You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Quezon
Candelaria East District
PAHINGA SUR ELEMENTARY SCHOOL
Candelaria, Quezon

PASULAT NA PAGTATAYA
FILIPINO 5 (Q1 WEEK 1 & 2)

Pangalan:________________________________________________ Petsa: _______________________


Baitang at Pangkat: _______________________________________ Guro: ______________________

Basahin ang balita. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Isang Lunes ng hapon, buwan ng Nobyembre, masayang tumanggap ng bag ang mag-aaral sa
Ikalimang Baitang mula sa alkalde ng Rodriguez, Rizal, na si Mayor Cecilio Hernandez. Kasama niya ang
Pangulong Guro I na si G. Richard Z. Zonio. Ginanap ito sa loob ng silid-aralan ng Ika-5 Baitang. Bilang
pangulo ng mga magulang ng mga Ika-5 Baitang, nagpasalamat si Gupad Marta Doroteo na isang
Katutubong Dumagat sa mga nagkaloob ng bag.

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
___1. Ano ang ipinamigay sa mga mag-aaral?
A. payong B. uniporme C. sapatos D. bag
___2. Sino ang nagkaloob ng mga bag?
A. Meyor Lito Atienza B. Meyor Cecilio Hernandez C. Meyor Toting Bunye D. Meyor Ismael
Mathay
___3. Ano ang naging ganti ang mga mag-aaral sa bag na natanggap?
A. pagsang-ayon B. pagtanggi C. pagtanggap D. pasasalamat
___4. Sino ang nagpaabot ng kanilang pasasalamat sa nagkaloob ng bag?
A. Gupad B. Marta C. Gupad Marta Doroteo D. mag-aaral
___5. Ano ang naging damdamin o saloobin ng mga mag-aaral?
A. pagkagulat B. pagkamangha C. pagkapahiya D. pagkatuwa

Piliin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

___6. Naalimpungatang sumunod si Ruth sa paglabas ng kanilang ina.


A. inaantok B. naiinis C. nakapikit D. naglalakad
___7. Matigas ang tiyan ni Baby. Impatso ito.
A. hindi makadumi B. hindi makaihi C. maraming hangin D. hindi makakain
___8. Maganit ang ubo ni Miko.
A. malakas B. makapit C. maluwag D. matigas
___9. Katasin mo ang dahon ng oregano.
A. pigain B. dikdikin C. ilaga D. lutuin
___10. Maaaring kapirasong tela ang ibigkis sa baywang ng sanggol.
A. ilagay B. ipunas C. itali D. ikabit

Punan ang puwang ng tamang pangngalan ang sumusunod na pangungusap.


kapayapaan mamamayan
Pangulo batas bansa

11. Bawat ________________ ay dapat magkaroon ng pansariling disiplina.


12. Ang ikauunlad ng ating _______________ ay nakasalalay din sa uri ng mga taong nakatira dito.
13. Ang pagsunod sa ________________ ay nararapat upang magkaroon ng kaayusan.
14. Pangungunahan ng ________________ ng Pilipinas ang pagiging modelo ng kabutihang asal.
15. Makakamit din natin ang _______________ kung magkakarroon ng kaayusan, pagmamahalan at
pagsusunuran ang bawat mamayang nakatira ditto 

Punan ng wastong panghalip na nasa kahon sa ibaba ang mga pangngalang may salungguhit sa unang
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang sa pangalawang pangungusap.

Kanya Siya niya

Ito Diyan Doon

16. Ang ina ni Paolo ay si Inang Loleng. ________ ang nag-alaga kay Paolo simula pagkabata.
17. Nais ni Baldo bumawi kay Paulo. Nais ________ na bumawi kay Paulo.
18. Kay Amba Moreng ang asong pumanaw. ________ ang asong pumanaw.
19. Natagpuan ko na at hawak-hawak ang nawawalang artikulo. _________ ang hinahanap niya kanina pang
umaga.
20. Ang kinatatayuan mo ay ang silid na tinutukoy ko. _________ tayo tutulog mamayang gabi.

Salungguhitan ang wastong panghalip sa panaklong.


21. Ang damit (mo, iyo) ay bagay sa iyo.
22. Hindi ( ko, ako) makita ang hinahanap mo.
23. Bigyan ( mo, iyo) pa siya ng kaunting panahon para makapag-isip.
24. Aalis na si Maine. Gusto mo bang pasyalan ( siya, nila)?
25. Noong ako’y bata pa, madalas daw ( ako, kami) mahulog sa hagdan.

Punan ng angkop na pangngalan na bubuo sa bawat pangungusap.


26. Mabait ang aking __________ na si Gng, Astrera.
27. Nagsisimba ako tuwing araw ng ____________.
28. Masarap mamasyal sa _________________.
29. Ang _________ ay masayang umaawit sa sanga ng isang puno.
30. Ang gamit kong lapis ay ____________

You might also like