You are on page 1of 10

ANG BIODIVERSITY NG ASYA

guide Card
Alamin

Naranasan mon a bang manghuli ng tutubi sa daan o kaya sa malawak na damuhan?


Napagmasdan mo ba ang isang paruparo habang ito ay lumilipad o papalit-palit sa mga bulaklak?
Naririnig mo pa ba ang mga huni ng ibon sa labas ng bintana mo? O baka naman puro mobile
legends o game app nalang sa cellphone ang inaatupag mo maghapon at hindi mo man lang
mabigyan ng halaga ang mga nasa paligid mo? Tama ba?
Ngayon sa araling ito ating bibigyan pansin ang mga katangi-tangi anyo ng lahat ng may
buhay na bumubuo sa natural na kalikasan ito ang biodiversity ng Asya.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya

LAYUNIN
 Naibibigay ang kahulugan ng biodiversity.
 Natutukoy ang mga dahilan ng pagkawala ng biodiversity sa Asya.
 Nakapagmumungkahi ng mga paraan o hakbanging upang mapigilan ang pagkawala ng
biodiversity sa Asya.

Subukin

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

HANAY A HANAY B
A. BIODIVERSITY
B. DEFORESTATION
C. DESERTIFICATION
D. ECOLOGICAL BALANCE
E. GLOBAL CLIMATE
___1. Sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat. CHANGE
___2. Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos F. HABITAT
na tubig sa isang lugar. G. HINTERLANDS
___3. Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. H. OZONE LAYER
I. RED TIDE
___4. Pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang J. SALINIZATION
tuyo. K. SILTATION
___5. Pagiging maalat ng tubig.
___6. Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at
ang kanilang kapaligiran.
___7. Pagkaubos at pagkawala ng mga punungkahoy sa mga gubat.
___8. Malayo sa mga urbanisadong lugar.
___9. Ito ay ang pagbabago o pagtaas ng katamtamang temperature.
___10. Nangangalaga sa mga bagay na may buhay mula sa masamang
epekto ng radiation.

ANG BIODIVERSITY NG ASYA

1
Balikan

Katangi-tangi ang mga likas na yaman sa mga rehiyon ng Asya. May rehiyon na maraming
yamang mineral habang ang iba ay may matabang lupa na angkop sa pagtatanim. Mayroon naman
natatabunan ng makakapal na kagubatan. At ang iba a mayaman sa pagkain dagat. Lahat ng mga
likas na yaman ay nakakapagbigay pakinabang sa mga tao na nagiging daan upang magkaroon ng
ugnayan ang tao sa kanyang kapaligiran.

GAWAIN 1: Bumuo ng informative retrieval chart tungkol sa mga pangunahing likas na yaman sa Asya. Isulat
ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

REHIYON BANSA PANGUNAHING LIKAS NA


YAMAN
HILAGANG ASYA
TIMOG ASYA
KANLURANG ASYA
SILANGANG ASYA
TIMOG-SILANGANG
ASYA

ACTIVITY CARD

Tuklasin
MAGKAUGNAY
– JOEY AYALA
Lupa, laot, langit ay magkaugnay
Hayop, halaman, tao ay magkaugnay
GAWAIN 2: Basahin o awitin
CHORUS
ang “ Makaugnay” ni Joey Ang lahat ng bagay ay magkaugnay
Ayala. Pagkatapos suriin ang Magkaugnay ang lahat

nilalaman nito sa pamamagitan Tayo ay nakasakay sa mundong naglalakbay


Sa gitna ng kalawakan
ng pagsagot sa mga sumusunod Umiikot sa bituin na nagbibigay-buhay
Sa halaman, sa hayop at sa atin
na tanong.
CHORUS
1. Aling bahagi ng awit ang Ang lahat ng bagay ay magkaugnay
Magkaugnay ang lahat
pumukaw nang lubos sa
iyong pansin?Bakit? iisang pinagmulan
iisang hantungan ng ating lahi
Kamag-anak at katribo ang lahat ng narito
2. Ano ang mensaheng nais Sa lupa, sa laot at sa langit

ipabatid ng awit? CHORUS


Ang lahat ng bagay ay magkaugnay
Magkaugnay ang lahat

Lupa, laot, langit ay magkaugnay


Hayop, halaman, tao ay magkaugnay

CHORUS
Ang lahat ng bagay ay magkaugnay
Magkaugnay ang lahat

ANG BIODIVERSITY NG ASYA

Suriin
2
Gawain 3: Suriin at tukuyin ang mga sumusunod na larawan. Pagkatapos ay pag-ugnayin ang mga ito.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.

3.

2.

Pagtuunan ng pansin ang babasahin sa ibaba at sagutin ang mga gawain.

ANO ANG BIODIVERSITY???


Ano ang biodiversity? Ang bio(buhay) diversity(pagkakaiba-iba) – ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba at
katangi-tangi ng bawat organismong matatagpuan sa ating daigdig. Kinakatawan nito ang lahat ng may buhay
gaya ng hayop, halaman, fungi at mga microorganism. Saklaw din ng biodiversity ang tinatawag na ecosystem
gaya ng kagubatan, kabundukan, ilog, karagatan at maging ang mga kapaligirang gawa ng tao tulad ng mga
bukirin o sakahan. Ang ecosystem ay binubuo ng kombinasyon at ugnayan ng mga buhay na organism at mga
di-buhay na bagay sa paligid tulad ng lupa, tubig, sikat ng araw, klima at iba pa. Susing usapin ang
kombinasyon at ugnyan nito sa pananatili ng biodiversity. Ibig sabihin ang pagkawala o pagkasira ng isang
bahagi ay maaaring magdulot ng pagkawala o pagkasira ng isa o higit pang bahagi. Ito din ay tinatawag na web
of life o sapot ng buhay kung saan nakasalalay ang timbangan ng kalikasan. Mahalaga ang pangangalaga sa
biodiversity. Ito ang nagtitiyak na meron tayong mapagkukunan ng pagkain, panggatong, tela, hilaw na
materyales para sa gamot, masisilungan at marami pang batayang pangangailangan. Ang biodiversity ang
nagtatanggol sa atin laban sa baha, tagtuyot at pagguho ng lupa. At nagtityak na meron tayong sariwang hangin
na malalanghap. Sa biodiversity nakasalalay ang seguridad at kabuhayan natin bilang tao.
*https://www.youtube.com/watch?v=Z5clNWbRp6I&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkXM&index=2

ANG BIODIVERSITY NG ASYA

ENRICHMENT Card

Pagpapalalim

GAWAIN 4: Sagutin ang mga sumusunod na tanong base sa pagsuri mo sa iyong binasa tungkol
sa biodiversity.
1. Ano-ano ang kumakatawan sa biodiversity?
2. Ano ang bumubuo sa ecosystem?
3. Bakit mahalaga ang pangangalaga sa biodiversity?
3
KARAGDAGANG KALAMAN
Ang Biodiversity ng Asya at ang Pagkawala Nito
Habang ang mga bansa sa Asya ay patuloy na papunta sa kaunlaran, kasabay din
nito ang pagsulpot ng mga suliraning ekolohikal at pangkapaligiran bunsod ng hindi
mapigilang pag-unlad ng ekonomiya at ang patuloy na paglaki ng populasyon. Ang mga
bansang Asyano ay humaharap sa masalimuot na interaksyon ng mga isyung panlipunan,
politikal, ekonomiya at pangkapaligiran. Ang masusing ugnayan ay ang pagbabalikatan ng
bawat isa sa loob ng isang bansa, at sa pagitan ng bawat bansa ay mahalaga upang
makapagbalangkas at makapagpatupad ng angkop na solusyon sa mga suliraning ito.
Ang Asya bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo at itinuturing ng
pinagmumulan ng global biodiversity. Ngunit salungat nito, ang Asya mismo ang
pinakamabilis na nakapagtala ng pagkawala ng biodiversity.
Mga Dahilan ng Pagkawala ng Biodiversity sa Asya
1. POLUSYON – ang pagiging kontaminado ng kapaligiran. Halimbawa ay ang
radioactive waste ang pagkalat nito ay maaaring magdulot ng malaking pinsala sa
biodiversity ng isang lugar.
2. INDUSTRIAL WASTE – ang pagkalat ng dumi sa kapaligiran na mula sa iba’t
ibang pabrika at mga pagmimina ay nakakapagdulot din ng pagkasira sa natural na
kapaligiran.
3. OIL SPILLS – pagtaas ng mga deposito ng langis sa karagatan na maaaring sanhi
ng aksidente sa tankers o paglubog ng malalaking barko na may dala ng mga langis
na inaangkat sa ibang bansa. Dahil higit na magaan ang langis kumpara sa tubig,
karamihan sa mga ito ay palutang-lutang lang sa dagat na itinutulak naman ng
hangin papuntang baybayin. At ang pangyayaring ito ay maaaring magdulot ng
pagkamatay ng mga isda sa dagat.
4. BASURA – pagtapon ng basura kung saan-saan.

5. LAND CONVERSION – pagpapatag ng mga mabundok o maburol na lugar


upang mabigyan-daan sa mga proyektong pangkabahayan.
6.PAGKASIRA NG KAGUBATAN O DEFORESTATION – pagkawala o
pagkaubos ng mga punongkahoy sa kagubatan.
7.GLOBAL CLIMATE CHANGE – pagbabago ng pandaigdigang klima na
maaaring dulot ng likas na pagbabago o ng mga gawain ng tao.

TALASALITAAN:
a. Desertification – pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang
tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng
kapakinabangan o productivity nito tulad ng ilang bahagi ng China, Jordan, Iraq,
Syria, Lebanon, Yeman, India at Pakistan.
b. Salinization – lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng
tubig papunta sa lupa. Nagaganap ito kapag mali ang proseso ng irigasyon, sa
paligid ng mga estuary at gayundin sa mga lugar na mababa ang balon ng tubig.
Unti-unting nanunuot ang tubig-alat kapag bumababa ang water level gaya ng
nararanasan sa bansang Bangladesh sapagkat
4 nanunuot na ang tubig-alat sa
kanilang mga ilog.
c. Habitat – tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang unang apektado ng
land conversion.
*ASYA: Pagkakaiba sa Gitna ng Pagkakaiba
Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral pahina 46-47
*https://www.youtube.com/watch?v=O26pErP3ldk&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkXM&index=6

ANG BIODIVERSITY NG ASYA

GABAY NA TAYAHIN 1

GAWAIN 5: Ilarawan ang Biodiversity ng Asya. Ibigay ang mga impormasyon na hinihingi sa loob
ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang aking sariling kahulugan ng Biodiversity…. Mga halimbawa ng Biodiversity sa Asya….

GAWAIN 6 : Ibigay ang sariling kahulugan ng mga sumusunod na salita. Isulat ang sagot saAng Biodiversity sa
sagutang papel. Asya
MAHAHALAGANG
Ang kahalagahan ng SALITA KAHULUGAN
Mga Dahilan ng pagkawala ng
Biodiversity sa
DESERTIFICATION mga Asyano Biodiversity sa Asya
SALINIZATION
GAWAIN 7: Iguhit ang Asya bilang isang ”GLOBAL BIODIVERSITY”
HABITAT
HINTERLANDS
ECOLOGICAL BALANCE
DEFORESTATION
SILTATION 5
GABAY NA TAYAHIN 1
RED TIDE
GLOBAL CLIMATE CHANGE
OZONE LAYER
ANG BIODIVERSITY NG ASYA

GABAY NA TAYAHIN 2

GAWAIN 8 : Batay sa iyong binasa tungkol sa Biodiversity ng Asya at ang Pagkawala nito. Bigyan
ng solusyon ang mga dahilan/sanhi ng pagkawala ng Biodiversity sa Asya. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

DAHILAN/SANHI NG PAGKAWALA NG SOLUSYON


BIODIVERSITY SA ASYA
POLUSYON
INDUSTRIAL WASTE
OIL SPILLS
BASURA
LAND CONVERSION
PAGKASIRA NG KAGUBATAN
GLOBAL CLIMATE CHANGE
KARAGDAGANG IMPORMASYON
ANG PILIPINAS BILANG ISA SA PINAKAMAYAMANG BIODIVERSITY SA ASYA
Matatagpuan sa Pilipinas ang 2/3 ng biodiversity o humigit kumulang na 70%-80% ng lahat ng uri ng
hayop at halaman sa buong daigdig. Kumpara sa ibang lugar na nakakaranas ng matinding init o lamig, ang
klimang tropikal ng bansa ay mainam para sa pagyabong ng iba’t ibang organismo. Humigit kumulang na
dalawampung libong uri ng hayop at halaman na sa Pilipinas lang matatagpuan. Mga endemic o katutubong
species sa Pilipinas:
 Mahigit 100 species ng mammal
 Mahigit 180 species ng ibon
 Mahigit 111 species ng amphibians
 Mahigit 270 species ng reptiles
 70% ng nakatalang insekto sa buong mundo
Kaya kabilang ang Pilipinas sa 17 Mega-Biodiversity Country. Ang karagatang pumapalibot sa Pilipinas ay
may pinakasaganang yaman dagat sa buong mundo dahil bahagi ito ng tinatawag na CORAL TRIANGLE, ito
ang sentro ng marine biodiversity sa daigdig. Kabilang sa yamang dagat ng Pilipinas ang mga coral reefs, sea
grass bed, sea weeds, bakawan, beach forest, pangisdaan at marine mammals.
Sentro din ang Pilipinas bilang Agricultural Biodiversity, matatagpuan dito ang iba’t ibang uri ng bigas,
niyog, munggo at gabi. Ito din ang pinagmulan ng iba’t ibang uri ng saging sa rehiyong Timog-Silangang
Asya.
Samantala, ang kagubatan o “forest ecosystem” ng bansa ay gumaganap ng mahalagang papel sa
konserbasyon ng lupa, tubig at iba pang pangunahing ecological services. Ang kahalagahan ng “Forest
Ecosystem” sa bansa ay ang mga sumusunod:
 Pinagmumulan ng malinis na hangin, tubig at pagkain
 Proteksyon laban sa baha
 Buffer zone laban sa bagyo at soil erosion.
Direktang sinusuportahan nito ang mahigit 30% ng populasyon. Dito din nakasandig ang pamumuhay at kultura
ng 10-15 milyong mga katutubong mamamayan.

6
Subalit sa kabila ng lahat ng yamang ito, itinuturing din ang Pilipinas na global biodiversity hot spot o
lugar kung saan mataas ang probablilidad ng species extinction o pagkawala ng buhay. Sa kasalukuyan,
tinatayang nasa 1,000 hanggang 10,000 beses ang bilis ng species extinction kumpara sa tinatawag na natural
extinction rate sa buong mundo. Sa Pilipinas nasa 640 species ang nanganganib na mawala ng tuluyan. Mahigit
kalahati ng matatandang kagubatanang naglaho na. Sa nagdaang siglo aabot sa 300,000 hektarya ng bakawan sa
buong bansa ang nasira habang tinatayang 5% nalang ng mga coral reefs sa bansa ang buhay.
Ang patuloy na pagsasamantala ng tao sa likas na yaman ang sanhi ng unti-unting pagkawala ng
biodiversity, pinapalala pa ito ng patuloy na pagdami ng populasyon at climate change. Kapag hindi natin
pinigilan ang pagkawala ng biodiversity baka wala na pagkuhanan ng pangangailangan ang mga sumusunod na
henerasyon.
Tungkulin ng lahat na pangalagaan ang biodiversity at bilang mamamayan ay may maiaambag tayo
kung atin isasabuhay ang tinatawag na “sustainable lifestyle”
 Isagawa ang 3R’s (reduce, reuse, recycle)
 Ingatan at muling payabungin ang ating likas na yaman sa pamamagitan ng hindi paggamit ng
mapanirang paraan ng pangingisda at pag-iwas sa paggamit ng nakakalason na kemikal sa pagsasaka.
 Pagtatanim ng mga puno
 Paglilinis ng kapaligiran
 Pagpapalaganap ng mga katutubong halaman at hayop
Pagtulungan natin ang conservation ng biodiversity sa ating mga lugar. Sa ating mga kamay nakasalalay ang
kinabukasan ng ating daigdig. Sa pamamagitan nito hindi lang natin naililigtas ang inang kalikasan kundi
tinitiyak din natin na may masaganang kinabukasan ang susunod na henerasyon.

MALAYANG GAWAIN 1

GAWAIN 9: Gamit ang handprint. Magtala ng limang mahahalagang impormasyon na iyong


natutunan batay sa iyong nabasa.

MALAYANG TAYAHIN 1

GAWAIN 10: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Ano ang kahalagahan ng pagiging klimang tropikal ng Pilipinas sa biodiversity nito?
2. Bakit mahalaga ang “forest ecosystem” ng Pilipinas?
3. Bakit tinuturing na isa sa pinakamayang biodiversity sa Asya ang Pilipinas?
MALAYANG GAWAIN 2

GAWAIN 11: Itala ang mga katangiang taglay ng Pilipinas bilang isa sa pinakamayamang
biodiversity sa Asya.

7
Yamang Dagat: Yamang Lupa:

ANG AKING PARAAN NG PANGANGALAGA SA BIODIVERSITY NG PILIPINAS

Yamang Kagubatan:

REFLECTION Card
Isaisip

GAWAIN 12: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag.

Ang biodiversity ng Asya ay……..


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Ang pagkawala ng biodiversity ng Asya ay ang mga sumusunod na


dahilan….._________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_____

Isagawa

GAWAIN 13: Magtala ng iyong sariling paraan pangangalaga sa biodiversity ng Pilipinas.

ASSESSMENT Card
Pagtataya

8
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
A. BIODIVERSITY
B. DEFORESTATION
C. DESERTIFICATION
D. ECOLOGICAL BALANCE
E. GLOBAL CLIMATE
___1. Sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng CHANGE
dagat. F. HABITAT
G. HINTERLANDS
___2. Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng H. OZONE LAYER
umaagos na tubig sa isang lugar. I. RED TIDE
___3. Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. J. SALINIZATION
___4. Pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o K. SILTATION
lubhang tuyo.
___5. Pagiging maalat ng tubig.
___6. Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may
buhay at ang kanilang kapaligiran.
___7. Pagkaubos at pagkawala ng mga punungkahoy sa mga
gubat.
___8. Malayo sa mga urbanisadong lugar.
___9. Ito ay ang pagbabago o pagtaas ng katamtamang
temperature.
___10. Nangangalaga sa mga bagay na may buhay mula sa
masamang epekto ng radiation.

ANG BIODIVERSITY NG ASYA

REFERENCE Card

MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON


1. Electronic References:
https://www.slideshare.net/jannenerio/ang-biodiversity-ng-asya
http://markcastel03.blogspot.com/2014/07/normal-0-false-false-false-en-us-x-none.html
2. PANOORIN SA YOUTUBE
https://www.youtube.com/watch?
v=Z5clNWbRp6I&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkXM&index=2
https://www.youtube.com/watch?
v=O26pErP3ldk&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkXM&index=6
https://www.youtube.com/watch?
v=2F2KzjTzi9Q&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkXM&index=8
https://www.youtube.com/watch?
v=XS7zgDSwkB8&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkXM&index=7
3. SANGGUNIAN
ASYA: Pagkakaiba sa Gitna ng Pagkakaiba
Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral
Google Pictures

ENRICHMENT Gawain 5, 6, 7,8, 9


Susi sa Pagwawasto
Inaasahang iba-iba ang sagot.

SUBUKIN NATIN BALIKAN Gawain 1 at


1. I 6. D TUKLASIN Gawain 2 ENRICHMENT Gawain 10
2. K 7. B - Inaasahang iba-iba ang 9 1. Mainam sa pagyabong ng iba’t
3. F 8. G sagot. ibang organism
4. C 9. E 2. *Pinagmumulan ng malinis na
5. J 10. H hangin, tubig at pagkain
ACTIVITY (SURIIN) Gawain 3
TUKUYIN
1. MGA ASYANO
2. BAGAY NA MAY BUHAY
3. KONTINENTE NG ASYA
PAG-UUGNAy
Inaasahang iba-iba ang sagot ENRICHMENT
Gawain 11
Inaasahang iba-iba ang
ENRICHMENT Gawain 4 sagot
PAGTATAYA
1. LAHAT NG MAY 1. I 6. D
BUHAY 2. K 7. B
2. KAGUBATAN, ISAISIP Gawain 12 3. F 8. G
KABUNDUKAN, ILOG, Inaasahang iba-iba ang 4. C 9. E
KARAGATAN, MGA sagot 5. J 10. H
KAPALIGIRANG GAWA ISAGAWA Gawain 13
NG TAO Inaasahang iba-iba ang
3. Inaasahang iba-iba ang sagot
sagot

10

You might also like