You are on page 1of 6

El Filibusterismo

KABANATA 8:
Maligayang
Pasko
Mga Talasalitaan
Alatiit - pigil na salita
Ingkong - lolo.
Ketong- sakit sa balat na umaagnas
sa laman ng tao at nag- aalis ng
pakiramdam, mahapdi.
Nakapinid - nakasara, nakasarado.
Nananagis - umiyak, tumatangis.
Salabat- paboritong inumin ng
karaniwang Pilipino, Ito ay dinikdik
na luya, pinakuluan sa sapat na tubig
at minamatamisan ng panotso o sa
asukal.
Sinunong- inilagay sa ulo.
Tampipi - sisidlan ng damit na yari sa
kawayan o buli
Tauhan
Huli
Hermana Pencahang
Tandang Selo
Kamag-Anak
Buod
Kinaumagahan ay agad na tinungo ni Juli ng kinalalagyan
ng Mahal na Birhen upang alamin kung may dalawandaan at
limampung piso na sa ilalim nito.
Sa kasamaang palad ay hindi naghimala ang Mahal na
Birhen kaya inaliw na lamang niya ang sarili at inayos ang
damit na dadalhin pagtungo sa tahanan ni Hermana
Penchang.
Dahil Pasko noon kaya ang mga bata ay binibihisan nang
magara ang kanilang mga anak upang magsimba at
pagkatapos ay dadalhin sa kanilang mga ninong at ninang
upang mamasko.
Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga
kamag-anak upang mamasko ngunit nang babatiin na niya
ang mga ito ay laking gulat niya na walang salitang lumabas
sa kaniyang bibig.
Pinisil niya ang kanyang lalamunan, pinihit ang leeg at
sinubukang tumawa ngunit kumibut-kibot lamang ang
kanyang mga labi. Ang ingkong ni Juli ay napipi.

You might also like