You are on page 1of 2

Kabanata VIII

Maligayang Pasko

Buod

Kinaumagahan ay agad na tinungo ni Juli ng kinalalagyan ng Mahal na


Birhen upang alamin kung may dalawandaan at limampung piso na sa
ilalim nito.Sa kasamaang palad ay hindi naghimala ang Mahal na Birhen
kaya inaliw na lamang niya ang sarili at inayos ang damit na dadalhin
pagtungo sa tahanan ni Hermana Penchang. Dahil Pasko noon kaya ang
mga bata ay binibihisan nang magara ang kanilang mga anak upang
magsimba at pagkatapos ay dadalhin sa kanilang mga ninong at ninang
upang mamasko. Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga
kamag-anak upang mamasko ngunit nang babatiin na niya ang mga ito
ay laking gulat niya na walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Pinisil
niya ang kanyang lalamunan, pinihit ang leeg at sinubukang tumawa
ngunit kumibut-kibot lamang ang kanyang mga labi. Ang ingkong ni Juli
ay napipi.

Mga Tanong:

1. Papaano makatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkakaalipin ng Pilipinas?

Tugon

Itinuturo ng mga kura na isa sa mga mabtuing katangian ng mga Katoliko ay ang pagtitis at pag-asa sa
mga milagro ng Santo (o ng lilok ng larawan). Si Huli halimbawa, ay umaasa o nagbabasakali sa
pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Ngunit ng di matupad ito, natuto siyang magtiis at inihanap ng
katwiran ang kanyang kasawian.

2. Bakit sa halip na hintayin ng mga bata na may tuwa ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa nga nila
ito?

Tugon

a) maaga silang ginigising para magsimba;

b) binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng mga bata ng matitigas na damit dahi sa almirol at mga
bagong sapatos na masakit sa paa);

k) isinisimba sila sa misa mayor na matagal;

d) pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan upang humalik sa kamay.

Tauhan

Juliana "Juli" - Anak ni Kabesang Tales at Kasintahan ni Basilio

Basilio - Isang binata; nakapag-aral ng Medisina dahil sa sariling sikap. Kasintahan siya ni Juli.

Hermana Penchang - Amo ni Juliana "Juli".

Tandang Selo - Ama ni kabesang Tales, napipi dahil sa nangyari sa anak at apo.

Moral Lesson

Ang Kabanata 8 ng El Filibusterismo ay tungkol sa araw ng Pasko. Ipinakikita dito na kahit ito ay araw ng
kasiyahan at pagdiriwang, masalimuot pa rin ito para sa nakararami. Si Huli ay magsisimula sa kanyang
trabaho at umaasa sa milagrong hindi ito matutuloy dahil ito ay sapilitan lamang. Ang mga bata naman
ay pilit na pinasusuot ng hindi komportableng damit at nakikipagsiksikan sa init ng simbahan. Pagkatapos
ay pilit na pasasayawin sa harap ng mga kama g-anak. Ang hindi sumunod ay tiyak na kukurutin. Si
Tandang Selo naman ay napipi, at nang malaman ito ng mga bisita ay nagkagulo. Ipinakikita ng mga
storyang ito na noong mga panahong iyon, ang Pasko ay araw pa rin ng pighati.

You might also like