from Cashy. You have no business to her."
Natigalgal pa siya ng hawakan nito ang kwelyo ni Cent. May lumapit na gwardiya sa
kanila ay inalalayan si Cent. Siya naman ay pilit na inilalayo si David doon. Cent
sleeves was totally bloody. Galing sa mukha nito.

"Bring him to the emergency please." Aniya sa dalawang gwardiya na umalalay kay
Cent.

Hinarap niya si David. "You're asshole!" Agad na sinabi niya.

He smirked. "So you still care for him huh?"

"Anong pakialam mo? Look what you did to him? Hindi ka naman niya inaano."
Nagagalit na saad niya.

"Pinagtatanggol mo na siya ngayon. So ano? Nagkabalikan na kayo?" Tila batang


nakikipagtalo ito sa kanya.

Napahilamos siya sa mukha. "Pwede ba David? Simula ng dumating ka sa buhay ko. Wala
na 'kong naging sarili desisyon. It was always you.. Ikaw lagi ng ikaw. Your always
meddle my decision." Hindi sinasadyang naibulaslas niya. Naiinis na kasi siya.
Palagi nitong pinamumukha sa kanya ang pagtrato nitong parang kapatid sa kanya.
Nagyuko ito ng ulo. Alam niyang nasaktan niya ito.
"I'm sorry kung ang tingin mo pala sakin ay peste sa buhay mo. I'm sorry sa palagi
kong pakikialam. I just can't help it. Lalo na kung laging tungkol sayo. Gusto ko
palagi kang bantayan. Alagaan. Pero hindi mo pala iyon gusto. Kaya I'm sorry kung
mahal kita."

Anong sinabi niya?

To be continued...

-------

Want to have a glimpse of Jorge and Dioann Love story? (GENTLEMAN series 10: Jorge
Felipe) hehehe..

GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe

Dioann life is like a piece of crumpled paper. Magulo at gusot gusot. She was in
the peek of suicidal when the realization hit her. I shouldn't have to end my life
here. I need Justice!

Her Molester Stepfather tried to rape her. Her ex-boyfriend almost raped her. And
worse, pagkatapos niyang makaligtas sa dalawang taong nagtangkang pwersahin siya ay
isang lalaki naman ang mananakit sa kanya.

She was a raped survivor. Raped by the anonymous person na hindi niya kilala. Pero
sinong maniniwala sa kanya? Na kahit ang sarili niyang ina ay nagbubulag bulagan sa
kabuktutan ng buhay na mayroon sila? Na nilamon na ito ng tanga at martir na pag
ibig.

She became hard, cold-freezing Queen and ruthless. Sabik at uhaw pa rin siya sa
hustisya. Until Jorge Felipe came to her life. Gusto nitong unatin ang lahat ng
gusot sa buhay niya. But how can she do that kung ang bagay na mayroon sila ngayon
ay may bahid na pala ng mantsa ng nakaraan noon pa man?

Makikita pa ba niya ang hustisyang matagal na niyang hinihintay?

This story is a little bit.. Uhm.. Basta hintayin nalang natin. Hehehe.. Namiss ko
un mga ganyan e..

Nominating for The 2017 Literary Awards are now officially open. You can now
nominate your favorite writers/Authors here in wattpad.

Kung gusto niyo po akong inominate.. Super happy at pasasalamuch po. Para naman po
dun sa nagnominate sa akin sa categories na Best Writer/Author and Best overall
account on wattpad super thanks po.. Di ko ineexpect na may nakakakilala po pala sa
akin.. Hehe..

Happy reading.
Love lots,
Ai:)

Chapter Sixteen
"A-Anong sinabi mo?" Napipilang tanong niya.

Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang sabihin. Nalilito siya sa sinabi nito.
Hindi niya rin malaman kung guni guni lamang ba niya iyon.

Naging mailap ang mga mata nito sa kanya. Pero maya maya'y tumitig din. Wari'y
iniipon ang lakas bago huminga ng malalim. "M-Mahal kita. Matagal na."

Umawang ang mga labi niya. No.

"Cashy was almost my sister. Kaya kung paano mo siya alagaan. Ganoon ko din siya
aalagaan."

Paano niya iyon makakalimutan? At paano nito nasabing mahal siya nito. Pagak siyang
natawa. "Yes.. You love me--as your little sister."

Sunod sunod ang pag iling na ginawa nito. Kinuha nito ang kamay niya at mahigpit na
hinawakan. "Mahal kita. Hindi bilang kapatid, kaibigan o anuman. I love you. I love
you as a woman."

Hindi niya maunawaan ang lahat. Kung bakit bigla bigla ay magiging ganito ito sa
kanya. "I don't believe you. Paano mo ako mamahalin e, diba nga---."

"Mahal na kita noon pa man. Natatakot lang akong sabihin sayo dahil alam kong
magagalit ang kuya mo. He's so protective when it comes to you. At ayaw ko rin
mabahiran ng sama ng loob ang pagkakaibigan namin. Sinubukan kitang iwasan.
Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko sayo. But hell, sarili ko lang ang
pinahihirapan ko. Sa tuwing may mga lalaking lumalapit sayo. Gusto ko silang pisain
sa mga kamay ko. Pero ng makilala mo si Cent. Halos magunaw ang mundo ko. I saw how
he makes you happy. Ibang saya kapag ako ang kasama mo. I knew back then, kung
gaano mo na siya kamahal. Kinain ng selos ang puso ko. Kaya ng maghiwalay kayo.
Bukod sa nalungkot ako para sayo.. May bahagi ng puso ko ang tuwang tuwa dahil wala
na kayo. Sabi ko, magtatapat na ako. Pero binalalaan na naman ako ng kuya mo."

"May gusto ka ba sa kapatid ko? David?" Natigipan si David sa tanong ng kapatid ni


Cashy.

Ibinaba niya ang tasa ng kapeng iniinom niya. "Where did you get that question?
Alam mo naman na parang k-kapatid ko na si cheesecake." He said. Hindi niya gustong
mahalata ng kaibigan niya kung ano ba ang nararamdaman niya.

Humawak ito sa baba. "Wala naman. Masyado ka kasing galit na galit ng iwan ni Cent
si Cash. Iniisip ko tuloy na bakit parang ikaw ang nasasaktan para sa kapatid ko."
Tumatawang tinapik niya ito sa balikat.

"Cash was like a sister to me. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya."
Doon lamang ngumiti si Lucas.

"Good. Because i hate having a quarrel over my friend. Alam ko kung gaano ka kaloko
loko sa babae. And i don't want to see my sister crying over you. She don't deserve
someone playboy like you." Medyo nasaktan siya sa sinabi ni Lucas. Pero tama ito.
Everything will be complicated kapag pinagpatuloy niya ang kahibangan niya.

"Natatakot ako na baka masira tayo kapag nalaman mo ang nararamdaman ko.
Cheesecake.. Mahal kita." Hindi niya alam kung bakit lumuha siya.

Teenager palang siya ng magkaroon siya ng crush para dito. Pero inisip niya.
Masyado itong matanda para sa kanya. Kasing edad na halos ito ng kuya niya. Pilit
niyang itinatatak sa isip niya na humahanga lang siya. So every passing day, mas
lumalago ang nararamdaman niya. Until Cent came. Totoong minahal niya ang binata.
Nakikita niya kasi ang pagkakapareho nito kay David. Matalino, mabait, magalang
medyo suplado at tahimik nga lang. Iyon din marahil ang naging edge niya para mas
mahalin pa lalo si Cent. Pero ngayon, narito sa harapan niya si David. Confessing
his feelings. Nalilito siya. Tama ba ang pinapasok niya? "Liligawan kita. Gagawin
ko ang lahat para lang patunayan sayo na tapat ako sa sinasabi ko. Maybe it's about
time na ako naman. Wag na siya.. Ako nalang." May isang butil ng luha ang nahulog
mula sa mga mata niya.

Dama niya ang sinseridad nito. At oo, sa kaibuturan ng dibdib niya'y may kilig
siyang nararamdaman. "Si k-kuya.. Paano siya?" Kung liligawan siya nito. Ikakasama
yon ng loob ng kuya niya.

"Sasabihin ko sa kanya. Aaminin ko na sa kanya ang totoo. Because i want you to be


mine. Ayokong magising na naman ako isang araw na may mahal kana ulit na iba."
Bakit ba napakatamis ng dila ng lalaking ito.

Pero ang kilig na nararamdaman niya'y biglang nawala ng may maalala. "Yung babae?
Ying kasama mo kanina. Sino siya?" Mataray na tanong niya.

Ngumiti ito. "She's Fem. My half sister. Dinala ko siya dito dahil gusto siyang
makilala ni Lucas. May iniooffer na business ang kapatid ko sa kuya mo." Tumango
tango lang siya. Wala pala siyang dapat ipagselos. "At kilala ka niya. Alam niya
ang tungkol sa feelings ko para sayo. At alam ko, she'll be happy kapag nalaman
niyang tayo na."

Pinandilatan niya ito ng mga mata at hinampas sa balikat. "Anong tayo na? Hindi ka
pa nga nanliligaw e."

Ngumisi ito. "Pwede namang to follow iyon diba?"

"Asa ka! Manligaw ka muna."

To be continued...

-------

Sa lahat po ng gusto pa akong inominate sa 2017 Literary Awards here's the link.

http://my.w.tt/UiNb/qDs7p7x9UB

Hindi niyo po iyan maki-click kaya copy paste sa browser. Salamuch po.

Ai:)
Chapter Seventeen

Tinotoo ni David ang sinabi nito kay Cashy na liligawan ang dalaga. Halos araw araw
ay nakakatanggap si Cashy ng bulaklak mula dito. Alam niyang nagtataka na ang kuya
niya dahil minsan na itong nagtanong sa kanya.

Pero ang palagi lang niyang sagot ay galing iyon sa dati niyang kaibigan. They go
out on a date. Nanunuod ng sine at kumakain sa labas.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Pangungulit niya kay David. Galing sila sa Site
kanina. On going na ang renovation ng Cuisine sa Laguna. Humawak siya sa braso
nito.

Nakangiting tumingin ito sa kanya. "Relax cheesecake.. We will get there anytime
soon." Bumugtong hininga nalang siya.

Minsan napapaisip siya. Dapat na ba niya itong sagutin? He's too caring at mabait.
At walang minuto na hindi siya nito napapakilig kahit sa anong bagay. Espesyal ang
nararamdaman niya. Aaminin niya hanggang ngayon ay hinahangaan niya ito. Maraming
bagay at dahilan kung bakit niya ito hinahangaan. Kung noon, humahanga siya dahil
sa mathematical ability nito, sa hitsura at palaging mabango.

Ngayon, pakiramdam niya ay mas malalim pa sa mga iyon. He has something na kahit sa
oagtulog ay napapanaginipan niya.

Minsan, marerealized nalang niya para na pala siyang baliw na ngumingiti dahil
nakatitig siya sa bulaklak na bigay nito. Ang kwarto nga niya'y malapit nang maging
flower room. Punong puno na iyon ng bulaklak na labis nang ipinagtataka ng mga
magulang niya at kapatid.

Hindi niya magawang sabihin sa mga ito na nililigawan siya ni David dahil natatakot
siya sa maaaring maging reaksyon ng mga ito. Especially her Kuya Lucas. Alam niyang
hindi nito magugustuhan ang balitang iyon. "Lipa?" Basa niya ng makita ang malaking
City Hall sa bandang kanan niya. "Anong gagawin natin dito?"

Ginapgap nito ang palad niya. "Diba sabi mo noong isang araw, gusto mong makatikim
ng pinakamasarap na Halo-Halo?" She suddenly felt salivating dahil sa sinabi nito.

Kumain kasi sila noong nakaraang araw sa labas. And ng makakita siya sa menu ng
Halo-Halo ay medyo nadisappoint siya sa lasa. She's not picky pero may lasang hindi
niya gusto. Kaya sinabi niya dito na maghanap sila ng masarap na Halo-Halo.

Dumeretso ang mga mata niya. Tinahak nila ang daan papasok ng Lipa Proper.
Pagdating sa mismong bayan ng Lipa ay napatingin siya sa malaking cathedral na
naroroon. "Gusto mo munang sumimba?" Marahil naramdaman ni David ang gusto niya. He
maneuver the car at pumasok sila sa simbahan. It's Sunday afternoon. Maraming tao
at tingin niya'y patapos na ang misa.

Tumayo silang dalawa sa bandang hulihan. Nakatayo na kasi ang ibang mga naroroon.

"Sinabi ng Diyos sa mga tao. Ang pag-ibig ay parang tubig. Umaagos at bumubuhay.
Hindi nakakatakot ang mag mahal mga kapatid. Bagay na patunay na tayo'y may
damdamin bilang mortal. Nararamdaman mong mahalaga ang isang tao kapag nakakaya ka
na niyang pasayahin sa mumunting bagay. Kapag nakakaya ka na niyang alalayan sa
bawat mong hakbang. Hindi ba't umiibig na ang tawag doon? Dahil may pintig ka nang
nadarama sa tuwing siya'y iyong nakikita." Napatingin siya kay David na nakapikit
at tila nagdarasal. Dumapo ang isang palad niya sa kanyang dibdib. Ang sinasabi ng
paring nasa altar ay eksakto sa kung ano ang nararamdaman niya.
Pumikit siya. Inaalla niya ang mga oras na napapangiti siya kapag naiisip niya ang
binata. Totoo nga. "Hawakan mo ang palad ng iyong katabi. Sabihin mo sa kanya.
Mahal kita. Wag kang magbabago."

Bahagya siyang napapitlag ng gumapang ang palad ni David sa kanyang kamay. Mahigpit
iyong humawak doon. At nang mag angat siya ng paningin ay nakatitig iyon sa kanya.
"I love you.. Always."

Pumikit siya at ninamnam ang sinabi nito. Tila may mga ibong humuhuni sa paligid
niya. They are singing beside her.

Oo... M-Mahal na rin kita.

Noong una ay inisip niyang baka sa isang restaurant sila pupunta. Pero nagkamali
siya. "Palengke?" Takang tanong niya. "Kumakain ka dito?"

"Watch me." Nakatawang sabi nito. Inakay siya nito paupo sa isang mono block chair.
Maraming tao sa kainan na iyon. Napapatingin siya sa paligid. Maraming mga naroon
ang kumakain din. Umalis sa tabi niya si David. "Oorder lang ako ng para sa atin."
Lumapit ito sa maliit na counter na mayroong maliit na estante.

"Oy! Manong Pogi.. Napadaan ka." Narinig niyang bati ng babaing nasa disenuebe
marahil ang edad.

Napakamot ang ulo ni David. "Oo diday. Dalawang special naman please.. Damihan mo
ng gatas ha.. " Sabi niya. Ngumiti ng matamis ang dalagita.

Nakamata lang siya sa mga ito. "Nakita ko may kasama ka. Kasama mo na ba siya? "
Naiintriga siya sa pinaguusapan ng dalawa. Kung mag usap kasi sila ay tila
magkakilalang magkakilala na.

"Ssshh.. Madaldal ka talagang bata ka." Sabi pa ni David.

Tumawa ang dalagita. "Nay! Narito si Manong.. Mukhang nakahakbang na 'Nay!" Sumigaw
ang dalagita mula sa pagitan ng telang tumatabing sa tindahan. Mula doon Ay lumabas
ang isang ginang. "Disyateng bata ito! Napadalaw ka hijo. Ano gang gusto mo?
Nagpabangi ako ng saging sa iyong ka tonyo paborito mo iyon." Tila close na close
si David sa mga iyon.

" 'Nang Marya.. Mamaya ko nalang po kakainin iyong inaalok niyo. MagHaHalo-Halo
muna kami." Sabay lingon sa kanya at kinindatan siya.

Pati ang ginang ay napalingon sa kanya at nginitian siya ng ubod tamis. Alanganing
gumanti siya ng ngiti.

"Siya si Nanay Marya. Yaya ko siya noong nasa Florida pa siya. Simula bata ako siya
na ang nag alaga sakin. Busy kasi lagi si mommy at daddy." Pagkukwento ni David
habang nakain sila. Hindi ito nagsisinungaling ng sabihin nitong masarap ang halo
halo dito. Dahil sobrang sarap talaga.

"Pwedeng isa pa?" Sabi niya sa binata ng maubos niya ang laman ng basong hawak
niya.

Tumango ito. "Nay! Isa pa po!" Sigaw nito. Napalingon naman siya sa paligid. May
mga kadalagahan doon ang humahagikhik dahil napapatingin kay David. Malalandi!
Bulong niya.
Maya-Maya'y lumapit si diday at ibinaba sa harapan niya ang Halo-Halo. "Mas
espesyal po yan ate Ganda." Nakabungisngis na sabi ng dalagita. Nginitian lang niya
ito.

hindi muna niya hinalo iyon. isa isa niyang kinain ang mga sangkap na nasa ibabaw.
She scooped the halayang ube na nasa ibabaw at saka isinubo.

Creeeek! Napaaray siya ng tila may matigas na yelo siyang nanguya.

"Hey!" Mabilis na umalalay si David sa kanya. Ginalaw galaw niya ang dila sa loob
ng bibig at kinuha ang isang piraso ng tissue at saka iniluwa ang tila bato sa
tigas na bagay na naisubo niya.

Pero gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya na mula sa tissue ay tumambad
sa kanya ang isang Blue Sapphire Diamond ring. "Oh My God!"

Nang tumingin siya kay David ay nakangiti ito sa kanya. Kinuha ang singsing sa
Tissue at pinunasan nito bago hinipan. May mga tumitili sa paligid niya. Kasama na
si diday na akala mo'y nanunuod ng nakakakilig na pelikula. "Alam ko kailan lang
ako nagsimulang manligaw sayo. But, i already love you more than seven years ago.
Pitong taon na kitang mahal. Simula noong teenager ka palang hanggang sa nakatapos
ka."

"D-David.." Wala siyang masabi. It's too much.. Too much happiness. Too much Love.

Lumuhod ito sa harapan niya kasabay ng pagtili ng mga taong naroroon. "Ms. Cashy
Marquez.. Will you be my first and last.. Girlfriend?"

Lumakas pa lalo ang hiyawan sa paligid. Kapag ba ganito kasweet ang lalaki?
Tatanggihan mo pa ba?

Hinawakan niya ang pisngi nito at lumuluhang tumango. "Yes.. Yes.. "

To be continued...

-------

I'm starting to unpublished some of my stories. Kaya kung di mabasa. Ibig sabihin
ay unpub na po. Don't worry.. I will post it again. Uumpisahan ko na po kasi ang
editing. Hopefully matapos agad.

Happy reading.
ai:)

Chapter Eighteen(SPG)
Warning: SPG alert. Please be guided by reading this Chapter.

-----------

Chapter Eighteen

"Sa silong ni Kaka may taong nakadapa. Kaya pala nakadapa. Naninilip ng palaka.
Palakabg may buhok. Ngipin ay nakalubog. Ang kulay nito'y itim. Di naman sunog."

Hahaha..

Happy April fools day!

Chapter Eighteen

Sa loob ng lihim na isang buwan nilang relasyon. Cashy was so happy. Walang araw na
hindi sila magkasama ni David. At masasabi niyang napakabuti nitong boyfriend. Kung
saan saan sila pumupunta. Pero hindi na talaga mawawala sa ugali nito ang pagiging
seloso.

Dahil hindi sa party ng mga magulang niya ang naging huling pagkikita nila ni Cent.
Sa katunayan, minsan niya iyon binisita sa opisina nito na labis na ikinagalit ni
David sa kanya. Mabuti na nga lamang at kaya niyang paamuin ang seloso niyang
boyfriend.

Ginapgap nito ang palad niya. "Stop worrying about me cheesecake. Ang importante ay
sasabihin na natin sa kanila ang tungkol sa atin." Tonight. They were planned to
announce their real status and relationship sa pamilya niya.

Gusto niya bago siya makabalik ng Manitoba ay naamin na nilang dalawa ni David sa
pamilya niya ang relasyon niya. Lalo na sa kuya niya. Hindi niya maiwasang mag
alala. Matalik na kaibigan ng kuya niya si David. At hindi niya alam kung ano nga
ba ang magiging reaksyon nito sa kanila. "I can't help it. Paano kung tutulan nila
tayo?" She said. Nag aalala siya.

Dumampi ang labi nito sa palad niya. Habang ang isang kamay nito ay nasa manibela.
Galing sila sa opisina nito. Doon niya ito pinuntahan matapos niyang makipag usap
sa supplier nila. "Ano man ang maging reaksyon nila. Let's just hope na papabor
iyon sa ating dalawa." Sabi nito.

Lihim siyang napadasal na sana ay maging maayos ang kalalabasan ng dinner na ito.
When David finally parked his car next to her kuya Lucas car. Nauna na siyang
bumaba. Hindi na niya hinintay na makababa ito at pagbuksan pa siya. Maliwanag na
maliwanag ang kabahayanan nila.

Last night. Balak na sana niyang sabihin sa mga magulang niya. She saw a little
opportunity last night after they had dinner. Her dad was so enthusiastic last
night because they got a new investors. As well as her kuya na soba ding good vibes
kagabi. So she thought, it will be a very good time para sabihin naman ang sadya
niya. But when she about to say it.

"Madalas yata kayong magkasama ni David ngayon. Ginagabi pa kayo." Lucas said after
he giving her a glance.

She swallowed a big lump in her throat. Bigla ay tila natakot siyang magsalita.
"Lucas.. Hayaan mo na sila. Malalaki na sila. And besides, nagpapaalam naman ang
kapatid mo. And we all trusted David. Alam nating lahat na hindi niya papabayaan
ang unica hija natin." Ani ng kanyang ama na nakayakap sa kanilang ina.

Ibinaba ni Lucas ang kapeng hawak. "It's not that Dad.. I know David. Aalagaan niya
si Cashy. But I'm only worried in.." He paused.

"Na baka nililigawan na pala ni David si Cash? Is it?" Sabat naman ng kanilang ina.
Napatingin siya dito. "David won't do that.. Mahal niya ang kapatid mo bilang
nakababata niyang kapatid. At alam kong hindi gugustuhin ng kaibigan mo na masira
ang pagkakaibigan niyo."

Kaya paano kung hindi sila matanggap ng pamilya niya? Makakaya ba nilang ipaglaban
ang isa't isa? Naramdaman niya ang pagkapit ng kamay ni David sa kanya. Niyuko niya
ang magkadaop nilang mga palad. Gusto niya iyong bawiin dahil baka may makakita sa
kanila. Nasa harapan na sila ng pintuan. "D-David.. " Mahinang bulong niya.

Nanginginig ang mga daliri niya. "Cheesecake.. Relax. We can do it alright? Narito
lang ako." Sabi nito.

Tumango siya at huminga ng malalim. Kasabay ng paghakbang nila ay ang pagbukas ng


pintuan. Pareho silang natigilan ng sumalubong sa kanila ang paningin ni Lucas na
tila biglang nagulat pagkakita sa kanila. Tumitig ito s akanya bago bumaba ang mga
mata sa mga palad nila ni David na magkahugpong.

"K-Kuya.."

"Tol!"

To be continued...

--------

Happy April fools day!

Ito po talaga ang UD. Hehehe


Enjoy.
Ai:)

Chapter Nineteen

"K-Kuya." Lucas narrowed his eyes. He maybe jerk sometimes but he is not a fool.
Alam nito ang ibig sabihin ng isang bagay.

Gusto niyang hilahin ang kamay na hawak ni David pero natatakot siya. Hindi niya
gustong isipin nito na ikinahihiya niyang magnobyo sila.

Her Kuya Lucas Gaze set on their locked hands. Mas humigpit ang hawak ni David
doon. "Pare.. " Humakbang si David patungo kay Lucas habang banayad siyang hinila.

Pero ang madilim na mukha ng kuya niya ang salubong sa kanila. Kinakabahan na siya.
Iba ang tinging ipinupukol nito sa kanila. He know how to read between the lines.

Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ng kuya niya. "K-Kuya.. A.. Ahhm.. K-Kasama ko
si---." Naputol ang sasabihin niya ng hilahin siya nito kay David at ibaling sa
likod nito. Bago pa siya makapagprotesta ay nakita na niyang tumilapon si David sa
lupa. "David!" Dadaluhan sana niya ito pero mabilis na hinawakan ni Lucas ang
palapulsuhan niya. "Stay brat!" Nangilid ang luha sa mga mata niya dahil sa galit
na lumalabas sa mga mata nito.

Tinignan niya si David. May dugo ang gilid ng labi nito. Dahan dahan itong
bumangon. "Tol.. Mag usap tayo please.. "

"Gago ka! Diba sinabihan kita na wag ang kapatid ko?" Malakas na sigaw ng kuya
niya. Hinawakan niya ito sa braso. Pilit niyang pinipigilan ang balak muli nitong
pagsugod kay David.

"Kuya.. " Maiiyak na siya. Lumilikha na sila ng komosyon.

"Pare.. Mahal ko ang kapatid mo.. W-We to tell it to you tonight---." Muling
sumugod ang kuya niya. Nasapak muli nito si david na hindi man lamang lumalaban.

"Kuya!" Nahihintatakutang sabi niya. Humahagos na lumabas si Leah na mukhang


kadarating lamang mula sa eskwela dahil nakauniporme pa.

"Do you think paniniwalaan kita? You asshole! Sinabihan na kita.. I even warned
you.. Bantay-Salakay ka pala!" Nang gagalaiti sa galit na sabi ng kuya niya.

Miski ang mga magulang nila ay mabilis na lumabas ng bahay. Ang kanilang ina na
nakasuot pa ng apron.

"Lucas! David! Bakit kayo nagsasabong ha?" Tanong agad ng kanilang ina.

Matalim na mga matang gumawi ang tingin nito sa kanya bago gumawi muli kay David.
"Wala akong ahas na kaibigan kaya hindi na tutungtong sa bahay na ito ang lalaking
iyan!" Nakakuyom ang kamaong sabi nito.

Si David naman ay nagyuko lang ang ulo. Wala siyang magawa para ipagtanggol ito sa
kuya niya. Dumantay ang kamay ng kanyang ina sa balikat niya. "Mommy... " Umiiyak
na yumakap siya dito.

"Ssshh.. " Hinaplos nito ang buhok niya. Wala siyang kwentang girlfriend. Her
boyfriend was beaten by her brother pero wala siyang nagawa para ipagtanggol ito.
Humarap siya sa ina. "Pigilan niyo si kuya. David didn't do anything bad to me.. He
is my boyfriend!" Lakas loob na sabi niya. Nagsitinginan lahat sakanya. Ang pares
ng mga mata ng kanilang mga magulang. Si Leah na natigilan din. At ang nanlilisik
sa galit na mga mata ng kuya niya.

"Hayop ka!" Napatili sa gulat ang kanyang ina ng sumugod muli si Lucas kay David.
"Lumayas kang ahas ka! Pati kapatid ko tinalo mo!"

Nanlalambot siya sa mga nakikita niyang nangyayari. Hindi sila si Romeo and Juliet
kaya nakakapagisip din na bakit may gusto pang tumutol sa kanila. Mahal siya ni
David at mahal niya ito. Kaya bakit hindi pwede. "Son.. Please.. Huminahon ka.. We
can talk the kids over the dinner please.. Hayaan natin silang magsalita."
Malumanay nasabi ng kanyang ina. Gusto niyang lapitan si David at pawiin ang luha
sa mga mata nito.

Tumingin si Lucas sa kanya. "No... Hindi na papasok sa bahay na ito ang lalaking
iyan. " Sabay duro kay David.

Hinawakan niya ang palad ng kuya niya. Umiiyak na humarap siya dito. Nilakasan niya
ang loob niya para salubungin ang nagbabaga nitong mga mata. "Kuya... I'm sorry..
Wag kang magalit kay David please.. We love---."

"How sure are you na mahal ka niya? He's a womanizer! He bedded a lot of women in
town. Sinasabi lang niya iyan because he wants to jump in your bed." Maling
inaaakusahan nito ang binata pero dapat ba siyang magpadala sa sinasabi nito.

Umiling siya. "Mahal namin ang isa't isa. We are about to tell it naman ngayon
gabi.. N-Naunahan mo lang kami."

His cold stare that beneath through her spine. Ay siyang nagpalunok ng lunok sa
kanya. "Break up with him. At saka matatapos ito."

Namilog ang mga mata niya. Nakasalubong niya ang mga lumuluhang mata ni David.
Umiiling ito. Hindi nito magawang makalapit sa kanya dahil sa kuya niya. Marahil ay
ayaw na rin nitong dagdagan ang galit na nararamdaman ng kaibigan nito sa kanya.

Hindi ko kaya...

To be continued...

--------

#BawalNaPagIbig

Happy reading.
Ai:)
Chapter Twenty

Palinga linga sa paligid si Cashy bago mabilis na tumakbo sa puting Fortuner na


nakagarahe sa parking lot. Hinahapong hinawakan niya ang handle ng pinto at mabilis
na pumasok sa loob.

"I'm sorry.. Nalate ako." Agad na sabi niya kay David na inabutan siya ng isang
bottled water. May usapan sila ngayon na magkikita. Mula ng gabing dapat ay
magtatapat na sila sa pamilya niya. Naging bantay sarado ang kuya niya sa kanya.
Lahat ng puntahan niya ay ito ang naghahatid sa kanya. Hindi na muling nakapasok ng
bahay nila si David.

"It's okay.. Kadarating ko lang din naman." Anito sa kanya. Inabutan siya nito ng
panyo at ipinahid niya iyon sa pisngi at noo niya.

Inihatid siya ng kuya niya kanina sa travel agency. Apat na araw nalang mahigit at
pabalik na siya ng Manitoba. Ipinull-out na ng kuya niya ang investment nito sa
kompanya ni David. Kaya malayong matuloy pa ang project na inumpisahan na nila
nito. Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin ang kuya niya.

Tinakasan lang niya ito kanina. Nang ihatid siya. Hinintay muna niyang makaalis ito
bago siya tumalislis. Hindi siya aalis ng bansa hangga't hindi nila aayos ni David
ang lahat. Nagkaroon ng lost of compilation sa Flight details niya kaya kailangan
niyang iparebook iyon. Sinuhesyon ng kuya niya na personal niyang ayusin ang
pagbobook ng ticket niya kaya siya nakalabas ng bahay.

Mabuti na nga lang at hindi pinakikialaman ng kuya niya ang sarili niyang phone.
Wala naman siyang magawa dahil kahit noong bata pa siya ay hindi niya kayang
sumuway dito. Masyado niyang mahal ang kanyang kapatid para itrato ito ng di tama.
Pero buhay na niya at kaligayahan niya ang pinaguusapan dito. Walang dahilan para
magalit pa sila ni David dahil sa sitwasyon nila.

Alam niyang nasasaktan lang ang kuya niya dahil nagtiwala ito. Gusto niyang ayusin
ang relasyon nito kay David. Gusto niyang makagawa siya ng paraan para ibalik ang
dating pagkakaibigan ng mga ito na nasira ng dahil sa kanya.

Pang unawa ang susi para maayos niya ito. Kung magtatampo o magagalit siya sa kuya
niya dahil kahit matanda na siya'y pinakikialaman pa rin ang buhay niya. Walang
maaayos. Baka tuluyan lang silang masira. Kaya mas pinili niyang unawain at
intindihin ito. "So how's your ticket? Naayos mo ba?" Agad na tanong ng binata
matapos siyang magpunas ng pawis.

Umiling siya. "I sneak out. Hindi ako tumuloy sa opisina ng travel agency." She
said, lazily. Nagtatanong na siya kung kailan sila magiging ganito. Magkikita ng
patago. Nangilid ang luhang tumingala siya sa binata. "I miss you.. Miss you so
much."

Naaawang tumitig si David sa kanya. Hinaplos ng kanang palad nito ang pisngi niya.
"i miss you more cheesecake.. "

Yumakap siya dito ng mahigpit. Why their life need to be cruel? Bakit hindi nalang
sila hayaan? She's already twenty-five years old. Legal na at pwede nang
magdesisyon para sa sarili niya. Pero nakakulong pa rin siya sa manipulasyon ng
ibang tao. "I'm sorry cheesecake... Kung sana nagawa kong aminin noon pa man sa
kuya ang nararamdaman ko bago kita niligawan. You wouldn't be here. Hindi ka sana
nahihirapan at nasasaktan ng ganito ngayon." Nasasaktan siya sa sinasabi nito.
Dahil nasasaktan ito.

"Wala kang kasalanan. Nararamdaman kong matatanggap din ni kuya ang lahat.
Nasasaktam lang din marahil siya." Sabi niya saka mas sumiksik pa siya sa
matitipunong bisig nito. Humaplos sa buhok niya ang palad nito. "He just love you
so much... Kasalanan ko dahil sinira ko ang tiwala niya. Pero hindi ko masisi ang
sarili ko. Because you are not a mistake cheesecake.. Masaydo kitang mahal na ang
kahit pagsisinu galing ay makakaya kong gawin." Madamdamamin na pahayag nito.

Suminghot siya. "Itanan mo na ako."

Doon bumitaw si David sa kanya at pinakatitigan siya sa mga mata. "The least that i
can do cheesecake. Pero hindi ko gagawin yan para lang makasama ka. May mas tamang
paraan. If we run away.. Alam kong aabot lalo sa sukdulan ang galit ni Lucas. At
ayokong pati ang pagiging magkapatid niyo ay maapektuhan ng dahil lang sa akin."

"Iyon nalang ang paraan para makasama kita. Si daddy, mukhang pati siya ay hindi
pumapabor sa ating dalawa. Si mommy naman tahimik lang. Ayoko na nagtatago tayo.
Itakas mo nalang ako."Hikayat pa niya dito.

Hinawakan siya nito sa balikat. "Listen cheesecake.. Kung kukunin man kita iyon ay
kapag mag asawa na tayo. Kapag nakapagpakasal na tayo. Hindi lang ang kuya mo ang
sasaktan natin kapag ginawa natin iyon. Maging sina tito at tita. Papakasalan muna
kita." Bakit ba napakabait ng lalaking ito? Hindi ba siya napapagod na masaktan? Na
mareject?

"Anong plano mo?" Aniya saka muling sumandig dito.

Huminga muna ng malalim si David. "Pormal kong ihihingi ng pahintulot sa pamilya mo


na maligawan kita. Pati sa kuya mo."

Umangat ang mata niya dito. "Paano kung sapakin ka niya ulit? Baka mabangasan ka na
naman ni kuya." Nag aalalang sabi niya.

Ngumiti ito sa kanya at saka dumampi ang labi sa labi niya. "Handa ako
cheesecake.. Ang galing kaya ng nurse ko." Sabay kindat sa kanya.

To be continued...

--------

Sa lahat ng gentleman.. Ito yta ang series na ang pabebe ng kwento.. Naloloka ako.
Hahaha!

Chapter Twenty One


Kahit ipinull-out ng kuya niya ang investment kay David itinuloy naman niya gamit
ang sarili niyang pera. Nanghihinayang kasi siya sa naumpisahan nila ng binata.

Magkasabay silang umalis ng opisina ng kuya niya. Nalaman kasi nito na hindi niya
inasikaso ang pagrerebook ng flight niya pabalik ng Manitoba. Kaya ito na ang
personal na umasikaso niyon.

Iniwan lang siya nito sandali sa Food court. Pumayag naman ang kuya niya. She was
burying herself in her laptop and browsing on internet. Kailangan niyang makahanap
ng mga bagong trends ngayon na interior. Balak nila ni David na kumuha ng interior
designer para sa restaurant. Pero siyempre with her personal touch pa rin. Nang
maramdaman niyang may tumayo sa harapan niya.

"I thought it's not you."Bumungad sa kanya ang mukha ni Cent na masayang nakangiti
sa kanya. Showing his pearly whites. In his arm, he carried his Son who's smiling
at her too.

Agad siyang tumayo at nilapitan ang mga ito. "Hello little handsome.. I'm tita
cash.. " Humuhuni ang bata na tila ba nagpapakilala din sa kanya. "He is smart."
Sabi niy kay Cent.

Tumango si Cent and he smile. "He is." Banayad niyang pinisil ang pisngi ng bata.
"Can i?" Tukoy na niya na kung pwede niyang kargahin ito.

Tumango naman si Cent. Ibinigay nito si Bill sa kanya. "Anong ginagawa niyo dito?"
Aniya dito.

May ipinakitang envelope si Cent. "Galing kami sa Travel agency. We booked our
tickets papuntang LA. Mom and dad are so excited to meet my Son." Masayang sabi
nito. Wala na siyang galit na nararamdaman. Ngayong nakikita niyang masaya na si
Cent. He is very happy, being a father and mother to his wonderful child.

"That's good to hear. I'm sure kawiwilihan nila itong anak mo." Nakangiting sabi
niya.

Tumango ito saka hinawakan siya sa balikat. "I'm sorry nga pala ulit sa ginawa ni
Khloe sayo." He is still apologizing to her. Na dapat ay si khloe ang gumagawa.
Tinapik niya ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya.

"It's okay. Tapos na iyon and isa pa, ako dapat ang mag sorry sayo. Sorry sa ginawa
sayo ni David." sabi niya ito. Ngumiti lang ito sa kanya bago bumitaw.

"Cashy!" Napalingon sila sa kuya niya na naglalakad papalapit.

Tapos na ang issues nila sa isa't isa kaya alam niyang walang gagawin ang kuya niya
kay Cent. "Mr. Marquez.. " Si Cent ang unang naglahad ng kamay sa kuya niya.

Professionally. Tinanggap iyon ng kuya niya. "Mr. Ramirez." Sabi nito. Bago
bumaling sa kanya. "I already made your flight. Makakaalis kana sa isnag araw."
Sabi nito.

"Thanks kuya." Okay lang naman kubg babalik na siya. May trabaho din naman kasi
siyang naiwan doon. May business siyang naghihintay sa kanya. Pero naisip pa rin
niya ang kuya niya at si David. Hindi pa rin naguusap ang dalawa. Pero may plano
sila ni David mamayang gabi. Susubukan nitong kausapin ang kuya niya sa tulong ng
mga kaibigan nila. Sana lang ay pagkatapos ng gabi mamaya ay may magandang
kahinatnan ang lahat.

Tumingin muli ang kuya niya kay Cent. "Good Job Mr. Ramirez. Maganda ang feedback
na nakukuha namin para sa song ad na pinagawa namin sayo." Sabi ng kuya niya. His
voice sounds like a businessman.

Ngumiti Cent saka tumungo. "Salamat Mr. Marquez. I crossed fingers pa nga na baka
magfoul ang composition na iyon."

Bumaling siya sa kuya niya. "Kinuha niyong kompositor si Cent?" Tumango ang kuya
niya. "Mom recommend him."

Natutuwa naman siya na kahit papaano ay nagiging normal na ang lahat. Siguro kung
natuloy lang sila ni Cent sa pagiging mag asawa. Proud na proud siguro ang pamilya
niya. Magkakaroon sila ng musician sa pamilya na may concern sa business.

Pero nakakaproud din naman si David diba?

Sinang ayunan niya ang isip niya. Nakakaproud silang pareho sa magkaibang paraan.
Ngumiti nalang siya at sinubukan itago ang nararamdaman.

"Malandi kang haliparot ka! Akina ang anak ko!" Bahagya siyang nagulat maging ang
kuya niya at si Cent ng hablutin ni Khloe si Bill mula sa kanya.

"Khloe!" Biglang tawag dito ni Cent. Matatalim ang mga matang tumingin ito kay
Cent. "Travel Agency pala ha... Makikipagkita ka pa talaga sa malanding ito."
Sabay duro sa kanya. Napaatras naman siya.

"One more dirty word coming from you and I will sue you." Lucas dangerously said.

Sandaling tumahimik si Khloe. Sumasakit ang ulo niya sa pagiging loka loka nito.
Hindi niya maimagine na bago naging sila ni Cent noon ay nagawa nitong patulan ang
baliw na babaing ito. Humarap ito sa kuya niya. "Kung ayaw mong masabihan ang
kapatid mo na malandi. Pwes, tantanan niya ang mag am ko. Mga makakati!" Pang
iinsulto nito. Gusto na niyang ingudngod ang mukha nito sa malapit na basurahan.
Kung hindi lang siya nag aalala para kay Bill na umiiyak na dahil nasasaktan
marahil sa pagkakakarga ng ina nito.

Hinawakan ito ni Cent sa braso. "Let's go Khloe. You're making a scene again." Pero
di ito nag paaawat. Pumiksi ito. "Bakit ba lagi kang takot na takot na saktan ko
ang babaing ito? Nanghihinayang ka ba na hindi mo 'yan nakatuluyan?"

"Tumigil kana khloe! Kung may malandi man dito. Ikaw yon!" Hindi na siya nakatiis
na wag sagutin ito. Sumosobra na kasi ang pang iinsulto nito sa kanya na para bang
siya ang unang nang agaw.

Nginisian siya nito. "Oh! So ikaw pala ang tingin ko'y nanghihinayang. Bakit
naiinggit kaba na may anak na kami kaya pati anak ko balak mong tangayin?" Namilog
ang mga mata niya dahil sa mga pinagsasabi nito.

Bumulong ang kuya niya sakanya. "Let's go cash.. Baka hindi ako makapagpigil
sasaktan ko ang babaing iyan."

Pero di siya nagpatinag. Tutal mukhang gulo naman ang hanap ng babaing ito
pagbibigyan na niya. "Let me remind you Slut. Bakit hindi ka kaya manalamin at
kausapin mo ang sarili mo. Itanong mo kung bakit may anak kayo ni Cent ngayon.
Maybe makakakuha ng sagot. At alam mo ba kung anong sagot. Kasi lumandi ka. Nilandi
mo ang groom ng iba. Oh diba?" Sinabayan pa niya ng pag taas ng kilay.

Pero imbes na mainsulto ito. Tila nasiyahan pa ito sa ginawa niya. Dahil nginisian
lang siya. "Really? E ano naman kayang mararamdaman mo kapag nalaman mong ang kuya
slash best friend mo ang dahilan ng lahat ng ito?"
Doon siya natigilan. Kilala niya ang tinutukoy nito. Si David. Anong kinalaman ni
David sa usapang ito. Tumawa si Khloe kaya napamata silang lahat dito. "Ask David
his self. Itanong mo sa kanya kung paano niya ako pinakiusapan na akitin ang jowa
mo para hindi matuloy ang kasal niyo." Khloe rolled her eyes. "My God! Anong
ipinakain mo sa lalaking iyon at baliw na baliw sayo. To the point na inisahan ka."

Natigilan siya. Nanlalamig ang mga daliri niya. No. Hindi kayang gawin ni David
iyon.

"Si D-David ang nagframe up sakin?" Nahulasan siya sa tanong ni Cent na nanlalaki
din ang mga mata gaya niya. Ang kuya naman niya'y nakakuyom ang mga kamao.

Uminit ang gilid ng mga mata niya. Hindi ito totoo.

To be continued...

Chapter Twenty Two

Nakakuyom ang mga kamao niya habang patuloy na dumadaloy ang masasaganang luha sa
kanyang mga mata. This day was like a nightmare. Parang lumang kwento sa mga
telenobela.

"Cash... " Naramdaman niya ang pagdantay ng palad ng kuya niya sa kanyang balikat.
Ito ang nagmamaheno ng sasakyan habang tulala lang siya na nakaupo sa passenger
seat.

Hindi matanggap ng isip niya ang lahat. That David was the one who planned to make
her fool. Na gawin siyang katawa tawa sa harapan ng maraming tao. Hindi sa sinasabi
niyang tama ang ginawa ni Cent pero mali na pinaglaruan ang relasyon nila.

Paanong nagawa ni David na lokohin siya ng ganoon? Hindi natuloy ang kasal nila ni
Cent dahil sa kagagawan nito. "You don't have to talk to him. Ako ang kakausap sa
kanya." Ani ng kuya niya na ilang bloke ang layo sa bahay nila ay huminto ito.
David car was parked in front of their gate. Nakatayo ito doon at may hawak na
bulaklak. Hindi siya nagsalita.

Nang akmang bababa ang kuya niya ay pinigilan niya ito. "Ako ang kakausap sa kanya.
I want to know everything. Mula una hanggang dulo." She control her emotions.

Dahan dahan siyang bumaba ng sasakyan at maliliit na hakbang na naglakad siya. Her
kuya Lucas might punch him again kung ito ang hahayaan niyang makipag usap. Mas
lalong di sila magkakaintindihan. All she wants now ay ang malaman niya ang totoo.
Kung totoo ba ang mga paratang ni Khloe sa boyfriend niya.

Nanginginig ang mga tuhod na patuloy siyang naglakad. Malapit na siya sa mismong
bahay nila ng lumingon si David at mabilis na ngumiti sa kanya. Malalaking hakbang
na lumapit ito at saka dumukwang para halikan siya. Pero mabilis siyang umiwas kay
imbes na dumapo sa labi niya ang labi nito ay sa pisngi niya. Kung pwede lang na
kalimutan niya ang araw na ito ay gagawin niya. Lalo pa't maramu silang planong
gagawin ngayong gabi. "I miss you cheesecake." Bulong nito. Pero hindi siya
sumagot. Tikom na tikom ang labi niya. Humakbang siya papalapit sa gate ng bahay
nila. "Is there any problem? May sakit kaba?" Ani ng binata na nasa likuran niya.
Blanko ang mukhang humarap siya dito.

"Tell me, mahal mo ba talaga ako?" Deretsahang tanong niya.

Ngumiti ito sa kanya at bahagyang tumawa. "Ano bang klaseng tanong yan cheesecake?
Of course i do." Ginapgap nito ang kamay niya. "May problema ba? Umiyak ka diba?"
Ipinikit niya ang mga mata at saka iminulat ulit. Iniiwasan niyang maluha sa
harapan nito.

"N-Nagkita kami ni C-Cent kanina." Umpisa niya. Nagkaroon ng mga guhit ang noo nito
dahil sa sinabi niya. David is a jealous Man. At si Cent lang ang nakakapagparamdam
niyon dito. Pero wala na siyang pakialam doon. "We've talked and talked. Until
Khloe came. She humiliating me in front of the public. She call me names. Malandi.
Haliparot. What a shame!" Pigil luhang sabi niya.

Nanliliit siya sa tuwing maaalala niya ang masasakit na salitang lumalabas sa labi
ni Khloe kanina. "Hindi ka malandi at haliparot. If i were there.. Nasampal ko na
ang babaing iyon." David gritting his teeth. Galit na ito.

Pagak siyang natawa. "Good thing, you were not there. Edi hindi sana niya nasabi
ang isang bagay na pilit mong itinatago sakin." Tinignan niya ito sa mga mata.

Naguguluhan ito. "W-What do you mean?"

Mahigpit siyang napahawak sa strap ng bag niya. Natatakot siya sa sarili niyang
galit. Sa sariling bigat ng kanyang dibdib. "N-Na planado ang paghihiwalay namin ni
Cent."

"What? Ang gagong iyon! Bakit gusto ka pa ba niyang balikan? Hell! Hindi ako
papayag! You are mine now!" Bigla ay bulaslas nito. Kung sa ibang pagkakataon ang
sarap kiligin sa mga sinasabi nito. "Pagkatapos ka niyang ipagpalit sa iba."

"Hindi niya ako ipinagpalit." Tugon niya. Bumalatay ang sakit sa mga mata nito.
Nasasaktan ito? Mas nasasaktan siya ngayon. "Is it true? I-Ikaw ba ang nagutos kay
Khloe na akitin si Cent para hindi siya makasipot sa kasal namin at maabutan ko
sila sa ganoong tagpo?" Deretsahang tanong niya.

Nagsalubong ang kilay nito at biglang napayuko. "Sumagot ka!' Doon na lumakas ang
tinig niya. Silence means Yes. "Sabihin mo sa akin ang totoo!" malamig na tanong
niya dito.

May luha sa mga matang humarap ito sa kanya. "I-I'm sorry."

Halos manlambot siya dahil sa sinabi nito. "Ginawa ko lang naman i-iyon dahil..
Mahal kita."

"Do don't know how much i hurt." Umiiyak na sabi niya dito. Tinangka nitong yakapin
siya pero umiwas lang siya. "Don't touch me!" Umatras siya ng ilang hakbang.

"Cheesecake.. Please hayaan mo akong magexplain.. I only did those because ----."

"Kahit kailan walang magiging sapat na dahilan para lokohin mo ang isang tao. Para
saktan. And what would be your reason? Because you love me? Dahil kung mahal mo
talaga ako. Hindi mo iisipin ang bagay na makakasakit saakin." Pareho silang
nasasaktan pero mas may karapatan siyang masaktan hindi ba? Kaligayahan niya ng
napaglaruan dito.
Niyuko niya ang daliring may singsing na galing dito. Marahas niyang hinubad iyon
at ibinigay dito. "We're over."

Saka niya ito tinalikuran. Hindi na niya nilingon ito kahit pa patuloy na tinatawag
ang pangalan niya. She was hurt and deeply humiliated by the lies he told about
her. At mananatiling nakatataktak sa isip niya ang mga kasinungalingan nito na
pinaniwalaan niya.

To be continued...

---------

GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe


Will be posted soon..

Chapter Twenty Three

Inayos niya ang pagkakapatas ng mga damit niya sa Maleta niya. Iisang Maleta lang
naman ang dala niya pauwi dito sa Pilipinas. Bukas na ang alis niya. Tumawag kagabi
si Dioann sa kanya. Nagkakaproblema daw sa permit na inaasikaso nito. Wala kasing
authorization paper niya.

Suminga siya sa tissue na hawak at saka ibinato iyon sa trash can na nasa tabi
niya. "Can i come in?" Napalingon siya sa pintuan ng masilayan ang kanyang ina.
Mabilis siyang tumango at hinawi ang ilang damit niyang nagkalat sa gitna ng kama.

Her Mom sat and smile at her. "How are you darling?" Tanong nito. Binitiwan niya
ang isang damit na hawak at saka mabilis na yumakap dito at saka doon nagiiyak.
"Ssshh... Hush now darling. " Hinaplos nito ang buhok niya. "I know you still love
him. Nagkakaganyan ka lang dahil sa pagsisinungaling niya sayo." Lumuluha siyang
humarap sa ina.

"A-Ang sakit sakit kasi mommy... " Pinahid nito ang luha niya. "I know.. I know..
May mga bagay talagang mas masakit kapag ang mga mahal natin ang nagdulot niyon.
Naaalala ko noong teenager ka palang. You always steal glances to him whenever he's
around. Noon pa man nasabi ko na sa sarili ko. My daughter have a crush to her
kuya's bestfriend. Nahuhuli pa kitang nakatulala kapag kinakausap ka niya."
Pagkukwento ng kanyang ina. David was her first crush.

Nahihiyang tinignan niya sa mga mata ang ina. "A-Alam niyo?"

Tumawa ito. "Of course Darling. I am your mother. Sa akin ka nang galing. Kahit
hindi mo man sabihin alam ko kung ano ang laman nito." Sabay turo sa kaliwang
dibdib niya. "Why don't you give him a chance to explain. Alam ko may malalim
siyang dahilan kung bakit nagawa niya ang bagay na iyon. Anak, hindi naman sa lahat
ng pagkakataon ay ang umiwas at tumakas ang solusyon. Mas mahalagang harapin kung
ano ang nasa kasalukuyan."

Pinahid niya ang luha. "I love him mom.. That's why i.. Pero paano ko hahayaang
pakinggan ang lahat kung pakiramdam ko kasinungalingan kang ang nararamdaman niya?"
Hinawakan ngkanyNg ina ang kanyang palad at idinikit iyon sa dibdib niya.

"Pakinggan mo ito anak. Hindi ka niya lolokohin o pagsisinungalingan. Natatandaan


mo ba noong mga bata pa kayo ng kuya mo. You always caught me and your dad,
nagtatalo palagi kami. I'm always mad at him dahil selosa ako at tamang hinala. He
mostly, i mean palagi siyang wala. Ang ang reason niya ay may business trip.. Blah!
Blah! Blah! One time may common friend kaming nakapagsabi sa akin that she saw my
husband on that certain place. Ako naman, dahil umiral ang kakitiran ng utak ko.
Sinundan ko siya. Sari-sari ang naiisip ko. Na baka nambabae ang daddy niyo o baka
may binabahay nang babae. Nang mapuntahan ko ang address na sinabi sakin. Isang mag
iina ang inabutan ko doon. Wala ang daddy niyo. I still remember how i accused that
woman being a mistress. Iyak siya ng iyak sa harapan ko. Na nagkakamali lang daw
ako ng hinala. That night, when i came back home. Inabutan ko na sa bahay ang daddy
niyo. Again, we argued. Hanggang sa sinabi kong maghiwalay na kami. Sorry siya ng
sorry. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. My mind is in chaos. Na
hindi ko na alam kung ano ang pakikinggan ko. Week after, nagpakita yung babae
sakin. Returning all my husband things that left in her apartment. At sinabi pa
niyang, Mrs. Marquez pakisabi naman po kay Sir na maraming salamat. Nalaman kong
battered wife pala siya. That she's one of your dad employee na narescue niya. Na
kaya pala itinatago ng daddy mo ay dahil hindi pa nausad ang kaso niya laban sa
sariling asawa. I almost lost in my own humiliation. Na ako pala ang mas kahiya
hiya. That i accused your dad infidelity. Hindi niya ako niloko. Hindi lang siya
makakuha ng tiyempo na sabihin sa akin because he's protecting our family." Mhabang
kwento ng kanyang ina.

"Mahal na mahal kayo ni dad. Mom.. At saksi kami ni kuya doon." Aniya.

Tumango ang kanyang ina. "I know that darling.. Kaya wag kang gumaya sakin. Kung
mahal mo siya, gaano man kasakit ang ginawa niya titiisin mo mapakinggan mo lang
ang paliwanag niya. Dahil ganoon ang pag ibig anak. Marunong makinig."

"Hindi kayo galit sa kanya? Kayo ni dad?"Tukoy niya kay David. Umiling ito. "David
is a good man. Pinatunayan niya iyon sa pagpapahalaga niya sayo. That he care for
you more than he care for his self." Ngumiti ito sa kanya saka hinawi ang ioang
hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. "Kung iniisip mo ang kuya mo.
Naniniwlaa akong matatanggap niya ito. Mahal ka niya. At mahal ka lang niya kaya
siya masasaktan ng ganoon. At gaya niya, mahal ka lang namin."

To be continued...

Chapter Twenty Four

"You can't blame Lucas pare, kapatid niya ang tinalo mo." Raphael tried to reach
his pre-occupied mind.

Nilaklak niya ang alak sa bote. Galit na galit si Cashy sa kanya. At maging ang
galit ni Lucas ay mas lalong nadagdagan.

"I'm a fool.. I shouldn't do that." Bulong niya. Dumantay sa balikat niya ang palad
ni Raphael.

"Nangyari na Pare, hindi mo na kailangan pang sisihin ang sarili mo." Pagpapaunawa
nito sa kanya.

Maling mali ang ginawa niya. Maling mali, dahil hindi niya naisip na masasaktan
niya ng ganoon katindi ang babaing mahal niya.

"And what would i get from you kung gagawin ko nga ang ipinapakiusap mo?" Khloe
crossed her legs. Revealing her smooth white skin.

Iniwasan niyang mapatingin doon. Hindi iyon ang dahilan kaya sila nagkita. "You can
have Cent again..."

Humalakhak ito. "You are desperate!"

Kumunot lang ang noo niya. "Yes i am. Ilang araw nalang at ikakasal na sila. I
can't stand there seeing her habang ikinakasal sa lalaking iyon." He said.
Nakakuyom ang mga kamao niya. He's hurt.

Tumayo si Khloe at humarap sa kanya. "Poor lover boy. Paano kung magtagumpay ka
ngang paghiwalatin sila. Pero hindi pa rin ikaw ang mahal niya. What would you do?"

"I will earn it. Matutunan din niya akong mahalin."

Isa siyang malaking tanga. Thinking na masusunod lahat ng plano niya noon. Nasaktan
niya si Cashy ng sobra sobra ngayon. Napatingin siya sa singsing na hawak niya.
It's over now. Hindi na niya namalayang napaiyak na pala siya.
Nagawa lang naman niya ang bagay na iyon dahil sa sobrang pagmamahal niya sa
dalaga. "I'm such a jerk. Kahit lumuhod ako sa kanya ngayon hinding hindi na niya
ako pakikinggan." Malungkot na saad niya.

"Just give her a time pare.. Nasasaktan pa siya ngayon." Niyuko niya ang boteng
hawak. Kitang kita niya doon ang repleksyon niya. Sira. Sirang -sira. "Si Lucas...
"

Narinig niyang sabi ni Raphael. Lucas was his best of friends. Kaya isa pa sa
masakit sa kanya na pati ito ay ayaw na rin siyang pakinggan. Pagak siyang natawa.
"Lucas won't help me. Sukdulan ang galit noon sa akin."

"No pare.. He's here!" Sabay silang lumingon. Nakita nga niya si Lucas. Papalapit
sa pwesto nila. Handa na siya kung sakaling sasaktan na naman siya nito ulit.
Kulang pa ang mga suntok nito kumpara sa ginawa niya sa kapatid nito. Kulang pa ang
mga iyon. Dahil isa siyang malaking gago at tanga. "L-Lucas!"Bati ni Raphael.
Marahil ay naaamoy nito ang galit ni Lucas.

Bumati si Lucas kay Raphael bago bumaling sa kanya. "Magusap tayo." It's cold and
firm. Iyon ang unang pagkakataon na binigyan siya nito ng ganoong tono.

Tumingin siya dito. Bago kay Raphael. "Hey.. Guys.. Kung magsasapakan lang kayo
pwede---."

Lucas cut him off. "Maguusap lang kami Raf."

Nauna itong humakbang palabas ng Bar. Sumunod siya dito. Huminto ito sa parking
lot. May mga taong naroroon. Pagkahinto nito sa tapat ng sasakyan nito ay noon ito
humarap sa kanya. At saka lumipad ang kamao nito sa kanya. Sumadsad siya sa lupa
pero hindi siya lumaban. "That's for fooling me." Ibinangon siya nito at muling
tumama sa panga niya ang kamao nito. "And that's for hurting my sister and making
her cry." Nagtilian ang mga taong naroroon partikular ang mga kababaihan. Mabilis
na dumalo ang mga kaibigan nila lalo na si Abel at Tobias na siyang may ari ng bar.

Inawat ng mga ito si Lucas. "Chill pare.. " Narinig niyang sabi ni Abel. Marahas
nitong inalis ang kamay at saka lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kwelyo ng
damit niya. "Noong binalalaan kita. Malinaw na babantayan mo lang ang kapatid ko.
Alam mo bang gustong gusto kitang tirisin ngayon. Pero dahil mahal ka ng kapatid ko
hindi ko 'yon gagawin. Hindi ko daragdagan ang sakit na nararamdaman niya ngayon."
Tila ibon na nabuhayan siya. Mahal siya ni Cashy? cheesecake.. Naibulong niya.

Padaskol siyang binitiwan ni Lucas dahilan para sumadsad siya. Sa isang suntok pa
nito saka siya muling kinausap. "Do.you.love.my.sister? Do you fucking love her?"
Sigaw nito sa kanya.

Pagak siyang napangiti. "I love her.. More than what you think. "

Lucas eyes are burning in madness. "Kung mahal mo talaga siya. Bumawi ka sa kanya.
Alisin mo ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Dahil kung hindi... I will use all
my strength para mailayo ko siya sayo." Bumaba ang mga mata nito sa relong hawak.
Ang alam niya'y hating gabi na. "Eight in the morning ang flight niya pabalik ng
Manitoba. I'm giving you five hours para ayusin ang sarili mo at bumawi ka sa
kapatid ko."

Nabuhayan siya ng loob. Ibig bang sabihin nito ay tanggap na siya nito para kay
cash? "Pero wag mong bigyan ng ibang kahulugan ito. I'm only doing this for my
sister. Mahal ko siya at ayokong nasasaktan siya."

Kahit hindi para sa kanya. Sapat na. Kahit para nalang sa babaing mahal niya.

To be continued...

Chapter Twenty Five

Forty-Five minutes before Eight ng umaga. At heto pa rin sila sa traffic. Her dad
and her mom joined her para ihatid siya sa airport. Hindi nakasama ang kuya niya
dahil may early meeting daw ito. Pero nangako naman ito na bibisitahin siya doon.
Sanay naman na siya. Hindi ito ang unang pagkakataon na aalis siya. Nasa Manitoba
ang buhay niya.

Ang daddy niya ang siyang nagdadrive ng sasakyan. "Dad.. Bakit po ba trapik?" Nasa
kalagitnaan sila ng Ortigas. Oo at lagi ngang trapik dito. Dito nga lang daw may
Poreber. Forever trapik. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at kanya kanyang
busina ang mga sasakyan na naroroon na naipit din sa kalsada.
Mag iisang oras na silang nakatigil doon pero kahit isang sasakyan ay hindi man
lang umuusad. "Maybe i should see what's happening there." Sabi ng daddy niya sabay
turo sa bandang unahan kung saan may mga kumpulan ng mga tao ang naroroon. Ang ilan
ay bumababa pa ng sasakyan para makiusyoso. Sinundan lang niya ng tingin ang amang
naglalakad kasabay ng mga kapwa motorista. "Mom is everything alright? Kanina ka pa
parang masama ang pakiramdam." She said. Nakasandal kasi ang kanyang ina.

"Yes, darling medyo inaantok pa siguro ako." She sighed.

"Sinabi ko nman sa inyo na wag niyo na akong ihatid. Kaya ko naman e." Sabi niya
saka bahagyang dumukwang mula sa back seat at humalik sa pisngi niyo.

"I'm going to miss you darling.. " Malambing na sabi ng kanyang ina. Ngumiti lang
siya. "Me too Mom."

Bumaling ito sa labas ng sasakyan ng makitang may mga nagtatakbuhang mga tao. "Hey!
Ang daddy mo? Hindi pa siya bumabalik." Sabay silang bumaba ng sasakyan at saka
naglakad. Pagdating nila sa tapat ng Virgin Mary shrine sa EDSA. Bumulaga sa kanila
ang mga kabataang nakahiga sa kalsada. Planking? Protesta? Para saan?

Kaya pala hindi umuusad ang mga sasakyan ay dahil nakabaraa ng mga kabataang ito na
nakahiga sa kalsada na may iba't ibang posisyon.

"May kilos protesta yata." narinig niyang sabi ng kanyang ina. Napatingin siya sa
relo niya. Malelate na siya.

"Mom.. I think i need to take a cab. Maiipit lalo tayo dito." Aniya.

"Pero ang daddy mo." pigil ng kanyang ina.

"Kayo nalang ang mag sabi sa kanya. As soon as i arrived tatawag ako agad." Bilin
niya. Humakbang siya ng ilang hakbang nang may tatlong motorsiklo naman ang
humarang sa kanya. Jesus!

Nagpaikot ikot ang mga motor na iyon sa harapan niya. Hanggang sa palibutan siya.
Kinakabahan na nagpalinga linga siya sa paligid. Wala man lamang lumalapit sa
kanya. Bagkus, kinukunan siya ng video! Nagawa pa siyang video-han samantalang
pinalibutan na siya ng mga goons! Goons? Saka lang niya napansin na wala pala
silang helmet at doon niya mga nakilala ang mga ito.

"Kuya Raf? Kuya Mat? K-Kuya Job?" panay nakangisi sa kanya ang mga kaibigan ng kuya
niya. Anong nangyayari?

Napatingala naman siya sa foot bridge ng may mga magtilian doon. Right up the foot
bridge is David. Standing there. Nangilid ang luha sa mga mata niya lalo na ng
makitang paga ang kanang mata nito'y may mga pasa sa mukha. Mukha siyang sinalvage
na maswerteng nabuhay pa. Hindi niya alam kung paano siya nakaakyat sa foot bridge
at ngayo'y nakatayo sa harapan nito. "Late na ba ako?" Malumanay nitong tanong.

Bumaba ang mga mata niya sa suot niyang relo. "Ten minutes past eight. Late na ako
sa flight ko." Aniya. Kagabi lang niya narealize na hindi nga tamang tumakbo siya.
Pero may mga dapat muna siyang unahin bago ang sarili niya.

"I'm sorry.. I'm for all the tears and trouble that i've caused to you. Hindi ko
naman sinasadyang saktan ka. I swear i never meant to hurt you.. Ginawa ko lang
naman ang lahat ng iyon dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo. I'm sorry... "
Pinahinto niya ito. "Ssshh.. Naiintindihan kita. Nakausap ko na si Khloe and she
already apologized to me. Sinamahan siya ni Cent. And believe me, hindi galit si
Cent sa ginawa mo. Na kung hindi daw dahil doon, walang Bill sa buhay niya ngayon.
Cent love his Son so much."

Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito dahil sa luha. "I'm really sorry..
Natakot lang ako na baka kapag nakasal na kayo ni Cent ay lalo lang akong mawalan
ng pag asa."

"It doesn't matter now, I'm sorry din kung hindi muna kita pinagpaliwanag. Natakot
ako na baka pati ang pagmamahal mo'y kasinungalingan lang din pala." Lumapat ang
hintuturo nito sa labi niya.

"You have no idea how long I've loved you. Na araw araw ay nagsisimba ang sa
baclaran para lang ipagdasal na sana ay bumaliktad ang mundo. Na mapunta ako sa
sitwasyon ni Cent. Na sana ako ang mahal mo at hindi siya." Tuluyan nang tumulo ang
luha nito. Is seeing a guy crying is really a good thing? Kasi pakiramdam niya
kinikilig siya.

Siya na ang humawak sa palad nito. "I'll tell you a story. Once a upon a day,
there's a little princess who has a crush on her prince brother friend. That guy is
conceited, arrogant, bull headed and snob. Pero sa paglipas ng mga araw, marami
siyang natuksan dito. That guy is not really what she thinks. He is intelligent,
hardworking and kind. Na papangarapin ng kahit na sinong prinsesa. But that guy is
so much playboy. Na laaht ng babae yata sa lugar nila ay girlfriend niya. Sinubukan
ng prinsesa na ibaling sa iba ang atensyon niya. And she succeeded. Nagkagusto siya
sa iba. Nagmahal, nasaktan at nagmahal ulit. The weak cycle of love. Pero kahit
ganoon, narealized niyang iisa pa rin pala ang gusto niya. She's madly in love with
you. I'm crazily in love with you." Pag amin niya.

Hinawi nito ang ilang buhok na tumabibg sa mukha niya. "I'm head over heels in love
with you cheesecake." Akmang bababa ang labi nito sa kanya ng may maalala siya. "S-
Si kuya? Paano kung magalit siya?" Nagaalalang tanong niya.

mabining ngumiti ito sa kanya. "Hindi na siya magagalit. Siya ang nagbigay ng
pangalawang pagkakataon sa kin para bumawi sayo. Kaya hindi ko siya bibiguin."

Yumakap siya dito. Pero agad din itong kumalas ng may dukutin sa bulsa niya. Ang
singsing na isinauli niya dito. "Look down." Utos nito. Tumingin siya sa ilalim ng
foot bridge at ganoon nlang ang panlalaki ng mga mata niya. Ang mga kabataang
nakahiga sa kalsada.

Will you marry me? Basa niya. Kaya pala iba't iba ang pwesto at posisyon nila. May
ibig sabihin pala iyon. Nang tumingin siya kay David ay nagtatanong ang mga mata
nito. "Yes!" Mabilis na sagot niya at saka siya yumakap dito. "I love you... "

"I love you too.. Cheesecake." Palakpakan at hiyawan sa paligid ang bumuhay lalo sa
Kanila. Mula sa di kalayuan ay ang kuya niyang nakangiti sa kanya. Her kuya Lucas
know what things will make her happy. Kahit pa nasasaktan ito. Soon, alam niyang
mAayos din ang relasyon nito kay David at babalik ang mga ito sa dati bilang
mabuting magkaibigan. Sa ngayon, they only have each other para iparamdam ang
pagmamahal nila sa isa't isa. Her mom was right, love knows how to listen. Na kung
hindi ka matututong makinig. Hindi ka magiging masaya.
End.

---------

My biggest thanks for everyone who enjoy this series. Salamuch po na kahit OA ako e
pinagtitiyagaan niyo. Let's wait for the epilogue.

Up next :
GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe

Epilogue

She slowly open her eyes. Puting kisame ang bumungad sa kanya. She smells the
medical odor around the room. Alam niya kung nasaan siya. Kinapa niya ang IV fluid
na nakakabit sa kanya.

She's still remember what happened earlier. Sumakit ang tiyan niya. At ng pumutok
ang panubigan niya. Alam niyang manganganak na siya. At hindi nga siya nagkamali.
She immediately call her husband. And when David came down. Doon na halos mawalan
siya ng ulirat. Their child is excited to came out. Nararamdaman niya.

"Hi, cheesecake." She saw her husband. Nakatayo ito sa gilid ng kama. Nakangiti sa
kanya. Humalik ito sa noo niya. One year ago, pagkatapos nilang ikasal. Unti unting
naging maayos ang lahat sa kanila. David made all his efforts para mapatunayan sa
kuya niya na hindi ito nagkamali na tuluyan siyang ipaubaya. At ang alam niya,
kasama ng asawa niya ang kuya niya kagabi. They had a very good time together.
Lasing pa nga ang asawa niya ng umuwi sa bahay nila kagabi. Panay ang kwento nito
kung ano ang ginawa nila ng kuya niya kagabi.

At kanina ngang hating gabi ay isinugod siya sa ospital. "H-Hello where's our
baby?" Namamaos na tanong niya.

Kinuha nito ang kamay niya. "Thank you. Thank you for giving me a wonderful
babies."

Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi nito. "Babies?"

Dinama ng pisngi nito ang palad niya at saka ngumiti muli sa kanya. "We have twin
cheesecake. A very beautiful babies." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. It's
a surprise. Noong nagdadalang tao siya. They skipped the ultrasound method para
malaman ang gender ng baby nila. Gusto kasi nilang malaman kapag nakapanganak na
siya. Pero ang isiping kambal pala ang anak nila ay sobra sobrang saya.

Kaya pala sobrang laki ng tiyan niya noon. "N-Nasaan sila?" Punong puno ng
excitement sa tinig niya.

Ngumiti ang asawa niya. "Dadalhin na sila ng nurse dito. Our parents are so excited
to meet our babies. Tumawag si mommy and daddy kanina. Darating sila tomorrow. And
about mama and papa, kanina pa sila sa nursery." Mama at papa ang tawag nito sa
mommy at daddy Niya.

"What about kuya? Dumating din ba siya?" Banayad na tumango ang asawa niya. "He
already saw our babies. At Kanina pa niya ipinagmamalaking kamukha niya ang mga
anak natin." Napatawa siya sa sinabi ng asawa niya. Si kuya talaga...

"Okay! We're here!" Narinig nilang sunod sunod na tinig. Unang bumungad Sa kanya
ang knyang ina na may kargang baby na nababalot ng puting lampin. Ang sumunod ay
ang daddy niya na may karga din.

Nagmalibis ang luha niya. It's true. May anak na sila. "Congratulations anak.. "
Bating sabay ng mga magulang niya.

Kasunod ang nurse na inassist sila para ibaba sa kanyang tabi ang mga sanggol.
"They're all beautiful.. " Anas niya.

"Just like you.. " Bulong ni David sa tuktok ng ulo niya.

Hinaplos niya ang pisngi ng dalawang sanggol. Tila nagigising ang mga ito. Pilit
hinahabol ang daliring ipinamhaplos nila. "Mrs. Tyndale kailangan na po nilang
mabreastfeed." Tila nakakaunawang lumabas ng silid ang mga magulang niya at ang
kuya niya. Naiwan ang kanyang asawa.

"Wala pa silang pangalan." Sabi niya habang nililislis niya ang damit. Lalaki at
babae ang anak nila. Nagkatinginan silang mag asawa ng sunggaban agad ng lalaking
sanggol ang dibdib niya.

"He is hungry.. " Natutuwang saad ni david. Nangmagsawa ito ay ang anak naman
nilang babae ang kinarga niya. Gaya ng kakambal nito. Mabilis itong sumuso sa
kanya.

"Nakakatuwa sila.. Parang mga anghel." Hinawi ng nurse ang kurtinang tumatabing sa
bintana at pumasok ang magandang sikat ng araw. Nagkatinginan silang mag asawa.

"Sun.. "

"Light.. "

Sabay nilang tinawanan ang sarili. Nilingon niya ang anak na lalaki. "Siya si
Lumiere.. Our light.. "

Kinarga ni David ang sanggol na babae. "And this is our baby Soleil, our Sun."

Kinarga niya si baby Lumiere. "Hmmm.. Bagay sa kanila ang mga pangalan nila.
Lumiere at Soleil."

Sumandal siya sa dibdib ngkanyang asawa habang nakatanaw sila sa papasikat na araw.
Her life is complete now. May asawa at mga anak. Ano pa nga bang hihilingin niya?
Hindi naman pala kailangang mahaba ang kwento niyo para masabing kayo ang para sa
isa't isa. Hindi rin mahalaga kung saan kayo nagsimula. Dahil may mga bagay
talagang nagsisimula sa wala. At ang wala na iyon ang unang pupuno sayo para
magkaroon ng saysay at dahilan ang buhay mo. Life is a cycle of mistakes and lies.
Pero kung mananatili ka sa isang tabi at hindi ka sasabay sa ikot ng buhay. Doon ka
talaga hihinto. Doon ka mas masasaktan and sa huli, you will get regret because you
lose all your time to make your life, worth living.
---------

Marami pong salamuch salahat ng sumubaybay. Hanggang sa muli.

GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe


Posted already!

You might also like