You are on page 1of 2

FILIPINO-Anti Discrimination Script

=INTRO=

-DISCLAIMER/WARNING
-SHORT CLIPS OF CANCER,HIJAB,GAY
-QUOTE

Disclaimer:

[VOICE COVER]Cancer: Simula ng ako’y bumalik muli sa pagaaral pagkatapos kong


maapektohan ng sakit na cancer, iba na ang naging tingin sakin ng mga tao at aking mga
kaibigan. Sa halip na pagkamusta saakin, pagdidistansya ang bumabati araw araw dahil sa
takot na baka sila raw ay mahawa saaking sakit.

Mga vech na nangjujudge: huy huwag ka diyan! Baka mahawa ka sa sakit niyan (disgusted
look)

TRANSITION TO HIJAB

Boys na nagtatawanan: Miss pakita mo naman buhok mo hahaha *nagapir sila*

[VOICE COVER]Hijab: Noong maliit palamang ako’y tinuruan nakong mahalin at sundin ang
aking cultura. Ang pagsuot ko raw ng hijab ay upang pangalagaan ang aking dangal, ngunit
binabastos lamang nila at ginagawang katatawanan.

TRANSITION TO GAY

*STUDENTS JUDGING AND WHISPERING/ LAUGHING*

[VOICE COVER]Gay: Maraming tao ang nagsasabing nalilito lamang daw ako sa aking
kasarian. Maraming tao sa aking paligid ay nagsasabing hindi daw ito bagay saakin o di
kaya’y sa kababaeng tao ko ay hindi daw dapat ginagawa ang gawain na dapat sa mga
lalaki.

VIDEO CLIPS END; BODY NG VIDEO

- Sa ating lipunan, karamihan sa mga tao ngayon ay hindi na marunong mabigay respeto at
halaga sa kanilang kapwa tao. 75% ng populasyon sa mundo ang nakakaranas ng
diskriminasyon.Minamaliit nila ang mga taong naiiba sa kanila o ang mga mas mababa ang
antas sa lipunan. Isa na dito ang diskriminasyon sa kababaihan kung saan hindi pantay ang
kanilang paningin sa mga babae dahil para sa kanila ang mga babae ay mahina.
Kadalasang ang mga minor de edad ang nakakaranas nito na nagreresulta ng pagkaligtaan
sa mga possibleng opportunidad sa buhay.Marami ng batas na itinupad ng gobyerno upang
protektahan ang mga taong nakaranas ng diskriminasyon. Ang Anti- Discrimination Act of
2011 ang nabibigay ng proteksyon sa mga taong ito dahil ang layunin ng batas na ito ay
bigyan ng hustisya yung mg atong minamaliit base sa kanilang anyo, sexualidad, edad at
ang antas sa lipunan. Bilang isang mamamayan at kapwa tao dapat natin ito susundin hindi
dahil ito ay naging batas ngunit dapat nakakakubli sa ating puso ang pagmamalasakit at
pagmamahal sa ating kapwa tao. Ang paglalaban para sa mga taong ito kung sila’y
minamaliit o sinasaktan ay nagbibigay ng matinding inspirasyon sa lahat ng tao na sa ating
lipunan lahat tayo ay may karapatan at pantay-pantay ang pagtrato natin sa bawa’t isa.

QUOTE: PATAY ANG KARAHASAN ,PANTAY ANG KARAPATAN


#LABANANANGDISCRIMINASYON

You might also like