You are on page 1of 3

FILIPINO SIMPOSYUM: POST-COLONIALISM

Margaret: Malaki ang naging epekto ng pananakop ng mga espanyol sa ating bansa. Hanggang
ngayon, kahit ilang siglo na ang nagdaan, ay makikita pa rin ang mga bakas na iniwan nila sa
ating lupang sinilangan. Ngunit may mga ibang Pilipino pa rin na hindi bukas ang isipan sa
paksang into. Tila walang pakialam. Dapat ay gumawa tayo ng hakbang upang lumawak ang
kanilang kaalaman sa usaping ito.

Krisha: Tama. Magandang may sapat na kaalaman ang mga tao hinggil sa usaping ito. Tunay
na hindi natin mababago ang kung ano ang natapos na. Gayon pa man, ang leksyon ng
nakaraan ay dapat na manatiling leksyon maging sa ngayon.

Margaret: Mayroon ba kayong mga rekomendasyon upang mamulat sila sa ating kasaysayan?

Daniel: Siguro mainam na simulan natin sa pag-aaral ng mga orihinal na dokumento at akda
mula sa panahon na iyon. Tuklasin ang mga sulatin ng ating pambansang bayani na naglalahad
ng mga karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan.

Margaret: Sang-ayon ako sa sinabi mo, Daniel. Ngayon, bago tayo mangalap ng mga
impormasyon… Mayroon ba kayong kaalaman tungkol sa pananakop ng mga espanyol? Kung
paano ito nagsimula?

Amna: Ito ay nagsimula noong 1521 nang dumating sa Pilipinas si Ferdinand Magellan. Sa
pagkakaalam ko doon nagsimula ang kolonisasyon ng mga Espanyol sa kapuluan. Ito ay
humantong sa pagtatatag ng pamamahala ng mga Espanyol na tumagal ng mahigit 300 taon.

Margaret: Maraming nangyari sa loob ng 300 na taon na ‘yon…

Cj: Isa sa mga halimbawa ng epekto nito ay ang “psychocultural marginality” o ang pagkawala
ng sariling kultural na pagkakakilanlan kasama ng panlipunan at personal na disorganisation.
Ang ganitong epekto ay nabubuo kapag ang mga tao ay pinagkaitan ng access sa kanilang
tradisyonal na kultura, mga halaga at mga pamantayan na humahantong sa makasaysayang
trauma at kultural na pagkakahiwalay.

Cj: Dahil dito, karamihan ng kultura na meron tayo dati ay nawala na o di na makikita sa
kasalukuyang panahon. Napalitan na ng mga ibang paniniwala at tradisyon.

Someone: Bukod doon ay maraming kapangahasan din ang ginawa ng mga espanyol sa mga
Pilipino. Hindi ba?
Daniel: Dahil sa pagpapatupad ng “encomienda system,” isang sistemang nagpapahintulot sa
mga Espanyol na magkaroon ng kontrol sa mga katutubo at lupain ng Pilipinas. Ito ay nag-
resulta sa pagsasamantala at pang-aabuso sa mga Pilipino.

Juan: Makikita sa libro na akda ni Dr. Jose Rizal, “Noli Me Tángere”, ang halimbawa ng
pananakit ng espanyol ay ang pagmamalupit ng sakristan mayor kay Basilio at sapilitang
paghila sa kanya.

Someone: Kahit ang nobelang iyon ay kathang isip lamang ni Dr. Jose Rizal, sumasalamin pa
rin ito sa lahat nang pang-aapi ng mga espanyol noon sa mga Indio.

Someone: Mababa ang tingin nila sa mga taong may purong dugo ng pagiging Pilipino.
Minamaliit nila ito at tinatrato na para bang wala silang lugar sa mismong bansa. Kung sino pa
ang mga naninirahan ay sila pang pinapalayas at sinasaktan.

Someone: Totoo.

Cj: Pero sa dami ng mga masasamang ginawa ng mga Espanyol sa atin, mayroon din silang
ambag na nakatulong sa pag-unlad ng Pilipinas, tulad ng wika, gobyerno, at iba pa. Ang pinaka-
kilala at madalas nating makita sa pang araw-araw na buhay na dala ng mga Espanyol natin ay
ang Kristiyanismo.

Someone: Tama ka, Cj. Hindi natin dapat kalimutan ang mga aspeto ng kultura at lipunan na
naiambag ng mga Espanyol. Bagaman may mga pagkakamali at pang-aapi, kailangan din natin
tingnan ang mas malawak na larawan ng kasaysayan.

Someone: Ituon natin ang dokumentaryo sa pagpapakita ng mga magandang naiambag nito sa
ating bansa.

Someone: Oo, mahalaga nga ang pagpapahalaga sa mga aspeto ng ating kultura at
kasaysayan. Ito'y makakatulong sa pagbuo ng mas malalim na pang-unawa sa ating sarili at sa
iba't ibang uri ng pananakop na naganap.

Someone: Ngunit hindi ba ang mentalidad na ‘yan ay parang iniimbalida natin ang lahat ng mga
paghihirap ng ating mga kababayan sa kamay ng mga espanyol? Dahil hindi lahat ng kanilang
ginawa ay nagdulot ng maganda sa ating bansa. Paano ang mga taong tinrato na parang mga
hayop? Ang mga kababaihan na walang sawang pinagsamantalahan? Ang mga pamilyang
nawalan ng mahal sa buhay? Ang mga batang pinagkaitan ng edukasyon? Ang mga
magsasakang nawalan ng lupain at mapagkukuhanan ng puhunan? Ang mga trabahador na
inabuso’t hindi binigyan ng sweldo? Ang mga sundalong Pilipino namatay dahil pinaglalaban
nila ang ating kultura’t bansa? Pipiliin nalang ba nating ipikit ang ating mga mata sa mga taong
nadehado noong panahon ‘yon sapagkat kahit papaano ay may mabuti namang nagawa ang
mga espanyol? Hindi ba’t pagiging ignorante ang tawag doon?
Someone: Tama. Mayroon ngang magandang nagawa ang espanyol ngunit ano nga ba ang
kapalit ng mga ‘yon? Pagkawala ng kalayaan at pangaabuso sa karapatang pantao?

Someone: Ano ang pinaparating niyo?

Someone: Sa ganoon ay parang binubura natin sa isipan ng mga tao ang mga tunay na
nangyari noon. Hindi natin dapat pinapalitan ang kasaysayan. Lahat ng magandang nagawa
nila ay may kapalit. May nagsabi sa akin na hindi magiging mabuti ang isang bagay kung
ginawa ito sa masamang paraan.

Margaret: Parehas may punto ang dalawang pangkat. Ngunit hindi ba mas maigi kung parehas
itong magiging parte ng ating dokumentaryo? Dapat ang gagawin nating proyekto ay walang
pagkiling. Dapat ay inilalahad natin ang magagandang epekto nito sa ating bansa ngunit hindi
dapat tinatanggal ang mga nangyari sa isipan ng tao. Dapat ay mas nagiging mulat sila ro’n
nang sa gayon ay lubos nilang maunawaan ang ating kasaysayan.

Someone: Sangayon ako diyan. Bakit pa tayo pipili kung pwede namang ipagsama ito?

Lahat: *Tumango-tango*

CJ: *Buntong-hininga*

Someone: Naisip ko lang, paano natin ito maipaparating sa mas nakararami? Siguro naman
may mga paraan tayo upang magkaroon ng mas malawakang kamulatan.

Someone: Pwede tayong mag-organize ng mga kaganapang pang-kultura na makakatulong sa


masusing pag-aaral ng mga tao sa kahalagahan ng ating kasaysayan. Maaaring ito’y isang
paraan sa kaalaman ng dating panahon.

Someone: *tango-tango bilang pagsang-ayon* Importante rin ang papel ng edukasyon sa


pagpapalaganap ng kamalayan. Kailangan nating isama ang mga aralin ukol sa kasaysayan ng
pananakop sa ating curriculum.

You might also like