You are on page 1of 4

DETALYADONG Tomas Joson Elementary Baitang at

Paaralan: Kinder-Grapes
BANGHAY School Seksyon:
ARALIN SA Pangalan ng April V. Mariado
Linggo: Week 31
KINDERGARTEN Guro: Teacher I/Adviser
Araw at Huwebes
Markahan: Quarter 4
Petsa: May 18, 2023
Aurora C. Castro Learning Discovery of
Punongguro:
School Principal III Area: the World

I. MGA LAYUNIN
A. Tirahan ng mga hayop; Pangangailangan ng mga Hayop; Mga naibibigay ng
hayop sa tao
II. ARALIN
A. Sanggunian K-12 Kindergarten Teacher’s Guide

B. Mga Kagamitan Laptop, power point presentation, monitor ng telebisyon, yeso at pisara,
mga larawan, Bluetooth speaker, activity charts, activity sheets, krayola,
lapis.
III. MGA GAWAIN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
A. Panimulang Mga
Gawain Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po, Ma’am.
Kamusta naman mga bata? Ayos lang
ba ang inyong pakiramdam ngayong
araw?
Mabuti naman po, Ma’am.
Atin ng simulan ang araw na ito sa
pamamagitan ng isang panalangin, at
pag-eehersisyo. Hinihiling ko ang lahat
na tumayo.
(Ang mga bata ay tatayo upang
gawin ang mga sumusunond na
mga gawain bilang panimula.)

a. Pagdarasal gamit ang


audio visual presentation
na panimulang Panalangin

b. Pag-eehersisyo gamit ang


audio visual presentation”

B. Pagbabalik-aral Para sa ating pagbabalik-aral.


Magbigay ng halimbawa kung paano (iba’t ibang tugon mula sa mga
mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mag-aaral)
iyong sariling kaligtasan
C. Paglalahad ng Handa ka na ba sa ating bagong
Bagong Aralin aralin? Opo, teacher.

Ikaw ba ay may alagang hayop?


Ngayong araw ay aalamin natin ang
ibat ibang uri ng mga hayop, kasama
na ang kanilang tirahan,
pangangailangan at mga tulong na
naibibigay sa atin.
Unahin natin ang mga hayop na
nakatira sa lupa. Maaari ba kayong (Iba’t ibang tugon mula sa mag-
magbigay ng halimbawa? aaral)

Tama ang inyong sagot!

Sila ay karaniwang inaalagaan sa


bahay, sila ay maasahan sa pag
babantay ng tahanan at matalik din
nating kaibigan. Ito ay aso.

Ang pusa naman ay mahusay


manghuli ng daga, malalambing din
sila sa tao. Ikaw? May alaga ka bang (Iba’t ibang tugon mula sa mag-
pusa? aaral)

Ang katuwang ng mga magsasaka sa


bukid, pambansang hayop dahil sa Kalabaw
taglay nitong kasipagan. Ano ito?

Tama! Ito naman ay mabilis tumakbo.


Mahilig din kumain ng damo at kabayo
madalas ay sinasakyan ng mga tao.
Ano ito?

Mahusay! Ito naman ay hari ng


kagubatan. Sila at mabangis na hayop leon
at mahusay manghuli ng pagkain.hindi
inaalagaan dahil sila ay sa gubat.

Tama! Sila ay ang mga halimbawa ng


hayop na nakatira sa lupa. Maaari ba (Iba’t ibang tugon mula sa mag-
kayong magbigay ng iba pang aaral)
halimbawa?

Magaling! Tama ang inyong sagot.


Susunod naman ay ang mga hayop na
nakatira sa tubig.

Ang una ay isda. Napakaraming isda


sa dagat na may iba’t ibang laki at
kulay. Maaari silang alagaan sa bahay. (Iba’t ibang tugon mula sa mag-
Ang iba naman ay nasa ilog o dagat. aaral)
Ano anong isda ang alam nyo?

Magaling. Ang susunod ay mayroong


walong galamay na ginagamit sa
paglangoy at panghuli ng kanyang Octopus/Pugita.
mga pagkain. Kaya rin nito magbago
ng kulay. Ano ito?
(Iba’t ibang tugon mula sa mag-
Tama! Ito ay pugita. May nakakita aaral)
naba sa inyo ng pugita?
Ang susunod ay pating/shark. Ito ay
mabangis at may matatalim na ngipin
panghuli ng ibang isda bilang pagkain.

Ito naman ang balyena. Pinaka


malaking nakatira sa dagat. Para itong
higanteng isda subalit ang kinakain
nito ay maliliit na isda o mga plankton
lamang.

Ito naman ang kabibe o clam. Nasa


ilalim ito ng dagat at may matigas na
shell pang proteksyon. Mayroon din
itong perlas, na ginagamit ng tao sa
alahas.

Yan ang ilang halimbawa ng mga


hayop na nakatira sa tubig. Maaari ba
kayong magbigay ng iba pang (Iba’t ibang tugon mula sa mag-
halimbawa? aaral)

Mahusay! Narito naman ang mga


hayop na kadalasan nating nakikita sa
himpapawid. Ito ang ibon. Iba iba ang
uri, laki at kulay ng mga ibon dahil sa
kanilang dami. Ang iba ay inaalagaan
sa bahay pero ang karamihan ay
malaya sa labas.
(Iba’t ibang tugon mula sa mag-
Kayo ba ay may alagang ibon? aaral)

Ito ang pambansang ibon. Mabilis at


matayog iyong lumipad dahil sa lakas
at laki ng kanyang pakpak.

Ito naman ang paruparo o butterfly.


Makukulay ang pakpak ng mga
paruparo. Tumutulong sila sa mga
bulaklak upang ito ay dumami at (Iba’t ibang tugon mula sa mag-
tumubo. Nakakita naba kayo ng aaral)
paruparo?

Kadalasan silang nakikita sa mga


hardin at taas ng halamanan.

Ito naman ang paniki. Napakatalas ng


kanilang pandinig kahit gabi ay kaya
nilang humuli ng pagkain. Maraming
takot sa paniki pero hindi sila
nananakit.

Ito naman ang kwago. Kahit madilim


ay kaya nitong makakita ng malinaw
upang manghuli ng pagkain. Tahimik
din itong lumipad kaya di basta
naririnig.

Yan lamang ay ilan sa halimbawa ng


hayop na makikita sa himpapawid. Ano
ang napansin sa mga ito?
Pakpak
Mahusay! Sila ay mayroong pakpak,
gamit upang makalipad.

IV. Paglalahat

Ang mga hayop sa ating paligid ay ay


ibat ibang naitutulong sa ating mga
tao. Halimbawa, ang aso ay
tumutulong sa kaligtasan sa loob ng
tahanan bilang bantay.

Ang mga bubuyog naman ay


nagbibigay ng matamis na pulot o
honey, at tumutulong upang dumami
pa ang mga bulaklak.

Kasanayang
Pagkabisa Manok
Bubuyog
Balyena
Tukuyin ang mga sumusunod na Kalabaw
hayop.

V. Pagtataya Iguhit ang iyong sarili na nagpapakita


ng pagmamahal sa iyong alagang
hayop.

VI. Kasunduan Ilista sa isang papel ang mga hayop


na nagbibigay sa atin ng pagkain.

Inihanda ni: Inobserbahan ni:

APRIL V. MARIADO AMOR DE LEON


Teacher I Master Teacher I

You might also like