You are on page 1of 21

Kultura Ko, Kultura Mo

Magkaiba, Magkapareho
BALIK-ARAL

Magbigay ng halimbawa ng kaugalian ng


iyong sariling lalawigan.
PAGGANYAK

May narinig ka na bang matandang


kasabihan? Anu-ano ito? Naniniwala ka
ba dito? Bakit oo? Bakit hindi?
PAGLALAHAD

Mga kadalasang paniniwala:


1. Sa Kasal:
 Bawal isukat ang damit pangkasal –
Maaaring hindi matuloy ang kasal
 Dapat unahan ng babae ang lalake na
lumabas ng simbahan – upang hindi siya
maliitin.
 Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo
ng kaswertehan.
2. Kapag may sumakabilang-buhay
 Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring
hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
 Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon
ng kuto.
 Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/
Pagtawid ng mga bata sa kabaong – upang hindi
sila guluhin ng namayapa.
 Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa
namayapa – upang hindi na siya masundan.
 Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang
respeto
 Bawal matuluan ng luha ang kabaong –
upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa
langit
3. Sa Kusina:
 Kapag nahulog ang kutsara – may darating na
bisitang babae
 kapag nahulog ang tinidor – may darating na
bisitang lalaki
 Bawal kumanta sa harap ng kalan - may
masamang mangyayari.
 Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng
hindi pagrespeto sa biyaya ng Diyos
 Bawal paglaruan ang apoy – maaaring
lumabo ang mata.
 Hindi dapat makabasag ng pinggan sa
araw ng okasyon – ito ay simbolo ng
kamalasan.
• Magkaroon ng malayang talakayan ukol sa
binanggit na kadalasang paniniwala.

• Talakayin kung ito ay naobserbahan o


nakita na nila sa nakatatanda nilang
kamag-anak.
• Pag-usapan kung may pagkakapareho o
pagkakaiba ang mga paniniwala sa
ibang karatig – rehiyon
• Makikita natin na marami ang
pagkakapareho ng kaugalian, tradisyon
at mga paniniwala lalo na ng mga
karatig na lalawigan at rehiyon.
Marami din namang pagkakaiba ang
pamumuhay sa ibang lalawigan at
rehiyon.
PAGLINANG
Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bigyan
ng task card ang bawat pangkat. Magtala
ng tatlong paniniwala at tukuyin kung ito
ay katulad din ng paniniwala ng karatig
rehiyon
Pangkat 1 at 2: Ihambing sa NCR

Pangkat 3 at 4: Ihambing sa IV-B


MIMAROPA
Paniniwala Magkapareho Magkaiba
PAGLALAPAT

Paano mo pahahalagahan ang pagkakaiba


iba ng paniniwala ng sariling lalawigan at
ibang lalawigan?
PAGLALAHAT

Ano ang pagkakatulad ng kultura ng


sariling lalawigan sa karatig na lalawigan?
Ano ang pagkakaiba ng kultura ng sariling
lalawiga sa karatig a lalawigan?
PAGTATAYA

Kumpletuhin ang pangungusap.


Ang paniniwala ng aming rehiyon at
karatig rehiyon ay
__________________________________
dahil ____________________________
kaya ____________________________
___________________________.
Karagdagang Gawain

Magsaliksik pa ng ibang paniniwala sa


inyong lalawigan o karatig rehiyon at isulat
ito sa inyong kuwaderno.

You might also like