You are on page 1of 5

Kabanata 8:

Maligayang Pasko
Presented by:
G21 - Menia, Clarisse M. (G10-Guijo)
G5 - Bañares, Charmie A. (G10-Guijo)
Talasalitaan:
Himala/Milagro kapangyarihan
-Pinaniniwalaang mga kamangha-manghang palatandaan ng
- ng Diyos.
Kagayakang bago-Mga bagong kasuotan/damit.
Kumibot-kibot -Halos hindi mapansing paggalaw o paglikot ng isang
parte ng katawan.
Malaon -Matagal na oras o panahon.
Mapanglaw-Tumutukoy sa pagkalungkot o lumbay na ekspresiyon.
Nagkokomediya -Nagpapatawa.
Nagnasa -Tumutukoy sa pagkasabik sa paggawa o
pagkanais sa isang bagay.
Sapantaha -Tumutukoy sa mga haka haka, sagap
na hula o mga akala maging paniniwala.
Sindak-Malalim na antas na pagpapakahulugan
sa salitang takot o pagkagulantang.
Buod:
Si Huli ay larawan ng isang babaeng nagpapakatatag na balang araw, ang kaniyang mga panalangin ay
masasagot ng isang himala.Kagaya ng nakagawian, Gumising siya ng maaga ,nag-ang tanda ,nanalangin ng
mataimtim at pagkatapos ay unang pumasok sa kanyang isipan ay ang sapantahang marahil gumawa ng
himala ang birhen. Sinilip niya ang ilalim ng larawan ngunit, nagising na lamang siya sa sapantaha tungkol sa
milagro. Natawa na lamang na aliwin ang kanyang sarili ng makita n'ya na wala namang himalang nangyari at
ang tanging nakita lamang niya ay ang liham ng ama na si Kabesang Tales na nanghihingi ng limang daang
piso pang-tubos sa kalayaan niya. Paglaon ng ilang segundo'y ,Inayos na lamang ang mga damit na dadalhin
niya papunta sa tahanan nina Hermana Penchang, amo ni Huli. Ayon sa mga matatanda, ang pasko ay para
sa mga bata kaya ang mga ina ay binibihisan ang kanilang mga anak ng mga kagayakang-bago para
maghanda upang magsimba at pagkatapos ay dadalhin sa kanilang mga ninong at ninang upang doon ay
mamasko. Malaon na nang umalis si Huli, at naiwan sa kubo si Lelong(Tandang Celo) ,mapanglaw na
nakadungaw sa bintana at nakatingin sa mga taong dumadaan. Kung iisip'y ,hindi man lang nagkaroon ng
aginaldo ang kaniyang apo na si Huli at ni hindi man lang rin niya siya nabati ng Maligayang Pasko. Dumating
na ang mga kamag-anak ni Tandang Celo at nang tangkain niya na Ibuka ang kanyang Bibig upang batiin
sana ang kanyang mga kamag-anak sa bahay ay walang lumabas na tinig mula dito. Tinangka niyang pisilin
ang kanyang lalamunan, pihitin ang leeg,Natawa pa nga ang mga tao sapagkat akala'y nagkokomedya
lamang si Lelong, Siya'y nagnasang tumawa ngunit kumibot -kibot lamang ang kanyang mga labi, "Pipi ! Pipi
!" sigawan na nabalot ng sindak at roo'y nangagkagulo ang mga panauhin.
Aral:
Sa kabanatang ito,naipakita sa atin kung gaano pinapahalagahan ng mga
Pilipino ang kapanahunan ng Pasko noon pa man,bilang kabataan naman,
ipinahahatid ang mensaheng dapat hayaang sumaya ang kabataan at maging
malaya sa buhay nila, hayaan silang pumili ng mga komportableng kasuotan at
magkaroon ng masayang pamumuhay. At hindi lamang iyon,naituro rin sa atin
na hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa at magtiwala sa lahat ng pagkakataon,
ika nga sa katauhan ni Huli kung saan ay araw araw siya naghihintay ng
milagro at himala mula sa Birhen, hindi nga ba't sabi nila na, Magpakatatag
lamang palagi dahil mabuting balita na mismo ang lalapit sa iyo.
Short Quiz:
1) Mula sa liham na nakita ni Huli na ipinadala mg kaniyang ama, magkano ang hinihingi nitong pang-tubos
para sa kalayaan niya?
a. limampung piso c. limang daang piso
b. dalawang daang piso d. dalawampung piso
2) Ano ang pamagat ng ika-walong kabanata?
a. Nakakatuwang kaarawan c. Nakakagalak na Piyesta
b. Maligayang Kasal d. Maligayang Pasko
3) Mula sa kabanatang nabasa ,Ano ang pangalan ng amo ni Huli?
a. Tandang Celo c. Hermana Penchang
b. Kabesang Tales d. Basilio
4) Ayon sa mga matatanda, ang pasko ay para sa mga bata kaya ang mga ina ay
binibihisan ang kanilang mga anak ng kagayakang-bago. Mula sa pahayag, ano ang
ibig-sabihin ng salitang "kagayakang-bago"?
a. Mga alahas c. Mga bagong kasuotan
b. Dekorasyon o Palamuti d. Mga bagong laruan
5)Sa bandang huli ng ika-walong kabanata, ano ang nangyari kay Lelong
(Tandang Celo)?
a. Naging Mapanglaw c. Naghintay ng mga panauhin
b. Tumanaw sa bintana d. Napipi o hindi na makapagsasalita.

You might also like