You are on page 1of 2

PAMAGAT NG AKDA: PANANAMPALATAYA SA GINTA NG PANDEMYA

MAY AKDA: JONAS SULIT abante news

Tauhan:

 Mga deboto

BUOD: Naging kakaiba ang pagdaraos ng Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon, hindi tulad ng mga
nakalipas na taon kung saan milyon-milyong mga deboto mula sa iba’ibang panig ng bansa ang
dumadalo at nakikilahok sa mga aktibidad ng Simbahan ng Quiapo, limitado ang pagdiriwang nito
dahil sa pandemnya.

Gayunpaman, para sa ilang deboto wala pa ring pinagbago ang kanilang pananampalataya, kahit hindi
nila naisagawa ang mga dating nakagawian tuwing kapistahan ng poon tulad ng pahalik at translacion.

Iba iba ang naging diskarte at paraan ng mga mananampalataya, hindi pa rin napigil ng pandemya ang
kanilang debosyon para sa poong nazareno,patunay na kahit na sa anumang hamon at sitwasyon
nagiging mas malakas ang puso kung may sinsandigang Diyos.

Pagsususri:

A. Panahong kinabibilangan (noon, ngayon, hinaharap)


 Nang dumating ang mga mananakop na Espanyol, ganoon na lamang ang
pagyakap natin sa Katolisismo. Liban sa tinanggap na totoo ng mga Pilipino
ang katotohanan ng Ebanghelyo ni Kristo, nakita rin nila na ang Katolisismo ay
kakikitaan ng pagkakahalintulad sa dati nilang pananampalataya sa Bathala at
mga anito. Kaya naman nang dalhin ng mga Rekoleto ang imahe ng Nazareno
noong maagang ika-labing pitong siglo mula sa Timog Amerika, ginawa natin
dito ang ginagawa natin sa mga yumao at sa mga anito. Biswal ang Pilipino
dahil hindi naman tayo palabasa bago dumating ang mga Espanyol,
nagsasaysay sa pamamagitan ng sining at mga estatwa ng mga anito ng mga
ninuno, kaya ang paggalang sa anito ay nailipat sa imahe ng itim na Nazareno.
 Sa kasalukuyan, ang debosyon sa Itim na Nazareno ay patuloy na nagbibigay
ng sigla at kapayapaan sa mga deboto sa kabila ng mga sakít, galos, sugat at
kung minsan ay kamatayan na nagaganap tuwing prusisyon, at tila 'di
inaalintana ng mga deboto, naiba lang ngayong taon dahil sa pandemyang
lumalaganap. Ngunit kung tutuusin nabawasan lang ng mga aktibidad ngunit
kung sa pananampalataya ng mga deboto ang sukatan ay walang pagkakaiba
noon man, ngayon o sa mga sususnod na henerasyon.
B. Sariling puna o reaksyon
 Ang mga Pilipino ay may matibay na pananalig sa Diyos makikita natin na ano
mang pagsubok ang kaharapin ng bawat Pilipino ang pananalig at pagsamba
sa maykapal ay laging nananaig sa ting mga puso.
 Ang mga Pilipino ay kailanman hindi nakakalimut sa pagpapakita ng debosyon
kahit pa may nararanasang pandemya o sakuna tayong kinakaharap.
C. Gintong kaisipan
 kahit na sa anumang hamon at sitwasyon nagiging mas malakas ang puso kung
may sinsandigang Diyos.
D. Mungkahi
 Ang pananampalataya at debosyon ay likas na sa mga Pilipino. Ngunit sa
kabila ng kinakahrap nating pandemya ngayon marami Pilipino parin lalong
lalo na sa Metro manila ang pinipilit na makapasok sa loob ng simbahan upang
manalanngin ng taimtim kahit na may banta sa kanikanilang kalusugan kaya
naman upang mapangalagaan ang ang kalusugan ng bawat isa kinkailangan na
sumunod na lamang sa mga protocols na binibigay na pamahalan kung hindi
nman ganoon kaimportante ang pupunthan ay maaring manatili nalamang sa
kanikanilang tahanan at kung importante naman ang simpleng pagsunod
social distancing, pagsuoot ng facemask, paghuhugas ,at pagsanitize ng kamay
pagkagaling sa labas ng bahay ay malaking tulong na upang makaiwas sa virus
na lumaganap sa kasalukuyan.

You might also like