You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV A CALABARZON
Division of Quezon
Candelaria East District
STA CATALINA CENTRAL SCHOOL

WRITTEN ASSESSMENT
ARTS 5 QUARTER 4 (WEEK 1-3)

Name: _______________________________________________Date: ___________________________


Grade & Section: _____________________________________Teacher: _______________________

Tukuyin ang gamit ng bawat kagamitan sa Hanay A sa pagagawa ng paper beads, papier mâché at mobile sa
pamamagitan ng pagpili ng tamang titik sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Dyaryo/Lumang papel A. basehan ng hugis o disenyo ng mabubuong papier
mache
_____2. Malambot na Brush B. dito isinasabit ang mga bagay sa pagbuo ng mobile
art
_____3. Rattan hoop, sanga o alambre C. para sa pagpapahid ng barnis
_____4. Soft Paint Brush D. para sa pag-aaply ng glue sa papel
_____5. Molde o hulmahan E. ginagamit na pantapal sa molde o hulmahan upang
mabuo ng papier mache

Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama ang isinasaad ng pangungusap at ekis (X) naman kung hindi.
_____1. Ang mobile art ay isang uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang mga bagay ay isinasabit sa mga tali, kawad
at kabilya upang malayang makagalaw at makaikot.
_____2. Ang mga disenyong nalilikha ay nagpapakita ng iba’t-ibang katangian ng mga Pilipino at sumasalamin din ito sa
kultura ng lipunang ginagalawan.
_____3. Ang paggawa ng paper beads, papier mache at mobile arts ay isang gawaing nakakalibang na maaring
pagkakitaan kung gagamitan ng kaalaman sa paglikha ng mga palamuti.
_____4. Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay masasalamin sa iba’t - ibang gawang sining na likha na matatagpuan sa
ibat-ibang lugar sa bansa.
_____5. Ang paper beads ay ginagamit na pandekorasyon sa mga tahanan at maging sa paaralan. Halimbawa nito ay parol
at lampara.

Isulat ang salitang bead kung ito ay tumutukoy sa pamamaran ng paggawa ng paper beads. Isulat naman ang salitang
maché kung ito ay nagpapahayag ng paggawa ng papier maché.
_________1. Sa pamamagitan ng lapis, markahan ang papel at gupitin ito pagkatapos.
_________ 2. Pahiran ng pandikit ang lumang dyaryo at patungan ito ng isa pang pahina ng dyaryo.
_________ 3. Bahagyang lagyan ng pandikit ang papel at magsimulang bilutin. Pagdating sa dulo ng papel, siguruhing
mayroon itong pandikit upang kumapit sa bilot ng papel.
_________ 4. Sa tulong ng nakatatanda, hiwain ang taka gamit ang cutter upang makuha ang molde.
_________ 5. Kunin ang kabilya, magsimula sa malaking bahagi ng papel papaliit.
_________ 6. Idikit muli ang taka sa pamamagitan ng rugby.
_________ 7. Ibilad sa araw upang matuyo.
_________ 8. Tuhugin ang mga paper beads gamit ang sinulid at karayom upang makagawa ng kwintas
_________ 9. Balutan muli ng dyaryo na may pandikit ang parte ng pinaghiwaan.
_________ 10. Pahiran ng pandikit ang lumang dyaryo at patungan ito ng isa pang pahina ng dyaryo.

Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

mobile art dekorasyon kwintas o pulseras.


paper beads papier maché

1. Ang ___________________ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “nginuyang papel” na gawa mula sa piraso
at durog na papel na binuo sa pamamagitan ng glue, starch o pandikit.
2. Noong unang panahon, ginamit ito ng mga taga Gitnang Silangan at Africa bilang _________________sa palasyo
at mga ataul ng mga yumao nilang mahal sa buhay.
3. Ang ________________ay isang gawang sining na nagmula sa bansang Inglatera na ginagawang libangan ng
mga kababaihan kung saan ang mga paper beads ay tinutuhog upang gawing palamuti o kurtina na inilalagay sa
mga bintana.
4. Sa Pilipinas, nagkaroon na rin ng industriya ng paggawa ng paper beads. Karaniwan itong ginagamit na
pandekorasyon o kaya naman ay ________________________.
5. Ang _________________ay isang uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang mga bagay ay isinasabit sa mga
tali, kawad at kabilya upang malayang makagalaw at makaikot.

KEY TO CORRECTION

1.E 1./

2.D 2./

3.B 3./

4.C 4./

5.A 5. X
1. Bead 1. papier maché
2. Maché 2. dekorasyon
3. Bead 3. paper beads
4. Maché 4. kwintas o pulseras
5. Bead 5. mobile art
6. Maché
7. Maché
8. Bead
9. Maché
10. Maché

You might also like