You are on page 1of 3

PAHAYAG NI

Pulis Tinyente Heneral VICENTE D DANAO, JR


Opisyal na Namamahala, Pambansang Pulisya ng Pilipinas

Ika-124 Taong Pagdiriwang Ng Araw Ng Kalayaan

Hunyo 12, 2022

Mabuhay!

Isang ligtas at mapayapang pagbati para sa ika- isangdaan at


dalawampu’t apat na taon ng kalayaan ng Republika ng Pilipinas ang
aking ipinapaabot sa buong pwersa ng kapulisan sa ibat-ibang panig
ng bansa.

Saksi ang sambayanang Pilipino sa giting, sipag at sakripisyo ng


kapulisan. Ipinamalas natin ang isang pusong makabayan sa
pamamagitan nang pagtupad sa ating sinumpaang tungkulin na
pagsilbihan, protektahan at pangalagaan ang ating mga mamamayan.
Nagbigay tayo ng isang “Serbisyong TAMA: Pulis na may TAkot sa
Diyos, TApat sa kanyang panunungkulan, Pulis na may TApang sa
mga lumalabag sa batas, at pulis na may MAlasakit sa buong
sambayanang Pilipino.”

Ipinamalas natin sa ating mga kababayan ang kadakilaan ng mga


pulis bilang mga frontliners at tagapangalaga ng seguridad at
kapayapaan.

Page 1 of 3
Napagtagumpayan rin natin na magkaroon ng mapayapa at
malayang halalan para sa bagong liderato ang ating bansa.

Sa araw ng kalayaan, binabati ko ang mga magigiting na pulis na


siyang nagbantay sa mga polling precincts, ang mga pulis na patuloy
na lumalaban sa pandemya at iba’t ibang uri ng kriminalidad.

Nararapat na patuloy nating gampanan ang ating tungkulin at maging


kaakibat ng pamahalaan sa pagtahak ng isang maunlad at
progresibong Pilipinas.

Ang kagitingan at kadakilaan na ating ipinapakita sa araw-araw


nating paglilingkod sa taumbayan na nagdadala ng karangalan sa
ating ahensya, ay hindi kailanman matutumbasan ng anumang
materyal na bagay. Ang pagtitiwala at pagpapasalamat ng
taumbayan sa kanilang pambansang kapulisan ang ating pinaka
malaking tagumpay.

Ngayon, kasama sa mga ginugunita natin, hindi lamang ang mga


kilalang bayani, kundi pati ang mga kasamahan nating nagsilbing
haligi ng kalayaan. Sila ang mga kapwa pulis natin na nagbuwis ng
buhay sa gitna ng laban at panganib na dala ng pandemya,
kriminalidad at giyera. Sila ang matatawag nating mga bayani ng
makabagong panahon.

Page 2 of 3
Bigyan natin sila ng pagkilala, pasasalamat at pagpupugay!

Nananalig ako na sa tulong ng Poong Maykapal ay sabay-sabay


nating malalampasan ang krisis na ating kinakaharap sa ngayon.

Sa diwa at ngalan ng pambansang pagkaka-isa, muli nating itaas ng


buong dangal at karangalan ang watawat ng Pilipinas, kasabay ang
pagsasapuso ng tunay na diwa ng kalayaan.

Mabuhay ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas!


Mabuhay ang Pilipino!
Mabuhay ang Bansang Pilipinas!

Page 3 of 3

You might also like