Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan
Kwarter 3, Linggo 5
ASIGNATURA Araling 1
AT BAITANG Panlipunan 3 KWARTER 3 LINGGO 5 ARAW _____________
Petsa
PAALALA: Huwag sulatan ang materyal na ito. Gumamit ng sagutang papel kwaderno.
Ang Zamboanga del Norte ay isang lalawigan na parte ng Rehiyon IX o kilala sa tawag na
Zamboanga Peninsula. Ang Rehiyon IX ay binubuo ng Isabela City, Zamboanga City,
Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Pagadian City. Iba’t ibang
makukulay na kultura ang makikita sa Rehiyon IX. May mga kaugalian, paniniwala at
tradisyon ang na magkatulad sa bawat lalawigan o lugar sa Rehiyon at mayroon namang
kultura na doon lamang sa lalawigan o lugar makikita o ipinagdiriwang. Ang Zamboanga del
Norte ay nahahati sa 25 na munisipalidad at 2 lungsod samantalang ng Zamboanga del Sur
naman ay nahahati sa 26 na munisipalidad, may 1 sangkap na lungsod, at 1 lungsod.
Tignan natin ang magkatulad at magkaibang kutura ng ating lalawigan sa lalawigan ng
Zamboanga del Sur.
Wika
Kagaya ng mga tao na nasa lalawigan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur,
Cebuano ang isa sa pangunahing wika na gamit nila.
Tradisyon
Halos lat ng lalawigan sa Pilipinas ay may pinagdiriwang na mga kaugaliang Tradisyon. Ilan
sa mga ito ay Piyesta, Mahal na Araw, Senakulo, Simbang Gabi, Flores De Mayo, Ramadan,
at iba pa. Magkatulad ang pagdiriwang ng mga tradisyong nabanggit ng mga taga Lungsod
ng Dipolog at ng mga tao sa Lungsod ng Dapitan.
Kaugalian
Bagama’t moderno na ang pamumuhay sa lahat ng rehiyon ng Pilipnas, nanatili parin sa
karamihan ang kaugaliang Pilipino. Namamasid parin ang paghawak ng kamay ng mga
nakakatanda para magbigay galang at pakikipagkapwa tao.
Paniniwala
Maging sa mga pamahiin at kasabihan ay may pagkakatulad ng paniniwala ang mga taga
lalawigan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.
Mga Halimabawa ng Paniniwala
Bawal isukat ang damit pangkasal – maaring hindi matuloy ang kanyang kasal
Bawal kumanta habang nagluluto – Hindi makapag-asawa
Kapag may nahulog na kutsara o tinidor - May darating ng bisita.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon - Ito ay simbolo ng kamalasan.
Kapag may nakasalubong na pusang itim – May nakaambag na panganib.
Produkto
Dahil sa pagkakaiba ng pisikal na kapaligiran ng mga lalawigan ng Zamboanga del Norte at
Zamboanga del Sur, magkaiba ito ng mga natatanging produkto.
Produkto sa Lalawigan ng Zamboanga del Sur
Coco Oil, Paggiling ng mga feeds ng Hayop, Paggiling ng bigas/mais, Pagproseso ng mga
Prutas, mga regalo at gamit sa bahay na gawa sa katutubong materyales tulad ng papel,
ugat, rattan, buri at kawayan.
Produkto sa Lalawigan ng Zamboanga del Norte
Ito ay pangunahing lalawigang agrikultural. Ang pangunahing produkto nito ay bigas, niyog at
isda.
Zamboanga
Zamboanga
del Sur
del Norte
Pagkakat
ulad
Gawin B. Bilang isang miyembro ng lalawigan ng Zamboanga del Norte, paano mob
mapapanatili at mapapahalagahan ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon na meron
ang ating lalawigan?
Panuto: Ihambing ang ang iyong lalawigan sa lalawigan ng Zamboanga del Sur. Piliin at
isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Anong pangunahing wika ang ginagamit ng Zamboanga del Norte at ng Zamboanga del
Sur?
A. Cebuano C. Waray
B. Tagalog D. Hiligaynon
2. Ang paniniwalang kapag may nakasalubong na pusang itim sa daan ay nangangahulugan
na _________________________.
A. Hindi makapag- asawa C. May nakaambang panganib
B. May darating na bisita D. May darating na kamalasan
3. Dahil ang lalawigan ng Zamboanga del Norte ay lalawigang agrikultural, ano ang
pangunahing produkto nito?
A. Ginto, pilak at uling C. Yero, bakal at tanso
B. Niyog, bigas at isda D. mantika, gatas at karne
4. Anong rehiyon napabilang ang lalawigan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur?
A. Rehiyon XI C. Rehiyon X
B. Rehiyon IX D. Rehiyon VIII
5. Bakit may pagkakaibang produkto ang lalawigan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga
del Sur?
A. Maraming gusali sa Zamboanga del Sur kaysa Zamboanga del Norte
B. Malaki ang lupain ng Zamboanga del Norte kaysa Zamboanga del Sur
C. Maraming populasyo ang ng Zamboanga del Norte kaysa Zamboanga del Sur
D. Pagkakaiba ng pisikal na kapaligiran ng mga lalawigan ng Zamboanga del Norte at
Zamboanga del Sur
Sanggunian
Osabel, Irish Johansen S., DLP Grade 3 Quarter 3 Week 3 Day 1
AP3 Quarter 3 Module 5
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawin A at Gawin B Sanayin
(Depende sa sagot ng bata) 1. A 3. B 5. D
2. C 4. B
PAALALA: Huwag sulatan ang materyal na ito. Gumamit ng sagutang papel o kwaderno.
Gawin A. Itala sa data retrieval chart ang pagkakatulad o pagkakaiba sa iba’t-ibang aspeto
ng kultura.
Wika at Diyalekto
Tradisyon at Pagdiriwang
Produkto
Kaugalian
Gawin B. Nakakabuti kung bibigyang-halaga natin ang mga tradisyon sa ating komunidad
sapagkat
Panuto: Ihambing ang ang iyong lalawigan sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Piliin at
isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pagdiriwang ng Sibug-sibug Festival ay ipinagdiriwang ng mga tao sa Zamboanga
Sibugay tuwing ___________________.
A. Enero C. Marso
B. Mayo D. Pebrero
2. Ang wika ng mga tao sa Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Norte ay parehas na
_______________________.
A. Tagalog C. Cebuano
B. Chavacano D. Subanen
3. Ang mga sumusunod ay ang mga produkto ng Zamboanga Sibugay maliban sa
________________________________
A. Paggawa ng barko
B. Ang pagproseso ng goma
C. Paggawa ng mga kasangkapang gawa sa kahoy at rattan
D. Pagproproseso ng pinatuyong isda at pusit
4. Ano ang hangganan ng Zamboanga Sibugay sa pahilaga?
A.Zamboanga del Sur C.Isabela City
B. Zamboanga City D. Zamboanga del Norte
5. Paano mo mabibigyang - halaga ang mga nasabing kaugalian, paniniwala at tradisyon sa
iba’t-ibang lalawigan?
A. Pagtawanan ang mga ito.
B. Pintasan ang mga taong naniniwala tungkol dito.
C. Pagsunod dito at ibahagi sa iba ang nalalaman.
D. Pagbalewala sa mga batas o kaugalian sa kanilang lugar.
Sanggunian
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawin A Sanayin
(Depende sa sagot ng bata) 1. B
2. A
3. A
4. D
5. C
ASIGNATURA Araling
AT BAITANG Panlipuna KWARTER 3 LINGGO 5 ARAW 3 _____________
n3
Petsa
PAALALA: Huwag sulatan ang materyal na ito. Gumamit ng sagutang papel kwaderno.
Ang Zamboanga City ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Rehiyon IX. Ito ay isang
chartered city o nakakartang lungso. Ito ay binubuo ng 98 barangay. Ang populasyon nito ay
katulad din ng Zambanga del Norte na binubo ng iba’t ibang tribu. Ang sentrong ethnic
group ng Zamboanga ay ang Zamboangueño. Ang mga minor ethnic groups ng Zamboanga
ay ang Tausug, Subanon, Sama, Yakah at Badjao
Wika
Ang Zamboangueńo o Chavacano ang pangunahing wika ng Zamboaga City. May mga wika
din na Samal, Badjao at Tausog sapagkat ang Zamboanga City ay malapit sa lugar ng
Basilan, Sulo at Tawi- tawi.
Tradisyon
Halos lahat ng lalawigan sa Pilipinas ay may pinagdiriwang na mga kaugaliang Tradisyon.
Ilan sa mga ito ay Piyesta, Mahal na Araw, Senakulo, Simbang Gabi, Flores De Mayo,
Ramadan, at iba pa. Kung mayroon tayong Pagsalabuk Festival ang Zamboanga City ay
mayroong Zamboanga Hermosa ay isang pagdiriwang para sa Kapistahan ng Birhen sa Pilar.
Ang Fiesta Pilar ay isang kapistahan kung saan Kristiyano man o Muslim ay ipinagdiriwang
ito. Isa rin sa mga ipagmamalaking tradisyon ng Zamboanga City ay ang Vinta Festival o ang
Regatta Festival. Ito ay ang maliliit na bangka na may makululay na layag o tinatawag nila
itong lepa- lepa o sakayan. Ipinagdiwang din ng ating kapatid na Muslim ang Hariraya Puasa
bilang pasasalamat ng mga Muslim matapos ang 29 na araw ng Ramadan.
Kaugalian
Bagama’t moderno na ang pamumuhay sa lahat ng rehiyon ng Pilipnas, nanatili parin sa
karamihan ang kaugaliang Pilipino. Namamasid parin ang paghawak ng kamay ng mga
nakakatanda para magbigay galang at pakikipagkapwa tao.
Paniniwala
Maging sa mga pamahiin at kasabihan ay may pagkakatulad ng paniniwala ang mga
lalawigan ng Rehiyon IX. Halos pareho o magkatulad lamang ang mga paniniwala ng taga
Zamboanga City sa iba pang lalawigan ng ating rehiyon.
Produkto
Dahil ang Zamboanga City isang lungsod na malapit sa dagat, ang kanilang pangunahing
produkto ay mga lamang dagat. Sila rin ang isa sa mga lungsod na may pinakamaraming
planta sa paggawaan ng sardinas. Katulad din ng ating lalawigan, gumagawa din tayo ng
sardinas. Ang pangunahing produkto ng ating lalawigan ay bigas, niyog at isda.
Sanggunian
AP3 Quarter 3 Module 5
Google.com
Wikipedia
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawin A
1. 2. 3. 4. 5.
ASIGNATURA Araling
AT BAITANG Panlipunan 3 KWARTER 3 LINGGO 5 ARAW 4 _____________
Petsa
PAKSA Mga Kaugalian, Paniniwala at Tradisyon ng Iba’t – ibang lalawigan sa
Rehiyon. (Isabela City)
PAALALA: Huwag sulatan ang materyal na ito. Gumamit ng sagutang papel o kwaderno.
Ang lungsod ng Isabela ay isang ikalimang klaseng lungsod at dating kabisera ng lalawigan
ng Basilan sa Pilipinas. Matatagpuan ang lungsod sa hilagang baybayin ng Basilan. Sa
kabila ng Kipot ng Basilan sa hilaga ay ang lungsod ng Zamboanga. Habang
pinangangasiwaan ang lalawigan ng Basilan bilang bahagi ng Autonomous Region in Muslim
Mindanao, ang mismong lungsod ng Isabela ay hindi bahagi ng rehiyong ito; sa halip,
pinangangasiwaan ito sa ilalim ng Zamboanga Peninsula Region. Ang Isabela City ay
mayroong 45 baranggay.
Wika
Ang wikang Yakan ay ang pangunahing wika ng Isabela City sapagkat ang populasyon nito
ay mas nakakahigit ang Muslim. Dahil na arin sa malapit lamang ito sa Zamboanga City
ginagamit din ang Chavacano bilang wika sa pagkokomunikasyon. Ginagamit din ang
wikang Cebuano sa iilan
Tradisyon
Bilang isang lungsod na may malaking populasyon ng mga Muslim, ipigdiwang Ramadan,
Hariraya Puasa at iba pang tradisyon ng mga Muslim. Ang mga tradisyon na ito ay
gianagawa din sa ibang lalawigan o lungsod na ating rehiyon. Tuwing ika- 25 ng Abril ay
ipanagdiwan ng Isabela City ang Cocowayan Festival kung saan ginugunita nito ang
pagkakalikha ng Isabela. Ipinagdiwang din ang ang mga kapistahan para sa mga Katoliko na
gaya ng ibang lugar sa lalawigan.
Kaugalian
Bagama’t moderno na ang pamumuhay sa lahat ng rehiyon ng Pilipnas, nanatili parin sa
karamihan ang kaugaliang Pilipino. Namamasid parin ang paghawak ng kamay ng mga
nakakatanda para magbigay galang at pakikipagkapwa tao. Pinapahalagahan din ng mga
kapatid nating Muslim ang mga turo ng kanilang Diyos na si Allah na napakaloob sa
kanilang Koran o bibliya ng mga Muslim
Paniniwala
Maging sa mga pamahiin at kasabihan ay may pagkakatulad ng paniniwala ang mga
lalawigan ng Rehiyon IX.
Mga Halimabawa ng Paniniwala
Bawal isukat ang damit pangkasal – maaring hindi matuloy ang kanyang kasal
Bawal kumanta habang nagluluto – Hindi makapag-asawa
Kapag may nahulog na kutsara o tinidor - May darating ng bisita.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon - Ito ay simbolo ng kamalasan.
Kapag may nakasalubong na pusang itim – May nakaambag na panganib.
May paniniwala din ang mga Muslim na bawal kumain ng karneng baboy na hanggang sa
kasalukuyan ay kanilang ginagawa.
Produkto
Bilang isang lungsod na malapit sa karagatan, ang pangunahing produkto nito ay galing sa
karagatan tulad ng mga isda, lamang dagat at iba pa. Ang goma din ay isa sa mga produkto
ng lungsod ng Isabela.
Gawin A. Panuto: Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura Zamboanga del
Norte at Zamboanga del Sur. Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kaugalian,
paniniwala at tradisyon sa Venn Diagram.
Zamboanga
del Norte Isabela City
Pagkakat
ulad
Panuto: Ihambing ang ang iyong lalawigan sa lungsod ng Isabela City. Piliin at isulat sa
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ang wikang Chavacano ay sa Zamboanga City. Ang ______________ ay sa Isabela City.
A. Cebuano C. Tagalog
B. Subanen D. Yakan
2. Kung ang Zamboanga del Norte ay may Hudyaka Festival, ang Isable City naman ay may
________________________.
A. Zamboanga Hermosa C. El Toro Festival
B. Cocowayan Festival D. Charter Day
3. Ang ____________ ay magkaparehong produkto ng Zamboanga Sibugay at Isabela City?
A. goma C. mantika
B. sardinas D. ginto
4. Ang aklat kung saan nakasaad ang utos ni Allah.
A. Koran C. Diksyunaryo
B. Bibliya D. Atlas
5. Paano mo maipapakita ang paggalang sa paniniwala ng mga Muslim na nakatira sa
Isabela City?
A. Pagluluto ng pagkain na bawal sa kanila
B. Paggalang sa oras ng kanilang pagsamba
C. Pagtawanan ang kanilang mga kasuotan
D. Pagkukutya sa kanilang pagdiriwang
Sanggunian
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawin A & Gawin B Sanayin
(Depende sa sagot ng bata) 1. A
2. B
3. A
4. A
5. B
ASIGNATURA Araling
AT BAITANG Panlipuna KWARTER 3 LINGGO 5 ARAW 5 _____________
n3
Petsa
PAALALA: Huwag sulatan ang materyal na ito. Gumamit ng sagutang papel o kwaderno.
Ang mga larawan sa ibaba ay ang mga iba’t ibang tradisyon na ipinagdiriwang sa iba’t ibang
lalawigan o lugar sa ating rehiyon. Aling pagdiriwang sa ibaba ang iyong nasaksihan?
Ang bawat lalawigan sa isang rehiyon ay may iba’t-ibang paniniwala, kaugalian, at tradisyon
na nakabatay sa kani-kanilang kultura.
Gawain A. Itala sa tsart ang iba’t ibang pagdiriwang ng iba’t ibang lalawigan sa ating rehiyon
Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito
sa inyong kuwaderno.
1. Lugar kung saan ipinagdiriwang ang Megayon Festival.
A. Dipolog City C. Zamboanga del Sur
B. Oroqueta City D. Zamboanga City
2. Kilala din ito bilang Fiesta Pilar.
A. Hudyaka Festival C. Hermosa Festival
B. Palad-palad Festival D. Kinabayo Festival
3. Bakit mayroong iba’t ibang pagdiriwang o tradisyon ang bawat lalawigan sa rehiyon?
A. Ito ay dahil inutos ng pamahalaan
B. Ito ay dahil sa pasasalamat sa Panginoon at paggunita sa mahalagang araw ng
lalawigan
C. Ito ay dahil para mataboy ang masamang espiritu
D. Ito ay dahil mabawasan ang klase ng mga bata
4. Isang makabuluhang padiriwang ng pagsasaya taunan. Dinadaluhan ito ng mga
contingent mula sa buong lalawigan.
A. Huydaka Festival C. Hermosa Festival
B. Palad-palad Festival D. Sibug- sibug Festival
5. Ito ay ginugunita sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay tuwing Pebrero bilang paggunita
nito sa pagiging isang ganap na lalawing.
A. Kinabayo Festival C. Megayon Festival
B. Pagsalabuk Festival D. Sibug- sibug Festival
Sanggunian
Osabel, Irish Johansen S., DLP Grade 3 Quarter 3 Week 3 Day 4
AP3 Quarter 3 Module 5
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawin A Sanayin
(Depende sa sagot ng bata) 1. C
Gawain B 2. C
(Depende sa sagot ng bata) 3. B
4. A
5. D
DEVELOPMENT TEAM
Writer: John Exan Rey N. Llorente
Illustrator: John Exan Rey N. Llorente
Evaluator: Maricel C. Alit
Elmer P. Castillon
Russellieth Joyce A. Nieves
Jane P. Nadela